A place to be

3395 Words
Biglang natigilan si Ashira nang paglabas niya nang university gate Nakita ang papa niya at si Shiny na tila naghihintay sa kanya. Napatingin siya sa dalawa at nag-aalalangan na lumapit. Nakita naman niya si Shiny na malapad ang ngiti at tumakaway sa kanya. Nang hindi siya gumanti nang kaway dito, biglang lumapit sa kanya ang batang babae Nakita naman niyang sumunod dito ang ama niya. “Ate Ashira.” Masiglang wika nang batang babae saka hinawakan ang kamay niya. Alam niyang malambing ang batang babae at gusto niya ang nakangiting mukha nito. Pero nang mga sandaling iyon hindi niya magawang gumanti nang ngiti lalo nang ang makita ang ama niya na nasa likod nang kapatid. “Ashira.” Wika nang papa niya at ngumiti sa kanya. Biglang naguluhan ang dalaga. Ito ang unang beses na ngumiti sa kanya ang papa niya. Ano naman ang kailangan nito sa kanya at bakit ito nandoon sa university kasam ang kapatid niya. Sabik siya sa pamilya pero hindi niya maiwasang hindi magtaka. “Totoo nga ang sabi ni Shiny. Isang magandang paaralan ang pinapasukan mo. Habang nakikita ka gusto kong mahiya sa sarili ko. Hindi ako naging mabuting ama saiyo. Marami kang masamang pinagdaanan dahil sa kahinaan ko.” Wika nito na tila nahihiya at napakamot sa likod nang ulo. Taka namang napatingin si Ashira sa ama. Paano niya i-iinterpret ang kilos na iyon at ang sinabi nang papa niya? “Hindi mo ako kailangan patawarin kung hindi mo kaya. Hindi ko gustong guluhin ang buhay mo dahil alam kong nasa Mabuti kang kalagayan. Kaya lang wala na akong malapitang iba. Alam mo naman siguro kung anong buhay meron ako.” Wika pa nito. Biglang Nakita ni Ashira ang luha sa gilid nang mata nang ama niya. Naguguluhan siya sa nangyayari. Bakit ito pupunta sa kanya at tila iiyak? Taka siyang napatingin kay Shiny. “Anong nangyari?” Maya-maya ay tanong nang dalaga. Hindi naman niya pwedeng balewalain ang nakikita niya. Unang beses na makita niyang tila hopeless ang ama niya. Those tears, hindi man niya alam kung totoo iyon o bagay na dapat niyang paniwalaan isa lang ang alam niya. Hindi niya kayang tiis ang pamilya niya. “Ang mama mo---” putol na wika nito saka napahawak sa mata at pinahid ang luha doon Nang marining ni Ashira ang sinabi nito bigla siyang nanlamig. “Anong nangyari sa kanya?” tanong nang dalaga. “Dahil wala akong kwentang asawa. Hindi ko nagawang alagaan ang mama mo.” Wika nito. “I’m asking you. Anong nangyari sa kanya?” Ulit ni Ashira na medyo nag taas ang boses. Natatakot siyang may mangyaring masama sa mama niya. Napatingin siya sa batang si Shiny na tahimik at naka hawak lang sa kamay niya. “Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Ashira sa batang babae. “Nasa hospital siya.” Wika nito saka nagbaba nang tingin. “Hospital?” gulat na bulalas nang dalaga. “Puntahan natin siya.” Wika ni Shiny sa kapatid niya. “Huwag mo nang guluhin ang kapatid mo Shiny. Nakakahiya nang -----” “Samahan mo ako sa kanya.” Wika ni Ashira sa kanila. Lihim namang napangiti ang lalaki nang marinig ang sagot nang dalaga. Dinala siya nang papa niya at ni Shiny sa hospital kung saan naka confine ang mama niya. Sinabi nang ama niya sa kanya na bigla nalang itong nawalan nang malay habang naglilinis sa bahay nila. Sabi nang doctor na umaasikaso sa mama niya. Dahil sa sobrang pagod at malnourished din ito kaya ito nawalan nang malay. “Malnourished?” Gulat na wika ni Ashira saka tumingin sa ama niya nang iwan sila nang doctor sa ward. SInabi nitong kailangang magpahinga nang mama niya. “Nakakahiya man pero hindi ko magawang alagaan ang mama mo.” Wika nito. Napakuyom nang kamao si Ashira gusto niyang isumbat sa ama niya ang perang ibinayad ni Davin bilhin siya. Bakit nito hinayaang umabot sa ganoon ang mama niya. Anong nangyari sa pera? Iyon ang nasa loob nang dalaga ngunit hindi niya iyon isinatinig ayaw niyang pag simulant iyon nang gulo lalo na at ito ang unang beses na lumapit sa kanya ang papa niya “Alam kung wala akong Karapatan na tawaging asawa at ama dahil sa mga malalaki kung pagkukulang sa inyo. Nakakahiya man, pero nalugi ang perang ini-invest ko sa Negosyo. Bumalik kami sa hirap. At napabayaan ko ang mama mo.” Wika pa nito. “Kahit ang pananatili dito sa hospital nang mama mo wala akong pambayad. Nakakaawa ang sitwasyon ko.” Natungo nang tingin na wika nito. “I’ll take care of it.” Wika nang dalaga. Napatingin naman sa kanya ang papa niya. “Alam kung may pera ka mula sa mga umampon sa iyo. Pero hindi kaya sila magagalit kung gagamitin mo ang perang yan sa amin. Alam mo naman siguro----” “Hindi ko gagamitin ang pera nila.” Agaw nang dalaga. Sa isip niya hindi ang perang galing sa masamang Gawain ni Davin ang gagamitin niya sa pagpapagamot sa mama niya. May naipon siya mula sa trabaho niya sa club. Iniipon niya iyon para bayaran ang perang ibinayad ni Davin sa papa niya. Pero mukhang mababawasan iyon. Hindi naman importante sa kanya kung mababawasan ang ipon niya. Ang mahalaga matulungan niya ang mama niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya nang mama niya nang magising ito at makita siya na kasama ni Shiny. Napatingin din ito sa papa niya na nakaupo sa gilid nang kama. “Nilapitan ko siya para humingi nang tulong.” Wika nito. “Tulong?” tanong nang mama niya na tila naguguluhan. “Alam mong wala tayong pera. Wala tayong pambayad sa hospital. Kahit si Alfred wala ding pera. At alam mo namang kakapanganak lang nang asawa niya. Alam kung ayaw mong humingi nang tulong sa kanya pero siya lang ang naisip kung pwedeng tumulong sa atin.” Wika nang papa niya. Napatingin naman si Lydia sa anak niya. “Bumalik kana sa ------” putol na wika nito. “Huwag niyo naman akong ipagtulakan. Anak niyo rin naman ako. Wala na ba akong karatapan na mag-alala?” Agaw nang dalaga. “Hindi ko kailangan nang pag-aalala mo.” Wika nito at inilayo ang tingin sa dalaga. Napakuyom naman ang kamao nang dalaga dahil sa naging reaksyon nang mama niya. “Babayaran ko lang ang bill sa hospital. Babalik din ako.” Wika ni Ashira at tumalikod. “Oh Sige.” Wika nang ama niya. “Sama ako Ate.” Wika nang batang si Shiny saka hinabol ang kapatid niya. “Ano namang kadramahan yan Lydia.” Asik nang lalaki saka tumayo nang makalayo sina Ashira at Shiny sa dalaga. “Bakit kailangan mo siyang dalhin dito?” Asik nito saka tumingin sa asawa. “Anong gusto mong mangyari? Ang mamatay tayong lahat?” wika nang lalaki. “Romeo, wala tayong kwentang mga magulang para kay Ashira. Nakalimutan mo bang ibenenta mo siya? Tapos ngayon ang kapal nang mukha natin na lumapit sa kanya.” Wika ni Lydia sa asawa. “Kahit baliktarin mo ang mundo. Tayo ang mga magulang niya. Napakawala naman niyang kwentang anak kung babalewalain niya ang magulang niya na nangangailangan nang tulong.” Wika nang lalaki. Hindi naman kumibo si Lydia. Alam niya sa loob niya na may ibang pakay anga sawa niya sa dalaga. Nahihiya siyang humarap sa anak dahil sa mga nagawa nila sa kanya. Noong halos mag makaaawa ito sa kanila para kunin nila ulit tinalikuran nila ito. Ngayon naman mukhang gagamitin na naman ito nang asawa niya sa isang personal na dahilan. Ang perang ibinigay nang mga kumupkop kay Ashira ay inubos lahat ni Romeo sa sugal. Akala niya noon makakaahon na sila sa hirap dahil sa laki nang halagang tinanggap nito. Pero sa loob lang nang dalawang taong bumalik ulit sila sa dati nilang bahay. Ni hindi niya naramdaman ang perang iyon dahil sa bisyo nang asawa. Bilang isang ina ang magagawa nalang sana niya para sa anak na ipinamigay ay ang huwag itong bigyan nang dagdag na problema pero mukhang kahit sa bagay na iyon isa siyang malaking kabiguan bilang isang ina. Matapos bayaran ni Ashira ang bill sa hospital saka naman na discharge ang mama niya. Binigyan ito nang mga vitamins nang doctor at sinabing kailangan nitong magpalakas. Ayaw sana nang mama niya na sumama siya sa paghatid dito sa bahay nila ngunit nagpumilit ang papa niya. Sa huli, wala din itong nagawa dahil sa pagpupumilit nang papa niya. Nang dumating sina Ashira sa bahay nang mga ito. Nabigla pa ang dalaga nang makitang bumalik sila sa dating bahay nila. 5 years ago, nang umalis ang mga ito sa bahay na iyon. Hindi niya akalaing babalik ang mga ito at mukhang bumalik din ang mga ito sa dating buhay nila. Nang pumasok sila sa bahay, Nakita ni Ashira ang kuya Alfred niya na kasama ang isang babaeng may karga-kargang sanggol. Nabigla pa ito nang makita siya. “Sino naman yang kasama niyo?” tanong ni Alfred sa ama. “Hindi mo ba siya nakikilala?” tanong ni Romeo sa anak. Taka namang napatingin si Alfred sa dalaga. Sa unang tingin masasabing galing ito sa isang mayamang pamilya. Kahit na sabihing simple ang suot nitong damit. Sa kutis palang nito hindi na maikakaila na hindi sila pareho nang estado sa buhay. “Ano ka ba. Siya si Ashira. Ang kapatid mo. Hindi mo nakikilala?” tanong nito sa anak na natawa sa reaksyon. “Si Ashira?” Gulat na wika nito saka napatingin muli sa dalaga at pinasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa. “Tingnan mo nga naman. Hindi n akita nakilala ang laki na nang pinagbago mo. Ano namang ginagawa mo dito? Ipapamukha mo ba sa amin na malayo na ang narating mo? Dapat nga magpasalamat ka sa min dahil hindi ka mabibihisan nang maayos kung hindi dahil sa amin. Mukhang mabuting tao ang nakabili saiyo.” Sakristong wika nito. “Alfred. Huwag kang magsalita nang ganyan.” Wika nang papa niya. “Malaki ang pagkukulang natin sa kapatid mo.” Napatingin naman si Alfred sa ama. Kilala niya ang likaw nang bituka nito at hindi siya naniniwalang naging mabait na nga ito sa kapatid niya. Dahil kung totoong mabait ito dapat hindi nito ibinenta ang kapatid. Bakit ngayon lang nito naisipang balikan ang anak. Bakit ngayon lang matapos ang matagal na panahon. “Dito ka na ba titira? Nakikita mo naman sigurong siksikan na kami dito.” Wika pa ni Alfred sa kapatid. “Alfred.” Saway nang mama nila. “Sorry. Hindi naman kasi ako ang mapagmahal na kuya alam mo yan. Hindi ko kailangan magpanggap saiyo.” Wika nito saka tumingin kay Ashira. “Iiwan ko nalang ito dito. Kailangan ko na ring umalis baka hinahanap na ako.” Wika nang dalaga saka inilapag ang grocery bag na may lamang mga pagkain. Naisip niyang maggrocery na rin para sa mga magulang niya. Sabi nang doctor kailangang kumain nang mga masustansyang pagkain ang mama niya para mabawi nito ang lakas. “Hindi kami namamlimos.” Wika nang kuya Alfred niya. “Alfred!” muling wika nang mama niya na inalalayan ni Shiny na maupo sa kahoy na sofa. “Mauna na ko.” Wika ni Ashira saka nag mano sa papa niya bago bumaling sa mama niya. Magmamano din sana siya dito ngunit itinaboy nito ang kamay niya. “Umuwi kana at huwag ka nang babalik dito. Wala kang obligasyon sa min.” wika nang mama niya. “Ano ka ba naman Lydia.” Wika nang papa niya. “Ihahatid n akita sa labasan.” Wika nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga. Matapos magpaalam kay Shiny. Saka sila lumabas nang papa niya sa bahay nila saka siya nito inihatid sa labasan. “Pag pasensyahan mo na ang Mama mo at kuya mo. Hindi lang sila sanay na nandoon ka at mukhan na gi-guilty din sila sa ginawa namin.” Wika nito. “Naiintindihan ko. Wala naman sa ‘kin yun.” Wika nang dalaga. Totoong balewala sa kanya ang trato nang mga ito sa kanya. Wala siyang ibang gusto kundi ang tanggapin muli nang mga ito. Kahit na ang lumuhod sa harap nang mga ito gagawin niya para lang kunin siya ulit nang mga ito. Kesa nakatira siya sa lugar na takot lang ang nararamdaman niya. “Napakabuti mong anak, Nakakahiya ang pagiging walang kwenta kong ama.” Nahihiyang wika nito. “Huwag niyo nang isipin yun. Alagaan niyo nalang si Mama.” Wika nang dalaga. “Ah, siya nga pala. Nakakahiya man. Kakapalan ko na ang mukha ko. Nakita mo naman siguro ang sitwasyon namin. Ang kuya mo, may pamilya na pero nasa amin parin nakatira dahil wala ding trabaho. Kung---- Kung hindi naman kalabisan. Pwede mo ba akong pautangin? Naawa din ako sa Pamangkin mo---” biglang naputol ang sasabihin nang lalaki nang makitang may kinuha sa bag niya si Ashira. Saka iniabot sa kanya ang isang putting envelop. “Yan lang ang perang meron ako ngayon. Sabihin niyo lang kong may kailangan kayo lalo na sa mga vitamins ni Mama.” Wika nang dalaga habang iniabot sa ama ang envelop na may lamang pera. Kanina matapos siyang magbayad nang bill sa hospital nagpunta na rin siya sa bangko para mag withdraw nang pera. Balak niyang palihim na ibigay iyon sa mama niya pero hindi naman siya nito pinapansin kaya naisip niyang sa papa nalang niya ibigay. Mukhang totoo naman ang ipinapakita nito sa kanya. “Ang laking halaga nito.” Wika ni Romeo nang tanggapin ang envelop at tiningnan ang perang nandoon. “Hindi ba magagalit ang---” “That’s my own money.” Wika nang dalaga. Pantubos ko sana yan sa sarili. Dagdag pa nang isip niya pero hindi na niya isinatinig. “Hindi ko na ito tatanggihan. Kailangang kailangan ko talaga nang pera.” Wika nang papa niya saka ngumiti sa kanya. Sa unang pagkakataon nakaramdam nang kaligayahan si Ashira dahil sa katotohanang nilapitan siya nang ama niya para humingi nang tulong. Wala naman siyang ibang ginusto noon pa kundi ang pagtanggap nito. “Bumalik ka dito anong oras mo gusto. Pwede ka ring dito matulog. Tiyak magugustuhan yun ni Shiny mukhang malapit ang loob niya saiyo.” Wika pa nang papa niya. Ngumiti naman ang dalaga at tumango. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa narinig niya mula dito. ***** Bakit ka mag-isa? Where is she?” tanong ni Davin kay Kim nang dumating ito sa mansion nang hindi kasama ang dalaga. Sinabi nito sa assistant na sunduin ang dalaga sa university. Ngunit nang dumating ito sa mansion nag-iisa ito. Napansin agad ni Kim ang inis sa mukha nang binata nang dumating siya. Sinundo niya ang dalaga sa University ngunit nang dumating siya hindi na niya naabutan ang dalaga sabi nang isang guard umalis ito kasama ang isang bata at isang lalaki. Nang ipinakita niya ang larawan ni Romeo at Shiny kinumpirma nito na sila ang kasama nang dalaga nang umalis ito. “I think I told you to na bantayan mo siya. And you let this happen?” inis na wika ni Davin sa lalaki. “Do you know where she is?” Tanong nang binata. “Ayon sa pinagtanungan kong Guard nang university. Sumama siya sa ama niya at sa kapatid niya.” Sagot ni Kim. Nang marinig nang binata ang sagot nang assistant niya napatingin ito sa lalaki. “Sumama?” Tanong nang binata. “Bakit naman siya sasama sa kanila?” Tanong nang binata. “Calm down Son.” Wikan ang matanda na bumama mula sa ikalawang palapag nang mansion. “Hindi mo naman maitatanggi sa kanya na maghanap siya nang pagkalinga mula sa mga magulang niya at pamilya.” Wika pa nito saka naglakad papalapit sa kanila. “Pamilya? Pamilya parin ang turing niya sa mga iyon kahit na ginawa siyang bagay na pinagbibili? Bullshit!” napamurang wika nang binata. Napatingin naman ang matanda sa binata maging si Kim. “Hindi mo pwedeng ipagkait iyon sa kanya.” Wika nito. “She is young at lumaking wala sa poder nang magulang niya. Kahit sino talagang maghahanap nang pagkalinga mula sa pamilya nila.” “She is stupid if she is thinking that way. They are not even worth to be called her family.” Wika nang binata saka naglakad papalabas. “Hey, Saan ka pupunta?” Tanong ni Bernard sa anak. “I don’t feel like staying here tonight.” Wika nang dalaga saka lumabas. “Sundan mo siya.” Wika nito kay Kim. “Yes Sir.” Wika pa nito saka nagmamadaling sinundan ang binata. Napatingin lang si Bernard sa anak. Hindi naman niya iyo masisisi kung ganoon ang reaksyon nito nang malaman kung saan nagpunta si Ashira. Simula pa noon. He has been protecting her. Kahit noong unang beses na dinala nang mag-asawa si Ashira sa mansion. Kilala niya ang ama ni Ashira dahil sa kanyang Lending business. At may malaking pagkakautang ito sa kanya dahil sa mga pinatalo nito sa sugal. Maging ang Negosyo nito ay nalugi at wala ibang nagawa kundi ang ibigay ang negosyong iyon sa kanya bilang kabayaran sa malaking utang nito. Pero hindi parin natoto ang lalaki. Patuloy ito sa bisyo hanggang sa halos wala na itong ipambayad. There was one-time nang magpunta sila sa bahay ni Alfred para maningil. Isinama niya noon si Davin. It was his first-time seeing Ashira. She was pitiful at that time. Sinabi sa kanya nang anak na gusto nitong hingin niya si Ashira bilang kabayaran sa utang nang lalaki. He didn’t understand that time kung bakit iyon sinabi nang anak ngunit nang makita niya ang sitwasyon nang batang babae napagtanto niya ang gustong mangyari ni Davin. Kaya naman pumayag siya sa gusto nang anak. Iminungkahi niya kay Romeo na bilang kabayaran sa utang nito. Kukunin niya ang anak nito. Bagay naman na hindi nito tinanggihan. He made sure as well na hindi siya makakatanggi even threatening him to end his life kung hindi siya susunod. Dumating sa mansion si Romeo at Lydia para ihatid ang batang babae. Nasa balkonahe noon si Davin at pinapanood ang batang babaeng si Ashira na magmakaawa sa mga magulang na huwag ipamigay. But what else can they do? Malaki ang pagkakatutang nila. Alam din niya na simula nang dumating si Ashira sa mansion hindi nito itinuring na bahay niya o pamilya ang nasa loob nang mansion lalo na at hindi naman lingid sa kaalaman ni Ashira ang trabaho nila. Noong labing pitong taong gulang ito. Alam niyang bumalik ito sa pamilya niya. He was ready to let go of the child dahil alam niyang higit kanino man ang pamilya ang kailangan nito hanggang sa mapag-alaman niyang. Ibebenta ulit nang ama nito si Ashira sa bago nitong pinagkakautangan. Sa isang underground fighting arena, muling Nakita ni Davin ang dalaga na noon ay ginawang pamusta nang isang negosyante Malaki ang utang sa laro. Davin was determined to save her. Kaya naman malaking halaga ang inilagay nito sa pusta and even fought against the champion at time time. Hindi naman kailangang gawin iyon ni Davin. Pero alam niyang wala naman itong ibang gusto kundi ang kabutihan nang dalaga. Kaya lang sa halip na magkasundo sila lalo pang namuhi ang dalaga sa kanya dahil sa pagpapamukha nito na binili nito ang dalaga. Lalo lang lumayo ang loob nang dalaga sa kanila. He is even aware na nag-iipon ang dalaga para muling bilhin ang Kalayaan niya kay Davin. Gusto niyang malaman kung anong balak gawin nang anak sa dalaga. He’s been observing her. He is fond of her he knows that much. Pero ang anak niya ang tipong hindi kayang ipakita ang pag-aalala niya. Marahil dahil na rin sa ginawa niyang pagpapalaki sa anak niya. His emotions are something that he cannot show to everyone else he will be consider as weak. Lalo na ngayong siya ang bagong head nang Grupo. Kapag Nakita nang mgakalaban nila na mahina ang dibdib nang bagong leader baka gamitin nila ito laban sa binata. He is quite curious though as to how Davin would be able to resolve this. Malaki naman ang tiwala niya sa anak niya. He has proven himself countless times. Gusto niyang makita kung anong gagawin ni Davin ngayon na bumalik na ang mga magulang ni Ashira at mukhang desido ang dalaga na umalis sa poder nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD