DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2
MATTHEW & KIERSTENN 17
Nagpahatid nga si Tenten kay Gerald sa Villa. Tahimik lang sila habang daan, ni isa kanila ay ayaw magsalita. Tila ba nirerespeto ni Gerald ang damdamin ni Tenten kung ano man iyun. Ilang minuto lang ay nakarating na sila roon. Bumaba agad si Tenten at nagpasalamat sa binata. Gusto pa sanang magsalita si Gerald ngunit nakahakbang nang palayo ang dalaga. Bumuntong- hininga na lamang ang binata. Kinabukasan. Madilim pa ngunit gumising na si Tenten. Bitbit niya ang kanyang travelling bag saka siya bumaba. Luminga- linga muna siya bago lumabas nang villa. Nakita niyang pinupunanasan ni Mang Kanor ang kotse ni Nathan kaya agad niya itong nilapitan. Nagulat pa sa kanya ang matanda sa bigla niyang pagsulpot sa harapan nito. "Oh, Ten ang aga mo naman yatang nagising ngayon?" tanong ni Mang Kanor sa kanya. Napipilitan siyang ngumiti dito saka medyo nahihiya siya sa sasabihin nito. "Mang Kanor, pwede po bang manghingi sa inyo nang pabor?" bantulot niyang sinabi sa matanda. Tumitig ito sa kanya at nasulyapan ang kanyang bitbit sa kanang kamay niya. Lumunok muna siya bago nagsalita ulit. "Mang Kanor, pwede po bang magpahatid doon sa lugar namin?" nahihiyang sabi niya. Natigilan saglit si Mang Kanor. "Alam ba ito nina Sir Matthew?" tanong nito sa kanya. Namutla siya ngunit agad din siyang nakabawi. Tumikhim siya para mawala ang tila nakabara sa kanyang lalamunan. "O-opo, nagpaalam na po ako kasi po may sakit si Tatay" nauutal niyang sagot kay Mang Kanor. Tumango -tango ang matanda. "O, siya sige sumakay kana para mas maaga tayong makarating doon sa inyo" payag na tugon ni Mang Kanor sa sinabi niya. Agad siyang pumasok sa loob nang sasakyan. "Mang Kanor pakibilisan naman po kung pwede" pakiusap ni Tenten sa matanda nang binuhay nito ang makina ng sasakyan. Tumango lang ito at sumibad na sila palabas nang villa. Nakahinga nang maluwag si Tenten nang makalabas na sila sa nasasakupan nang villa. Pumikit siya at nagpasyang umidlip sandali habang nasa biyahe. Hindi niya namalayan na nakarating na sila, mahinang tapik ni Mang Kanor ang nagpagising sa kanya. Nagmulat siya at mukha ni Mang Kanor ang kanyang nakita, nginitian niya ito at lumabas na siya nang sasakyan. Pagkatapos niyang lumabas ay agad niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid. Mapait siyang napangiti at binalingan niya si Mang Kanor. Nagpasalamat siya dito, at maya-maya’y nagpaalam narin sa kanya ang matanda. Nang makaalis na si Mang Kanor ay agad siyang pumasok sa kanilang bahay. Tahimik iyun dahil wala ang kanyang ama, nasa isang kapatid niya ito. Tumira muna ang kanyang ama roon magmula nang kinuha siya nang kanyang pinsan para mag-alaga sa kambal. Dito muna siya habang masakit pa ang kanyang kalooban kay Matthew, bahala ang damuhong na lamok sa kanyang sarili basta galit siya ngayon sa kanya.
Tanghali na nang magising si Matthew dahil sa dami ang ininom niyang alaka kagabi. Hinilot- hilot nia ang kanyang sentido at muli niyang naalala ang nangyari kagabi. Napabuntong-hininga siya, may kasalanan pala siya kay Tenten kailangan niyang magpaliwanag dito. Hindi naman niya intensyong halikan ang Joyce na iyun, ito ang biglang humalik sa kanya habang nagsasalita siya; kaya nabubuwisit siya sa babaeng iyun. Nagpasya siyang bumaba na para hanapin ang dalaga, kakausapin niya ito at baka magkatoyo na naman mahirap na. Dumeretso siya sa dirty kitchen at baka nandun ito, ngunit wala ito roon. Lumabas siya papuntang hardin, ngunit wala doon si Tenten, kahit sa minigym o sa likod, sa kubo kahit sa kwarto nito. Pinagpawisan na si Matthew sa kahahanap sa dalaga, parang kinabahan siya bigla at nakaramdam siya nang takot at pangamba. Patungo na siya sa kanyang sasakyan nag makasalubong niya si Mang Kanor. “Tila nagmamadali yata kayo, sir Matth” pansin nang matanda sa kanya. “Hindi naman Mang Kanor” pagkakaila ng binata. Ngumiti ang matanda. “Naihatid ko na nga pala si Tenten sa kanila, sir Matth”biglang sabi ni Mang Kanor sa kanya. Gulat siyang napalingon sa matanda at agad nagsalubong ang kanyang kilay. “Ano?!” galit na bulalas niya. Mabigla ang matanda sa nakita nitong reaksyon sa mukha ng binata. “Eh, sabi niya kasi may sakit daw ang Tatay niya, kaya nagpahatid po sa akin, sabi pa niya nagpaalam na daw sa inyo” paliwanag ni Mang Kanor. Napuno siya nang galit at inis sa narinig. “Bullshit!!, hangga’t wala akong utos hindi siya maaring umalis!” galit na wika nito. Natahimik si Mang Kanor. “Pasensiya na po, pero hindi ako galit sa inyo” malumanay na turan niya nang balingan niya ang matanda na nakamaang sa kanya. Bumalik siya sa loob nang villa habang nagpupuyos ang kanyang dmdamin, pumanhik siya sa kanyang kwarto at ibinalibag ang kanyang gamit na naroon. Nagulantang ang lahat, kahit kay Rayver na masarap parin ang tulog. Napabalikwas ito nang bangon at akala niya ay may sumabog. Napakunot-noo ito at lumabas siya nang kanyang kwarto. Muli, may nabasag at napalingon siya sa kwarto ni Matthew, natigilan siya...parang may namumuong digmaan bulong niya sa kanyang sarili at muling nagbalik sa kanyng kwarto. Naghilamos siya at agad bumaba. Hinanap niya ang mga lalaki sa labas at tinawag. “Anong nangyari kay lamok?”agad niyang tanong sa mga ito. Nagtinginan ang lahat at umiling, napadako ang kanyang tingin kay Mang Kanor na tila nababahala sa kanyang tanong. Sinabi niya kung anong nangyari kanina, at napatango-tango si Rayver. “Nagwawala ang damuhong may hindi siya sinasabi sa akin pero parang alam ko na” wika ng binata. Sige, magtago na muna kayo ngayon ko lang nakita yan na nagbasag nang kanyang gamit” patuloy ito. Napangisi sina Tyrone at iniwan na nila si Rayver. Napailing-iling naman ito saka tumingin sa taas dahil dinig niya parin ang pagwawala ni Matthew. Nagpunta siya sa dining room para mag-almusal, pupunta muna siya sa planta at baka madamay pa siya. Saka nala niya ito kakausapin kapag malamig na ang ulo nito. Pagkapos nga niyang kumain ay sumibad na siya patungong planta, samantalang nagkulong naman si Matthew sa kanyang kwarto. Hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung sussundan ba niya si Tenten o hindi?..ano ba ang kanyang gagawin? Tanong niya sa kanyang isipan. Parang sumakit ang kanyang ulo at humiga ulit ito. Parang mabibiyak ang kanyang ulo sa sakit. Nahihiya naman ‘ata siyang harapin ang dalaga, nilayasan na nga siya ibig sabihin nun nasaktan talaga ito sa kanyang nakita kagabi. Bwisit! Mura niya sa sarili, saka ko nalang siguro susundan kapag malamig narin ang ulo nang dalaga. Siguro hahayaan na muna niya ito para makapag-isip sila pareho nang tama. Pumikit siya at pilit na matulog muli, gusto niya munang kalimutan ang kanyang galit at inis na hindi niya alam kung para kanino ang nararamdamang iyun.