Ipagluto Mo Ako, Miss Alcose 4

1119 Words
Maliksi tuloy akong napaurong. May pangamba rin sa aking isipan at baka sapakin akong bigla ng bagong boss ko. "S-Sorry po, Sir," nauutal kong sabi rito. Habang nakatungo ang aking ulo. Subalit--- nagulat ako nang bigla nitong hinawakan ang aking chin at dahan-dahan iyong inangat. At mas inilapit pa nitong lalo ang mukha sa akin. Parang isang dangkal na lang at mahahalikan na ako nito. Hanggang sa tuluyan magtama ang mga mata namin. Parang may nag-uudyok sa akin na titigan ko ang mga mata ito. Aaminin kong sobrang gwapo talaga nito. Parang nakakawala ng katinuan ang angkin nitong karisma. s**t! Hindi puwede ito! Mabilis akong lumayo sa lalaki. Baka kasi biglang sapian ng kakaiba ang utak ko at mahalikan ko ng lalaking ito. Naku! Mahirap na. "S-Sir, may ipag-uutos ka po ba sa akin?" tanong ko sa lalaki. Ngunit ang aking boses ay sobrang kabado, isabay pa ang pautal-utal din. "Yes, ipagluto mo ako ng ulam, dahil nagugutom na ako," seryosong saad nito sa akin. Pero nakatitig pa rin sa aking mukha. "Ha? Bakit ako?!" gulat na gulat na tanong ko sa lalaki. Kumunot naman ang noo nito. "Bakit hindi ikaw? Saka, employees kita rito, right? Kaya kahit ano'ng ipag-utos ko sa 'yo dapat sundin mo. Tandaan mo may kasalanan ka pa sa akin, Miss Alcose. Kailangan mong pagbayaran iyon!" seryosong sabi nito. "Pero--- ikaw naman po ang may kasalan, Sir," katwiran ko rito. Biglang dumilim bigla ang mukha nito, habang nakatitig pa rin sa akin. Naghalukipkip din ito ng mga braso niya. "Papipiliin kita. I'll fire you or you cook for me? Mamili ka sa dalawa, Miss Alcose?" Napanganga naman ako sa aking narinig. Wala rin akong magagawa kundi ipagluto ito. Kaysa naman tanggalin ako sa trabaho. "Sige po, ipagluluto na kita, Sir," labas sa ilong na sagot ko sa lalaki. "That's Good! Magkakasunod tayo. Sige na, ipagluto muna ako, Miss Alcose," muling utos nito sa akin. Kaya kahit nasama ang loob ay napilitan akong pumunta ako sa office pantry. "Miss Alcose!" narinig kong pagtawag sa akin ni Sir. Maliksi akong luningon dito. "Bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya dahil inuutusan kita?!" pasinghal na tanong sa akin ni Sir. At dahil sa sinabi nito bigla akong ngumiti. "Ano po, Sir, okay na ba ito? Nakangiti na ako, oh," anas ko pa habang nakangiti talaga sabay labas ng ngipin ko. "Pinagloloko po ba ako, Miss Alcose?!" "Naku! Hindi po, Sir, heto nga, oh, nakangiti na dahil iyon naman ang gusto mo," anas ko pa, habang nakanginti pa rin. Iwan ko ba, kung ngiti bang matatawag iyon? Oh, nakalabas lang ang aking ngipin ko. "Magluto ka na nga!" pasigaw na utos nito sa akin. "Okay po, Sir," sagot kong nakangiti pa rin. Nakita ko namang lalo itong na asar sa akin. Kaya naman nagdesisyon na akong pumunta sa pantry. Subalit bigla akong napatingin sa ibabaw ng table ng lalaki at nabasa ko roon ang pangalan nito. "Alexis White," mahinang pagbasa ko sa pangalan ng bagong boss ng Mall na ito. "Miss Alcose!" "Ay! Kabayong puti!" malakas na bigkas ko. Dahil sa pagkagulat. "What did yo say?!" "Ah. . . Eh. . . wa-wala po. Wait lang po, Sir, magluluto na po ako!" tarantang sabi ko sa aking boss. Pagkatapos ay nagmamadaling humakbang papunta sa pantry ng opisina nito. Dali-dali akong pumasok sa loob. Napanganga naman ako sa pantry. Grabe ang ganda rito. Parang nasa kusina lang ako ng bahay ng isang mansiyon. Maliksi naman akong lumapit sa refrigerator para buksan iyon. Subalit--- gusto kong magmura ng inam, nang makita kong talong ang laman nito. Peste! Pati ba naman hanggang dito, sinusundan ako ng mga eggplant na ito? Naihilamos ko tuloy ang aking kamay sa mukh ko. Jusko po! Ano'ng lulutuin ko rito? Tatlong pa rin ba? Halos mangiyak-ngiyak ako nang kuhanin ko ang ilang pirasomg talong. Dahil ito lang naman ang laman ng refrigerator ni Mr. White. Wala ng iba pang ulam para lutuin. Nakakainis naman! Kasi--- talong sa bahay, tapos habang nasa biyahe ako kanina, talong pa rin. At pagdating naman dito sa opisina ni Mr. White, talong pa rin! Ano ito? Walang kamatayang talong! Kahit sobrang umay na umay na ako sa talong ay napilitan akong magluto. Pritong talong lang ang aking niluto para mabilis lang. Naghanda rin ako ng sibuyas at kamatis na may toyo. Nagluto na rin ako ng kanin. At nang maluto ay agad kong dinala kay Mr. Puti. Nang papalapit na ako sa aking big boss ay napansin kong babaling siya sa akin. Kaya naman hinanda ko agad ang aking pag-ngiti, na labas ang ngipin ko. Dahil sa ginawa ko'y biglang dumilim na naman ang mukha ni Mr. White. . "Pinagloloko mo ba ako, Miss Alcose?!" asar na tanong nito sa akin. Kulang na lang ay batuhin ako ng laptop na nasa harapan nito. "Ha? Hindi po, ah! Bakit ko naman gagawin iyon," sagot ko rito habang nakangiti pa rin at labas ang ngipin ko. Agad ko namang inilagay sa center table ang dala-dala kong pagkain. Pagkatapos ay muling tumingin sa lalaki. "Kumain ka na po, Sir," pagyaya ko sa lalaki. Walang salita namang tumayo ito at lumapit sa sofa at agad na naupo. "Sit down and let's eat." Parang gusto kong magtatakbo papalabas ng opisina ng lalaki. Para takasan ang mga talong na kakainin ko na naman. Parang gusto kong tumalo na lang sa bintana ng opisina nito. Para lang takasan ang eggplant. Hanggang sa magulat ako nang bigla akong hawakan sa kamay ko at hilahin papunta sa tabi nito. Kaya lang imbes na mapunta ako sa tabi nito ay sa kandungan ni Mr. White ako napaupo. Parang nagridogon sa pagkabog ang aking dibdib ng mga oras na ito. Tangka na sana akong tatayo, subalit--- mahigpit akong hinawakan sa aking beywang upang hindi makawala mula sa pagkakahawak nito. "Are you afraid of me, Miss Alcose...?" pabulong na tanong sa akin ni Mr. White. Parang biglang nagtaasan ang mapipino kong balahibo sa aking batok lalo na nang tumama ang mainit na hininga nito sa aking batok. Magkakasunod muna akong lumunok ng laway. "S-Sir--- d-dito na lang po ako uupo sa sofa," kabadong sabi ko sa lalaki. "Why? Don't you want to sit on my lap, Miss Alcose?" "S-Sir, hindi naman po magandang tingnan na rito ako nakaupo sa kandungan mo. Saka, boss kita, ang pangit pong tingnan," katwiran ko sa lalaki. "Paanong pangit tingnan? Tayong dalawa lang ang nandito, 'di ba? Lahat puwede kong gawin sa 'yo. Hmmm! Puwede kitang gahasain dito," walang prenong sabi niya sa akin. Dahil sa mga pinagsasabi nito ay maliksi kong inalis ang kamay niya sa aking beywang. Subalit hinuli lamang nito ang aking mga kamay. At mahigpit iyong hinawakan. "You smell so good, Miss Alcose..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD