Kabanata 4. Masama ang pakiramdam

2500 Words
Cresia' POV Kabanata 4: Masama ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng mansion na walang nakakita sa akin isa man sa mga kapatid ko at mga magulang ko. Hindi ko alam kung swerteng matatawag na walang nakakaalam na wala ako rito kagabi at sa condo ni Kuya Wind ako natulog. Pero may pagtataka sa reaksyon ng mga katulong na nakita akong sumungaw sa maindoor at hindi bumaba sa napakahabang hagdan kung saan ay dapat doon ako lumabas. Wala naman nangahas na nagtanong dahil siguro inisip nila na galing lang ako sa labas at nag-ehersisyo. May baon kasi akong damit na pamalit kaya naman paglabas ko sa building kung saan may pag-aaring condo ang kuya ko ay iba na ang suot ko paglabas doon. Nakisuyo na lang ako sa comfort room doon at ibinasura ang mga ebidensiya ng mga ginawa kong katangahan kagabi. Hindi kasali ang panty kong nabahiran ng dugo. Tanda ng pagkawala ng virginity ko. Nasa loob ito ng suot kong maong shorts at plano ko na labhan pag-akyat ko mamaya para burahin ang ebidensiya ng kagagahan ko. Napalabi ako at nalungkot na naman nang maalala ko ang pag-uusap namin ni kuya. Parang gusto kong bumalik sa condo niya at bigyan pa siya ng isa pang tadyak sa kaniyang betlog. Pero baka magalit siya sa akin at makatikim ako ng pananakit though hindi naman siya ganoon dahil hindi mapanakit si kuya. Sa ibang tao siguro oo, pero sa akin na kapatid niya ay hindi. Pero s**t siya! Akala ko talaga, hu hu hu! Gusto kong ngumawa ng malakas ngunit— “Magandang umaga, Senyorita!” Sabay-sabay na bati ng mga katulong na agad na gumilid at yumukod sa akin nang makita akong naglalakad. Natigil tuloy ako sa aking malalim na pag-iisip at sinikap na huwag bumagsak ang aking mga luha. “M-Magandang umaga rin sa inyo,” bati ko at pagkatapos ay sinikap kong maging normal ang mood ko at lakad ko. Sinikap ko rin na maging kaswal ako sa pagbati sa mga bumabati pang kasambahay sa akin na nakita kong galing sa iba’t ibang panig ng mansion na mukhang tapos na yata sa kanilang mga gawain at heto nga at nagkukumpulan na. Tila walang nangyari kagabi na maarte akong naglalakad habang nag-utos sa isang katulong na bitbitin ang dala kong bag at dalhin sa aking silid. Pinilit ko lang ang aking sarili na umakto ng ganito sa harapan nila dahil ganito ako umakto sa kanila. Friendly ako at hindi matapobre gaya ng ibang anak mayaman na akala mo ay binili na nila ang pagkatao mg mga tauhan nila kung makapag-utos at makitungo sa mga ito. Ito ang turo sa amin ni mommy kaya lahat kaming mga magkakapatid ay napaka-down to earth. Hindi rin ako maarte ngunit natatarayan ko sila minsan lalo na kapag wala ako sa mood o kaya kung may mga trabaho sila na palpak na parang hindi nag-e-effort na magtrabaho ng maayos. Pero shocks! Hu hu hu! Deep inside of me, I was about to cry very hard. Masakit na nga ang gitna ko, dinagdagan pa ng sakit ng puso ko. Bigong-bigo ang pakiramdam ko ngayon, down na down ako. Kaya naman nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Mahirap na at baka may mapansin silang kakaiba sa kilos ko at isumbong pa ito sa mommy at daddy ko kaya sinikap ko na wala silang mapapansin na kakaiba sa akin. Ako kasi ang bunso, inaalagaan akong mabuti ng mga magulang ko at takot na takot silang nasasaktan ako. Pero siguro naman wala silang nahalata dahil magaling akong umarte kahit gusto ko na lang maglupasay at magreklamo sa sakit na aking nadarama “Ipaghahanda na ba namin kayo ng meryenda, Senyorita?” Tanong ni Elsa na isa sa medyo malapit sa akin dahil siya ang pinakabata sa lahat ng mga nagtatrabaho rito sa mansion. She is twenty years old and is graduating na siya next year. Isa siya sa binigyan ng scholarship ng mga magulang ko, bukod pa sa mga kapatid niya. “Yes, please. Gusto ko ng clubhouse sandwich, one pitcher of iced tea with a lot of ice, one pint of ice cream, and fried chicken.” Sabi ko na parang gutom na gutom sa dami ng request kong pagkain. Sino naman ang hindi magugutom? Halos wala akong matinong kain ng gabi dahil sa excitement at kaba na nadarama ko dahil sa gagawin kong pag-angkin kay Kuya Wind. Tapos wala pa akong kain ng almusal. Uminom lang ako ng tubig sa bottled water na binili ko sa isang store na nakita ko sa labas ng building nina Cindy. “Masusunod, Senyorita.” “Sige, pakidala na lang sa kwarto ko at doon ako kakain ng meryenda,” bilin ko bago sana ako tatalikod at iiwan na sila. Pero pinigilan ako ni Elsa dahilan para kumunot ang noo ko. “Bakit, ate?” I asked. “Ayaw mo bang sumabay sa mga magulang mo, Senyorita?” Alanganin na tanong mg katulong na tila napahiya yata at tila naisip ang inakto niya. "P-Pababa na sila mamaya at doon sa veranda sila nagbabalak na kumain ng meryenda." Parang napilitan lang itong dugtungan ang sinasabi para hindi mapahiya. “No, I don't have time for that. Mamayang tanghalian na lang ako sasabay sa kanila. You see, I have lots of assignments to do. Kapag hinanap ako nina daddy at mommy, pakisabi na lang na busy ako sa paggawa ng mga assignments.” “M-Masusunod, Senyorita Cresia.” “Okay. Bye. Hintayin ko na lang food ko sa room ko.” Tumuloy na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit. I need to go to my room now. “Opo, Senyorita.” Marahan akong naglalakad palayo sa kanila. Napapangiwi ako dahil sa sakit sa gitna ko ngunit tiniis ko na lang ito hanggang sa makarating ako sa pinakaibabang baitang ng hagdanan. Mas lalo akong napangiwi nang palihim nang makita ko kung gaano katayog ang hagdanan. Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating ng kwarto ko na tuwid na naglalakad at parang wala akong dinaramdam na masakit sa gitna ko kung lagpasan ko ang mga katulong na nakasalubong ko na naglilinis naman sa ikalawa at ikatlong palapag ng mansion. In-lock ko ang pintuan at saka ako impit na umatungal ng iyak nang makapasok na ako sa loob. At halos mabasa na ng luha ko ang aking kama nang tumigil ako sa pag-iyak dahil may biglang kumatok sa labas ng pinto ng aking kwarto. “Nariyan na!” Kung hindi pa kumatok si Elsa ay hindi pa sana ako titigil sa pagngawa. Pag-iyak para sa kasawian ng aking unang pag-ibig. Nakakaiyak! Sana hindi na lang ako nag-effort kagabi. Sana binuro ko na lang ang pagmamahal na nadarama ko para sa kaniya at naghintay ng karapat-dapat sa pag-ibig ko. Baka dumating din ang panahon na magagawa ko pa itong ibaling sa iba at makalimutan ko siya. Ngunit ang tanga ko lang sa point na umasa ako kahit malabo pa sa tubig sa kanal ang posibilidad na pareho kami ng nararamdaman. That he has the same feeling for me, that he has been hiding a long time ago. But I was wrong for thinking that way because from the very start, wala siyang nadarama para sa akin kung ‘di—-pagtingin kapatid lamang. It hurts me so much but what can I say? What can I do if he doesn't want my love. Nandidiri nga siya 'di ba? Nakakahiya naman! Sana hindi na lang ako umasa na may pagtingin din siya sa akin kung sa huli ay masasaktan lang ako at puno ng pagsisi dahil sa mga desisyon na dapat ay isandaang beses kong pinag-isipan bago ko isinagawa. Kaya simula ngayon, iiwas na ako sa kaniya. Hindi ko gustong mabigo at masaktan muli ang puso ko. But the question is...how would I do that if we will see each other frequently. Ay! Hindi na pala siya masyadong pumupunta rito. Magagawa ko naman siguro makalimot sa lalong madaling panahon kung ganitong madalang na lang siya rito sa bahay at iiwasan ko talaga na magkrus ang mga landas namin. Akala niya, huh? "P-Pakilagay na lang sa table, Ate." Ani ko kay Elsa nang maipasok niya ang tray na may mga pagkain na siyang request ko sa kaniya. Sinikap ko na hindi niya mapansin ang pamamalat ng boses ko. Tinago ko rin ang mukha ko sa aking mahabang buhok para hindi niya makita na galing ako sa pag-iyak. "Ayos na, Senyorita. Pwede ka ng kumain," turan ni Elsa maya maya nang ma-set up niya ang mga pagkain sa lamesita. Hindi ko siya nilingon ngunit amoy na amoy ko ang mabangong aroma ng fried chicken na agad kumalat sa loob ng kwarto ko. "Salamat, Ate Elsa. You may go now, mag-uumpisa na akong kumain," pagtataboy ko nang mapansin kong parang hindi pa siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. "Maiwan na kita kung ganoon, Senyorita. Kung may gusto ka pa, itawag mo lang sa intercom." "Yes, thank you." "Aalis na ako." Nang makaalis si Elsa ay agad ko rong ni-lock ang pinto ng kwarto ko at pagkatapos ay nilantakan ko ang mga pagkain hanggang sa hindi ko napansin ay naubos ko na halos ito. Gutom na gutom talaga ako. Nakakawala ng lakas ang pakikipagtalik. Limang rounds ba naman, sino ang hindi mapapagod sa ganoon. Pakiramdam ko tuloy ay namamaga na ang butas ng aking gitna, na parang hindi ako makakaihi ng maayos hanggang matapos ang isang linggo. Saka lang siguro hindi magiging mahapdi ito kapag naghilom na. Hindi na ako uulit sa ganoon. Hindi naman pala masarap ang makipagtalik. Iyong foreplay na tinatawag nila ang masarap pero iyong pagpasok at pagkapunit ng kabirhenan ko, masakit...nakakatakot ang sakit. Nang makapagpatunaw ako ng aking kinain ay saka ako nagpasya na maligo para mabura ang lahat ng bakas ng mga halik at haplos ni kuya sa akin. Halos hilurin ko nang maigi ang aking balat matanggal lang ang bakas niya sa balat ko. Iyong pagmamahal na nadarama ko para sa kaniya ay parang ang bilis na napalitan ng galit. Parang ayaw ko siyang makita dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya at masabi. Nasaktan ako ng sobra kaya heto at napuno ng galit ang puso kong umiibig sa kaniya. Siguro dahil ngayon lang ako nakadama ng ganito kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, ang madarama ko, at kung ano ba ang dapat kong gawin pagkatapos ng mga nangyari sa amin. Naisip ko, baka katulad ko ay nalilito rin siya. Natatakot na baka may makaalam ng mga nangyari sa amin kagabi at kumalat ito sa buong angkan namin. Lalo na at mainit din sa media ang pamilya namin dahil kilalang bigating negosyante si Daddy na sinusundan naman ni Kuya na siyang nagma-manage ng halos lahat ng ari-arian namin. Nilabhan ko ang underwear ko a nabahiran ng dugo mula sa aking kaselanan. Umiiyak na binura ko ang dugo sa pamamagitan ng mabangong sabon na gamit ko. Parang walang nangyari na nawala ang bakas ng dugo. Hindi pa rin kumukupas ang turo ni mommy sa akin. Mas effective talaga ang mabangong sabon kaysa sa zonrox pagtanggal ng mantsa ng dugo. Maraming alam na diskarte sa buhay si Mommy, isa na rito ang turo niya na magtipid at mag-ipon. Paano lumaki siya sa squatter area kung saan ay pinalaki siya ng nakapulot sa kaniya mula sa barkong lumubog noon sa Cebu na naging daan para makalakhan niya ang matandang nakapulot sa kaniya at inaring tunay siyang anak nito. Napakalungkot ng kabataan ni mommy sa totoo lang. It will make you cry once you heard about her childhood story Tapos, hindi lang iyon. Mas naging pasakit sa kaniya ang paghihiganti ng daddy ko dahil sa kasalanan na hindi niya ginawa. It's a long story to tell but all I can say is, their love story is a different one. It started with revenge with end up forgiving and loving each other. Sa totoo lang, patong-patong ang mga pagsubok na dumating sa buhay nila noon. Kung hindi nagkaroon ng amnesia si mommy gawa ng aksidente sa paglubog ng barko ay malamang hindi ganoon ang naging buhay niya. She is a princess. But everyone has a different life story and I know it's just a trial for her. Look at her now, she is happy and contented with the life she had. A loving husband and of course us...the fruit of their love for each other. Napasarap ang tulog ko nang hindi ko namamalayan ang oras. Paggising ko ay halos alas dos na ng hapon, lampas na ako sa tanghalian. Meryenda na naman ako nito. Ang sama naman kasi ng pakiramdam ko para akong lalagnatin. Hindi na ako pinaistorbo ni Mommy sa katulong dahil siguro naka-lock din ang pinto ko at hindi ko namalayan ang pagtawag sa akin. "Aray ko!" Mahinang daing while biting my lower lip. Kung kanina masakit lang, ngayon sobrang sakit to the point na parang may mabigat na semento na nakadagan sa akin. I tried to get up to use the bathroom. Naiihi ako ngunit kailangan kong tumayo para mailabas ko ang ihi ko na malamang masakit ang paglabas nito sa pwerta ko. Hindi nga ako nagkamali, pag-ihi ko ay hindi ko alam kung sinong santo ang tatawagin ko sa sobrang hapdi ng butas ko. Hindi ko maintindihan ang sakit. Nang makaraos na ako ay saka ako nagpasya na lumabas at tumawag sa intercom. "Ate, pakipanhik na lang po ng lunch ko rito sa room ko." "Masusunod, Senyorita Cresia." Sagot naman agad ni Elsa na mukhang nakaabang na yata sa intercom mula pa kanina. "Tapos magdala ka ng paracetamol, Ate. Masama ang pakiramdam ko at baka matuluyan ako ng lagnat," wika ko dahilan para mapasinghap ang katulong. "Gusto mo bang sabihan ko sa mga magulang mo, Senyorita na masama ang pakiramdam---" "No need, ako na ang titingin m kay Cresia." Singit ng isang boses na kilalang-kilala ko kahit nakapikit ako. Si Kuya Wind... umuwi ba siya rito para sundan ako at pagsabihan na itikom ko ang bibig ko? Nag-aalala ba siya na hindi matulpy ang kasal nila ng kaniyang nobya kapag pumiyok ako kina mommy at daddy na may nangyari sa amin? Hindi naman ako magsasalita. Hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko para lang sa pansarili kong interes. Ililihim ko ito dahil walang dapat makaalam ng kagagahan ko. "Huwag na, ayos lang ako. Sakit lang din ng ulo ito, ate. And for you Kuya Wind, huwag kang pupunta rito sa room ko. I want to rest, ayaw ko ng istorbo." Masungit na sabi ko bago ko pinindot ang button ng intercom at pinutol ang aming usapan. Gusto kong umiyak ngunit wala ng luha na lumabas sa mga mata ko. Himala umuwi siya rito? Takot ba siya na magsumbong ako kina Daddy at Mommy? Sabi ko nga, wala sa isip ko iyon dahil hindi ko rin ipapahamak ang sarili ko. Bumalik ako sa higaan at pumikit, maya-maya lang ay may kumakatok sa pintuan. "Sino 'yan?" Pasigaw na tanong ko. Walang sumagot. "Sino sabi iyan?" "Si Elsa, Senyorita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD