07

2881 Words
Chapter 07 "Hi miss Gabriela. Ako si Lumina— ako ang personal maid na ini-assigned ng butler para bantayan kayo tapos gawin lahat ng inuutos niyo," ani ng babae na nakatayo sa harapan ng pinto at nakayuko. Napalingon si Gabriela na nakaupo sa lamesa na nasa veranda at ine-enjoy iyong mga sweets na nasa lamesa at gatas. "Upo ka dito, Lumina. Samahan mo ako kumain," ani ni Gabriela tapos tinapik-tapik iyong upuan sa tabi niya. Nagulat si Lumina at nag-angat ng tingin. Binilin ng butler na lahat ng iuutos ni Gabriela susundin niya kaya naman kahit medyo confused lumapit ang babae kay Gabriela. Umupo ang maid. Sinabi ni Gabriela na kumuha ang dalagita ng makakain. Napalunok si Lumina tapos kumuha ng isang cookies sa lalagyan. Nahihiya na kumagat sa cookies si Lumina at tiningnan si Gabriela na kasalukuyang nakahalumbaba tapos nakatingin sa gate. Hindi maiwasan ni Lumina ma-amaze dahil sa ganda ni Gabriela. Usapan sa kitchen hindi magtatagal si Gabriela sa mansion dahil mabilis magsawa ang master nila pero— Sa isip ni Lumina paano magsasawa ang master Max nila kung may ganoon kagandang babae na makikita ito sa mansion araw-araw. Iba ang ganda ni Gabriela— hindi nakakasawa katulad ng kumakalat na usapan sa main mansion about sa hitsyura ng babae na dinala ng master nila sa mansion. "Ano oras madalas umuuwi si master?" tanong ni Gabriela. Flat na sumagot si Lumina sinabi na umuuwi lang master nila kapag gusto nito. "Wala specific na time." Napalingon si Gabriela kay Lumina at tinanong kung hindi uuwi ang master niya. "Uuwi si sir Max for sure. I-inform ka din naman ni butler kapag hindi makakauwi si sir," sagot ni Lumina at tumingin kay Gabriela. Hawak ni Gabriela ang ibaba ng labi sinabi na mahaba pa ang araw para sa kaniya. "Nababagot ka ba miss Gabriela?" tanong ni Lumina. Napatingin si Gabriela tinanong kung may mapaglilibangan ba siya sa mansion na iyon. "May malaking library dito sa mansion. Kung mahilig ka sa mga books pwede kita dalhin doon may key naman ako. Mamaya pa kasi darating iyong designer na kukuha ng measurements mo at may ari ng jewelry shop." Tinanong ni Gabriela para saan iyong measurements. "Para makapili ka ng mga dress na gusto mo tapos mga jewelries." Napakamot si Lumina sa pisngi dahil mukhang hindi siya nage-gets ni Gabriela o mas tamang sabihin na mukhang nage-expect pa ito ng specific explanation bakit kailangan niya mg jewelries at dress. Maghapon nakatambay si Gabriela sa library mas na-enjoy ng babae ang pagbabasa kaysa sa inaasan niya since kadamihan sa mga book na nandoon ay mga novel. Nahihirapan si Lumina agawin ang atensyon ni Gabriela habang nagbabasa ito kaya naman nagdala na lang si Lumina ng pagkain sa library at hinayaan si Gabriela kumain doon. Paglabas ni Lumina ng library para doon tumayo at magbantay nilapitan siya ng head maid. Salubong ang kilay nito tinanong si Lumina bakit sa library pinakakain si Gabriela. "Hindi maistorbo si miss Gabriela sa pagbabasa at lunch na kaya dinalhan ko siya ng pagkain sa loob." Naiinis na sinabi ng head maid na hindi kainan ang library. Private library din iyon ni Max at ayaw ni Max ng madumi at hindi organize ang mga libro sa kwarto ma iyon. "Pero sinabi ng butler na ibigay ko lahat ng gusto ni miss Gabriela at gusto niya magbasa kaya dinala ko siya sa library." Mukhang hindi nagustuhan ng head maid ang pagsagot niya kaya hinablot siya sa braso ng head maid sinabi na hindi magtatagal sa trabaho na iyon si Lumina dahil hindi aalis din si ang babae na iyon sa mansion. Nakagat ni Lumina ang labi at pinilit hindi mapaingit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng head maid sa braso niya. "What are you doing?" Bumukas ang pinto at nabitawan ng head maid si Lumina. Nakangiti siya binati ng head maid at tinanong si Gabriela kung may kailangan ba ito. "Huwag ka na mag-abala head maid. Nandito na si Lumina," ani ni Gabriela at inosente nilingon si Lumina. "Pwede ba ako humingi pa ng water?" tanong ni Gabriela na hawak ang baso gamit ang dalawang kamay. Malambot ang expression ma kinuha iyon ni Lumina at yumuko sinabi na dadalhin niya agad iyon sa library. "No, idiretso mo na iyan sa room ko. Doon na ako kakain." Lumabas na si Gabriela sa room niya dala ang apat na book. Agad na kinuha iyon ni Lumina sinabi na siya na magdadala ng mga lihro sa room ni Gabriela. Napalatak ang head maid after makita ang madaming book na nagkalat sa lamesa at sa sahig. May mga libro din na hindi maayos ang pagkakalagay sa shelves. Tumigil si Gabriela sa paglalakad tapos lumingon sa head maid. "Head maid pwede ba ikaw na mag-ayos ng mga books? Sorry sa abala," ani ni Gabriela na may matamis na ngiti sa labi at inosenteng expression. Naitikom ng head maid ang labi at fake na ngumiti sinabi na trabaho niya iyon. Umalis si Gabriela kasunod si Lumina na bahagya tumingin si head maid na kasalukuyang hindi maganda ang timpla ng mukha habang nakatingin kay Gabriela. Siya dapat maglilinis ng library dahil si Gabriela ang gumamit ng mga libro at trabaho niya iyon ibalik sa dati but— inutusan ni Gabriela ang head maid. Malinaw ang utos sa kanila ng sir Max nila at butler— susundin nila lahat ng gusto ni Gabriela. — "Butler, pinatawag niyo daw po ako?" ani ni Lumina. Tumungo siya sa pantry ng mansion at silang dalawa lang doon ng butler. "Anong issue ng head maid at ni miss Hilda?" Sinabi ni Lumina ang lahat ng nangyari kanina pati na din iyong sinabi sa kaniya ng head maid tapos pag-utos ni Gabriela sa head maid na linisin ang library. "Ano opinyon mo sa nangyari?" tanong ng butler. Napahawak si Lumina sa labi at tiningnan ang butler. "May ginawa si head maid para ma-offend si miss Gabriela. Maghapon ko siya kasama kanina at wala siyang inuutos sa akin na kahit ano except doon sa favor niya dalhan ko siya ng water tapos umupo ako sa tabi niya at kumain ng sweets." Ngumiti si Lumina ng matamis sinabi na gusto niya si Gabriela. Mas better ang miss Gabriela nila compare doon sa mga babae na dinadala ng sir Max nila sa mansion na walang ibang ginawa kung hindi abusuhin sila may mga time pa nga na sinasaktan sila ng mga babae na iyon. Noong pakagat na ang dilim tapos mula sa kwarto narinig ni Gabriela ang busina ng kotse sa bandang gate. Tumakbo si Gabriela sa veranda tapos nakita ang familiar na sasakyan. Iyon ang sasakyan na sinakyan ni Max paalis ng mansion. "Nandiyan na si Master!" Tumakbo palabas si Gabriela ng kwarto at sinundan siya ni Lumina. "Miss Gabriela! Baka mahulog kayo sa hagdan!" Saktong pagbukas ng pinto ni Max ang pagsunggab sa kaniya ni Gabriela ng yakap. Nagulat si Max dahil muntikan na niya makalimutan na iniuwi niya nga si Gabriela sa mansion na iyon at naghihintay ito sa kaniya. Lumambot ang expression ni Max at niyakap pabalik si Gabriela. "How are you, Gabby?" Sumagot ng fine si Gabriela sinabi na namis niya ang master niya. Nailing na lang ang secretary ni Max na nasa likuran ni Max after marinig ang sinagot ni Gabriela. Kuhang-kuha ni Gabriela ang kiliti ng boss niya. "May dala ako na cake at ilang dessert. Gusto mo ba matikman?" Agad na sumagot ng yes si Gabriela tapos tinaas ang kamay. May pinapasok si Max na mga tauhan dala ang ilang kahon at paper bag. Excited na sinundan iyon ng tingin ni Gabriela hanggang sa mahagip ng mga mata ni Max ang head maid na nasa kabilang bahagi ng room at nakayuko. Bahagya sinuklay ni Max ang buhok at tinanong si Gabriela ano nangyari kanina sa library. Napatigil si Gabriela at lumingon. Tinanong si Max kung hindi ba siya pwede pumunta doon at magbasa. "Balita ko pinaglinis mo mag-isa ang head maid sa library," ani ni Max. Napatingin ang mga maid na nasa living room kasama ang butler. Napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Lumina. Gusto niya sumabat pero sigurado na hindi iyon magugustuhan ng master nila. Kilala nila si Max at ang temper nito. "I'm not sure. Si head maid lang kasi nandoon tapos inutusan ko si Lumina kumuha ng water. Ako ba dapat naglinis ng library?" tanong ni Gabriela tapos tinuro ang sarili niya at inosente tiningnan si Max. Imbis magalit bigla tumawa si Max as in tumawa ito dahil hindi niya ine-expect ang sagot na iyon ni Gabriela. Kinuha ni Gabriela ang kamay ni Max tapos hinawakan iyon gamit ang dalawa niyang kamay. "Sabi mo huwag ako maglilinis kasi may mga maid naman. Dapat ba ako naglinis ng library? Master galit ka ba?" Inosente siya tiningnan ni Gabriela dahilan para mapatikhim si Max sinabi na hindi siya galit. "Sinabihan naman talaga kita na hindi mo kailangan kumilos sa loob ng mansion since may mga maid tayo tapos nandiyan si Lumina," ani ni Max at tinuro si Lumina na agad yumuko. "Master, kapag umalis na ako dito pwede ko ba hiramin mga books mo tapos sumama ka sa akin? Sama din natin si Lumina." Nawawala ngiti ni Max at tinanong ano sinasabi ni Gabriela. Nakatingala si Gabriela at diretso nakatingin sa mga mata ni Max. "Narinig ko nag-uusap si Lumina at head maid. Sinabi ni head maid na hindi magtatagal sa work na iyon si Lumina kasi aalis din ako." "Wala ako balak umalis dito as long as nandito ka it's mean ba aalis ka tapos sasama mo ako with Lumina?" Ngumiti si Max tapos hinawakan ang ulo ni Gabriela. Idinikit ni Max ang ulo ni Gabriela sa dibdib niya at diretso tiningnan ang head maid. Nanlaki ang mata ng head maid tapos namutla. Naglabasan ang ugat ni Max sa leeg dahil sa pagpipigil nito ng galit. Madilim ang anyo nito tiningnan ang head maid. "Gabby, hindi ka aalis dito." Lumapit ang butler sa head maid tapos kinaladkad ito paalis sa living room. Before pa makasigaw ang head maid tinakpan ng butler ang bibig ng matanda at pinasok sa kusina. May isang pinto doon na konektado sa basement at noong magbukas ang pinto ibinaba doon ng butler ang head maid. Tumingala si Gabriela sinabi na ayaw niya din umalis doon kung hindi kasama si Max. Nakahawak si Gabriela sa sleeve ni Max. Yumuko si Max at sinabi na walang aalis sa mansion na iyon. Abo't abot ang takot ng mga maid na nasa living room habang nakayuko at pinakikinggan ang usapan ni Gabriela at Max. Sa sinabi na iyon ni Max sagot iyon sa tanong ni Gabriela at the same time warning sa mga staff na nasa mansion na iyon. Wala sa mga staff ng mansion na iyon ang pwede kantiin si Gabriela. After ng nangyari sa araw na iyon wala na narinig si Lumina na masama about kay Gabriela. Tikom na din ang bibig ng head maid at kapag dumadaan sila ni Gabriela kusa na ito umiiwas kapag hindi kailangan presensya niya. "Butler, gusto ko din magpakain ng ibon," ani ni Gabriela. Nakita niya kasi ang butler na nagpapakain ng ibon. Ngumiti ang butler tapos binigyan ng mga pagkain ng ibon si Gabriela at tinuruan ito kung paano. "Alaga lahat ito ni master? Ang ganda nila," ani ni Gabriela na namamangha. After sila mapakain ni Gabriela nagliparan ang mga ibon. Malaki ang green house tapos may mga puno doon na malayang nadadapuan ng mga ibon at nagagawang ng pugad. Akala ni Gabriela ordinaryong green house lang iyon para sa mga bulaklak ngunit hindi niya ine-expect na pinagawa iyon ng master niya para sa mga alaga nito na ibon. "Miss Hilda, nandito na iyong owner ng jewelry shop tapos iyong designer na kukuha ng measurements mo," ani ni Lumina na pumasok sa greenhouse. Noong nagsalita si Lumina nag-alisan ang mga ibon at nagliparan palayo. Napatilingon si Gabriela dahil doon. "Meet ko sila sa living room," ani ni Gabriela at tiningnan si Lumina. Nagpaalam na si Gabriela sa butler at sinundan si Lumina palabas ng greenhouse. Namangha ang designer na pinatawag ni Max para kuhanin ang measurement ni Gabriela after makita ang dalaga. Masyado maganda ang babae. Sa isip ni Nami wala naman naging girlfriend si Max na panget but— binalik ni Nami ang tingin kay Gabriela. Iba kasi level ang ganda ng babae. Hindi niya maipaliwanag. Nagpakilala ang babae bilang Nami tapos humingi na din ng paumanhin dahil late na sila nakarating sa mansion. Tinitigan ni Gabriela ang mga bisita. Ngumiti si Gabriela at pinaupo sina Nami at ang kapatid nito na lalaki. "May nagustuhan ka miss Gabriela?" tanong ni Lumina. Sinabi ni Gabriela na maganda lahat ng design ni miss Nami. Wala siya mapagpilian. "I-point out mo lang lahat ng gusto mo miss Gabriela. Tiyaka ka na pumili ng gusto mo suutin kapag nagawa na iyong gusto mo na design," ani ni Lumina at tinuro iyong magazine na binigay ni miss Nami. Napatingala si Gabriela kay Lumina. Nakatayo si Lumina sa tabi ng kinauupuan ni Gabriela na pang-isahan na sofa at nakatingin sa hawak niya na magazine. Sa isip ni Lumina hindi need ni Gabriela pumili dahil sigurado siya na bibilhin lahat ng master niya mga design sa loob ng magazine kapag may isa or dalawang nagustuhan na design si Gabriela. Hawak ni Gabriela ang labi na ngayon ay nakatingin sa mga nakabukas na kahon kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng accessories. "Ma'am! Pasensya na pero hindi kayo pwede pumasok dito." Napaangat ng tingin si Gabriela tapos napatigil iyong babae na pumasok sa mansion. Hindi alam ng butler paano papaalisin ang babae. "Hah! Ngayon alam ko na bakit hindi ako kinokontak ni Max. May babae na naman siya kinakaladkarin," ani ng babae at nag-cross arm. Diretso tiningnan si Gabriela na inosente nakatingin sa babae at may pagtatakha sa mukha. Mabibigat ang paa na naglakad ang babae palapit kay Gabriela tapos tinanong si Gabriela kung saan galing pamilya si Gabriela at ilan gabi na doon ang babae. "Miss Violet! Pasensya na pero—" "Hindi kita kausap! Huwag ka humarang!" Napadapa si Lumina sa sahig after siya sampalin ng babae na bigla na lang pumasok sa mansion at gumawa ng gulo. "Kahit kailan napaka-pakialamera mo," ani ni Violet hawak ang wrist niya. Bahagya humapdi ang palad niya dahil sa pagkakasampal nito kay Lumina. Tiningnan ulit ni Lumina si Gabriela na walang kurap-kurap na nakatingin sa kaniya. Nagtama ang mata nila na dalawa. In some reason bigla si Violet nakaramdam ng lamig at gumapang iyon hanggang sa batok niya. "Kung gusto mo makausap si master nasa opisina siya ngayon. Pwede kita ipahatid sa driver," ani ni Gabriela na may kalmado na boses. Bumakas sa mukha ni Violet ang pagkadisgusto. Kung magsalita kasi ang babae parang may authority ito doon sa mansion at siya ang may ari. Tumingin si Violet sa mga tao na nasa living room na mukhang bisita ni Gabriela. Napatigil si Violet dahil nakita niya ang mismong designer na si Nami na sa magazine at billboard niya lang nakikita at ang kapatid nito na nagmamay-ari ng pinakasikat ng jewelry shop sa buong asia. Naggitgit ang babae dahil naaalala niya na kinausap niya si Max last month about doon. Gusto niya ng mga dress at accessories na gawa ng magkapatid na Django. "This is so unfair! Pumayag na nga ako madami siya girlfriend tapos— Max!" Nagpapadyak ang babae paalis ng living room. Balewala tumayo si Lumina at sinundan ng tingin si Violet na tumungo sa pinto at binalya iyon. Nagkatinginan naman ang magkapatid na Django. Hindi nila pwede palampasin ang chance na iyon. Magiging malaking hit iyon sa high society. Nakatingin si Lumina sa magkapatid na Django. Bakas sa mukha ng dalawang magkapatid na may mga binabalak ito at mukhang gagamitin nila ang issue na iyon para sa business nila. "Butler?" tawag ni Gabriela. Agad na lumapit ang butler na nakatayo hindi malayo sa sofa. Agad na lumapit ang butler. Sweet na ngumiti si Gabriela at inutusan ang butler na tawagan si Max after 40 minutes. "Pakisabi sa kaniya. Nahihilo ako tapos super sama ng pakiramdam ko," ani ni Gabriela na hawak ang ulo niya. Nagtataka ang butler dahil nagbigay ng oras si Gabriela. Gusto ni Gabriela tawagan si Max after 40 minutes. "Bukas na ba natin ito ituloy miss Gabriela," tanong ng kapatid ni Nami na si Najin. Paawa tinanong ni Gabriela kung pwede bumalik bukas ang dalawa. "Masyado maganda itong mga design niyo. Nahihirapan ako pumili hihingi ako ng tulong kay master," ani ni Gabriela na nakangiti ngayon hawak ang pisngi. Lumiwanag ang mukha ng dalawa dahil sa idea na magagamit nila ang opportunity na iyon para i-advertise ang mga gawa nila at maopen agad ang deal kung nandoon si Max. "Babalik kami bukas miss Gabriela!" Agad na tumayo ang dalawa tapos yumuko. Napatanga ang butler at Lumina then nilingon si Gabriela na nakangiti sa dalawang bisita. "Miss Gabriela, hindi maganda idea na makipag-get along ka sa magkapatid na iyon." Ang dalawang iyon ang naglalabas ng issue about sa mga babae ni Max at sumisira sa reputasyon ng lalaki. Hindi nila maintindihan master nila bakit nagki-keep ng ganoong mga tao ang master nila. Lumingon si Gabriela at ngumiti ng matamis. Sinabi na huwag masyado mag-alala si Lumina. "Wala ako balak makipag-get along."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD