Cresia's POV
Nakita kong tila natuwa si kuya sa sinabi ko. Ako naman ay mas lalong nairita. All he cares is about himself. Reputasyon lang yata niya ang mahalaga sa kaniya. Mabuting anak, mapagmahal na nobyo, at magaling na negosyante. How about my feelings? Ang puso kong sugatan ng labis dahil sa pagkabigo sa pag-ibig ko sa kaniya.
Well, kasalanan ko naman. Ako ang gumawa ng move para matupad ang gusto ko. Hindi ko na naisip kung tama ba o mali ito. Kung may mapapala ba ako o wala. Dapat in the first place, tinago ko na lang ang kung ano man ang nadarama ko para sa kaniya. Hindi ganito na bawat magkikita kami ay makakadama ako ng pagkailang sa kaniya at galit dahil walang katugunan ang nararamdaman ko. Walang kasalanan si kuya ukol dito, ako ang may gusto nito kaya dapat yakapin ko ang naging resulta nito. Hindi ko pwedeng ipilit ang gusto ko. Lalo na kung mali ito.
“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, Maria Luk—”
Tinaas ko ang palad ko para patigilin siya. I don't like to hear him calling me on my whole name. I felt irritated. Si Daddy lang ang gusto kong tumawag ng ganito sa akin.
“Cresia, Kuya. Cresia." Agap ko sa iba pang sasabihin ni kuya dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata at mapailing na lang pagkatapos. Pinagdiinan ko talaga ang salitang binitiwan ko para maging klaro sa kaniya.
"Wala kang karapatan na tawagin ako sa buo kong pangalan. Si Daddy lang iyon kaya huwag na huwag mong babanggitin ng buo ang pangalan ko!” Masungit kong sinabi at saka siya pinanlisikan ng mga mata. Iyong mga luhang gustong bumagsak sa mga mata ko ay biglang umurong at parang gusto ko siyang bugahan ng apoy sa inis na nadarama ko para sa kaniya.
Kung bakit kasi nagpakita pa siya rito. Hindi naman ako magsusumbong. Sana pinahupa muna niya ng ilang araw ang nararamdaman kong pagkabigo bago siya nagpakita rito. Hindi ganitong mataas pa ang emosyon ko at wasak na wasak pa rin ang puso ko.
“Really, huh? May paganyan-ganyan ka na ngayon? Akala ko ba mahal mo ako? Binasted lang kita, may paganyan ka na?” Ani ni kuya sabay tawa ng nakakaloko na tila hindi apektado sa pagsusungit ko.
Inirapan ko siya at tinago ang aking pamumula. Nahihiya ako dahil inanunsiyo pa talaga niya sa harapan ko na basted ako sa kaniya.
“Ano naman ngayon? Sa ayaw ko nga?!” Alam kong wala naman sense itong pag-iinarte ko pero gusto ko lang tabunan ng galit ang nadarama kong pagmamahal sa kaniya. Baka sa pamamagitan nito ay unti-unti kong mabubura ang pag-ibig ko para sa kaniya.
Alam niyang nasaktan niya ako ng sobra kaninang umaga ngunit kung kausapin niya ako ng ganito ay parang wala kaming naging iringan kanina. Tapos ang lakas ng apog niya na magpakita sa akin at utusan ako na huwag sasabihin kina daddy at mommy ang kalokohan na ginawa ko. Kahit hindi niya ako paalalahanan. Hindi ko sasabihin dahil ipapahamak ko lang ang aking sarili kapag nagsabi ako sa kanila. Pwede akong baliktarin ni Kuya Wind lalo na at pwede niyang hingin ang record ng CCTV kay Kuya Steven.
Sabi ko nga, hindi na ako gagawa ng katangahan. Kaya ikalma niya ang isip at loob niya. Tama na iyong pagiging tanga ko kagabi. Lesson learned na iyon para sa akin. Hinding-hindi na ako magtitiwala sa mga hinala ko na wala naman basehan. Heto tuloy ang napala ko, napahamak ako. Iyon pala ay hindi naman pala kami pareho ng nararamdaman ni kuya. Hanggang kutob lang iyon na sana ay hindi ko na lang ginawang basehan para isipin na may gusto rin sa akin si Kuya Wind.
Sobrang abala rin nilang dalawa ni Ate Dorina sa kani-kanilang career kaya umabot sila sa mga ganitong edad na halos wala na sa kalendaryo. Kaya malamang ito talaga ang dahilan kung bakit tumanda na sila lahat-lahat, hindi pa rin sila nagpapakasal.
“Ang sungit ah? Akala ko ba mahal mo ako, hmmmm? Iyan ba ang mahal ako? Parang gusto mo na akong ilibing sa hukay dahil lang nabigo ka sa akin.” Nakatawang sabi ni kuya na hindi pinansin ang pagsusungit ko. Tapos hindi ko inaasahan ang next na gagawin niya dahil bigla siyang dumukwang sa akin at malambing na hinaplos ang pisngi ko dahilan para matulala ako at matunaw ang galit na nadarama ko sa aking puso.
Isang haplos lang niya at ngiti ng ganito ay parang hindi ko na alam kung bakit ako nagagalit sa kaniya.
"s**t ka, Cresia! Pigilan mo iyan!" Kastigo ko sa aking sarili. Mahuhulog lang ako ng malalim sa kaniya kapag hinayaan kong mas lalong marahuyo sa kaniya.
“H-Hindi na ngayon…” pautal na pagsisinungaling ko. Sinikap ko na panatilihin ang galit sa puso kahit hindi ko na madama ito. Tinabig ko ang palad niya at tinigil ko ang pagkain ko para makatakas sa harapan niya. Alam kong kahit tinanggi ko na hindi, alam ko na alam niyang nagsisinungaling lang ako.
I love him and I know he can see it through my eyes and actions.
Ang hirap magtago ng nararamdaman lalo na at ngayon pa lang naman ako nakadama ng ganito.
Hindi ko alam kung paano ako aakto kung ganitong nilalambing niya ako para hindi ako magalit sa kaniya.
"Nagsisinungaling ka, Cresia. I know when you're telling the truth or not. Mahal mo ako... at pasensya na kung hindi ko masusuklian iyan. I am getting married soon and what happened between us is a big sin. It's forbidden in case you forgot, magkapatid tayo. f**k! We should forget and pretend that didn't happen. Sana maintindihan mo ako kung hindi ko man matugunan ang gusto mong mangyari. Mahal kita bilang kapatid. Pero ang mahalin ka bilang, babae...hindi ko kaya. It's tempting but I don't want that kind of relationship that will caused so much trouble in our lives. Our parents will be angry to us, ang Ate Rain mo at ang Kuya Cloud, at Ate Sunny mo na maaaring magbago ang pakikitungo sa atin kapag pinatulan ko ang gusto mo. Mahal kita, Cresia. But please don't seduce me to love you and own you. Kasi, kung hindi tayo magkadugo...I swear to God, iga-grab ko ang opurtunidad na binibigay mo sa akin. You're so beautiful, hot, and so yum---f**k!" Napamura si Kuya Wind at parang napapaso na lumayo sa akin.
Ako naman ay gulat na gulat sa mga linyahan niya. Ibig sabihin, may posibilidad na ma-fall siya sa akin if ever na hindi kami magkadugo? Bale ang pumipigil lang sa kaniya para magustuhan ako ay ang pagiging magkadugo namin.
Gusto kong maglulundag sa saya. Ibig sabihin, tama ako. May gusto siya sa akin at hindi ako nagkakamali.
Ito rin kaya ang isa rin sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila kinakasal ni Ate Dorina. Kung susumahin halos parang mag-asawa na sila, kasal na lang talaga ang kulang.
"What if, I want to seduce you, kuya? Magpapaakit ka ba? Susuong ka ba sa kasalanan para lang maangkin akong muli? I'm sure hahanap-hahapin mo ang aking mabangong katawan at makipo---"
"f**k! Stop talking! Damn it, Maria Lukresia! Stop it! That's a big sin! f**k!" Gigil na sabi ni kuya sabay mura na naman ng makailang ulit dahilan para lalo ko siyang asarin.
He is tempted. Inamin na niya. Ibig sabihin, hindi lang ako ang naaakit sa kaniya!
"Ang sarap-sarap ko, 'di ba? Fresh, young, and so yummmmmy? Ito iyong sasabihin mo dapat 'di ba?" Mapang-akit na sabi ko na ewan ko kung saan ko natutunan ito. Bigla na lang kusang gumalaw ang katawan ko na tila may sariling isip ito para mang-akit.
Sinadya ko rin na dilaan ang gilid ng labi ko para mas lalo siyang akitin. Nakita kong nalaglag ang panga ni Kuya Wind at parang ulol na aso na lumaylay ang dila.
Gusto kong tumawa ng malakas. Galit-galitan daw ang peg niya ngunit ang bilis naman mahulog sa patibong ko. Parang konting push lang ay mahuhulog na siya sa akin.
What if akitin ko siya?
I'm sure he will fall fast to me. Lakas lang ng loob ang kailangan ko at kapal ng mukha.
Pero what if ganoon nga ang mangyari?
What will happen to us?
What if our parents find out?
"No! f**k! Don't you dare! Masisira ang buhay mo!" And with that, he left me. Ako naman ay malakas ang kabog sa aking dibdib. Punong-puno ito ng kasiyahan. Kasiyahan na malaman na kung hindi kami magkadugo, magkakagusto siya sa akin.
Bigla naging maayos ang pakiramdam ko dahil dito. Iyong mood ko kanina na parang pinagbagsakan ng langit ay lupa ay biglang sumigla.
Excited na tuloy ako sa mga susunod na mangyayari, alam ko...hindi pa nagtatapos dito ang lahat sa amin ni kuya. I'm sure may kasunod pa ang nangyari sa aming dalawa.
Kung narahuyo siya ng husto sa aking ganda at alindog, alam kong siya mismo ang gagawa ng move para lumapit sa akin. Ang gagawin ko ay iiwasan siya para mas lalong matakam sa akin.