Chapter 08
Sa loob ng isang club nakaupo ang limang lalaki tapos napapalibutan ng magagandang babae.
Hindi tinapunan ng tingin ni Jun at Peri iyong mga babae na pilit inaagaw ang pansin ng dalawa na kasalukuyang naglalaro ng online game.
"Hey miss. Back off, i'm married," ani ni Peri tapos tinaas ang kaliwang kamay niya at pinakita ang wedding ring niya.
Ilan sa mga babae nagsabi ng boring. Nilubayan ng mga ito si Peri na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa mag babaeng kanina nililingkisan siya.
Sumama lang siya doon dahil nandoon mga kabarkada niya hindi para mambabae.
"Hey honey. Here's the drink," ani ng magandang babae na dumating at diretso umupo sa lap ni Max.
Nakaupo ang lalaki sa isang sofa at napapagitnaan ng dalawang babae na halos wala ng saplot at pinapapak siya sa leeg.
"Kamusta new pet mo, Max?" tanong ni Aslan. Napatigil si Max at nilingon ang lalaki na nasa harapan niya na kasalukuyang ine-enjoy ang bote ng wine na nasa harapan niya.
"It's fine. Magaling siya sa kama at well behaved," ani ni Max na nakangisi at kasalukuyang pinaglalaruan ang alak sa hawak na kopita.
"Anyway, kailan ka pa nagkainteres sa business ko, Aslan. Type mo ba si Gabby?"
Napangisi si Max sinabi na hindi naman siya madamot pwede niya ipahiram ang bagong alaga niya.
Napatingin si Sebastian, Jun at Peri kina Max. Sa unang tingin kasi mukhang nag-uusap lang ang dalawa pero iba ang ngiti ngayon ni Max at presensya.
Napangiwi si Jun at tinanong sina Sebastian kung ano ginawa ni Aslan para ma-trigger si Max.
Madalas tahimik si Aslan sa grupo ito ang masasabi mong flawless at mas mukhang matanda sa grupo. Maaari hindi sila magkasundo na apat pero iba si Aslan dahil ni minsan hindi ito gumawa ng gulo or nag-cause ng away.
"I hope you sincere," ani ni Aslan na pretente lang nakaupo at kalmado nagsalin ng wine.
Bigla tumayo si Max tapos sakto palapit si Violet na nagmamaktol.
"Max mag-usap—"
Hinila ni Max si Violet palayo at umakyat sa hagdan patungo sa vip room sa loob ng club.
"Max!"
Sumunod iyong tatlong babae na nakalingkis kanina kay Max at naiwan sina Sebastian sa table.
Pinaalis ni Sebastian ang mga babae after sila bigyan ng tip. Noong silang apat na lang ang nasa table sinabi ni Jun na hindi kailangan ni Aslan i-trigger si Max dahil worried ito.
"Alam mo masyado sensitive si Max lalo na kapag ikaw na nangingialam sa pagmamay-ari niya. Last na nangialam ka nag-away kayo dahil din sa babae," ani ni Jun. Sinapok siya ni Sebastian at sinabi na walang filter si Jun.
"Ano ba kasi iyon? Inakala ni Max na inagaw ni Aslan iyong 1st and 2nd gf niya dahil na-fall iyong dalawang babae na iyon kay Aslan," ani ni Jun. Agad na pinulupot ni Sebastian abg isang braso sa leeg ni Jun sinabi na manahimik na ito.
"Mukha ba hindi namin alam ang issue na iyon nina Max at Aslan?" tanong ni Sebastian. Napatingin naman si Peri na may hawak na baso ng juice kay Aslan na nanatili tahimik.
"Actually, hindi tama na nanonood lang tayo since kaibigan natin si Max," ani ni Peri. Napatigil si Sebastian at Jun na at lumingon kay Peri. Napatingin din si Aslan.
"Mula sa kapatid ni Max hanggang sa mga past girlfriend niya aware tayo sa lahat ng issues niya pero nandito tayo nanonood lang," ani ni Peri. Napa-pokerface si Jun at Sebastian.
"Peri, hindi sa ayaw natin tulungan si Max. Ayaw niya lang talaga na mangialam tayo," ani ni Jun na winagayway ang isang kamay. Napakamot sa ulo si Sebastian at umayos ng upo.
"Hindi nga tayo sure kung kaibigan ba talaga tingin niya sa atin or isa lang sa nga pawn niya like— alam natin tunay na ugali ng gago na iyon."
Napangiwi si Jun at Peri sa sinabi ni Sebastian. Nagkibit-balikat si Sebastian after makita ang reaksyon ng dalawa.
Biglaan ang pagkabuo ng grupo na iyon. Basta isang araw kapag nabobored sila kinokontak nila ang isa't isa para mag-hang out.
Hindi nga nila alam paanong nagawa nila mag-stay sa iisang lokasyon ng wala sa kanila sumasabog like— lahat sila may ugali, iba-iba ang trip at hobby so? Hindi talaga nila alam kung paano sila nagkasundo-sundo at natagalan ang isa't isa sa loob ng almost 7 years.
Frustrated si Max na pumasok sa isang bakante na kwarto.
"Ano problema honey?"
Tinangka ni Violet halikan si Max pero as usual umilag ito at balewala hinubad ang pang-itaas niya.
"Don't ask," pikon na sambit ni Max tapos tinulak si Violet sa ibabaw ng kama. Sa magkabilang gilid ni Max meron dalawang babae ang binibigyan ng halik ang katawan ni Max.
Naiinis si Max dahil lahat na lang ng babae nalilink sa kaniya pinakikialaman ni Aslan.
"Hey! It's hurt!"
Bigla kasi kinagat ni Max ang balikat ni Violet at marahas na pinunit ng lalaki ang kasuotan ni Violet. Hawak ni Max ang mga hita ni Violet nang bigla tumunog ang phone niya na nasa bulsa.
Bahagya tumayo ng ayos si Max at kinuha ang phone niya. Nakita niya ang pangalan ng butler dahilan para gumusot ang mukha ni Max at agad na kinuha iyon.
"Make sure na importante ang sasabihin mo butler. Busy ako ngayon at—"
"Pasensya na sir Max pero hindi maganda pakiramdam ni miss Gabriela ngayon. Ayaw niya din uminom ng gamot either kumain," ani ng butler. Agad na pinatay ni Max ang tawag.
"Max! Saan ka pupunta!"
Nasa ibabaw ng kama si Violet kasama iyong mga babae sa club. Bigla umalis si Max sa ibabaw niya tapos kinuha ang coat.
"Ito ang pera," ani ni Max. Na-shock si Violet 'nong maglabas si Max ng madaming pera sa wallet tapos tinapon iyon sa kama.
Lumabas ang lalaki sa vip room. Pagkababa ng hagdan tinanong siya ni Jun saan pupunta si Max.
"May emergency sa bahay. Mag-order kayo hanggang sa gusto niyo. Ito ang card ko," ani ni Max tapos naglapag ng card sa table nila.
Nagtataka siya sinundan ng tingin nina Sebastian. Dumating si Aslan galing sa comfort room tapos nakita niya paalis si Max.
"Imposible dahil sa work kaya nagmamadali si Max. Ano nangyari?" tanong ni Aslan na umupo sa harapan ng lamesa katapat nina Sebastian.
"Im not sure pero sabi niya may emergency sa bahay nila."
—
Nagising si Gabriela malalim na ang gabi. Pagmulat niya ng mata nakita niya si Max na nakaupo sa side ng kama tapos ang isang kamay nito ay nasa ulo niya.
"Gising ka na. Ano nangyari at ayaw mo kumain?"
Hinawakan ni Gabriela kamay ni Max at kinulong sa mga palad niya.
"Nasabi kasi ng butler na late ka uuwi. Wala ako gana kumain. Nalulungkot ako," ani ni Gabriela. Napaismid si Max sinabi na kaya niya ini-assign si Lumina sa tabi ni Gabriela para hindi ito nabo-bored.
Pinaupo ni Max si Gabriela at hinila palapit sa kaniya. Noong magdikit ang katawan ni Gabriela at Max binigyan ng halik ni Max si Gabriela sa lab.
"Hindi ba masyado ka needy, Gabby? Hindi pa ba sapat ang mga pagkain, damit at jewelries para masatisfy ka?" tanong ni Max na hawak ang isang pisngi ni Gabriela at hinahalikan ang babae sa likod ng tenga.
"I don't need them. Gusto ko palagi kita nakikita, master."
Habang yakap ang katawan ni Gabriela sinabi ni Max na ang mabuting pet hindi nagdedemand."
Naihiga ni Max si Gabriela sa kama at pinatungan. Walang emosyon sinabi ni Max hindi mahalaga kung gusto ni Gabriela ang isang bagay o hindi ito kailangan.
"Kung ano ibibigay ko wala ka ibang sasabihin kung hindi 'thank you master," ani ni Max na may malamig na expression at hawak ang dulo ng buhok ni Gabriela.
Straight na tiningnan niya si Max at nag-sorry.
"Hindi ko na ulit iyon sasabihin, master."
Sinabi iyon ni Gabriela ngunit malayo doon ang nararamdaman niya. Imbis makaramdam ng pagkadismaya at ma-wary mas lalo niya gusto i-keep ang master niya para sa sarili niya.
"Kiss me, Gabby."
Itinungkod ni Gabriela ang isang kamay sa kama at tinulak ang sarili. Idinikit niya ang labi kay Max na agad naman binuka ang mga labo at siniil ng halik si Gabriela.
Naibuka ni Gabriela ang mga labi at napahawak sa dibdib ni Max. Ramdam na ramdam ni Gabriela ang bukol na nasa pagitan ni Max na kasalukuyang tumutusok sa puson niya.
Sumasakit ang ilong ni Gabriela sa magkakahalong perfume ng babae na nakadikit sa katawan ni Max.
Sa gabing iyon mas naging aggresive si Gabriela na akala ni Max ay normal lang since sabi nga ng babae namis siya without knowing na—
Napasapo si Max sa noo kinabukasan ng pagpasok niya ng bathroom nakita niya ang sarili sa salamin. Punong-puno ng pulang marka ang katawan niya dahilan para humagalpak ng tawa si Max.
"What the heck— akala ko 'nong una pusa siya. Hindi ko naman alam na kaya niya din maging lamok sa gabi," ani ni Max na tumatawa.
Bumukas ang pinto tapos pumasok si Gabriela na inosente tinanong si Max sino ang lamok.
Napatigil si Max dahil pumasok si Gabriela sa bathroom ng walang kahit ano na saplot.
"At bakit ka walang damit?"
Tinuro ni Gabriela ang labi sinabi na maliligo siya. Ngumiti si Gabriela sinabi na gusto niya sumabay kay Max.
Dahil umagang-umaga 'non tapos nakakita pa siya ng magandang babae na hubo't hubad ano pa ba magiging reaksyon ng alaga niya doon.
Nakapasok na si Max sa opisina after na ng lunch kaya naman umuusok na ilong ng secretary niya. Madami siya schedule na kinancel at meeting.
"Hayaan mo na mukhang nag-enjoy naman kahapon si Max kung ano 'man pinagkaabalahan niya kagabi," ani ni Peri na natatawang tinapik secretary ni Max. Napangisi si Peri after maaninag mga pulang marka sa leeg ni Max.
Imbis pansinin si Peri at secretary tinanong ni Max ako ginagawa doon ni Peri.
"Sumama lang ako sa wifey ko. Gusto ka kasi niya makausap about sa investment business mo."
Umupo si Max sa table at sinabing kung may kailangan ang dalawa hindi na kailangan ng mga ito pumunta sa opisina at mag-set ng appointment.
Pwede niya i-meet mga ito anytime sa labas ng company. Sinabi ni Peri na sigurado hindi papayag asawa niya.
May kumatok sa pinto kaya lumapit doon ang secretary ni Max. Pagkabukas ng pinto may pumasok na babae na medyo chubby. Hindi ito kagandahan pero hindi ito iyong tipo na pwede mo i push down.
"Interesado ako sa investment project ng mga Lambordi. Pwede ko ba mahirap oras mo?"
Ngumisi si Max at tinanong kung bakit hindi. Sa unang pagkakataon nakita ni Max nanahimik si Peri. Nanatili ito nakaupo sa sofa at habang nag-uusap sila ng asawa nito nakaupo lang ang lalaki tapos nagbubukas ng mga magazine na nasa table.
"Gusto mo ng kape, Mr Nicastro?" tanong ng secretary. Umiling si Peri sinabi na mas gusto niya ang juice.
Kalaunan sa mansion ng mga Lambordi. Hindi alam ni Lumina kung maaawa ba siya or matatawa after makita ang mukha ng magkapatid na Django palabas ng mansion.
Madami kasi dini-demand na changes si Gabriela sa mga outfit na dala nina Django sa araw na iyon pati jewelries.
Hindi magawa ng dalawa na makatanggi or maka-react dahil nakita ng mga ito si Max at personal sila pinakilala ni Gabriela.
Nakita din ng dalawa na kakaiba ang affection na ipinakikita ni Max kay Gabriela kaya naman gusto ng dalawa na mapunta ito sa magandang side ni Gabriela.
Wala sila sa idea sa gusto mangyari ni Gabriela dahil mukhang wala sa galaw ni Gabriela na nais nito makipag-get along sa magkapatid like— pinagbalik-balik ni Gabriela ang dalawa at mostly sa mga time nito kinakain ni Gabriela sa pagdalaw-dalaw sa mansion.
Nahahalata na nina Lumina na napipikon na ang dalawa. Tiningnan ni Lumina si Gabriela na nag-aalala nakatingin sa magkapatid.
"Pasensiya na pero nakahanap na kami ng bagong designer tapos jewelry shop. Naka-order na din kami kahapon," ani ni Gabriela. Nalaglag ang panga ni Namin at hindi na nito napigilan mapasigaw.
"What! Isang linggo kami nag pabalik-balik dito tapos hindi ka magpu-purchased! Paano na lang itong mga dress at jewelry na kinailangan namin ayusin!" sigaw ni Nami. Napatalon si Gabriela sa gulat at natatakot na tiningnan si Nami.
"Pero binayaran namin ni master iyong mga ginamit niyo hindi ba? May mga paunang bayad siya sa inyo."
Sinabi ni Gabriela na ayaw niya lang suutin ang mga design na gawa ni Nami dahil masyado iyon maganda para sa kaniya.
"Tapos hindi komportable suutin."
Umuusok ang ilong ng magkapatid na umalis. Tiningnan ni Lumina si Gabriela na balewalang kumuha ng cookies at kumagat.
"Miss Gabriela iyong shop na napili niyo. Maaari maganda ang tela na gamit nila pero hindi natin sure kung maganda designs."
"It's fine with me. Hindi ako maarte sa damit."
Wala interes si Gabriela sa mga materyal na bagay katulad ng damit at alahas. Naki-cooperate lang siya kina Lumina sa pagpili ng mga dress at accessories dahil iyon ang gusto ng master niya.
Hinawakan ni Gabriela ang pisngi. Medyo nanghinayang siya dahil pinakawalan niya agad iyong dalawang Django. Wala siya tuloy laruan at mapaglilibangan.
Tiningnan mabuti ni Lumina si Gabriela. Sa isip ng babae mukhang malungkot talaga si Gabriela sa nangyari. Sigurado hindi ito natuwa na nagalit sa kaniya ang dalawang Django dahil lang hindi nagustuhan ni Gabriela mga designs at accessories na ini-offer kay Gabriela ng magkapatid.
Malayo naman iyon sa iniisip ni Gabriela sa mga oras na iyon. Iniisip ni Gabriela kung paano niya aalisin ang dalawa sa buhay ni Max for good.
Nalaman kasi ni Gabriela na pinagkakatiwalaan ni Max ang magkapatid kaya kahit ginagamit si Max ng dalawa sa business at gumagawa ng mga issues para pabagsakin si Max hindi ito pinapansin ni Max.
Isama pa na lahat ng mga nagiging ex ni Max ang mga Django ang gumagawa ng dress at nagbibigay ng accessories.
"Lumina gusto ko ng juice. Mukhang masarap siya refreshment kasama itong cookies na nasa table."
Hindi niya hahayaan na mangyari sa kaniya mga nangyari sa babae ni Max. Hahawak ng mabuti si Gabriela at sisiguraduhin na kahit ano mangyari hindi siya maise-set aside ng master niya.