Hazy Memory

3013 Words
Aw.” Daing ni Ashira nang magising at napahawak sa ulo niya. Hindi niya alam kung bakit sumasakit ang ulo niya. Napatingin siya sa paligid. Nasa loob siya nang silid niya. Pero ang pinagtataka niya ay kung papaano siya napunta doon. Ang alam niya nasa Club Athena siya. Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari. Ang huling natatandaan niya, ipinakilala siya ni Melina sa mga kakilala nito. Alam niyang hindi siya uminom nang alak pero bakit pakiramdam niya may hangover siya kung hangover nga ba ang tawag doon. Nang makita niya ang oras sa digital clock sa side table niya. Agad siyang tumayo at pumunta sa banyo at nag mamadaling naligo. Kapag hindi pa siya nag Madali tiyak mahuhuli siya sa klase niya. Biglang natigilan ang dalaga nang pumunta sa komedor at makita si Davin na kumakain kasama ang ama nito. “Hija. Gising kana pala. Tinanghali ka yata nang gising. Halika saluhan mo nakami.” Wika nang matanda sa kanya. “H-hindi na po. Mahuhuli na ako.” Wika nang dalaga. “Sit.” Demanding na wika ni Davin nang hindi tumitingin sa dalaga. Nang marinig ni Ashira ang boses nang binata bigla siyang kinilabutan. Bigla ding may mga piraso nang alaala sa isip niya. Isang lalaki sa loob nang kotse na kausap niya. Pero masyadong Malabo para maalala niya. Bigla siyang napahawak sa sentido niya nang maramdaman ang pagkirot noon. “You should eat. Hindi ka pwedeng pumasok nang walang laman yang tiyan mo.” Wika nang binata at tumayo saka lumapit sa dalaga at pinaupo ito sa bakanteng upuan sa tabi nito. Hindi naman nakatutol ang dalaga sa ginawa nang binata. Sinundan niya nang tingin si Davin nang bigla itong maglakad patungo sa kusina. Nang makabalik ito may dala itong baso nang gatas saka inilapag sa harap ni Ashira. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. “Drink up.” Wika nang binata sa dalaga saka bumalik sa kinauupuan at muling kumain. Hindi naman maintindihan ni Ashira ang kung bakit ganoon ang kilos nang binata. Nabagok ba ang ulo niya? Tanong nang dalaga saka napatingin sa Binatang kakaiba ang ikinikilos. “What?” Tanong nang binata nang mapadako ang tingin sa kanya. “Are you okay?” tanong ni Ashira sa binata. Bigla naman itong nag kunot nang noo dahil sa sinabi niya. “Silly Girl.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo ni Ashira agad namang inilayo nang dalaga ang ulo niya dahil sa ginawa nito saka tumingin sa binata na may halong pagtataka. “I’ll leave first.” Wika nang binata sa matanda bago ito bumaling sa assistant niya. “Kim. Ikaw na ang maghatid kay Ashira sa University.” “Yes Boss.” “Ashira? Did you just call me by my name?” gulat na wika nang dalaga. Mas madalas niyang marinig ang binata na tinatawag siyang Stupid, Silly or foolish. Ito ang unang beses na narinig niyang binanggit nito ang pangalan niya. “Is that a problem?” tanong nang binata sa kanya. “N-No. it’s just that. Nakakapanibago. Alam mo pala ang pangalan ko. That’s the first.” Anang dalaga. “I can call you in any way I like. Stupid Girl.” Wika nang binata saka nilampasan ang dalaga. Napasimangot naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata. Lihim namang napangiti si Kim habang pinapanood ang dalawa. Kahit ang matandang nakikinig sa kanila ay lihim na nakangiti. **** Kim.” Wika ni Ashira at huminto sa paglalakad. Inihatid siya nito sa university gaya nang utos ni Davin. Papasok na sana siya sa gate nang bigla niyang maalalang gusto niyang malaman kung anong nangyari noong nakaraang gabi. Malabo ang memorya niya nang gabing iyon. Pero may mga piraso nang alaala sa utak niya. Hindi niya alam kung dala iyon nang hilo o nangyari ba. In her memory. There’s a fuzzy image if her kissing a strange guy. She is bothered by it, dahil kung tama ang nasa alaala niya kahit na it’s fuzzy. It was still her first kiss, and she can’t imagine herself making out with a total stranger. “Yes. Miss.” Wika ni Kim sa kanya. Ilang sandali siyang nakatingin sa mukha nang lalaki. Naiilang siyang magtanong. “K-Kagabi--- May-may kasama ba ako pag-uwi?” tanong nang dalaga habang nahihiya. Dahil hindi naman siya ang tipong uuwi nang lasing. “I am not particularly sure Miss. Late na rin kaming umuwi ni Boss kagabi.” Wika nang binata. He has to lie dahil sinabi sa kanya ni Davin na huwag sabihin sa dalaga na nagkita sila sa Club or that he was even there It was a big secret na alam nito ang ginagawa nang dalaga. “Bakit?” tanong nito. “W-wala naman.” Wika nang dalaga saka tumalikod. Kapag sinabi niyang tila lasing siya kagabi baga isumbong pa siya nito kay Davin. Hindi niya alam kung papaano mag re-react ang binata. At tiyak na mabubunyag ang lihim niya dito. “Miss.” Biglang wika ni Kim dahilan para naman huminto si Ashira saka bumaling sa lalaki. “Bakit?” tanong nang dalaga. “Susunduin kita mamaya. May pupuntahan kayo ni Boss.” Wika pa nang lalaki. “Another Gangster meeting ba?” wala sa loob na wika nang dalaga. Hindi pa niya nakakalimutan ang tensionadong gathering nang mga leader nang grupo ni Davin. Hanggang ngayon naaalala parin niya ang takot sa loob niya lalo nan ang tila parang nilason ni Davin ang isa sa mga leader. He didn’t hesitate to show to everyone that he can take their life. “Is that what you think about him?” tanong nang lalaki. Taka namang napatingin si Ashira sa lalaki. Alam niyang may-ibig sabihin ang tanong nito sa kanya. “Are you scared of him? Don’t get me wrong. Napansin ko lang na malayo ang loob mo kay Boss maging sa ama niya. Hindi mo ba sila gusto?” “Should I?” tanong nang dalaga. Matama namang napatingin ang lalaki sa dalaga. Nakikita niyang malalim ang pinaghuhugutan nang sagot na iyon nang dalaga. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang dahilan kung bakit nasa mansion ang dalaga. Alam niya ang linya nang trabaho nang mag-ama dahil bata pa siya nasa poder na siya nang mga ito. “This is what I think. You should get to know him more.” Wika nang lalaki. “His world may be different from the rest of other regular guy. Pero hindi naman siya na iiba sa lahat. You should try to understand him more. Rather than just---” “I could never understand him.” Agaw nang dalaga. “Thank you sa paghatid mo. Hihintayin nalang kita mamaya.” Wika nang dalaga saka naglakad papasok nang gate. She understands kung gusto nitong ipagtanggol ang amo nito sa kanya. Pero kahit anong gawin nito hindi niya maiintindihan ang ginagawa nito. It was not his fault entirely kung bakit siya nasa poder nito ngayon pero ang katotohanang kaya nitong gamtin ang pera para paglaruan ang buhay nang iba. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi niya susubukang intindihan. Wala din kwenta kung may sasabihing Maganda si Kim tungkol sa amo niya. Dahil hindi siya maniniwala hanggat nasa ganoong uri ito nang pamumuhay. Patuloy lang niyang kamumuhian ang binata. ***** Owner!” untag ni melina sa Owner nang club natutulog ito sa isang upuan sa loob nang dressing room ni Ashira. Nang magising si Melina. Napansin niyang nasa sofa siya nang Dressing room nakahiga saka Nakita niya si Phelias na nakaupo sa isang upuan at natutulog. Dahil sa ginawa nang dalaga biglang nagising ang owner at muntik pang mahulog sa upuan. “Oh, You’re awake.” Wika pa nito nang mapatingin kay Melina. “Anong ginagawa ko dito? Bakit ako natutulog dito? Nasaan si Ashira?” tanong nang dalaga. Napatingin naman ang binata sa dalaga. “Wala ka bang naaalala sa nangyari kagabi?” Tanong nang binata. “Anong nangyari kagabi?” Balik na tanong nang dalaga. Napangiti naman si Phelias at tumayo. “I think you should stop with alcoholic drink. Hindi moa lam kung paano e-manage ang alak mo.” Wika nang binata saka naglakad papalabas nang dressing room. Taka namang napatingin si Melina sa binata. Alam niyang uminom siya kagabi. Pero hindi naman siguro siya ganoon kalasing. Wala din siyang masyadong naaalala. “Anong nagyari kagabi?” tanong ni Melina saka sinundan ang binata. Bigla naman itong huminto sa paglalakad saka humarap sa dalaga dahil sa hindi naman tinitingnan ni Melina ang direksyon nang dalaga at sa bigla din nitong pagharap. Halos gahibla nalang ang layo nang mukha niya sa mukha nang binata. Nang mapansin niya iton bigla siyang napaatras sa gulat. Bukod sa gulat, bigla ding lumukso ang puso niya. Her heart is beating fast na parang gusto nitong lumabas sa dibdib niya. “Are you sure wala kang naaalala?” tanong nang binata. “Tatanungin ba kita kung meron?” Sakristong wika nang dalaga. “Teka.” Bigla wika ni Melina sabay pigil sa binata nang hawakan nito ang kamay niya at akmang isasama kung saan. Bigla namang natigilan ang binata saka lumingon sa dalaga. “May pasok ka hindi ba? Let’s eat breakfast tapos ihahatid kita.” Wika nang binata saka tumingin sa dalaga ngunit hindi parin binibitiwan ang kamay nito. Hindi naman kumibo ang dalaga. Nang maramdaman niya ang simpleng pag hila sa kanya nang binata hindi na siya tumutol at sumunod dito. Dila siya nang binata sa mini kitcher nang Club. Saka pinaupo sa isang upuan malapit sa mesa. Napapangiti ang dalaga habang nakikita ang owner nang club na nagluluto. Unang beses niyang makita ang binata nang ganoon. Para sa kanya he is always mysterious at para bang walang ibang alam kundi ang magpatakbo nang club seeing him that way mas lalo siyang humahanga sa binata. “How was it?” tanong ni Phelias habang nakatingin sa dalagang enjoy na enjoy sa pagpakain. Simpleng napatingin si Melina sa binata. Nang makita niya ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya bigla siya napaubo. Tila nabulunan siya sa titig nito sa kanya at ang ngiti nito. “Easy.” Wika ni nang binata saka inabot sa dalaga ang isang basong tubig na agad namang tinanggap nang dalaga at inimon. “You are unintentionally funny.” Wika nang binata saka napangiti. “Don’t look at me like that.” Mahinang wika nang dalaga ngunit sapat para marinig nang binata. “Like what?” tanong nang binata. Bigla namang natigilan ang dalaga saka napatingin sa binata. Naguguluhan siya sa binata. Alam ba nitong ang kinikilos niya ngayon ay nagpapabilis nang t***k nang puso niya. Just when she is ready to accept na hindi siya mapapansin nito saka naman parang kakaiba ang kilos nito sa kanya. Tuloy na guguluhan siya. “Wala.” Wika nang dalaga at inilayo ang tingin sa binata saka inilapag sa mesa ang baso. “Masarap ka palang mag luto.” Wika nang dalaga. “Bakit hindi? I wouldn’t be opening this club if wala akong alam sapagluluto.” Wika nang binata. “Hindi naman pagkaing ang main attraction sa club mo.” Wika nang dalaga. Dahil sa sinabi nang dalaga biglang napatingin si Phelias sa dalaga. “I mean, kung mahilig kang magluto diba dapat restaurant ang binuksan mong business?” inosenteng wika nang dalaga. Napatawa naman ang binata dahil sa sinabi nang dalaga. May punto naman ito. Iyon ang gusto niyang gawin sa una. But he is more of a night person. “Bakit? May sinabi ba akong nakakatawa?” tanong nang dalaga. “Tapusin mo na ang kinakain mo.” Wika nang binata saka tumayo at lumabas sa kusina. “Weirdo.” Wika nang dalaga saka napatingin sa Binatang papalabas nang Kusina. “Ah!” biglang wika ni Melina ang maalala si Ashira. “Nakalimutan kung tanungin kung nasaan si Ashira. Umuwi ba siyang mag-isa kagabi? I totally lost it.” Wika nang dalaga. **** Talagang hindi ka na natuto.” Wika ni Mr. Romero habang nakatingin sa isang lalaking nakaluhod sa harap nito. May sugat ang ulo nito at dumudugo ang bibig. Sa ayos nang lalaki mukhang kakagaling lang nito sa pagtanggap nang matinding bugbog mula sa mga tauhan nang lalaki. Nasa isang pasugalan sila nang mga sandaling iyon. Ang lalaking nasa harap ni Romero ngayon ay ang ama ni Ashira na may malaking utang na pera kay Romero mula sa mga ipinatalo nito sa sugal. “Bigyan mo pa ako nang isa pang pagkakataon. Makakabawi din ako.” Wika nito. “Makakabawi? Ilang beses mo nang sinasabi yan. Wala ka nang pera! Ano pang pwede mong ipusta? May ipambabayad ka ba?” Tanong nito. “Magagawan ko yan nang paraan.” Wika nito. “Ilayo niyo sa harap ko ang isang yan. Baka hindi ako makapagpigil at mapatay ko siya.” Asik nang lalaki. Agad namang lumapit sa lalaki ang dalawang tauhan ni Romero at sapilitang hinawakan ang lalaki at akmang kakaladkarin palabas nang Casino. “Kilala ko ang Anak nang head nag Penumbra.” Wika nang lalaki na biglang nagsalita habang kakaladkarin nang mga tauhan ni Romero. Nang marinig nang lalaki ang sinabi nang ama ni Ashira bigla itong natigilan at sinenysan ang mga tauhan na bitiwan ang lalaki. Napangiti naman ang ama ni Ashira at inayos ang pagkakatayo at sarili. Sa nakitang reaksyon nang lalaki mukhang nakuha niya ang interes nito. “Nakita kung may simbolo kayo nang Penumbra sa casino.” Wika nito. “Parti ban ang Penumbra ang casinong to?” tanong nito. Hindi naman sumagot si Romero at tumingin lang sa lalaki Nang mapansin nang lalaki na tila hindi sasagot sa kanya si Romero muli siyang nagsalita. “Wala sa itsura ko pero kilala ko ang anak nang head nang penumbra.” Wika pa nito. “Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong niloloko ako?” asik nang lalaki. “Alam ko. Bakit ko naman gagawing lokohin ka. Sinasabi ko saiyo. Sa magagawa kong bayaran ang utang ko saiyo. Dahil may hawak akong alas na hindi pwedeng tanggihan nang Anak nang Head.” Napakunot naman ang noo ni Romero dahil sa sinabi nang lalaki. “Maaaring hindi niyo alam ‘to. Pero nasa poder nang Head ang isang anak ko.” Taka namang napatingin si Romero sa lalaki. Nang makitang bigla itong ngumisi. Kinuha niya ang baril nang isa sa tauhan niya at itinutok sa lalaki. “I can kill you here and now. Ang ayoko sa lahat ay ang niloloko ako.” Inis na wika ni Romero. Hindi niya makakalimutan ang ginawang pagpapahiya sa kanya nang binata as gathering. Akala niya nilason na siya nito. Tuwing na aalala niya ang ginawa nang binata kumukulo ang dugo niya at gusto niyang patayin ang binata. Dahil sa ginawa nito. Parang nagbago na rin ang pakikitungo sa kanya nang ibang leader. Kung may magagawa lang siya para balikan ang binata gagawin niya. Kung alam niya kung papaano ito aatakehin. Kaya lang sa grupo nila. Walang gustong kumalaban sa binata. He is cold blooded just like his dad o mas higit pa ito sa ama niya. Sa underworld, nirerespeto ang pangalan nang binata. He even gains that much respect nang malaman nang lahat na siya na ang head nang penumbra ang mga kalaban nila grupo parang ayaw nang makipag kompitensya sa kanila maliban sa twin dragon na hindi niya alam anong dahilan nang personal na galit nito sa binata. “Kung bibigyan mo ako nag pagkakataon, Kahit bukas din madadala ko saiyo ang pera.” Wika nito. “Do you really think you can get money out from that Brat?” asik ni Romero. “May hawak akong alas gaya nang sabi ko.” Ngumising wika nito. Napatitig naman si Romero sa lalaki. Gusto rin niyang malaman kung paano siya makakaganti sa binata wala namang mawawala sa kanya kung sasakyan niya ang gusto nang lalaki. “Alright!” wika ni Romero saka ibinaba ang baril at iniabot sa tauhan. “Bibigyan kita nang pagkakataon. Pero oras na niloko mo ako hindi lang buhay mo ang sisingilin ko. Maging ang asawa at mga anak mo at ang apo mong hindi pa nakikita ang mundong ‘to. Kahit saang lungga ka magtago hahanapin kita.” Wika pa nang lalaki. “May isang salita ako.” Wika pa nito. “Gusto kung makita ang alas mo. At siguraduhin mo lang na magugustuhan ko dahil kung hindi. Tapos ang maliligayang araw mo.” Wika pa nito. Ngumiti naman ang ama ni Ashira. Hindi paman alam na niyang nanalo na siya. Alam niyang gustong-gusto pa rin ni Ashira na makabalik sa poder nila kaya gagawin nito ang lahat. Kapag naging mabait siya sa anak tiyak na magagawa niya itong mapaikot. Pwede pa niya itong magamit sa mga plano niya. Naging isang malaking hiyas para sa kanya si Ashira. Dahil sa dalaga malaking halaga din ang nakuha niya mula sa pamilyang iyon. Noong labing tatlong gulang ito, nabaon din siya sa utang dahil sa sugal maging ang Negosyo niya ay kinuha ni Bernard bilang kabayaran nang utang niya. Nang ibigay niya si Ashira sa Lalaki bilang pambayad utang akala niya hindi nito tatanggapin ang si Ashira. Akala niya gagawin nitong alipin ang anak niya pero naging maayos ang pakikitungo nito sa dalaga. Mas lalo pa siyang namangha nang tubusin nang binata ang dalaga sa underground fighting ring sampung milyon din ang nakuha niya mula sa binata. Hindi niya alam kung anong meron sa anak niya at kung bakit parang wala lang para sa mag-ama na gumastos nang pera para dito pero mukhang mapapakinabangan ulit niya ang dalagang anak. Nalaman niya mula sa mga kaibigan niya na miyembro nang Penumbra na kamakailan lang ideneklara nang Binatang head si Ashira bilang magiging asawa nito. Hindi niya alam kung anong plano nang binata pero mukhang Malaki ang pakinabang niya sa dalaga. Tiyak isang salita lang niya kapag sinabi niyang tatanggapin niya ulit ang dalaga babalik ito sa kanila at magagamit na niya ito. Nitong nakaraan lang hindi natiis nang dalaga ang ina niya. Tiyak na kapag nagbait-baitan siya dito makukuha ulit niya ang loob nang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD