09

2063 Words
Chapter 09 Malalim ang gabi nang magising si Max sa kalaliman ng gabi at pagtagilid niya sandali niya kinapa ang kabilang side. Napamulat ng mata si Max after hindi makita sa tabi niya si Gabriela. Bumangon ang lalaki na kasalukuyang hawak ang ulo na iginala ang paningin sa loob ng kwarto. Tumayo ang lalaki na sandaling kinuha niya ang pajama na nakakalat sa sahig at sinuot. Tinungo niya ang bathroom at nakita na walang ilaw doon kaya imposible na nandoon ang babae. Tiningnan ni Max ang wall clock. Wala pa 10 minutes 'nong nakaidlip sila ni Gabriela after ng making out session nila na dalawa. "Hah! Iba talaga ang energy ng babae na iyon. Nagawa pa niya tumayo at umalis ng kama after ng ilang round," ani ni Max. Naisip ni Max na maaari nagutom ang babae kaya lumabas ng kwarto. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto. Hinawakan niya ang door knob pero pagbukas niya nagulat si Max dahil may tao na may hawak na kutsilyo ang biglang umatake sa kaniya. Before pa makadikit ang dulo ng kutsilyo sa leeg niya bigla ito bumagsak. Hindi nakagalaw si Max sa kinatatayuan hanggang sa maaninag niya si Gabriela na may hawak na vase. "Gab— Gabby?" Bigla tumalon si Gabby palapit sa kaniya at yumakap. "Ano nangyari?— oh my god!" Napatili ang maid 'nong makakita sila ng katawan sa hallway na walang malay. Nagising sila after makarinig ng malakas na pagkabasag at pagbagsak. "Tumawag kayo ng pulis bilisan niyo," ani ni Max na gusot ang mukha habang yakap ang katawan ni Gabriela na nakasiksik sa kaniya. May mga dumating nga na pulis at kinuhanan sila ng statement. Sinabi ni Max ang tunay na nangyari tapos tinanong din nila si Gabriela na nasa labas din ng oras na iyon. "Ayon sa pag-check ng mga kasama ko walang sign na naging sapilitan ang pagpasok dito ng magnanakaw. Masyado din mahigpit ang security kaya sigurado may nagbukas ng pinto mula sa loob," ani ng pulis tapos tiningnan si Gabriela na 'nong oras nga na iyon sinabi na nasa kusina siya. Sinapo ni Max ang noo at sinabi it's not making sense. "Walang alam si miss Gabriela sa security system ng mansion. Hindi din niya alam na may cctv room dito sa mansion at mas lalong hindi niya alam paano magbukas at sara ng pinto," sabat ni Lumina. Sinabi din ng butler na tanging siya at sila lang ng mga maid may access sa cctv room which is 'nong gabi din na iyon may nagpatay ng system. "Iniligtas mo si Mr Lambordi. Ano ginagawa mo sa harap ng room ni mr Lambordi this oras ng gabi?" tanong ng isa sa mga pulis na may hawak na maliit na book. "We just finished having s*x and room ko iyon," ani ni Gabriela na may inosente na expression at diretso tiningnan mga pulis. Napatanga ang mga kasamahan na pulis malayo sa reaksyon ng mga staff sa mansion na iyon dahil sa medyo sanay na sila sa madam nila. "Pumunta ako ng kusina para kumuha ng pagkain tapos magdala na din ng water sa room ko dahil bumabangon ang master ko tuwing gabi para kumuha ng tubig. Noong pabalik na ako sa room ko dala iyong tray napansin ko bukas room ni master kaya binaba ko iyong tray na hawak ko tapos kinuha iyong vase." Tinanong ng pulis kung bakit. Sinabi ni Gabriela na hindi hahayaan ng master niya bukas ang pinto at locked palagi iyon. "Walang tao sa room ni master tapos nakita ko iyong thief sa harap ng room ko." Muntik na mahulog ang puso ni Gabriela 'nong bigla binuksan ni Max ang pinto tapos sasaksakin ng thief si Max sa dibdib. Tinanong ng pulis kung may nakita ba si Gabriela na tao sa labas or kakaiba 'nong oras na iyon. Agad na sumagot si Gabriela ng wala at hinawakan ang ibaba ng labi. Dala ang magnanakaw lumabas na ng mansion ang pulis. Tumayo si Max at nakapamulsahan nilingon ang butler at mga maid na nasa mansion na iyon. "Magkakasama kayo sa iisang kwarto. Wala ba kayo napansin na umalis ng ganitong oras?" tanong ni Max. Nagkatinginan ang mga maid at umiling. "Sino huling pumasok sa room niyo?" tanong ni Max. Nagtaas ng kamay si Lumina. "Ako tumulong kay butler magsara ng mga pinto at bintana," ani ni Lumina. Silang dalawa lang ng butler ang nahuli pumasok. Siya pinakahuli since nauna pumasok sa kaniya ang butler sa room niya na katabi lang ng maid's quarter tapos kasunod siya. "Kasama ko si Lumina pumunta sa maid's quarter," ani ng butler. Tiningnan ni Max ang head maid. "Nasa room na ako before pa dumating ang mga maid at tinitingnan ko sila before magpahinga," ani ng head maid. Napahawak si Max sa baba niya. Nakaupo lang naman si Gabriela sa sofa tapos nakatingala. Tinitingnan ng babae si Max na mukhang malalim ang iniisip. "Magpahinga na ulit kayong lahat. Butler paki-check lahat ng room at simula ngayon ang butler na lang hahawak ng susi ng cctv room. Ibigay niyo lahat sa butler ang spare key." Tumayo na si Gabriela 'nong makita na paalis na si Max. Sinundan ng babae si Max pataas at 'nong lumampas si Gabriela sa head maid na kasalukuyang nakayuko. Bumuka ang labi ni Gabriela at may binulong sa maid dahilan para mawalan ng kulay ang mukha ng head maid. "Master, wait," ani ni Gabriela na natutuwa na sinundan si Max pataas ng hagdan. Bahagya tumigil si Max sa paglalakad at nilingon si Gabriela na nakangiting hinawakan ang laylayan ng suot ni Max na t-shirt. "Magpapalagay ako sa butler ng fridge dito sa loob ng room mo para hindi mo na kailangan lumabas ng hating gabi para kumuha ng pagkain," ani ni Max pagkapasok ng kwarto at pagka-locked ng pinto. "Hmm, okay," ani ni Gabriela na nakangiti at bigla tumalon sa kama. Dumapa ang babae at sandali nilingon si Max na mukhang may malalim na iniisip habang nakatayo sa harap ng pinto. "Master? Ano problema?" tanong ni Gabriela at bumangon. Diretso niya tiningnan si Max na sandali siya tinapunan ng tingin. Lumapit sa kama si Max at sumagot ng nothing. Inabot ni Max ang pisngi ni Gabriela. Nanatili nakatingin si Gabriela sa mga mata ni Max. Magkaharap ang dalawa. "Don't do something reckless again, Gabby," ani ni Max. Tiningnan siya ni Gabriela na may pagtatakha sa mukha. Imbis magsalita yumuko si Max tapos hinalikan ulit sa labi si Gabriela. Napahiga ang babae sa kama at kusang binuka ang mga labi. Nahila ni Gabriela ang hininga after maramdaman ang mainit na palad ni Max sa pagitan ng mga hita niya at mainit na hininga ng lalaki sa likod ng tenga niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Gabriela na kahit pa nasa ibabaw sila ng kama ni Max as usual distracted ang lalaki. Hindi nakalampas sa tingin ni Gabriela kanina ang ginawang expression ni Max after makita ang thief at bumagsak ito sa harapan niya. After ng gulat napalitan ng galit at pagkadismaya sa expression ni Max kasunod 'non ang expression na mukhang may idea na ito sino ang may gawa. Kinabukasan, Tumawag ang pulis sa mansion ni Max sinabi na nag-suicide ang magnanakaw na pumasok sa mansion nina Max. Katulad ng expression ni Max kagabi habang kausap ang mga pulis— kalmado ito na para bang ini-expect na lahat iyon ni Max. Ibinaba ni Max ang phone tapos tinawag si Gabriela. Agad na lumapit si Gabriela na katulad ng palagi nito ginagawa— gamit ang dalawang kamay hinawakan ang kamay ni Max na napatingin sa kaniya. "Kapag wala ako— hindi ka magpapasok ng kahit na sino sa mansion na ito. Kung may mangyari mag-stick ka lang sa tabi ni Lumina at sa butler," ani ni Max. Kahit nagtataka hindi na nag-abala pa si Gabriela na magtanong— unang-una hindi iyon sasagutin ni Max, pangalawa magagalit ito at ang pangatlo isa lang pet ang tingin sa kaniya ni Max. Walang ibang sinasabi kung hindi, yes, mag-obey ng orders and specially hindi nagtatanong. "Yes." Hinalikan ni Max si Gabriela sa pisngi at tiningnan sina Lumina. Maaga pumasok sa opisina si Max kasunod ang secretary nito na mukha ng zombie na nakasunod sa boss niya. "May pumasok sa mansion. Nakauwi na ba si ate?" Para naman nabuhay lahat ng ugat sa katawan ng secretary at nagising ang diwa nito sa tanong ni Max. "Wala ako natanggap na report sir na nakabalik na si miss Maxine," sagot ng secretary after nila pumasok sa elevator. Bahagya tinakpan ni Max ang labi sinabi na wala na siya naisip na magtatangka sa buhay niya. Muntikan na siya mamatay kagabi. "Gusto niyo ba alamin ko nangyayari, sir?" Iwinagayway ni Max ang isang kamay. Kung ate nga niya nasa likod 'non mas maganda huwag siya gumawa ng move. Mas magiging komplikado lang ang sitwasyon dahil kilala niya ang ate niya. Pagkabukas ng elevator at pagtapak nina Max at ng secretary sa palapag kung nasaan office ni Max may batang babae ang sumigaw. "Kuya Flitz!" May batang babae ang bigla tumalon at niyakap ang secretary na nagulat. "Gemma! For god's sake! Muntikan na kita mabitawan!" Tumawa ang batang babae tapos tumingin ito kay Max. Ngumiti ng matamis ang bata tapos umayos ng tayo. Yumuko ito at binati si Max ng puno ng respeto. "Ano ginagawa mo dito, Gemma?" tanong ni Max at hinawakan ang ulo ng kapatid ng secretary. "Umalis dad at mom ko sabi nila mag-stay daw muna ako sa mga kapatid ko," ani ni Gemma tapos nilagay ang mga kamay sa likod. Napasapo ang secretary sa noo sinabi na matatanda na parents nila wala pa mga ito ginawa kung hindi umalis at mag-travel. Sigurado siya nainip na naman ina niya tapos pumunta sa ibang bansa kasama dad niya. "Please, wag ka malikod habang nasa office tayo," ani ng secretary. Hindi na sila pinansin ni Max at dumiretso sa office niya. Walang problema kay Max kung nandoon si Gemma dahil bata pa ito kapag wala sa pilipinas parents ni Gemma pinupuntahan nito ang secretary niya. Sa oras ng work lalo na kapag busy sila tahimik lang si Gemma kaya wala talaga problema kay Max kahit mag-stay doon ang batang babae. Pagkaupo sa swivel chair narinig niya tinatanong ng secretary si Gemma bakit hindi ito sumama sa parents nila. "Hindi ka na bata para makitulog sa mga bahay namin ng mga kuya mo or bumuntot-buntot sa amin dahil may mga work din kami," ani ng secretary na may pag-aalala sa mukha. "Ayaw mo ba kuya na nandito ako? Pwede naman ako kumuha ng ticket para sundan sina mom," ani ni Gemma. Napatigil ang secretary. "Masyado kayo busy nina kuya. Si mom busy din sa mga treatment ni dad. Wala ako palagi kasama," ani ni Gemma. Around 10 years old lang si Gemma— masyado malaki ang gap ng edad nito sa mga nakakatandang kapatid kaya kahit may mga kuya ito para pa din nag-iisang anak si Gemma. Lumuhod ang secretary sa harap ng kapatid at hinawakan ang kapatid sa pisngi. Napatitig lang si Max sa dalawa. "Nandito lang ako sa office 24/7 minsan dito pa ako natutulog dahil sa work ko. Medyo worried lang ako dahil sigurado mabobored ka lang dito at hindi ka pwede maglaro." Tumikhim si Max kaya napatingin ang secretary. "Pwede mo dalhin sa mansion si Gemma. Sigurado matutuwa si Gabby kapag nakita siya," ani ni Max. Napatigil ang secretary at napa-what. "Madami room doon hindi ba? Pumupunta ka din doon after work so? Hindi na masama kung iwan mo si Gemma doon during work time," ani ni Max. Inosente tinanong ni Gemma kung sino si Gabby. Sasabihin ni Max ang word na pet nang putulin iyon ng secretary sinabi na babae iyon na nagi-stay sa mansion ni Max. "She's very pretty," ani ng secretary na may ngiti sa labi. Napa-pokerface na lang si Max dahil sa sinabi ng secretary niya. Hindi na tinangka ng secretary lumingon dahil kahit hindi siya lumingon nararamdaman niya malamig na titig ng boss niya. Ayaw pa niya mamatay. Alanganin ngumiti ang secretary at tinanong si Gemma kung ayos lang iyon. "Yes kuya! Mabait si sir Max kaya sigurado mabait din si sissy Gabby." Gusto itanong ni Max ano connect ng personality niya sa mga babae around him. Nag-aalala na hinawakan ng secretary ulo ng kapatid sinabi na huwag masyado ito magtiwala sa mga stranger. "Hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD