Distant Care

3512 Words
Hindi ka nga nag sisinungaling nang sabihin mong magagawa mo akong bayaran ngayon.” Wika ni Romero nang dumating si Romeo sa Casino niya at ibinigay sa lalaki ang perang pambayad sa utang nito. Ang perang ibinigay ni Ashira sa kanya ang ibinayad nito. “Now you have my interest. Gusto kong malaman kung sino ang Alas mong ito na nasa poder ni Bernard.” Ngumiting wika nang lalaki. “Sasabihin ko rin. Sa ngayon, babawi muna ako sa mga natalo ko noong nakaraang araw.” Wika ni Romeo saka naglakad sa isang mesang may nagsusugal. Napangiti naman si Romero at sumenyas sa isang tauhan niya. “Gusto kong malaman kung anong itinatago nang isang yan. Si Bernard ang klase nang taong hindi madaling magtiwala. Sundan mo siya at alamin ang tinatago niya.” Wika nang lalaki. “Yes Boss.” Wika pa nang lalaki kay Romero. Napatingin si Romero kay Romeo na tumatawa habang nasa mesa. Iniisip niya ngayon kung papaano niya pakikinabangan ang lalaki at anga sinasabi nitong alas. Dahil gustong-gusto niyang makaganti sa Binatang si Davin. Hindi siya makapaghintay na makitang matalo niya ang binata. Lalo na at ipinahiya siya nito sa maraming tao. ****** Ilang araw nang napapansin ni Bernard na gabi na kung umuwi si Ashira, bukod doon parang masaya din ang dalaga tuwing umuuwi sa mansion. Hindi rin naman iyon nakaligtas mula kay Davin na madaling mairita tuwing inaabangan ang pagdating nang dalaga. Ngunit hindi nito ipinapakitang nag-aabang ito sa dalaga. May tauhan sila na inutusan na sundan ang dalaga at siguraduhing hindi ito gumawa nang mga mapanganib na bagay. Araw-araw nag rereport sa kanila ang tauhan nil ana sumusunod kay Ashira at sinasabing kapag lumalabas ito sa university, dumideretso ito sa bahay nang mga magulang. Sinabi din nang tauhan nila na madalas na binibigyan nang pera ni Ashira ang lalaki at ang masaklap pa. Ang perang nakukuha nito sa dalaga ay perang ginagamit din ni Romeo sa sugal. Pina imbestigahan at pinasundan ni Davin kay Kim si Romeo para malaman kung ano ba ang pakay nito sa dalaga dahil hindi siya na niniwalang naging mabait na ito at bigla nalang lalapit sa anak at sasabihin gusto nitong buuhin ang pamilya nila. “The nerve of him to do that.” Wika ni Davin saka napakuyom nang kamao. Nasa study sila noon nang ama niya kasama si Kim at ang tauhang inutusan nilang sundan ang bawat kilos ni Ashira. “Malaki din ang pagkakautang niya kay Romero. Apparently, the money that he is receiving from Ashira is the same money na ibinabayad niya kay Romero at isinusugal.” Wika pa ni Kim. “Hindi lahat nang tao nagbabago. Mukhang isa siya sa mga iyon.” Wika nang ama ni Davin sa tumingin sa binata. “What’s your plan? She will be in danger. Malaki ang galit ni Romero s aiyo dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa kanya. Kilala ko ang likaw nang bituka niya. Kapag nalaman niya ang koneksyon mo kay Ashira. Baka siya ang gawing target nito.” Wika pa nang ama ni Davin. “They can do whatever thay want.” Wika ni Davin at tumayo. “Boss. Mapapahamak si Ashira.” Habol ni Kim. “She is stupid enough to fall for that stupid trick of her dad. Hayaan mo siyang matoto sa mangyayari. Sometimes, she needs beating para matuto siya.” Wika nang binata saka lumabas nang study. “Is that okay?” tanong ni Kim sa matanda. “It’s fine. He might not say it, but he will not allow anything bad to happen to her. Kung gusto niyang mapahamak si Ashira why would he even bother na pasundan siya.” Wika pa nang matanda. “That Boy acts cold but deep inside he cares for her.” Dagdag pa nito. Napatingin lang si Kim sa Binatang lumabas nang silid. Naniniwala naman siya sinabi nang matanda. Kahit na abala ito sa mga trabaho sa Penumbra hindi nito nakakalimutang tanungin kung anon ang nangyayari kay Ashira. Kahit noong nasa Underground boxing fight si Ashira, Pwede naman siyang kumuha nang ibang fighter na bihasa. But he insists on going. He insists on fighting. He was very confident that he can take her back. Hindi naman lihim ang galing sa martial arts nang binata. He is own sa Mafia world as undefeated sa larangan nang martial arts. No one would go one on one sa binata sa hand-to-hand combat. Kahit mga tauhan nila hindi rin gustong makipaglaban sa binata. Hindi lang dahil boss siya. But his skills are exceptional. Hindi paman ito pumapalit sa ama niya bilang pinuno nang penumbra he is already exposed sa mga Gawain nang grupo nila. No wonder he is highly respected. “D-Davin?” gulat ni Ashira nang makasalubong ang binata na pababa nang hagdan kakagaling lang niya noon sa bahay nang kanyang mga magulang. Nitong mga nakaraang araw. Hindi niya maabutan ang binata sa mansion. Well, for one. Hindi naman sa mansion ang permanenting tirahan nito. Ang alam niya, simula nang Eighteen years old ito may sarilin a itong bahay at nagpupunta nalang ito sa mansion kapag may pag-uusapan sila nang Ama nito tungkol sa mga Negosyo nila. Nitong mga nakaraang araw, isang dahilan din nang hindi nila madalas na pagkikita nang binata ay ang pagiging abala niya sa pagpunta sa bahay nang mga magulang niya. Ngayon lang siya naging masaya ulit sa buong buhay niya. Naging malapit sila nang asawa nang kuya Bernard niya at si Shiny. Ang mama naman niya, kahit na madalas sinusungitan siya nito at parating sinasabi na umuwi na. Nakikita naman niyang tinatanggap parin siya nito sa bahay nila. Tuwing dumadating siya doon, pinaghahain siya nito. Mga bagay na matagal na niyang hiniling na gawin sa kanya nang mama niya. Kahit ang papa niya. Tila naging mas mabait ito sa kanila lalo na sa kanya. Guston-gusto niyang nagpupunta sa bahay nila dahil pakiramdam niya buo siya. Lalo na at kasama niya ang pamilya niya. “Para kang nakakita nang multo? Nakakagulat bang nandito ako?” Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. Mukhang alam na niya kung saan ito galing. Gaya nang sabi ni Kim madalas itong nagpupunta sa bahay nang mga magulang niya. Naiinis siyang isipin na madaling maloko ang dalaga. Ayaw niyang makita ito masaktan gaya nang dati. Pero kapag iniisip niyang hinayaan nitong e-take advantage siya nang pamilya niya. Umiinit ang ulo niya. “Hindi. Hindi lang ako sanay na makita ka dito.” Wika nang dalaga. “You have to get used to it. This is my house to begin with.” Inis na wika nang binata saka nilampasan ang dalaga. Taka namang napatingin si Ashira sa binata. Bakit mainit ata ang ulo niya? Tanong nang dalaga habang inihahatid nang tingin ang Binatang papalayo. Nagkibit balikat lang si Ashira saka nagtungo sa silid niya. Nang makarating siya sa silid niya. Agad niyang kinuha ang bank book niya saka napabuntong hininga nang makita ang laman nang bankbook niya. Hindi niya namalayan na malaking halaga na pala ang nabawas niya doon. Ilang araw na din siyang absent sa club. Nagtatanong na si Melina at ang owner sa kanya. Pero hindi pa niya magawang bumalik dahil sa hindi pa malakas ang mama niya. At dahil sa mainit na pagtanggap nang pamilya niya sa kanya kaya naman Nawala sa isip niya ang trabaho niya sa club. Napatingin si Ashira sa malatetang nasa tabi nang kama niya. Noong nakaraang araw. Nag-impake siya nang mga gamit dahil gusto niyang bumalik sa pamilya niya. Sinabi niya sa ama niya na gusto niyang tumira kasama nila. Sinabi naman nitong okay lang dito na doon siya tumira sa bahay nila kaya lang sabi pa nito. Baka hindi nito kayany buhayin sila at pag-aralin siya. Handa naman siyang iwan ang pag-aaral niya para lang makasama ang pamilya niya iyon naman ang mahalaga sa kanya. Habang nakatingin si Ashira sa bankbook niya, iniisip niyang kapag ibinigay niya ang perang iyon sa papa niya papayag na kaya itong umalis na siya sa mansion. Alam niyang hindi pa niya nababayaran ang binata sa perang ibinigay nito sa ama niya. Pero pwede naman niyang gawan iyong nang paraan. Kapag patuloy siyang nagtrabaho sa club ni Phelias magagawa niyang mag-ipon. “Pero uugo-ugod na ako bago ko pa mabuo ang sampong milyon.” Wika nang dalaga saka nahiga habang nakatingin sa bankbook niya. “Bakit ang hirap kunin ang kalayaang gusto ko.” Wika nang dalaga saka ibinagsak ang kamay sa Kama habang hawak ang bankbook niya saka ipinikit ang mga mata. Habang nakapikit ang mga mata niya iniisip niya kung anong pwede niyang gawin para makaalis doon. Dahil sa pag-iisip na iyon hindi na niya namalayan na nakatulod na pala siya. Habang natutulog ang dalaga, marahan naman bumukas ang pinto nang silid niya at mula doon pumasok si Davin. Napatingin ito sa dalagng naka higa sa kama. Nalakad ang binata papalapit sa dalaga. Habang nakatingin siya sa dalagang natutulog naagaw ang atensyon niya sa maletang nasa gilid nang kama at ang bankbook na hawak nito. Dala nang kyuryusidad, naglakad ang binata papalapit sa kama saka kinuha ang bankbook nang na hawak dalaga. Nang makuha iyon napatingin ang binata sa bankbook. At sa history nang transaction nito. “Foolish girl. Gusto mo bang ubusin ang perang pinaghirapan mo para lang sa pamilya mong walang ibinigay sa iyo kundi sakit nang ulo.” Wika nang binata saka napatingin sa dalaga at inilapag ang bankbook sa Kama at inilapit ang mukha sa dalaga. “You can’t escape from me.” Wika nang binata saka hinalikan sa noo ang dalaga. Biglang napabalikwas nang bangon ang dalaga dahil sa panaginip niya. Sa panaginip niya. She was intensely kissing a man na hindi niya maklaro ang mukha. Just like her hazy memory of that night sa loob nang kotse. Bigla siyang napahawak sa noo niya. Bakit pakiramdam niya may malambot na bagay na lumapat sa noo niya. That soft and warm feeling is quite familiar pero hindi niya mawari kung ano. Taka siyang napatingin sa bankbook niya na nasa kama. “Right, I was thinking of ways to get out from here.” Wika nang dalaga saka kinuha ang bankbook niya. Kailangan niyang makagawa nang paraan para makabalik sa pamilya niya. Kakausapin ulit niya ang papa niya kahit na maubos ang savings niya para lang makasama ulit ang mga ito wala na siyang pakialam. **** Stop the car!” Wika ni Bernard nang makita si Ashira na lumabas nang isang Supermarket at may dalang cart napuno nang mga pinamili nito. Sa hula nang matanda dadalhin nang dalaga ang mga pinamili niya sa pamilya nito. “Sir.” Wika nang Driver nang makitang lumabas ang matanda sa kotse. “It’s okay. Wait for me here.” Wika nito bago naglakad papalapit sa dalagang nasa labas nang supermarket at tila nag-aabang nang sasakyan. “Sir Bernard.” Gulat na wika ni Ashira nang makita sa harap niya ang matanda. Nakangiti ito sa kanya. Agad naman siyang nagpanic dahil sa mga dala niya. Inilihim niya dito ang tungkol sa pagpunta niya sa mga magulang niya. “Napadaan lang ako. Then I saw you. Okay lang bang yayain kitang kumain? Ang totoo niyan, Hindi pa ako nanananghalian. Davin is a slave driver at times. Kahit ako hindi makaligtas sa kanya.” Nakangiting wika nito. Simple naman siyang ngumiti at tumango. Hindi ba tatanungin nang matanda kung bakit siya nandoon at kung bakit ang dami niyang dala? Dinala siya nang matanda sa isang restaurant malapit sa supermarket. Ang mga pinamili naman niya at ipinalagay nang matanda sa kotse. Naging tahimik ang matanda habang kumain sila wala itong tinanong sa kanya Kaya naman naisip ni Ashira na hindi na rin magsalita. Ito ang unang beses na makasalo niya ang matanda sa labas. Madalas niya itong iwasan dahil sa takot niya at ayaw din niyang ma-involve sa mag-ama. Kahit na alam niyang wala namang masamang ginagawa sa kanya ang mga ito. Hindi niya gustong mapalapit dito. “Marami ka yatang pinamili. Are you planning to leave?” tanong nang matanda habang kumakain sila nang dessert. “Ho?” gulat na wika ni Ashira saka napatingin sa matanda. Hindi niya inaasahan ang biglang pagtatanong nito. “Well, I mean. Hindi mo naman kailangang bumili nang mga gamit sa mansion. You know that right?” wika nito. “It is not a secret to me as well, that you don’t like living with us.” Wika pa nang matanda. Hindi nakapagsalita ang dalaga. Ito ang unang beses na narinig niya iyon mula sa ama ni Davin. Was she observing her all this time? Hindi naman iyon nakakapagtaka. They can even trace down a person kung gusto nila with their line of business. “Did I make you uncomfortable?” tanong nang matanda saka tumingin sa dalaga. Sa uri nang tingin nito sa kanya. Parang ayaw lumabas nang boses niya. Pakiramdam niya natuyo ang lalamunan niya. “Alam mo hija. I have always thought of you as a daughter.” Wika nito sa kanya. “I know that how everything started is out of order. Me being a loan shark and with business in the underworld. It’s of now question na pangingilagan ako nang mga tao. Same goes with Davin.” Wika nito. “I always want that boy to live a normal life. But my line of business would not allow it. I guess, our way of living makes you feel so detach from us.” Wika pa nito. Patuloy lang na nakinig ang dalaga. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya. “Noong araw na dumating ka sa bahay namin when you were Thirteen, was also the death anniversary of my wife and our unborn child.” Napatingin si Ashira sa matanda. Nagulat siya sa nalaman. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon. O Dahil hindi siya nagka-interes na malaman ang mga bagay na iyon mula sa mag-ama. “Sa totoo lang, I was happy nang dumating ka. Naisip ko, ah sa wakas. Magkakaroon na ako nang pagkakataong maging ama sa isang babaeng anak. I have always wanted to have a daughter. I know Davin also wants to have a sister. Nag-iisa siyang anak na lalaki. He shoulders everything about the organization.” Wika nito. “I understand if you can’t accept us.” Wika nito na biglang naging malungkot ang boses. “Just know this. I don’t want you to suffer. That’s the last thing I would want for my child.” Dagdag pa nang lalaki. Tila piniga naman ang puso ni Ashira sa sinabi nang marinig ang sinabi nang matanda. Bakit pakiramdam niya nasaktan niya ang matanda nang hindi niya namamalayan. Naging insensitive ba siya sa matanda dahil puro sarili niya ang iniisip niya? All this time, wala siyang inisip kundi ang makaalis sa poder nang mag-ama dahil iniisip niyang masama ang mga ito? Dahil miyembro sila nang Mafia? “How was your family? Are they treating you good this time?” tanong nang matanda. Napatingin naman si Ashira sa matanda. “Ginulat ba kita? Of course, I know those things. Hindi dahil gusto kong kontrolin ang buhay mo but really. I just want to make sure na walang masamang mangyayari saiyo.” Wika nang matanda. “Honestly, these past few days. Nakita kung umuuwi kang masaya. And I am happy about that. Things that I was not able to give you is the happiness that a family can give. Mukhang, sa nakikita ko masaya ka ngayon. That’s good to know.” “I-I’m Sorry.” Wika ni Ashira saka nagbaba nang tingin saka ang pagpatak nang luha sa mata. Hindi niya inaasahan na maririnig ang mga salitang iyon mula sa matanda. She has been ignoring him these years dahil sa takot, but he was good enough to care for her and think about her welfare. “Hindi mo kailangang mag sorry. Any child would always look for her/his parent. That pretty normal.” Wika nang matanda saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Just be happy with them. Kung saan ka magiging masaya, then I am okay with that. A family would always want their family member to be happy in any way possible. I may not the ideal father for you. But all I want is your happiness.” Lalo namang napahagulgol si Ashira dahil sa sinabi nang matanda. Hindi alam nang dalaga na sa di kalayuan nakatingin si Davin sa kanila at narinig ang mga sinabi nang ama. Napakuyom ang kamao ni Davin hindi dahil sa galit niya sa narinig kundi dahil sa narealize niya na naghahanap din nang pagkalinga si Ashira mula sa mga magulang niya. Galit siya sa mga magulang nito dahil sa ginawa nila sa dalaga. But her pure heart would always accept them no matter what they are or what they do to her. “Boss.” Wika ni Kim nang makitang lumabas nang restaurant ang binata. “Bumalik na tayo.” Wika pa nang binata saka nagpatiuna sa sasakyan. It was not the time na kausapin niya ang dalaga. Nang nasa loob nang sasakyan naging tahimik lang si Davin. Alam niyang hindi niya mapipigilan ang dalaga kung gusto nitong umalis lalo na at hindi naman talaga sila nito itinuring na isang pamilya kahit noong simula pa. “She is planning to leave, isn’t she?” Ani Kim na nasa passenger’s seat saka lumingon sa tahimik niyang boss. “Bumalik na tayo sa mansion. Gusto kong magpahinga.” Wika ni Davin na hindi pinansin ang sinabi ni Kim. “May Diamond auction mamaya. Dadalo kaba? Should I tell them na-----” “Magpapahinga lang ako hindi ko sinabing hindi ako dadalo.” Wika nang binata para putulin ang sinabi ni Kim saka napatingin sa restaurant mula sa bintana nang sasakyan. “Yes boss.” Wika ni Kim saka sinenyasan ang driver na umalis. Matapos mananghalian nina Bernard at Ashira inihatid nang matanda si Ashira sa bahay nang mga magulang niya. Napansin din nang matanda ang mga dekorasyon sa labas nang bahay nang mga ito. “Salamat po sa paghatid.” Wika ni Ashira na akmang lalabas pero bigka siyang pinigilan nang matanda. Taka namang napatingin si Ashira dito. “This is for you. Happy birthday.” Wika nang matanda saka iniabot sa dalaga ang isang box. Taka namang napatingin ang dalaga sa box. Simula nang dumating siya sa mansion hindi pa nakakalimutan nang matanda ang birthday niya. Tuwing kaarawan niya parati itong may ibibigay na regalo sa kanya. And this year is of no different. Kahit pa sabihing naging unfair siya dito. “Hindi na dapat kayo nag abala.” Wika nang dalaga. “This is nothing. It’s the only thing that I can give you.” Wika nang matanda. “Thank you.” Wika nang dalaga saka tinanggap ang box. “Pwede ko bang buksan?” tanong nang dalaga. “Yes. Open it.” Ngumiting wika nang matanda. Agad namang binuksan nang dalaga ang box. Ganoon nalamang ang gulat niya nang makita ang isang Tiger Brooch sa loob nang box. Ang tiger na iyon ay ang simbolo nang main organization nang Penumbra ata ng simbolo ni Bernard at Davin. “This----” takang wika nang dalaga saka napatingin sa matanda. “This is the symbol of our family. If you wear this. People in our world would know that you are a precious member of Penumbra and this will give you security.” Wika nang matanda saka kinuha ang brooch at inilagay sa collar damit nang dalaga. “This is the only thing that I can give you. To protect you.” Wika pa nang matanda. “Thank you. Sir Bernard.” Wika ni Ashira saka hinawakan ang brooch. Kailangan pa ba niya nang brooch na iyon? She is planning to leave them anyway. Bakit parang sinasabi nang matanda sa kilos nito na kahit nasaan siya he would always care for her. “Go on. Hinihintay kana nila. Mukhang naghanda sila nang party para saiyo.” Wika nang matanda saka napatingin sa labas. Napadako naman doon ang tingin ang dalaga. It would be her first birthday celerbration. Unang beses na pinaghanda siya nang mga magulang niya. “Thank you Sir.” Wika nang dalaga saka binuksan ang pinto nang sasakyan. “Take care.” Wika nito nang makalabas ang dalaga. Inutusan naman niya ang driver na kunin ang mga pinamili ni Ashira. Nang mailabas nito ang mga binili nang dalaga saka nito sinabing umalis sila sa lugar na iyon. Inihatid lang nang tingin ni Ashira ang sasakyan nang matanda habang papalayo ito sa lugar na iyon. Nalungkot siya para sa matanda at apologetic din siya dahil sa naging pagtrato niya dito. She was busy thinking about herself and he suffering na nakalimutan niyang tingnan ang mga magandang ginawa nang matanda sa kanya. “Ate Ashira!” wika ni Shiny saka lumapit sa kanya. “Tingnan mo. Sabay tayong mag se-celebrate nang birthday.” Wika nito saka masayang itinuro ang mga dekorasyon sa bahay nila. Napatingin si Ashira doon saka napangiti nang simple bakit hindi siya lubusang masaya? Ito naman ang gusto niya matagal na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD