Chapter 10
"It's okay, Max. Nandito ako hindi kita iiwan at poprotektahan kita kahit ano mangyari."
Niyakap ng babaeng nasa 16 years old ang leeg ng batang lalaki nasa 8 years na ngayon ay nakaluhod sa lupa. Sa harap ng bata ang may dalawang libingan.
Nakasulat sa mga libingan na iyon ang mga pangalan ng parents ni Max.
"Ate!"
Umiyak ang batang si Max at humarap sa kapatid. Niyakap niya babae sinabi na natatakot siya.
"Max~"
"Max."
Napatigil ang batang si Max 'nong may humawak sa kamay niya. Lumingon siya tapos may nakita siyang babae na duguan.
"No! Let me go!"
Hinihila siya ng mga ito at napabitaw siya sa kapatid.
"Ate!"
Tumingin si Max sa kapatid. Napatigil si Max at parang nabuhusan ng malamig na tubig after makita na nakatayo lang ang kapatid doon at nakatingin sa kaniya.
"Stop being stubborn, Max. Para din sa atin itong dalawa."
Nakita na lang ni Max ang sarili papalubog sa tubig. Hindi siya makahinga at hindi siya makagalaw dahil sa itim na mga bagay na bumabalot sa katawan niya.
He feel exhausted and tired. Noong nagmulat siya ng mata— bumungad sa kaniya ang puting kisame ng office niya.
"Mukhang pagod na pagod ka na sir Lambordi. How about umuwi ka na muna sa inyo tapos magpahinga. Wala na naman importante documents na need mo pirmahan."
Umayos ng upo si Max at sinapo ang noo. Tinanong ni ang secretary kung ano oras na.
"2am, sir."
Napatigil si Max at lumingon. Una pumasok sa isip niya si Gabriela kaya naman kinuha ng lalaki ang phone niya tapos tiningnan kung tumawag ang butler.
Walang phone call. Napatayo si Max at kinuha ang coat niya. Sinabi ni Max na uuwi na sila.
Ginising ng secretary ang kapatid niya. Umingit lang ang kapatid sinabi na antok pa siya.
Binuhat ng secretary ang kapatid niya at sa isang kamay dala ang mga gamit ng kapatid niya kasama ang mga importante na gamit ni Max.
"May natanggap ka ba na tawag galing sa mansion?" tanong ni Max sa secretary niya. Sumagot ng wala ang secretary.
Noong nasa parking lot na sila dahan-dahan nilagay ng secretary niya ang kapatid sa passenger seat tapos nilagyan ng seatbelt.
"Kuya?" ani ni Gemma na kasalukuyang kinukusot ang mata.
"Umupo ka ng maayos princess. Pupunta tayo sa mansion ng mga Lambordi."
Pumasok na si Max sa backseat at sinara na ni Garan ang pinto ng passenger seat after maiayos ang upo ng kapatid.
Nagtataka si Max dahil hindi siya tinawagan ng butler. Mag isang beses kasi sa isang araw tumatawag ang butler para itanong ano oras siya uuwi gawa ni Gabriela.
Napa-pokerface si Max at kinuha ang phone niya para i-check ulit iyon.
Pagdating sa mansion may nakita si Max na sasakyan na sobrang familiar sa kaniya.
"Reed."
Nawalan ng kulay ang mukha ni Garan after makita ang sasakyan ni Aslan Declan Reed sa labas ng mansion ng mga Lambordi. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganoong scenario.
Mabibigat ang paa na tinungo ni Max ang pintuan ng mansion. Tinanong ni Gemma kung papasok na ba sila sa mansion.
Nilingon niya ang kapatid na nasa driver seat at nakapako ang tingin sa sasakyan.
"Mauuna na muna ako sa loob. Kukuha ako ng payong since malakas ang ulan," ani ni Garan tapos binuksan ilaw ng kotse.
"Okay kuya."
Actually hindi ulan ang problema ni Garan kung hindi iyong mga tao ngayon sa loob ng mansion na iyon. Mukhang hindi maganda timing ng pagpunta nila doon ng kapatid.
Bumaba sa sasakyan si Garan at tumakbo palapit sa pinto ng mansion.
Pagbukas ni Max ng pinto agad na napatayo si Gabriela at sinigaw pangalan ni Max.
"Max!"
Napatigil si Max 'nong salubungin siya ng yakap ni Gabriela at sumubsob sa dibdib niya.
Nandoon si Lumina sa living room na kasalukuyang nakayuko at binati siya ng magandang umaga.
"Bakit basahg-basa ka? Hindi ka ba nagdala ng payong?"
Tumingin si Gabriela kay Max. Nagtaka si Gabriela dahil mukhang wala sa mood si Max at gusot ang mukha nito. Nagdududa ito nakatingin sa kaniya.
"Nandito ba si Reed? Nagkita kayong dalawa?" tanong ni Max. Hinablot nito si Gabriela na hindi naman gaano nag-react. Nanatili kalmado ang babae tinanong kung ano ibig sabihin ni Max.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag ka magpapasok sa mansion na ito kapag wala ako!"
Napako si Lumina sa kinatatayuan tapos maya-maya bigla ito umalis at tumakbo patungo sa maid's quarter.
Galit na galit si Max pero nanatili si Gabriela na nakatingin kay Max at hindi nagsalita.
"I'm not sure but sinabi mo din na mamili ako ng mga dress at accessories na gusto ko. Hindi ako makaka-purchased ng dress nang hindi kinakausap ang designer at owner ng shop. Hindi din ako pwede lumabas," ani ni Gabriela. Napatigil si Max after marinig sagot ni Gabriela.
"Sir Max!"
Dumating ang butler at nilingon siya ni Max.
"Nasaan si Reed?" pikon na sambit ni Max at binitawan si Gabriela na napahawak sa braso niya. Nararamdaman niya ngayon ang kirot mula doon at hapdi.
"Nasa guestroom siya sir kasama ang kapatid niya," ani ng butler. Sumalubong ang kilay ni Max.
"Nagkataon na iyong design ng kapatid niya ang nagustuhan ni miss Gabriela. Malakas ang ulan kaya nag-insist si miss Gabriela na buksan ang guest room para sa magkapatid since buntis si miss Antonette."
Napatigil si Max after marinig iyon. Tiningnan ni Max si Gabriela bakit hindi agad iyon sinabi ni Gabriela.
"Sorry master."
Sinabi ni Gabriela na tataas muna siya para ihanda pampaligo ni Max dahil basang-basa ito ng ulan.
Walang lingon-lingon si Gabriela na umakyat ng hagdan hawak ang braso. Nasuklay ni Max ang buhok gamit abg daliri.
"It's so unfair na sinigawan mo si miss Gabriela ng hindi ini-explain ang side niya. Paano kung iwan ka din niya katulad ng ibang babae na naging girlfriend mo dahil sa personality mo na iyan?"
Parang nagpantig ang tenga ni Max after marinig ang familiar na boses. Lumingon siya at nakita niya si Aslan na nakasandal sa poste na nasa pintuan ng kusina.
Nagawa pa nito ngumisi dahil nag-enjoy siya sa reaksyon ni Max kani-kanina lang.
"Tama na iyan."
Pumagitna si Garan after makita na nanginginig ang balikat ni Max dahil sa tensyon at dahil kilala niya si Aslan mas lalo ito nage-enjoy dahil nakikita nito ang side na iyon ni Max.
"Master, naprepare ko na ang bathtub."
Nanatili nakatitig si Max kay Aslan. Bakas sa mukha ng lalaki ang galit at nanlilisik ang mga mata nito.
Bumaba si Gabriela sa hagdan at hindi pinansin si Garan na hindi alam kung haharangin niya si Gabriela na lumapit or pipigilan si Max. Natatakot si Garan na kapag umalis siya sa pwesto sugurin na lang ni Max si Aslan.
"Master."
Napatigil si Max 'nong hawakan ni Gabriela ang pisngi ni Max gamit ang dalawang palad at hinarap sa kaniya.
"Kauuwi mo lang, Master and pagdating na pagdating mo hindi mo ako tinitingnan tapos nasa kaibigan mo ang atensyon mo. Ayaw mo na ba sa akin?
Nalaglag ang panga ni Garan dahil sa isang iglap bigla nawala ang mabigat na aura ni Max at medyo kumalma ang expression ng lalaki.
Nawalan ng expression si Aslan after makita na bigla na lang kumalma si Max 'nong dumating si Gabriela.
"I miss you, master."
Niyakap ni Gabriela si Max then bahagya tiningnan si Aslan. Napaayos ng tayo si Aslan after kumislap ang kulay ginto na mga mata ni Gabriela.
Iba ang tingin na iyon ni Gabriela sa kaniya to the point na yumanig ang buong sistema niya dahil sa—
Noong tumaas sina Max at Gabriela bigla tumawa si Aslan na kasalukuyang nasa ulo ang isang kamay.
"Assente, naisipan ba ni Lambordi alamin ang tunay na background ng babae na iyon?" tanong ni Reed. Imbis sumagot gusot ang mukha ni Garan sinalubong ang tingin ni Aslan.
"Hindi ko alam sino sa inyo ni sir Max ang baliw pero masasabi ko na ikaw ang madalas nawawala sa line sir Aslan. Kung ano 'man ang namamagitan kay miss Gabriela at sir Max labas ka na doon. Hindi ko alam kung nag-aalala ka ba talaga kay sir Max or gusto mo lang makasira ng relasyon," pikon na sambit ni Assente. Sumalubong ang kilay ni Aslan sinabi na kaibigan niya si Max.
"Nakalimutan mo na ba na ikaw ang isa sa dahilan bakit nagkakaganoon si sir Max."
Napatigil si Aslan after marinig iyon. Tumalikod si Garan sinabi na tigilan na nito pakikialam kay Max dahil pinapalala lang nito ang sitwasyon.
"Sa tingin ko naman ito na huling beses na pupunta ka dito at ibibigay concern mo kay miss Gabriela since harapan ka na niya dinedma," bored na sambit ni Garan lumapit sa butler na bahagya yumuko.
"Pinalabas ko si Lumina para i-check si miss Gemma."
Sa loob ng kwarto nakaupo si Gabriela sa gilid ng kama at nakatitig sa nakasara na pinto.
Nasa bathroom si Max at 'nong tapos na ang lalaki lumabas ito ng bathroom. Lumiwanag ang mukha ni Gabriela at tumayo.
"Master."
Napatigil si Max at napatitig kay Gabriela na natutuwang hinihintay siya lumapit.
"Masakit ba?"
Inosente siya tiningnan ni Gabriela at may pagtatakha sa mukha.
Humakbang si Max at naglakad palapit kay Gabriela. Kinuha ng lalaki ang kaliwang kamay ni Gabriela at nakita niya doon ang bakas ng mga daliri niya.
"Mawawala din naman ito bukas."
Napatigil si Gabriela 'nong bahagya yumuko si Max tapos binigyan ng munting halik ang bakas ng mga daliri ni Max sa wrist niya. Nag-init ang pisngi ni Gabriela at gusto niya bigla talunan si Max at ikulong ang sarili nito sa mga bisig ng lalaki.
Sa paraan lang kasi na iyon nararamdaman niya ang init ng lalaki at parte siya ng mundo.
"Iwasan mo si Reed. Hindi maganda idea na lumalapit ka sa ganoon na tao."
Nakaupo si Gabriela sa gilid ng kama tapos ang isang tuhod ni Max nasa kabilang gilid ni Gabriela.
Hawak ni Max ang dulo ng tali ng nighties ni Gabriela— nakatingala ang babae at diretso nakatingin sa kaniya.
"I'm not sure what do you mean na layuan ko siya but i'll try."
Napatigil si Max at sumalubong ang kilay. Tinanong kung anong itatry ni Gabriela.
Gumawa ng nakakatakot na ngiti si Max at hinablot ang panga ni Gabriela. Nasasaktan si Gabriela pero natural na hindi nito pinakita iyon kay Max.
"Hindi ako nagtatanong. That's an order," madilim ang anyo na sambit ni Max at walang emosyon.
"Gusto ko mga damit na gawa niya, Max. Pumayag ka na sa kaniya ako mag-order ng mga dress at hindi pa nagagawa iyong ibang dress. Paano ko siya kakausapin kung iiwasan ko siya?"
Napatigil si Max. Actor si Aslan hindi designer then naalala niya bigla sinabi ng butler na nandoon ang kapatid ni Aslan.
Nabitawan ni Max ang panga ni Gabriela at tumayo ng maayos.
"Tinutukoy ko si Aslan," pikon na sambit ni Max na hawak ngayon ang sentido.
"Okay."
Kinuha ni Gabriela ang kamay ni Max at tiningnan sa mata si Max.
Walang idea si Gabriela sa ganoon na side ni Max. Mas natatakot ngayon si Gabriela hindi dahil sa nasasaktan siya ni Max kapag nagagalit kung hindi sa posibilidad na iabandona siya nito.
Kaya niya tiisin lahat ng physical pain since sa pagkakaalala niya nagkaroon din siya ng training about doon at kaya niya i-endure kahit pa tama ng bala.
Inilagay ni Gabriela ang kamay ni Max sa pisngi niya. Sa isip ni Gabriela as long as maga-act siya na harmless, sundin lahat ng gusto ng master niya at mag-stick sa role niya as well behaved pet ng master niya hinding-hindi siya nito ise-set aside.
Mae-enjoy niya ang kaunting physical warm at atensyon na naibibigay ng master niya, iyong malambot na kama sa kwarto na iyon at madaming pagkain ng walang problema.
"Can you touch me now, Master? I'm cold."
Noong narinig iyon ni Max nabato ito sa kinatatayuan habang nakatingin sa inosente at magandang mukha ni Gabriela.
'Tama, as long as magi-stick siya sa role niya hindi siya iaabandona ng master niya at ibabalik sa auction.'
Kung hindi siya magiging greedy at gagamitin niya ng mabuti ang mukha meron siya— ngumiti ng matamis si Gabriela. Hindi mawawala ang kaunting affection at atensyon ng master niya sa kaniya.