DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 CHAPTER FOURTEEN

745 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2 MATHEW & KIERSTENN 14 Medyo matagal ding naglaro ang mga boys feeling tuloy ni Tenten gusto na niyang silaban ng apoy ang mga plastik sa kanyang harapan lalo na ang inggiterang April na yan. Titig na titig kasi sa dibdib niya saka nito tinitingnan ang sariling diddib parang timang lang. "Hey...gusto mong maligo?" Untag s kanya ni Gerald nilingon niya ito dahil nasa likuran niya ang binata. Nag- isip siya saglit at baka magalit na naman si lamok. Pero gusto niyang lumayo sa mga plastik. Tumango siya ta tumayo saka siya sumama. Nang biglang makakasalubong nila si lamok este Matthew. Nakakunot noo ito na nakatingin sa kanya. "Where are you going?" Matigas na tanonh nito sa kanya. "Ahhh maliligo lang sana" sagot niya at tiningnan din niya ito sa mata. Pinadilatan siya nito kaya namula siya. "Hindi pwede may asthma ka bawal ang magbabad sa tubig" turan nito saka.siya hinila. Ipiniksi niya ang kamay ng binata saka siya inis na tumingin ng makalayo sila kay Gerald. "Bakit ba? ano bang problema mo gusto kong lumangoy sa dagat" inis niyang sabi sa binata. "Then ako ang kasama hindi ang bullfrog na yun naiintindihan mo?" inis ding tugon ng binata. Natahimik siya. "Nagseselos ka ba?" Tanong niya kay Matthew. "Hindi gusto ko lang manakal" irap nito sa kanya. "Por dios kang lamok ka mananakal ka o ano tapos mabibilanggo ka nababaliw ka na yata" ani niya saka umiling iling. Ngumisi ito sa kanya. "Nakakahawa kasi yang pagka abnormal mo!" Wika nito saka pinitik ang tungki ng kanyang ilong. Nandilat siya sa sinabi nito sasagot sana siya ng naunang nagsalita ang binata. "Sasagot ka hahalilan kita" mabilis nitong sinabi. Natakpan niya ang kanyang bibig saka siya umiling baka totohanin nito maging tampulan pa sila ng tukso. Lahat ng gusto ni Matthew ay sinusunod ng dalaga takot na baka halikan siya nh binata sa harapan ng maraming tao pero deep inside kinililig siya promise... Nang papadilim na ay nagpaalam na silang dalawa naiwan si.Rayver dahil mag oover night daw ang mga ito. Malungkot si Gerald ng magpaalam na sila. "Ang bullfrog mo malungkot kanina" biglang sabi ni Matthew habang nasa daan sila. "Eh ano ngayon?" Inis niyang sagot. "Lumalaban ka na naman ba?" Tanong nito sa kanya. Inirapan niya ito. "Oo bakit?" Pandidilat niyang tugon sa binata. "Hahalikan mo ako ganun?" Patuloy ng dalaga. Biglang nagpreno si Matthew. "Sinusubukan mo talga ako ano?" Wika nito at umusog palapit kay Tenten. Nataranta naman ang dalaga at sumisiksik siya sa gilid ng pintuan ng kotse. "Hindi...binibiro lang kita...ikaw naman di mabiro" pilit niyang sinabi saka pilit din siyang ngumiti. Napangisi si Matthew at muling pinaandar ang kanyang sasakyan. Hindi naman na umimik pa si Tenten hanggang makarating sila sa villa. Nagulat sila ng maratnan nilang may bisit pala sila. Tumayo ang dalawang babae at sinalubong sila. "Hi Matty i misa you" maarteng wika ng mahaba ang buhok na babae saka hinagkan si Matthew sa bibig. Agad siyang nilingon ng binata at siya naman napataaas ang kanyang isang kilay sa ginawa ng panauhin nila. Tumikhim si Matthew. "Ahmm.. Ten sina Joyce at Nova, girls si Tenten" pagpapakilala nh binata sa kanilang tatlo. Nagkangitian sila at nagbeso beso. "Im Matthew's girlfriend" lakas loob na sinabi niya sa dalawa. Napunit ang matamis na ngiti sa labi ni Joyce saka siya tinitigan ng matalim. Nginitian niya ito ng parang nakakaloka. Sumimangot ito. Diyos ko patawarin mo ako sa pagiging demanding at pilingera ko piping usal ni Tenten sa kanyang sarili. Lumingon siya kay Matthew na di maipinta ang nakakaloko ring ngiti nito saka siya kinindatan bigla siyang napahawak sa braso ng binata. "Ahhmm..dumaan lang kami dahil inutusan kami ni Louella na idaan itong regalo niya sa kambal" basag ni Nova sa namumuong tensyon sa pagitan nila. Tumango tango si Matthew at inabot iyun. Pagkatapos ay nagpaalam na sila habang bantulot si Joyce sa pag- alis at masam ang tingin nito sa kanya kinawayan niya ito at binigyan ng isang flying kiss pinatirik naman ni Joyce ang kanyang mga mata tanda na naiinis marin ito. "Lets sleep honey?" Baling sa kanya ni Matthew kaya agad niya itong nilingon saka agad ding binawi ang kanyang kamay sa bisig ng binata. Namula siya at patakbo niya itong iniwanan humalakhak naman si Matthew. "Tenten takbo andiyan na ako honey!!!" Sigaw nito huli na ng mapansin niyang andun pa pala sina Manang Cely at Rhoda na nakatanga sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD