DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2
MATTHEW & KIERSTENN 15
Namula si Matthew ng makitang nakamaang ang dalawa nilang katulong para siyang napaso at walang lingon siyang tumalikod at umakyat na sa kanyang kwarto. s**t!! bulong niya ng makapasok siya sa loob ng sariling kwarto. Ano na kaya ang sinasabi ngayon ng dalawang iyun?...ani naman siya sa sarili. Ginulo niya ang kanyang buhok at pabagsak na humiga sa kanyang kama. Ngunit napangiti siya ng maisio si Tenten...kakaiba talaga ang tapang ng babaeng iyun wika niya sa sarili..tsk! tsk! tsk! napapalatak ang binata. Parang gusto niya itong tabihan sa pagtulog hindi pa niya ito natabihan kahit minsan dahil laging abnormal ito aniya. Pumikit nalang siya at pinilit na makatulog kinalimutan na muna niya ang dalaga para naman maipahinga niya ang kanyang isipan.
Kinabukasan. Maagang gumising si Tenten balak niyang magbake ng cake dahil sinisipag siya gusto niya kasi lagi sanang may ginagawa siya kaso tinatamad siya minsan. Itinali niya ang kanyang mahabang buhok at nagsimula na siyang gumawa ng cake. Inamoy niya ito ng maluto saka naglagay siya ng mga arts nito sa ibabaw saka niya masayang pinagmasdan ang kanyang ginawa. "Para sa akin ba yan honey?" Untag sa kanya ni Matthew. Napalundag siya sa gulat at inis na tiningnan niya ang binata. Hinalikan siya sa pisngi kaya hindi lang siya nainis kundi namula pa. "Manyak" tinuran niya dito saka niya pinandilatan ang binata. Ngumisi lang ito at kinindatan siya. Maya maya'y lumapit sa kanila si Rhoda agad namang nag- iwas ng tingin si Matthew dahil sa ginawa niya kagabi. "Sir Matt andiyan po si ma'am Joyce" sabi ni Rhoda sa binata. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Tenten saka niya tiningnan ang binata. "Relaks i'm yours honey" nanunuksong turan ng binata saka siya kinindatan. Pinandilatan niya ito inis na sinundan niya ng tingin papunta kay Joyce. Dahan - dahan siyang sumilip sa sala kung saan naroon ang dalawa. Umusok ang kanyang ilong nang makita niyang nakahawak si Joyce sa braso ni Matthew. Nagmartsa siyang lumabas ng dining room at kunwari hinahanap niya si Matthew. "Honey!! nasaan ka ba?" Kunwaring tawag niya dito nakita niyang agad bumitaw si Joyce sa braso ng binata. Napangisi si Tenten...bruha ka aakitin mo pa si lamok ah....bulong niya sa sarili. "Honey!! tapos ko ng niluto ang cake halika na" ulit ng dalaga sabay pang pinalambing niya ang kanyang boses. Biglang lumitaw si Matthew sa kanyang harapan kasunod si Joyce. Ngumiti siya ng pagkatamis. "Oh...may bisita pala tayo hon.." malandi niyang bigkas at yumapos siya sa binata. Nakita niyang lumaki laki ang butas ng ilong ni Joyce. Lihim siyang nagdiwang...konti nalang mabubuwang kana ...bulong niya saka nginitian si Joyce. Ngumiti din ito nang napipilitan. Habang abot tenga na ang ngiti ni Matthew sabay titig kay Tenten. Hinila niya ang binata saka pinaupo. Binigyan niya ito ng isang slice ng cake. Binalingan niya si Joyce. "Oh...come try this cake i made it" maarteng pa english ni Tenten. "Nope. Allergy ako sa baking powder" tanggi nito. Tumaas ang kilay ni Tenten. "Ahhmm..hindi na ako magtatagal sana makarating ka" sabi ni Joyce saka tumingin kay Matthew. Napaismid si Tenten. "Sure..teka ihahatid na kita sa labas" sagot ng binata. Ni hindi nagpaalam kay Tenten inis na bubulong bulong ito pag-alis ni Matt at Joyce. Matagal bago bumalik si Matthew. Nakain na nga ni Tenten ang kalahati ng cake. Maya maya pa'y dumating na si Matthew. "Sorry may dumating na tauhan ko galing rancho kaya natagalan ako" paghihinging paumanhin ng binata. "Asan na ang kinakain ko dito?" Tanong nito sa kanya. "Kinain ko na sayang naman iniwan mo diyan" inis niyang sagot. Napatitig si Matthew kay Tenten. "May sumpong ka ulit?" nakakunot- noong tanong nito. "Wala..heto kainin mo lahat yan babaero" inis paring tugon ni Tenten kay Matthew at padabog na ibinigay dito ang kalahati ng cake saka mabilis na umalis. Nakanganga lang si Matthew. "Hanep talaga 'tong babae na ito abnormal talaga" sabi ni Matthew sa sarili at pinagbalingan ang natirang cake sunod sunod niya itong isinubo. Samantalang asar na asar si Tenten na dumiretso sa hardin. Umuusok ang kanyang ilong dahil sa inis. Saan kaya dadalhin ng pilingerang iyun si Matthew? tanong niya sa sarili. Humalukipkip siya at nag-isip. Biglang may tumapik sa kanyang balikat agad niyang nilingon iyun at nakita niyang si Rayver lang pala. "Bakit biyarnes santo ang mukha mo Ninenine?" Tanong agad ng binata ng mapansing nakasimangot siya. "Wala, may dumating lang na aswang" nakasimangot paring sagot ng dalaga. Napatawa si Rayver at tiningnan siya ng nakakoloko. "You mean...Joyce?" Nakangiti paring tanong nito. "Hindi ah..wala akong sinabing pangalan" pagkakaila niya. Umiling -iling si Rayver. "Okay, sinabi mo eh.." patinaod nito saka muling tumawa. Nainis siya bigla dahil sa katatawa ng binata. "Anong nakakatawa aber?" Mataray niyang tanong dito. Tumigil si Rayver sa kakatawa ngunit pilit itinatago ang ngiti. "Wala naman...it's just you are funny" sagot ng binata. Sumimangot siya at tinalikuran niya ang binata. "Hey!!! what's wrong?" Pagmaang - maangan ni Rayver kay Tenten. "Magsama kayong ampas at lamok magsipsipan kayong dalawa" sagot ni Tenten kay Rayver habang naglalakad paalis.