DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2
MATTHEW & KIERSTENN 13
Wala na naman silang imikan ni Matthew pagkatapos ng nangyari sa kanila sa may falls. Tila naman nakakaramdam ng hinanakit si Tenten. Iniisip niya baka parausan lang siya ng binata kaya wala itong ganang magsalita o pag-usapan man lang ang nangyari sa kanila. Hindi nga sila ngunit wala namang label. Nalungkot siya bigla kinagat niya ang ibabang labi niya dahil tila maluluha siya. "What are you thinking?" Untag sa kanya ng binata ng mapansing wala rin siyang kibo. Umiling siya at hindi niya tiningnan ang binata. Sinulyapan siya ng binata. "Are you thinking about us?" Tanong nito uli sa kanya ngunit di siya sumagot dahil baka kung sasagot siya mapapaiyak na talaga siya. "What do you want to talk about?" Muli ay nagtanong ang binata. Yun! magsalita kana Tenten ani ng isipan niya. Huminga siya ng malalim. "May label ba ang relasyon na ito?" Lakas loob niyang tanong sa binata. Si Matthew naman ngayon ang hindi sumagot. Kinagat niya muli ang kanyang pang ibabang labi konting konti nalang malalaglag na ang kanyang mga luha. "Naguguluhan parin ako Tenten honestly" matapat na sagot ng binata. At iyun nalaglag na ang kanyang mga luha na kinana pa niya pinipigilan. Humikbi siya. "I know it hurts but give me a little bit of time ayokong madaliin dahil baka mas lalo kang masaktan...gusto ko lang buuin ang sarili ko para magiging iyo ng buong buo kapag nakahanda na ito" mahabang saad ni Matthew sabay turo sa kanyang dibdib. Napayuko si Tenten dahil sa sakit na naramdaman sa mga sinabi ng binata. Itinigil ni Matthew ang sasakyan at pinaharap siya sa kanya. Tiningnan siya ng binata atsaka pinunasan nito ang mga luha ni Tenten. "Dont cry Ten...just a little bit of time please?" nagsusumamong sinabi mg binata sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ng binata at marahang tumango kahit tumututol ang kanyang kalooban. Nakauwi silang hindi umiimik sa isat-isa. Patakbong pumasok sa loob ng villa ang dalaga dumeretso ito sa kanyang kwarto saka padapang umiyak sa kanyang kama matagal siyang umiyak ibinuhos niya lahat ng kinikimkim na sakit sa kanyang dibdib. Kinabukasan. Kanina pa hinihintay ni Matthew si Tenten para magkape hindi na nga siya pumasok sa rancho para aliwin niya ito kahit saglit. Ngunit kanina pa siya sa dining room wala pa ito. Bumuntong hininga siya at nagpasya itong titignan sa kwarto nito. Kumatok siya ng makailang ulit ngunit hindi ito binuksan ng dalaga kinuha niya ang duplicate key ng kwarto at binuksan niya ito. Nakita niyang nakadapa ito at nakatakip ang unan nito sa likod ng kanyang ulo. Niyugyog niya ito ngunit hindi kumilos ang dalaga. Niyugyog niya ulit ito ngunit ganun parin hindi ito kumilos. Kiliti niya ang dalaga at bumalikwas ito ng bangon. "Ano ba?!" Singhal nito sa kanya. Kumunot noo si Matthew. "Abnormal kana ulit?" Panunudyong tanong nito. Sumimangot ang dalaga at inirapan siya. "Wala kang pakialam" bulong ng dalaga. "Meron..may pakialam ako" sagot ng binata. "Wala kaya umalis kana" pagtataboy niya dito. "Maligo kana at magbihis may pupuntahan tayo" utos sa kanya ni Matthew. "Ayoko" matigas na tanggi ni Tenten kay Mathhew. "One...two...three...-" pinutol ni Tenten ang pagbibilang ng binata. "Kahit bilangan mo pa ako ng isang million o trillion ayokong sumama sayo!" Inis na tugon ng dalaga. Inilapit ni Matthew ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga dahilan para di makakilos ito. "Susundin mo ba ako o paparusahan kita?" Anas ng binata. Biglang tumayo ang mga balahibo ng dalaga at tila libo libong kuryente ang dumaloy sa kanyang mga ugat dahil sa hininga ni Matthew. Nataranta siyang lumayo dito at bumaba ng kama. "Oona susunfin na kita basta lumabas ka na!" Tili niyang wika na ikinatawa ni Matthew. "Hihintayin kita sa baba" sagot nito at lumabas na. Nagngingitngit ang dalaga sa inis bwisit kang lamok ka may nagkadengue na yata ako sa mga kagat mong damuhong ka!...hinaing niya sa kanyang isipan. "Ahhhh!!!" sigaw niya at ibinato ang kanyang unan sa likod ng pintuan halos mapugto ang kanyang hinga dahil.sa inis nito sa binata. Padabog siyang bumaba dahil inis parin siya dito tiningnan niya ito ng masama ng makitang nakangisi itong naghihintay sa kanya. Inalalayan siya nitong pumasok sa loob ng kotse maya maya pay pinaandar na niya ito at umalis na sila. Hindi siya nagtanong kung saan sila pupunta at baka magkasagutan pa sila. Ngunit namangha siya ng makarating na sila sa kanilang pupuntahan isang beach resort with white sand. Inilibot niya ang kanyang paningin napakaraming nandoon iba- ibang lahi. Kahit papano ay napangiti siya. Bumaba sila ng sasakyan at naglakad na sila papunta sa isang cottage. Nakita niyang nandun sina Rayver at ang nobya nito nagtatawanan nandun din si Gerald at mga hindi niya kilala. Kumaway si Rayver saka nagflying kiss. Loko...bulong niya sa kanyang isipan. "Bat ang tagal niyo?" Tanong kaagad ni Rayver ng makalapit sila sa mga ito. "Sinumpong eh.." maikling sagot ni Matthew saka siya sinulyapan. Sinimangutan niya ito. "Okay okay forget that...lets enjoy ita April birthday" nakangiting tugon ni Rayver sa kanila. "By the way lets welcome Kierstenn" pagpapakilala ni Rayver sa kanilang mga kasama. Nag hi ang mga ito at nagkangitian sila napatingin siya kay Gerald na nakatitig sa kanya nginitian niya ito. Hinila naman siya ni Matthew at pinandilatan siya. "Stay away to that jerk" matigas na bulong nito sa kanya. Inirapan niya lang ito at tumabi siya sa mga kapwa niya babaeng naroon. Nakipag kwentuhan siya sa mga ito habang ang mga lalaki ay naglalaro ng football sa buhangin. Panaka nakang tinatanaw siya ng binata saka siya kinikindatan. Pinipigilan niya namang ngumiti pero aaminin niya kinilig siya dun ah..."Ang sweet naman" tudyo sa kanya ni Princess. Namula siya at tipid ngumiti. "Swerte mo ha? balita ko parang si Nathan din siya stick to one" sabad ni Roylyn. "Weehh di nga?" kunwaring turan niya ngunit gusto naman niyang malaman kung totoo o hindi. "Oo kaya nga swerte mo" ani naman ni Sheena habang tahimik lang si April. Tumango tango siya at muling sumulyap sa gawi ng binata saktong tumingin din ito sa kanya at muli siyang kinindatan. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napangiti...bwisit kang lamok ka kinikilig akooo...impit na daing niya saka nagyuko at baka makita nilang ngumingiti siyang mag-isa tawagin pa siyang baliw. Nagkunwari nalang siyang seryoso at nagpatuloy na siyang makipagkwentuhan sa mga plastik na nasa kanyang harapan.