DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2
MATTHEW & KIERSTENN 16
Nagngingit-ngit parin ang kalooban ni Tenten magmula pa kaninang umaga. May pinuntahan bigla si Matthew kaya bubulong -bulong ang peg ni Tenten. Para siyang animo bubuyog sa kakabulong. Maya-maya pa'y narinig niyang dumating ang sasakyan ni Matthew, napatuwid siya ng upo para kasing kumabog ang kanyang dibdib. Nakunwari siyang abala sa panonood. Biglang may humalik sa kanyang pisngi alam niyang gagawin ito nang binata. Kunwaring hindi niya ito pinansin. Hinalikan siya ulit ni Matthew sa pisngi nang dalawang beses. "Galit ka parin?" tanong ng binata. Inirapan niya ito kunwari. Hinalikan na naman siya nito medyo napapangiti naman si Tenten. Gagawin sana ulit ito ng binata ngunit di na nakatiis ang dalaga. "Oo na bati na tayo" wika nito at nandilat. Napangiti si Matthew sajka siya tinitigan. "Hayyy..hirap maispelling ang ugali mong abnormal ka" sinabi nito at umiling-iling. "Mas abnormal kang lamok ka!"inis na sagot ng dalaga. Tumawa si Matthew saka pinitik ang tungki nang kanyang ilong. "Nga pala, pupunta tayo this night sa party ni Joyce" naalalang sabi nito sa dalaga. Napalingon siya bigla dito at sumimangot. "Huwag kana sumimangot diyan, halika na at maghanda na tayo" pangungumbinsi nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sumama dito, wala naman siyang gagawin doon magmumukmok na naman siya kapag maiwan. At isa pa baka lingngisin nang sawang iyun ang kanyang lamok aniya sa kanyang isip. Gaya ng dating ginawa sa kanya ni Matthew, pinamake- over siya nito. Nakasuot naman siya ngayon nang light maroon na hanggang sakong ngunit may hiwa sa side ng damit parang gown lang nang mga nakikipaligsahan sa beauty contest. Ipinuyod ang kanyang buhok nang pa-round at tila isang malaking bulaklak sa pagkabilog nito mataas din ang kanyang sapatos gaya nang dati. Kita ngayon ang kanyang cleavage na tila naghuhumindig sa taas nun. Napalunok ang binta dahil sa ayos ni Tenten. Titig na titig siya dito, aaminin niya ngunit may dating na sa kanya ang dalaga. Tila ayaw niya ang tabas ng damit nito sa harapan, kitang-kita ang tila nang-aakit na mga dibdib nang dalaga. Lihim siyang napamura dahil nag-iinit siya. Huminga siya nang malalim saka nginitian si Tenten. "Shall we go?" Magiliw na tanong ng binata. Tumango naman nang marahan si Tenten. Lumulan na sila sa sasakyan at umalis na sila. Nakarating sila makaraan lamang nang ilang minuto. Nakita nilang nasa labas ng mansyon si Joyce na tila may hinihintay. Napakalaki nang ngiti nito nang makitang dumating na si Matthew ngunit agad ding napunit iyun nang makita siyang kasama siya nang binata. "Hi!" Maikling bati nito sa kanila ngunit kay Matthew nakatingin. Gumanti nang ngiti si Matthew at tinanguan si Joyce. Bigla siyang kumapit sa braso ni Matthew dahilan para inis na tiningnan siya nito. Nginitian niya ang dalaga saka niya inismiran ito. Pinandilatan siya ni Joyce tanda na inis na inis na ito sa kanya. Napangisi siya at mas lalong dumikit siya sa binata. Pumasok na sila sa loob para makipaghalu- bihilo sa mga nandoon. Napamangha siya sa gabda nang bahay nina Joyce. Napakaraming bisita. Pawang mga mayayaman ang nandun kaya't medyo nanliit siya...well, bakit nga ba di niya ienjoy ang kanyang pagiging kunwaring rich sa gabing iyun. Kumuha siya nang wine sa waiter na dumaan sa harapan niya. "Pagkatapos niyan wag kana kumuha" bulong sa kanya ni Matthew. Nagulat siya at lumingon siya kay Matthew. "Wala nang kasunod yan ha?" Ulit ni Matthew sa kanya. Tumango siya para manahimik na ito. Tinungga na niya lahat iyun para may pampalakas siya nang loob kahit papaano. Biglang may kumausap kay Matthew kaya pumuslit siya at naglibo't- libot sa paligid. Maganda talaga ang bahay aniya...may nakita siyang swing doon at naupo habang dumuduyan siya nang marahan. Matagal siyang ganun nang makarinig siya nang dalawang boses na nagtatalo malapit sa kanya. Tumayo siya para tingnan kung sino ang mga ito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya kung sino ang mga ito. Sina Matthew at Joyce nasa likod ang mga ito nang malaking halaman kaya hindi niya masyado makita kung anong ginagawa nila roon. Lumipat siya nang direksyon para makita niya nang maayos. Naglakad siya papalapit para makisabad sa punagtatalunan nang dalawa. Para siyang itinulos na kandila nang makarating siya sa kinaroroonan nila. Hindi siya nakahuma ngunit naninikip ang kanyang dibdib. Nasa harapan niya sina Joyce at Matthew, magkahalikan. Akala niya sa pelikula lang iyun ngunit doble pala ang sakit kapag totohanan na. Gusto niyang maiyak o sabunutan si Joyce, o di kaya murahin si Matthew. Kusang nalaglag ang kanyang mga luha. Huli na nang mapagtanto ni Matthew na nasa harapan nila ito at nakatingin sa kanila. Agad niyang itinulak si Joyce at nababahalang napatingin siya sa dalaga. Nakita niyang luhaan ito, lalapitan niya sana nang tumakbo ito palayo. Binalingan nita si Joyce at tiningnan nang matalim na parang nagbabanta. Tinalikuran niya ito at sumunod kay Tenten. Samantalang habang papalayo si Tenten ay walang humpay nanaglalabasan ang kanyang mga luha. Pinunasan niya ang mga iyun nang makarating sa bulwagan, dumeretso siya palabas nang may mabangga siya dahil nakatungo lang siya. Nag-angat siya nang tingin at nakita niyang si Gerald pala iyun. "Sorry" mahinang sabi nang dalaga. Ngumiti sa kanya ang binata. "Sabi ko na nga ba nandito ka eh" sagot nito. Pinilit niyang ngitian ito. "Oo, kasama ko si Matt" tugon niya nahirapan pa siyang bigkasin ang pangalan ni Matthew. Tumango ang binata saka siya tinitigan. "Umiiyak ka ba?" Tanong ulit nito saka siya pinakatitigan. "Hindi!! masama lang ang pakiramdam ko" pagkakaila niya saka siya nag-iwas nang tingin. Hindi umimik si Gerald ngunit mataman siya nitong pinagmanasdan. "Pwede bang magpahatid?" Siya naman itong nagtanong sa binata. "Oo naman, saan?" Sagot nito at nginitian siya. Tila nahihiya siyang magpahatid pero gusto na talaga niyang umalis sa lugar na iyin dahil tumataas ang kanyang dugo, makagawa pa siya nang eksena. "Gusto ko ng umuwi sana masama talaga ang pakiramdam ko" sa wakas ay nasabi niya. "My pleasure, hindi ka na ba mag-papaalam kay Matt?" Turan ng binata. Umiling siya, ayaw na niyang magsalita at baka pumiyok siya. Nauna na siyang naglakad palabas at sumunod na si Gerald sa kanya. Sumakay siya sa sasakyan nito at umalis na sila doon.