Boss!” Gulat na wika nang mga tauhan ni Davin nang bumukas ang pinto nang silid nil ani Ashira sa hotel. Hindi naman sumagot si Davin at muling isinara ang pinto. Saka napatingin sa wristwatch niya. Bago bumaling sa dalawang lalaking nasa pagitan nang pinto at nakatayo.
“You Two Stay here. Hintayin niyo siyang magising at ihatid niyo sa mansion.” Wika nang binata sa dalawang lalaki.
“Yes Boss.” Sagot naman nang mga ito. Tumango lang si Davin saka naglakad patiuna. Sumunod naman ang tatlo sa kanya. Kinailangan niyang umalis nang madaling araw dahil sa trabahong kailangan niyang tapusin.
Biglang napabalikwas nang bangon si Ashira nang mag mulat nang mata at mapagtantong nasa ibang silid niya. Habangnakaupo sa kama pilit niyang inisip kung anong nangyari at kung bakit siya nandoon sa silid na iyon.
“He’s not here.” Wika nang dalaga nang maalala na kasama noong nakaraang gabi ang Binatang si Davin sa Silid na iyon. Bigla siyang napalingon sa silid wala doon ang binata. Did he leave? Tanong nang dalaga saka tumayo at nagtungo sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili. Nang lumabas siya muli siyang napatingin sa silid. There were no traces of him sa loob noon.
Bakit naman niya ako iniwang mag-isa dito. Inis na wika nang dalaga saka naglakad patungo sa pinto. Nang bugsan niya iyon. Biglang natigilan ang dalaga nag makita ang dalawang tauhan ni Davin sa may pinto at nakatayo. Nang makita siya nang dalawa agad nag bow ang mga ito sa kanya.
“Si-Si Davin?” Alangang tanong nang dalaga.
“Maaga siyang umalis dahil sa trabaho. Ihahatid kana namin sa mansion.” Wika nito sa kanya. “Tatawagan ko ba siya para sabihing---”
“Hindi.” Maagap na wika ni Ashira. “Hindi na kailangan. Let’s go.” Wika nang dalaga saka nagpatiuuna. Bakit naman nito tatawagn si Davin? Hindi naman nito kailangang malaman kung anong ginagawa niya. Isa pa, hindi naman niya gustong matulog doon kasama ang binata. She was force. Hindi niya maintindihan kung anong pumasok sa ulo nito at doon natulog sa hotel matapos ang gathering. Kahit anong gawin niya hindi talaga niya maiitindihan ang takbo nang isip nito.
*****
Pupunta ka sa sa Club mamaya? Diba may session ka doon?” tanong ni Melina nang papalabas na sila nang university. Kakatapos lang nang klase nila nang araw na iyon. Tuwing martes at huwebes nang gabi ang trabaho niya sa club at sabay silang nagpupunta ni Melina doon. Parati siya nitong hinihintay tuwing Ganoon araw kahit na wala itong pasok.
“Mas Excited kapa ata kaysa sa akin.” Wika ni Ashira saka tumingin sa kaibigan.
“Kuh, alam mo namang supportive ako saiyo no. At isa pa. Biyernes bukas. Wala akong pasok pwede akong umuwi nang kahit madaling araw.” Wika nito sa kanya saka ikinalawit ang kamay sa braso niya.
“Ang sabihin mo. Gusto mo lang makita ang club owner. Ginagawa mo pang excuse ang trabaho ko don para makita ang club owner. Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya na may gusto ko sa kanya nang hindi ka puro nakaw tingin.” Wika ni Ashira sa kaibigan.
“Naku, as if naman papansinin ako noon. E mukha yatang iba ang gusto noon eh. Pwede ba suportahan mo nalang ako. Dalawang araw ko na ngalang siya makita sa isang linggo pagdadamutan mo pa ako.” Napalabing wika nito.
“Ewan ko saiyo.” Natatawang wika ni Ashira saka nagpatulog sa paglalakad pero bigla siyang natigilan maging si Melina nang may isang batang babae ang humawarang sa kanila. Sa tingin ni Ashira parang pamilyar ang batang iyon. At kung titingnan nang Mabuti parang nasa Labing isa o labing dalawang taong gulang na ito.
“Bakit? May kailangan ka sa min?” tanong ni Melina sa batang babaeng nakatingin kay Ashira. Taka namang siyang napatingin sa kaibigan nang mapansin ang mga tingin nang bata sa kanya.
“Ate Ashira.” Wikan ang batang babae habang nakatingin nang derecho sa dalaga. Lalo namang napatingin si Melina sa kaibigan na puno nang pagtataka. Maging si Ashira ay nagulat din sa itinawag sa kanya nang bata.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Melina sa kaibigan. Napatingin naman si Ashira saka napaiiling. Hindi niya maintindihan kung bakit tinawag siyang ate nang batang babae.
“Ate.” Wika nang batang babae saka hinawakan ang kamay ni Ashira dahil sa gulat nang dalaga bigla niyang itinaboy ang kamay nito.
Nakita nilang nabigla ang batang babae at halatang nagulat din sa ginawa ni Ashira. Hindi naman niya sinasadya ang ginawa nito kaya lang nabigla siya nitong hinawakan kaya nagulat siya.
“Ate.” Biglang nalungkot na wika nang bata habang nakatingin kay Ashira.
“Bata, hindi magandang bigla ka nalang manghahawak nang kamay nang taong hindi mo kilala.” Wika ni Melina saka lumapit sa batang babae. “Are you lost? Hinahanap mo ba ang magulang mo?” tanong pa nito.
“Ate Ashira. Hindi mo ba ako natatandaan?” tanong nito nang hindi pinapansin ang sinabi ni Melina. Napatingin naman si Melina sa kaibigan.
“Ako ‘to si Shiny ang kapatid mo.” Wika nito sa kanya. Lalo namang nagtaka si Melina sa narinig.
“Kapatid? May kapatid ka?” takang tanong ni Melina. Ang alam nito, base sa kwento ni Ashira. Inampon ito nang isang mayamang lalaki at siya ngayong nagpapaaral sa kaibigan. Wala naman itong naikukuwento tungkol sa pamilya nito lalo na ang pagkakaroon nito nang kapatid.
“Hindi mo na ba ako natatandaan?” Balik na tanong nito. Habang nakatingin si Ashira sa bata. Biglang bumalik sa alaala niya ang batang babaeng kapareho niya nang birthday. Ang batang babaeng mas mahal nang mga magulang niya. Pareho sila nang magulang pero siya ang ipinamigay nang mga ito. Habang iniisip niya iton biglang sumikip ang dibdib niya habang naalala ang mga masakit na nakaraang iyon. Gustong pumatak nang luha niya nang maisip ang mga nakaraan niyang gusto niyang kalimutan pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi ito ang tamang lugar para umiyak siya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nang dalaga. Gusto niyang malaman kung bakit nandoon ang kapatid at kung paano nito alam kung saan siya hahanapin. Kung talagang kinalimutan na siya nang pamilya niya bakit doon ang kapatid niya. She was relatively small nang huli silang magkita. Gusto mabuhayan nang loob niya sa kabila nang mga masamang alaala na meron siya sa pamilya niya ang makita ang kapatid niya hinanap siya nito. Parang gusto niyang isipin na may paraan pa para makaalis siya sa poder nang mag-amang Mafia at makabalik sa mga magulang niya. Kahit ano anong klaseng buhay handa siyang harapin basta nasa piling lang siya nang pamilya niya. Kahit anong hirap nang buhay handa siya. Basta tanggapin lang siya ulit nang mga ito.
“Pwede ka bang sumama sa ‘kin?” wika nito saka muling hinawakan ang kamay ni Ashira. Sa pagkakataong iyon hindi itinaboy nang dalaga ang kamay nang kapatid. Sa mukha nito nakikita niya tila kailangang-kailangan nito nang tulong niya.
“Bata. I won’t allow that. Paano ako nakakasigurong hindi mo niloloko ang kaibigan ko.” Wika ni Melina saka tinanggal ang kamay nang batang babae sa pagkakahawak kay Ashira. “What?” tanong ni Melina nang tumingin sa kanya si Ashira. “I am just trying to protect you. Hindi natin sigurado ang panahon ngayon. Maraming mga nagpapanggap na pamilya pero masasamang loob lang pala. They can use even the the most innocent person in this world, ang mga bata just to fool us. So, hindi. Hindi ako papayag na sumama ko. Paano tayo na kakasigurong hindi siya masamang tao.” Wika ni Melina.
Naiintidiha ni Ashira ang kaibigan at thankful siya dahil sa pag-aalala nito. But it has been years simula nang huli niyang makita ang mga magulang. Siya man din gusto niyang malaman kung anong nangyari at bakit siya nito hinanap.
“Thank you, Melina. But I know her.” Wika ni Ashira. “Alam kung hindi siya masamang tao.”dagdag pa nang dalaga saka tumingin sa kapatid. Ngumiti naman ito nang marinig ang sinabi niya.
“I’ll go with her. HIntayin mo nalang ako sa club mamaya.” Wika ni Ashira saka bumaling sa kaibigan.
“Ha? Bakit? Sasamahan nalang kita.” Wika ni Melina.
“Hindi na. This won’t take long.” Wika pa ni Ashira, Napatingin naman si Melina sa kaibigan. Maraming inililihim si Ashira sa kanya. Pero wala naman siya sa lugar para pilitin itong sabihin sa kanya ang mga nasa loob nito. Bilang kaibigan all she can do is to wait kung kailan handa na ang kaibigan na magsalita o magbahagi nang mga nasa loob niya. Handa naman siyang makinig dito o damayan ito.
Isa pa, Si Ashira lang ang maituturing niya kaibigan. Lahat nang mga nakilala niya bago si Ashira ang tingin sa kanya isang tao pwedeng pagkakitaan dahil sa estado nang buhay niya. May mga naging kaibigan siya pero puro palabas lang. They were just taking advantage of her Hanggang sa magising siya sa isang masakit na katotohanang hindi lahat nang itinuturing niyang kaibigan ay kaibigan talaga. Mabuti na lang at nakilala niya si Ashira. Nakahanap siya nang isang tunay nakaibigan sa dalaga.
“Sige ikaw bahala. Pero kung ano’t anoman, call me. Okay?” Wika nito kay Ashira. Ngumiti naman si Ashira at tumango sa kaibigan.
“Bata. Ingatan mo yang kaibigan ko.” Wika nito sa batang babae.
“Shiny. Yun ang pangalan ko.” Wika nito Kay Melina. “Huwag kang mag-alala hindi ko sasaktan ang Ate ko.” Wika pa nito saka muling hinawakan ang kamay ni Ashira. Simple namang ngumiti si Ashira. Ang sarap namang pakinggan nang salitang Ate. Bagay na ngayon lang niya narinig sa buong buhay niya. Mas magiging kompleto sana ang kasiyahan niya kung talagang makakabalik na siya sa pamilya niya.
****
Dinala siya nang batang babae sa isang Presinto. Habang nasa labas sila bigla siyang natigilan at bumitaw sa kamay nang batang babae. Punong-puno nang pagtataka ang isip niya kung bakit sila nasa presinto. Taka naman siyang napatingin sa batang babae.
“Anong ginagawa natin dito? Bakit dito moa ko dinala?” tanong nang dalaga sa batang babae. Pero as halip na sagutin siya. Muling hinawakan nang batang babae ang kamay niya saka inakay papasok nang presinto.
Sa information Desk tinanong nang batang babae ang isang police tungkol sa detainee. Taka siyang napatingin sa batang babae nang marinig ang pangalang binanggit nang bata.
“Anong ibig sabihin nito?” Tanong ni Ashira sa batang babae ngunit sa halip na sumagot hinila lang nito si Ashira pasunod sa pulis ngunit biglang napahinto ang batang babae nang hindi gumalaw sa kinatatayuan niya si Ashira. She was frimly standing at hindi iya gagalaw doon hanggat hindi niya naririnig ang sagot nagusto niya. Napatingin naman ang batang babae sa kanya.
“I asked you a question. Anong ginagawa natin dito? Anong ibig sabihin nito?” tanong nang dalaga sa batang babae saka binitiwan ang kamay nito. Nakatingin lang ang batang babae sa kanya. “Fine, hindi mo sasabihin. Then there is no reason for me to stay here.” Wika nang dalaga saka akmang aalis.
“Tulungan mo akong ilabas sa kulungan ang Mama ko.” Biglang bulalas nang batang babae. Bigla namang napahinto si Ashira sa paglalakad nang marinig ang sinabi nang batang babae. “Wala naman siyang kasalanan. Gusto niya lang akong iligtas. Please Ate.” Wika pa nito saka napahawak sa damit nang mahigpit.
Narinig niya ang garagal na boses nang bata na para bang pinipilit nitong huwag umiiyak. Gusto niyang malaman kung anong nangyari. Napabuntong hininga si Ashira saka lumingon sa bata.
“Sige. But let me hear it first. Saka ako magdedesisyon kung tutulungan kita.” Wika pa ni Ashira saka napakuyom nang kamao. Bakit sa ganitong paraan pa niya muling makikita ang pamilya niya? Anong nangyari sa loob nang limang taon? Are they not supposed to be living a good life sa laki nang halagang nakuha nila mula kay Davin? Iyon ang mga katanungan sa isip niya.
“Nakaaway ni mama ang may ari nang isang club kung saan gusto ni papa na pumasok ako bilang waiter. May mga nasira siyang gamit at dahil wala siyang pambayad kaya siya ipanakulong. Pero ginawa lang niya iyon dahil ayaw niyang magtrabaho ako sa ganoong klaseng lugar.” Wika nang batang babae.
Napaawang naman ang labi ni Ashira nang marinig ang sinabi nang kapatid. She can only imagine how would that look like. Being forced to do things you don’t like. But lucky for her, nandoon ang mama niya para protektahan ito. Pero siya noon, Isa ang mama niya sa nagtaboy sa kanya at para siyang isang bagay na ipinamigay at iniwan. Kumirot ang dibdib niya nang maisip iyon at ang pagkakaiba niya at sa kapatid niya. At the same time. Hindi maaalis ang selos na naramdaman niya. Dahil sa kaya itong pagtanggol nang mama nila ngunit hindi nito ginawa para sa kanya.
“Please ate. Pareho naman nating mahal si Mama. Wala na akong ibang pwedeng lapitan. Si Kuya wala ding pera.” Wika pa nito.
Walang pera? Saan napunta ang pinambayad sa kanila para sa buhay ko. Gustong ibulalas iyon ni Ashira pero pinigil niya ang sarili niya.
“Fine.” Wika ni Ashira saka naglakad pasunod sa Pulis napangiti naman ang batang babae dahil sa narinig mula sa kapatid at sumunod dito. Sinamahan sila nang pulis sa isang selda kung saan may isang ginang na nakaupo sa loob at may pasa ang mukha. May pasa ang gilid nang bibig niya at ang gilid nang kaliwang mata ay may pasa din. Magulo din ang buhok nito.
Hindi inaasahan ni Ashira na makikita ang mama niya sa ganoong ayos. Gustong madurog nang puso niya nang makita ang ayos nang mama niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyon niya. Hindi iyon ang lugar para doon.
“Shiny! Saan ka ba nag puntang bata ka. Hindi ka ba pumasok sa school?” wika nang mama nila nang makita ang kapatid niya saka ito tumayo at lumapit sa kanila at napahawak sa Rehas na bakal.
“Mama, Kasama ko si Ate Ashira. Tutulungan ka niyang makalabas dito.” Wika nang batang babae saka hinawakan ang kamay nang mama niya. Napatingin naman ang babae sa kanya. Pinasadahan siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa.
“Mukhang naging Mabuti ang buhay mo. Pero hindi ko kailangan nang tulong mo. Sabi sa ‘kin makakalabas ako dito sa makalawa.” Wika nang mama nila saka tinanggal nito ang kamay sa rehas.
“Magbabayad lang ako para sa pyensa mo----” wika nang dalaga at akmang tatalikod.
“Hindi na.” agaw nang mama niya. “Kung galing lang din saiyo ang pera. Mas gusto kong matulong dito nang ilang araw.” Wika pa nang mama niya. Lalo namang napakuyom nang kamao si Ashira dahil sa sinabi nang mama niya.
“Mama. Ayoko. Hindi pwedeng nandito ka. Dito nalang din ako matutulog kung hindi ka uuwi sa atin.” Wika nang batang babae. Hindi naman nakapagsalita ang ginang. Napatingin si Ashira sa mama niya at sa batang babae. Makikita sa mukha nang mama niya ang pag-aalala nito para sa batang babae.
“I am not helping you. I am helping her.” Wika ni Ashira sa mama niya saka naglakad papalyo sa Selda. Lumapit siya sa isang pulis para kausapin ito tungkol sa pyensa nang mama niya. Masakit para sa kanya ang tagpong ito. Hindi ito ang muling pagkikita nila na inaasahan niya. She was thinking they are living a happy life with all that money. Pero bakit parang walang nangyari sa buhay nila?
“Thank you Ate.” Wika ni Shiny nang makalabas sa selda ang mama niya Lumapit ito sa kanya at yumakap. Napatingin naman si Ashira sa walang imik na mama niya.
“Let’s go. Kailangan magamot ang sugat mo.” Wika ni Ashira sa mama niya.
“Hindi na. malayo naman sa bituka ang sugat ko. Mawawala din ito.” Wika pa nang mama niya.
“Did he resort to violence?” Tanong ni Ashira na ang tinutukoy ay ang papa niya. Alam niyang lulong sa bisyo ang papa niya. Pero hindi niya alam na magagawa nitong saktan ang mama niya.
“Wala ka nang pakiaalam sa mga nangyayari sa amin. Nag papasalamat ako sa tulong mo. Pero kung ano man ang problemang meron kami. Labas kana doon.” Wika nang mama niya.
“Dahil ba hindi ako parte nang pamilya mo? Mama anak mo rin naman ako. Kahit na pilit mo akong itaboy hindi mo naman pwedeng itanggi na saiyo ako nanggaling. Sinusubukan kong intindihin ang mga naging desisyon mo. Ang dahilan kung bakit hinayaan mo akong ibenta ni Papa. Kung bakit natiis na ipagtabuyan ako.” Bulalas ni Ashira. Hindi naman nakapagsalita ang ginang dahil sa sinabi nang dalaga. Wala siyang ibang pwedeng sabihin dito dahil totoo naman ang sinabi nang dalaga.
“Umalis na tayo dito.” Wika ni Ashira saka tumalikod at naglakad palabas nang Presinto. Nang makalabas sila nang presinto saka naman nila nakasalubong ang papa niya. He aged, pero hindi parin maalis ang awtoridad sa kilos nito. Sa unang tingin masasabi agad ni Ashira na mukhang magdamag na naman itong naglasing.
Kahit nagkasalubong sila hindi siya nito nakilala at nilampasan lang saka lumapit sa kapatid niya at sa mama niya.
“Aba. Nalalabas ka na pala. Saan ka naman kumuha nang perang pampyansa.” Manghang wika nito. Bigla namang natigilan si Ashira nang marinig ang sinabi nang ama. Saka napalingon dito.
“Ikaw bakit hindi ka pumasok.” Asik nito kay Shiny. Dahil sa takot nang batang babae bigla itong nagkubli sa likod nang mama nila. “Dahil saiyo nasira ang tiwala nang owner sa ‘kin. Mabuti nalang at na bola-bola ko ang matanda. Pumayag na iurong ang kaso saiyo at huwag kang pagbayarin sa mga nasira mo sa club.” Wika nito sa mama niya. “Minsan hindi mo ginagamit ang utak mo. Pera na sana naging bato pa.” wika nito saka itinuro ang noo nang mama niya.
“Bakit hindi ka mag banat nang buto keysa gawin mong Negosyo ang mga anak mo.” Hindi mapigilan ang sarili na wika ni Ashira. Napatingin ang mama niya sa kanya nang magsalita siya. Maging ang ama niya ay nabigla din at napatingin sa kanya. Napakunot pa ang noo nito nang makita siya at tila hindi siya nito nakilala.
“Sino ka naman at bakit ka nakikialam sa usapan nang pamilya namin.” Asik nito sa dalaga.
“Hindi niyo ba nakikilala ang anak na ibenenta niyo?” Sakristong wika niya.
Takang napatingin sa kanya ang lalaki at tila nagulat pa nang makilala siya. Mukhang hindi ito makapaniwala sa Nakita.
“Ashira.” Banggit nito sa pangalan niya.
“Mabuti naman at natatandaan niyo pa ang pangalan ko. Papa.” Wikan ang dalaga.
“Tingnan mo nga naman ang laki nan ang pinangbago mo. Hindi na kita nakilala. Mabuti ba nag pakikitungo nila saiyo?” tanong nito sa kanya. “Ah, hindi ko na dapat tinanong. Alam ko kung anong klaseng tao ang bumili saiyo.” Ngumising wika nito.
“Paano mo nalaman na nandito ang mama mo?” tanong nito saka tumingin sa kapatid niyang nasa likod nang mama nila. “Hindi na ako nagtataka. Talagang madaldal ang isang ito. Mabuti naman at nagawa mo pang tulungan ang mama mo.” Wika nito sa kanya.
“Kahit anong gawin ko. Hindi ko pwedeng ipagkaila na pamilya ko kayo. Kahit na ilang beses niyo akong itaboy o ibenta.” Wika nang dalaga. Isang malakas na tawa lang ang pinawalan nang papa niya.
“Mukhang marami kang natutunan sa pamilyang kumupkop saiyo.” Wika nito saka bumaling sa mama niya. “Umuwi na tayo. Inaantok na ako.” Wika nito saka inakbayan ang mama niya saka inakay papalayo.
“Bumalik kana sa mga kumupkop sa iyo. Huwag mong sayangin ang oras mo dito.” Wika nang ama niya at nilampasan siya. Napatingin lang ang batang babae sa kanya.
Napakuyom lang ang kamao in Ashira habang tinitingnan ang tatlo na papalayo. Bakit ang sakit da dibdib na makitang tinalikuran ulit siya nang pamilya niya. She was actually thinking dahil tinulungan niya ang mama niya sasabihin nito sa kanya na sumama na siya dito. Kahit galit siya sa ginawa nang papa niya. She was still hoping he would say that sabihin bumalik na siya sa pamilya nila para mabuo na sila. Mukhang she got herself disappointed for hoping about something impossible.