Cresia's POV
Kabanata 5: Sikreto
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Elsa na nag-iisa sa labas. Akala ko umakyat talaga si Kuya Wind para tingnan ang kalagayan ko. Natuwa ako na hindi ko siya nakita dahil galit ako sa kaniya, ngunit may parte sa akin na nalulungkot dahil umasa rin ako na pupunta siya rito sa kwarto ko at magpapakita siya ng concern sa kalagayan ko. Pero hindi siya pumunta, hindi man lang siya nag-effort para man lang sana matuwa ako.
He is the one who caused me this. Pero ako naman ang puno 't dulo ng lahat ng ito dahil ako naman ang nag-initiate na may mangyari sa amin. Wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko kung bakit ako may sakit ngayon.
“Pakilagay na lang ulit sa lamesa, Ate.” Turan ko kay Elsa at patamad na binuksan ng maluwag ang pinto. Tumingin pa ako sa labas at umasa na kaaalis lang ni kuya. Bigo ako. He is nowhere to be found. Walang tao sa pasilyo at kahit anino niya ay hindi ko makita. Kaya naman sumidhi ang inis na nararamdaman ko sa aking dibdib. s**t siya! I hate him! Wala man lang siyang concern sa akin? Nagbago siya bigla ng pakikitungo? Dahil ano? Akala niya ay maghahabol ako sa nangyari sa amin? Akala niya ay hindi matutuloy ang pag-iisang dibdib nila ni Ate Dorina dahil ibubunyag ko na may nangyari sa amin?
Huwag siyang mag-alala. Walang makakaalam. Hindi pa ako ganoon kadesperada na pag mukhain pang tanga ang aking sarili. Though naging desperada at tanga na talaga ako nang gumawa ako kagabi ng hakbang para sana mahawakan siya sa kaniyang leeg at hindi matuloy ang kasal nila ng kaniyang long time fiancée.
Ayaw kong ipilit ang sarili ko sa ayaw sa akin. Ayaw kong mas bumaba pa ang tingin niya sa akin pagkatapos ng mga nangyari. Kaunting pride na lang ang mayroon ako at ayaw ko namang pati ito ay mawala pa sa akin.
“Nakahain na, Senyorita. Maaari ka ng kumain para makainom ka agad ng gamot,” concerned na turan ni Ate Elsa sa akin at lakas loob na hinawakan ako sa aking noo para pakiramdaman ang aking temperatura.
Hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa at hinintay na matapos siya.
Ang galing nga, kahit hindi gumamit ng thermometer ay alam nila kapag may sakit o wala ang isang tao sa pamamagitan ng pagsalat sa noo at leeg. Ganito rin si Mommy Jasmine sa akin kaya naman hindi na ako nagtaka kay Ate Elsa na ganito rin niya tingnan kung may sakit ako o wala.
“Ang init mo nga, Senyorita. Uminom ka na agad ng gamot kapag natapos kang kumain.” Nag-aalalang habilin nito na halatang nag-aalala para sa kalusugan ko.
“Gagawin ko agad iyan, Ate.” Walang gana na sabi ko at naghila ng upuan para simulan na ang pagkain.
Kanina sobrang takaw ko na kumain. Paggising ko, walang appeal ang masasarap na putahe na nakahain sa lamesa. Sinigang na sugpo, inihaw na bangus na may kamatis at sibuyas sa loob ng tiyan nito, tinolang tahong, at ang walang kamatayang adobo na paborito ng maraming Pilipino kahit araw-araw pang mag-ulam nito.
Ang sasarap lahat ngunit parang iyong sabaw ng sinigang lang yata ang gusto kong tikman. Naubos ang katas at enerhiya ko sa magdamagang pagtatalik kaya gusto ko lang talaga ng paghigop ng sabaw.
“Gusto mo bang sabihin ko kina senyor at senyora ang kalagayan mo? Baka grumabe iyan, pati ako ay mapagalitan,” nag-aalalang turan ng babae.
Mariin akong umiling sa kaniya. “No. Lagnat lang ito, Ate. Don't worry, lilipas din ito kapag nakainom na ako ng gamot.” Turan ko at sinikap na maging magana sa pagkain.
“S-Sigurado ka ba, Senyorita? Para kasing hindi ka okay. Parang ang daming rashes sa balat mo lalo na riyan sa le—”
“Kinamot ko lang ‘to kanina kaya namumula,” agap ko sa kaniyang sasabihin pa at tinakpan ang leeg ko na nakalimutan kong may mga kiss marks na iniwan si kuya.
Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kong bumaba para magpakita sa kanila. Ang dami kong love bites sa leeg ko. Pinutakti ako rito ni kuya. Good thing I had a lot of tops na may mahabang collar. Uso naman ito ngayon dahil nga malapit ng mag-ber months. Isa pa, this is one of my favorite outfits. It makes me look sexy and hot dahil kita ang magandang kurba ng aking dibdib at baywang. Lalo na kapag naka-bodycon dress ako, feeling ko ay napaka-sexy ko.
“Ah, lagyan mo na lang ng ointment para hindi na mangati.”
“Nilagyan ko na, Ate.”
Mukhang naniwala naman sa palusot ko ang babae kaya naman agad na itong nagpaalam na baba nang makita niyang okay na at wala ng kailangan pa. Sinabi ko naman na tatawag na lang ako sa intercom kapag may nais ako.
Uminom na ako ng gamot nang matapos akong kumain. So far, marami akong nakain kahit pinilit ko lang ang aking sarili na kumain. Tapos ay saka ako muling nahiga para magpahinga. Subalit ilang sandali lang ay nakatulog na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nahihimbing nang maalimpungatan ako. Naalimpungatan kasi ako nang may maramdaman akong mabini na humaplos sa mukha ko at humalik sa labi ko ng mabilis. Nang magmulat naman ako ng aking mga mata ay wala naman akong nakita sa loob ng kwarto ko. Nananaginip lang yata ako pero parang nakita ko na kakasara lang ng pintuan. I don't know, baka hallucinations ko lang iyon dahil parang oo na hindi na may naramdaman akong humalik sa akin.
Baka nananaginip pa rin ako?
Natulog akong muli na dala pa sa pagtulog ko ang mga katanungang ito. Paggising ko muli ay sakto na papasok naman sina daddy at mommy dito sa kwarto ko na marahil ay hindi na nakatiis na hindi tingnan ang kalagayan ko rito sa kwarto ko.
Agad akong naupo habang nag-uunat ng aking mga braso at sabay na rin ng paghikab. Antok na antok pa ako, gusto ko pa munang matulog ngunit kailangan ko muna silang harapin bago bumalik muli sa pagtulog.
"Are you okay, Maria Lukresia?" Nag-aalala ngunit may lambing sa boses na tanong ni daddy sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama ko at sinalat ang noo ko. He really loves my name. Buong-buo at never pa niya akong tinawag ng hindi buo.
"Ayos ka lang ba, baby?" Tanong naman ni Mommy na agad pumwesto sa kabilang gilid ko at sinalat din ang noo ko nang matapos akong bitiwan ni daddy doon.
Palihim kong pinaikot ang mga mata ko.
Baby, hmmn...
Baby naman ang tawag ni mommy sa akin hanggang ngayon na minsan ay medyo nakakaramdam na ako ng pagkailang dahil batang musmos pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ako pwedeng umalis ng bahay na hindi niya na- che- check ang laman ng bag ko. Kung may dala ba akong tubig, pagkain, alcohol, tissue at kung ano-ano pa na parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakasiguro na kumpleto ng mga ganito ang dala kong bag. Tapos kapag nasa school ako, kada break ko ay may text siya. Nakakaumay na nga minsan dahil malapit na ako sa adulting stage pero kung ituring naman niya ako ay maliit na bata na need pa ng kalinga at gabay ng mga magulang.
"I'm okay, Mommy... Daddy. Lagnat laki lang ito," pagtatakip ko sa tunay kong nararamdaman.
"Kahit na. Sakit pa rin iyan," medyo galit ang tono na sabi ni Mommy. "You have a fever at hindi dapat binabalewala iyan, Cresia."
Napakagat-labi ako at hindi na nagkomento pa sa sinabi ni Mommy. Mag-aaway lang kami kapag sumagot pa ako sa kaniya. Sabi ko nga, masyado nila akong inaalagaan kaya kahit simpleng lagnat lang ito o kaya ay simpleng ubo, mag-aalala na sila ng sobra sa akin na akala mo ay isa akong importanteng tao sa kanila na dapat hindi nila hinahayaan na dapuan ng sakit o kung ano pa man na makakasakit sa akin.
Takot na takot silang masaktan ako samantalang sobrang sakit ng mga naging karanasan ko kagabi at kaninang umaga. Una, binigay ko ang virginity ko kay Kuya kahit hindi niya ito hinihiling. Pangalawa, sinaktan niya ang puso ko nang mabigo ako sa pag-ibig na dinudulog ko para sa kaniya.
"You're mother is right, Maria Lukresia. You should not confident that it might not harm you. May balita nga sa telebisyon na namatay dahil sa lagnat." Pagbabalita naman ni daddy na ewan ko kung totoo o nananakot lang siya para matakot ako.
Napaawang ang mga labi ko at natutop ko ito. Nakakatakot naman kung totoo. Kasi ako, takot akong mamatay. Wala pa kasing nakakapagpatunay na totoo ang langit at impiyerno. Naniniwala ako sa Diyos ngunit pagkabuhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi ko na alam. That there is other life after death which is sabi nila ay buhay na walang hanggan o buhay na walang kamatayan.
Imposible naman iyon kung lagnat lang ay namatay na agad. Baka naman kasi nagkumbulsyon o kaya ay nag-seizure. Oh baka kumplikasyon naman. Iyong may ibang sakit iyong tao kaya hindi kinaya n ng kaniyang katawan at namatay ito.
OA naman sa pagkukwento si Daddy which is malamang ay nananakot lang naman para kabahan ako at pilitin na gumaling ako.
"Yes, nabalitaan ko rin iyan." Segunda naman ni Mommy na halatang scripted na rin ang drama niya dahil nakita ko ang takot at pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Don't worry about me po, nakainom na po ako ng gamot. Marami rin po akong kinain kanina kaya medyo umayos na ang pakiramdam ko." Sabi ko para gumaan ang kanilang nararamdaman. Especially ang OA kong ama na akala mo ay may mangayayaring masama sa akin kahit kinagat lang naman ako ng langgam at nahiwa lang ng maliit na kutsilyo ang aking balat, naalala ko ito noong maliit pa ako.
Sa ibang mga kapatid ko ay hindi naman siya ganito. Maybe dahil ako ang bunso, single baby pa ng ipinanganak kaya heto kung alagaan nila ako at mag-aalala sila sa akin ay kasing halaga ako ng ginto o ng diyamante.
"That's good news, baby ko." Tuwang-tuwa na sabi ni Mommy. I rolled my eyes. Parang nanalo siya lotto kung matuwa siya ng ganito. Ganito kaya lahat ng magulang o rare lang na magkaroon ng ganito kaasikasong nanay? Ang swerte ko naman kung oo. Pero nakakainis lang minsan dahil minsan, sabi ko nga ay parang OA na sila.
"Pero mainit ka pa rin kaya huwag kang pasaway, okay? Dito ka lang sa kwarto mo. Matulog ka, magpahinga ka. Mag-utos ka kapag may gusto kang kainin. Kami, nasa kwarto lang namin at titingnan ka ulit mamaya kapag naging gising ka na."
"Okay, Mommy. Don't worry, I'm fine."
"Oh, siya. Pahinga ka na muna at kami ay baba na para tingnan ang menu para sa ulam natin mamayang gabi. May specific food ka ba na gustong kainin? Or iyong mga paborito mo ang ipapaluto ko at dadagdagan ng ilang putahe?"
"Ayos na po ako sa may sabaw na ulam, Mommy. Tinola at bulalo o kaya naman po ay sopas na maraming sahog gaya ng liver, gulay, karne ng manok, at ilong pugo. Gusto ko po ng over load sopas gaya ng madalas ninyong ipaluto kapag may isa sa amin ang may sakit.
"Sure, ipapaluto ko iyan sa kusinera. For now, maiwan ka na namin at baba na kami para magsabi ng request mo sa tagaluto natin."
"Okay, Mom. I love you both," lambing ko nang sabay na yumakap at humalik sa akin ang dalawang matanda.
"I love you more," chorus ng dalawa.
Nang makalabas sina Daddy at Mommy ay saka ako tumayo para kainin ang natira pang pagkain na hindi pa kinukuha ni Elsa. Pinainit ko lang ito sa microwave na narito sa kwarto ko at agad na nilantakan ang sabaw ng sinigang.
Patapos na akong kumain nang biglang bumukas ang pintuan at madilim ang mukha na pumasok si kuya at agad na dumiretso kung saan ako nakaupo.
Ako naman ay napaawang ang mga labi at hindi alam ang gagawin.
"We have to talk. Ano ang sinabi mo kina Daddy at mommy, huh? Sinabi mo ba ang nang---"
"Wala akong sinabi." Agad kong putol sa sinasabi niya. Kairita! Itoang pala ang sadya niya rito! Hindi man lang muna ako kinumusta! Alam naman niya na masama ang pakiramdam ko.
"Sikreto iyon, sa tingin mo magsasabi ako sa kanila para lang mangyari tayong dalawa? Sa tingin mo ipapahamak kita? Hindi! Kaya huwag kang mag-alala. Matutuloy ang kasal ninyo ni Ate Dorina." Lakas-loob kong sabi kahit paiyak na ako.