Deadpan Tiger

3372 Words
Anong Sabi mo? Saan siya nagpunta?” Wika ni Davin sa isang aboridong tono. Kasalukuyan siyang nasa opisina noon at nagbabasa nang mga reports mula sa iba’t-ibang business niya nang bigla siyang makatanggap nang tawag mula sa tauhan niya. Ito ang tauhang initusan niyang bantayan at sundan si Ashira. Dahil sa alam niyang ayaw nang dalaga na may bumutontot sa kanya kaya naman inutusan ni Davin ang isa sa tauhan niya na sundan ang bawat ginawa ni Ashira. Nag simula ito noong makabalik ang dalaga sa mansion noong gabing tinubos niya ito sa underground fighting ring. It was his only way para masigurong hindi nakakatakas sa kanya ang dalaga. Nang tumawag sa kanya ang tauhan niya. Sinabi nito sa kanya na may isang batang babae ang sumundo dito mula sa University nito. Sinabi naman ni Davin dito na sundan lang ang dalaga at siguraduhing hindi ito mapapahamak. Binalita din sa kanya nang tauhan na dinala nang batang babae si Ashira sa isang presinto kung saan Nakita nito ang mag-ina na lumabas mula doon at sinundo nang isang lalaki. Hinihingi din ni Davin sa tauhan ang picture nang sinabi nitong pinuntahan ni Ashira sa presinto. “Where is she now?” tanong nang binata sa tauhan niya. “Papunta na siya sa Club Athena Boss.” Wika pa nito. “Alright. Sundan mo lang siya.” Wika nang binata saka pinutol ang tawag at tiningnan ang larawang ipinadala sa kanya nang tauhan. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makilala ang babae at lalaki sa picture. “Tingnan mo nga naman. Talagang hindi pa natutoto ang isang ‘to.” Wika ni Davin habang nakatingin sa larawang nasa cell phone. “Kim.” Tawag ni Davin. Ilang sandali pa biglang pumasok sa loob nang opisina ang lalaking naka suit at may suot na salamin. “Yes. Boss.” Wika nito nang makapasok sa opisina niya. “I sent a picture. Check and find something about them.” Wika nito saka muling ibinalik ang atensyon sa mga files na nasa mesa niya. Agad namang kinuha nang lalaki ang Ipad niyang dala saka tiningnang ang larawang ipinadala sa kanya nang binata. Nang matingnan niya ito taka siyang napatingin sa binata. “This is----” Alawang wika nito saka tumingin sa binata. “You recognize them, right?” tanong nang binata na nasa binabasa ang atensyon. “Yes. But How---” “I don’t know. Don’t ask me. That’s your Job.” Wika nang binata na aborido. “Yes Boss. I’ll look into this right away.” Wika nito saka tumalikod. Nang makalabas ang lalaki saka naman inilapag nang binata ang hawak na panulat. Hindi niya magawang ituon ang atensyon niya sa binabasa dahil sa pag-iisip sa nakitang larawang ipinadala nang tauhan niya. Galit ang nararamdaman niya habang iniisip ang larawang iyon. ***** Her voice seems sad tonight don’t you think?” Narinig ni Davin na wika nang isang dalagang nasa karating mesa niya sa Loob nang Club Athena. Gaya nang dating tuwing may performance si Ashira sa Club na iyon parati siyang nandoon. Hindi lang para makinig sa dalaga kundi para na din bantayan ito. He’s been doing this for 2 years now. Simpleng napatingin si Davin sa dalagang nagsalita saka bumaling kay Ashira na nasa stage. Akala niya siya lang ang nakapansin sa malungkot na boses nang dalaga. Maging ang mga nandoon din pala sa club. Patunay lang na kilala na nang mga ito ang boses nang dalaga. Napatingin naman si Davn sa dalaga. “Silly girl.” Wika nang binata saka tinunga ang alak sa kopita niya. “You will become like this after meeting your good for nothing family. Then why do you have to meet them. Foolish.” Wika pa nang binata habang nakatingin sa dalaga. “Ashira.” Wika ni Melina nang magpunta sa backstage ang dalaga saka agad itong niyakap. “What happen? Bakit ang lungkot nang boses mo.” Wika ni Melina sa kanya. Napatingin naman si Ashira sa club owner na nasa likod ni Melina. “It’s not just us. Pati ang mga customer na nakikinig saiyo. They can hear the sadness in your voice. May nangyari ba?” tanong ni Phelias sa dalaga. “I’m okay. Nadala lang siguro ako sa kanta.” Wika nang dalaga saka bahagyang lumayo kay Melina. Matama namang natumingin si Melina sa kaibigan. “I don’t believe you. Hindi naman malungkot yung kanta.” Wika ni Melina. “Kahit kaliwa ang boses ko, Hindi naman ako bingi. Was it your so-called sister?” “May kapatid ka?” Gulat na tanong ni Phelias nang marinig ang sinabi ni Melina. “We have the same reaction.” Natawang wika ni Melina saka lumingon kay Phelias bago bumaling kay Ashira. “Hindi ba naging Maganda ang -----” “Ano ka ba. Masyado kang nag o-overthink.” Pigil ni Ashira sa iba pang sasabihin nang kaibigan. “Okay lang ako. Pasensya na kung sa palagay nang mga customer malungkot ang boses ko. Didn’t notice.” Wika pa nang dalaga. “AH.” Biglang wika ni Melina dahilan para mapatingin si Phelias at Ashira sa dalaga. “Bakit?” tanong ni Phelias. “May mga kakilala ako na nasa club ngayon. Sumali nalang tayo sa kanila. Para din mawala yang kung anong nasa dibdib mo.” Wika pa ni Melina kay Ashira. “Hey. Kakilala? Kaibigan mo ba?” tanong ni Phelias. “Ito naman kung makatingin.” Wika ni Melina nang makita ang nagtatakang mukha nang Binatang owner. Alam naman kasi nito na si Ashira lang ang kaibigan niyang dinadala niya sa lugar na iyon. Kaya hindi nakakapagtaka kung nagtataka ito sa sinabi niya. “Eto naman. Para namang isolated akong tao no.” wika nang dalaga kay Phelias. “Hindi ba?” pabirong wika nang binata. “Hindi no! mapanghusga.” Pairap na wika nang dalaga natawa lang ang binata sa naging reaksyon nang dalaga. “Mga anak sila nang business partner nang Mga magulang ko. Nagkita kami kanina sa labas nang club. Siyempre, niyaya nila akong sumali sa kanila. Nakakahiya namang hindi ko paunlakan Nakita na nila ako.” Wika pa nang dalaga. “That’s good to hear then.” Wika ni Phelias. “Ashira mabuti pa at sumama kana kay Melina. But hey. Don’t drink to much.” Paalala nito. “Para namang umiinom itong si Ashira.” Wika ni Melina saka humawak sa braso nang kaibigan. “I mean you.” Wika ni Phelias sa dalaga. “I know Ashira. Saiyo ako nag-aalala.” Dagdag pa nito. Taka namang napatingin si Ashira sa kaibigan saka napansin ang pamumula nang pisngi nito. Tiyak na kinikilig ito sa sinabi nang club Owner. Matagal na niyang alam na may malaking crush ang kaibigan sa owner nang club. Tiyak dahil sa sinabi nito malamang lumulutang sa alapaap ang kaibigan. Gusto niyang matawa sa kaibigan. Tiyak kapag nalaman ito nang club owner nila baka matawa din ito. Single and available ang club owner nila pero sa tingin niya parang mga bata ang tingin nito sa kanila. Inihatid ni Phelias nang tingin ang dalawang dalaga sa mesa nang mga sinasabi ni Melina na kakilala niya. Hindi naman nakaligtas kay Davin ang paglapit ni Melina at Ashira sa Mesa. Nagtaka pa ang binata dahil sa Nakita. Ito ang unang beses na nagpunta sa table nang customer si Ashira matapos ang Performance niya. Bigla siyang nainis nang makita ang dalaga sa mesa nang mga ito. May Apat na lalaki sa table at Tatlong babae. Ilan sa mga ito ay kanina pa umiinom at halatang may lasing na. “Carli? Right?” wika nang isang binata nang maupo si Ashira sa tabi nito saka iniabot sa dalaga ang isang bason ang alak. “I don’t drink.” Wika nang dalaga saka tumanging tanggapin ang baso. “Wow. That’s first.” Wika nito saka tumingin kay Melina na masayang nakikipag-usap sa tatlong dalaga habang umiinom. “Ano ‘tong kaibigan mo Melina?” tanong nito kay Melina. “Wala sa itsura niya ang tumanggi sa alak.” Anito. “Hindi talaga yan umiinom.” Wika ni Melina saka kinuha ang basong may alak saka ininom. “She’s a good girl okay.” Wika nito saka ngumiti. “Here.” Wika nang isang binata na tumayo at ikinuha nang juice si Ashira sa Bar. Napatingin naman si Ashira sa binata. “Hindi yan Alak.” Wika nito habang nakatingin si Ashira sa binata. Ngumiti ito sa dalaga bilang assurance. “Thank you.” Wika nang dalaga saka tinanggap ang juice na binigay nito. “You are a good singer. May nag sabi na ba sa iyo niyan?” Wika nang binata. “Thank you.” Simpleng wika nang dalaga saka inimon ang ibinigay na bason ang juice sa kanya nang binata. Nakatingin lang ang binata sa kanya habang iniimon niya ang juice. Si Davin naman na nasa di kalayuan, naniningkit ang mga mata dahil sa Nakita. Napahawak siya nang mahigpit sa kopita niya. Pero hindi siya kumawa nang ano mang hakbang. Napantingin si Davin sa kaibigan ni Ashira na si Melina na tila lasing na at nakahilig na ang ulo sa headboard nang upuan. Si Ashira naman matapos uminom nang Juice biglang nakaramdam nang pagkahilo. Dahil sa biglang pagkahilo, inilapag ni Ashira ang juice sa mesa na muntik pang mahulog kung hindi nasalo nang binata ang kamay niya. “What’s wrong?” tanong nang lalaki. Pati ang boses nang binata pakiramdam ni Ashira ay umiikot din. Maging ang mga ilaw sa loob nang Club pakiramdam niya nagiging blurry na sa paningin niya. “I’m Okay. I’ll go---” wika nang dalaga saka tumayo pero dahil nahihilo siya bigla siyang nawalan nang balanse at napaupo. “You don’t look you’re okay.” Wika nang binata saka hinawakan ang braso nang dalaga. “I better help you.” Wika nito saka akmang bubuhatin ang dalaga pero biglang may pumigil sa kamay niya. Napatingin naman ito sa may ari nang kamay. “Sino ka?” tanong nito. “I should ask you the same question.” Wika nito saka tumingin sa kamay nang lalaki na nakahawak sa braso nang dalaga. “Aba’t Ano bang pakialam mo.” Wika nito saka tumayo at susugurin ang binata pero mabilis na kumilos ang binata at sinuntok ito ang dalawa pang kasama nito ay susugurin din sana ang binata pero mabilis silang sinuntok nang binata dahilan para maupo sila sa sofa habang hawak ang mga pisngi. Bigla namang tumayo ang Binatang nasa tabi ni Ashira para sugurin si Si Davin. “Don’t.” matigas na sabi ni Davin sa binata saka itinuro ang hintuturo sa binata. Dahil sa titig nang binata biglang natigilan ang lalaki sa pagsugod. Ang mga mga kasama naman nila ay hindi nakapagsalita dahil sa labis na gulat sa nangyari. Dahil din sa bilis nang pangyayari. At sa pagiging busy nang mga tao sa loob nang club tila walang nakapansin sa nangyari. “Stupid Girl. Let’s go.” Wika ni Davin saka hinawakan ang kamay nang dalaga at pinatayo ito pero agad na iwinaksi nang dalaga ang kamay nang binata. “Stupid girl. You sounded like him.” Wika ni Ashira saka napatingin sa lalaki. Pero dahil sa nanlalabo ang mata niya at dahil sa nahihilo siya hindi niya makita nang maayos ang mukha nang lalaki. “Imposible. Hindi naman ang tipo niya ang papasok sa lugar na ito. He won’t be wearing a simple shirt.” Natatawang wika nang dalaga. Kahit naman nanlalabo ang panigin niya nakikita niya na ang lalaking nasa harap niya ay nakasuot nang T-shirt. “You’re talking nonsense.” Wika nang dalaga saka marahas na itinayo ang dalaga. Akma sanang akayin nang binata ang dalaga papalayo nang bigla siyang sinalubong nang Club Owner. Napatingin ito sa kanya Pero sa halip na pigilan ang binata nagbigay daan pa ito sa binata saka lumapit kay Melina na halos matulog na sa kalasingan. “I told you not to drink too much.” Wika nang binata saka lumapit sa dalaga at pasimpleng tumingin kay Davin na inaakay si Ashira papalabas nang Club. He would want to Stop him na dalhin ang dalaga ngunit nang tumingin siya sa mata nito bigla niyang nabasa na hindi ito papayag na makiaalam siya o ang pigilan siya nito. It would be bloody kung pinigilan niya ang binata. His eyes is telling him na hindi magiging Mabuti kung makikialam siya. Kaya para sa kanya at sa club mas mabuting hindi niya pakiaalaman ang binata. “Owner.”mahinang wika ni Melina nang makilala ang binata bumuhat sa kanya. “Yeah it’s mt alright. Bakit iinom-inom ka hindi mo naman kaya.” Wika pa nang binata habang naglalakad patungo sa dressing room. “What would you do if this is a different club.” Wika pa nito. “I would never go to any other club. This is where you are. Gusto ko dito.” Wika nang dalaga dahilan para mapatingin ang binata sa dalagang bigla nalang nawalan nang malay matapos sabihin iyon. Napangiti naman si Phelias nang marinig ang sinabi nang dalaga. Nang makarating sila sa dressing room ni Ashira/Carli. Inilapag niya sa sofa ang dalaga. “Sleep well.” Wika pa nito saka nilagyan nang blanket ang dalaga bago lumabas nang dressing room. “Boss!” wika ni Kim nang makitang lumabas sa club ang Binatang si Davin kasama si Ashira na halos hindi makatayo. Nang makalabas sila sa pinto bigla namang bumitaw ang dalaga sa binata at napasandal sa pinto. “Bakit ang init dito.” Wika nang dalaga saka tinanggal ang suot na leather jacket. Pero bago niya iton mahubad biglang pinigilan ni Davin ang kamay niya. “What are you doing Stupid Girl.” Wika nang binata. “I am not stupid.” Wika nang dalaga saka winaksi ang kamay nang binata. “Stop calling me that. You sounded like that deadpan tiger.” Wika nang dalaga. Napatingin naman si Kim sa dalaga dahil sa sinabin ito. “Deadpan?” takang wika nang binata at hindi makapaniwalang napatingin sa dalaga. Ito ang unang beses na narinig niya iyon mula sa dalaga. She would normally act so distance towards him. “Yes. That deadpan tiger. I hate him.” Wika nang dalaga saka itinulak ang binata. “You hate him?” ulit nito. “Yes. Bakit mo ba inuulit ang sinasabi ko?” aboridong wika nang dalaga. “I hate him. I would never like him. Not him. He is the person in this world na pinakaayaw ko.” Wika nang dalaga. “Are you being honest? O dahil lang you were drugged kaya ka nagsasalita nang ganyan.” Tanong nang binata. “I hate him. But I can’t say it because I am scared of him.” Wika nang dalaga saka napatingin sa Binatang nasa harap. “Why are you so interested to know. Ikaw ba siya?” wika nang dalaga saka napatawa nang bahagya. “Imposible. Hindi siya pupunta dito. He might be busy killing people now or busy buying someone else’s daughter.” Wika pa nang dalaga. Hindi naman nakapagsalita ang binata at napatingin lang sa dalaga. Ramdam niya ang galit nang dalaga sa kanya. Dahil marahil sa katotohanang noon paman pinamumukha na niya dito na binili niya ito at pag-aari niya ang dalaga. “Let’s go. Wala ka sa tamang suhestyon. You should rest.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga saka hinatak papalapit sa kotse kung saan nakatayo si Kim. “Ayoko. Ayokong sumama saiyo. Saan moa ko dadalhin.” Wika nang dalaga saka pilit na binabawi ang kamay sa binata pero malakas ang binata at hindi nito binitiwan ang kamay niya. Nang makalapit sila sa Kotse agad namang binuksan ni Kim ang pinto sa likod. Mabilis namang inalalayan ni Davin a ng dalaga na pumasok sa loob nang kotse habang inaalalayan ang ulo nito. Nang makapasok na ang dalaga saka naman siya pumasok sa loob at tumabi dito. “Sa Mansion tayo Kim.” Wika nang binata sa assistant niya na pumasok sa driver’s seat. “Yes. Boss.” Wika pa nito saka binuhay ang makina nang sasakyan saka umalis sa lugar na iyon. Mula sa rearview mirror napasulyap siya kay Davin at Ashira. “Bakit ba ang init dito.” Wika nang dalaga saka tinanggal ang jacket niya agad namang napatingin ang binata dito pero hindi na napigilan ang dalaga sa ginawa nito. “What are you doing stupid.” Wika nang binata nang makitang inilagay sa gilid nang upuan ni Ashira ang jacket. “Stop calling me Stupid. Don’t remind me of that Deadpan tiger.” Wika nang dalaga saka inihilig ang ulo sa sandalan. Napatingin naman ang binata sa dalaga. “Do you really hate him?” tanong nang binata. “It’s of no doubt. Because of him, I don’t have any family.” Anang dalaga. “Is he not your family?” “He would never. I will not allow it. Not him.” Wika nang dalaga saka biglang napatungo ang ulo sa dibdib nang binata. “You really hate me?” tanong nang binata saka hinawakan ang mukha nang dalaga. “That’s so sad. I think I can call you my family.” Wika pa nang binata saka inilapit ang mukha sa dalaga. Bigla namang nagmulat nang mukha ang dalaga at napatingin sa binata. “You voice. It’s like the deadpan tiger’s voice.” Wika nang dalaga saka napatingin sa mukha nang Binatang nasa harap niya. Kaya lang dahil sa panlalabo nang mata at sa hilo hindi niya makita ang mukha nito. “But your voice sounder so peaceful.” “Do you hate his voice too?” Tanong nang binata. “I don’t hate it. It’s just that I am scared whenever he uses a fierce tone.” Wika nang dalaga. “Looks like there is nothing about him that you like.” Wika nang binata. “I hated him the most.” Wika nang dalaga. “I guess you have to add more things you hate about me.” Wika nang binata saka hinawakan ang dulo nang baba nang dalaga saka walang pasabing sinakop ang bibig nang dalaga. Napamulagat pa ang dalaga dahil sa ginawa nang binata. Maging si Kim na nasa garap nang sasakyan ay nabigla din sa ginawa nang boss niya. Kahit tila lasing si Ashira. Ramdam niya ang mga labing sumakop sa labi niya. Sinubukan niyang itulak ang lalaking nasa harap niya. Para lumayo dito. Pero hindi niya alam kung dahil sa hilo o malakas lang ang binata kaya wala siyang magawa. Habang patuloy siyang nanlalaban lalo namang nagiging mapusok ang halik na iyon. Hindi na alam ni Ashira kung gaano katagal nanghinang ang mga labi nila nang estranghero. All she knows is she suddenly quit struggling nang maramdamang hindi naman siya mananalo sa laban sa lakas nito. Plus his kisses is getting more gentler compare to the first time their lips met. He kissed him as if he is thirsty of her lips. Pakiramdam nang dalaga namamanhid na ang mga labi niya dahil sa tagal nang halik na iyon. Habang tumatagal ding magkahinang ang labi nila. Hindi na niya magawang magalit sa estranghero. She even responded to his kisses at some point siguro dahil na rin sa kalasingan o sa hilo. Hindi na niya alam. “You should rest. Naughty Kid.” Wika ni Davin nang ilapag sa kama nito ang dalaga. Saka napatingin sa mukha nito habang natutulog. Lihim siyang napangiti nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina sa loob nang kotse. Hindi niya akalaing he can act like that towards her. “That’s a shame that you hate me and don’t consider me as your family.” Wika nang binata. Ayaw man niyang aminin pero alam niya ang dahilan. Kahit ang ama niya alam na hindi rin pamilya ang turing nang dalaga sa kanila. Malungkot mang isipin pero wala siyang magagawa. Hindi naman madaling tanggapin ang uri nang trabahong meron siya. And besides, simula pa nang una, pinamukha na niya sa dalaga na binili niya ito kaya hindi niya masisisi ang dalaga kung kamuhian man siya nito. “Good night.” Wika nang binata saka hinalikan sa noo ang dalaga bago inayos ang blanket nito at lumabas nasa silid nang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD