"Good morning everyone!" masiglang bati ko kina tatay, nanay at Ochoy.
Super excited na ko. Kasi eto ang unang araw ko sa Farthon University! Pero at the same time kinakabahan na rin kasi syempre puro sosyal yung mga nag-aaral dun. Pero keri ko yan. Ako pa!
"Mukhang excited na excited ang prinsesa namin ah!" natutuwang sabi ni tatay.
"Oo nga po eh!"sabi ko.
"Anak, naihanda na namin yung mga damit mo, nailagay ko na sa maleta. Sabi ni Mrs. Farthon, ipapakuha niya na lang daw dito yung gamit mo. May susundo daw sayo mamayang uwian sa school. Doon kana daw idederetso sa mansyon. At yung uniform mo daw mamaya mo na makukuha sa mansyon." paliwanag ni nanay.
"Ate, mamimiss kita."sabi ni Ochoy at niyakap ako. Niyakap ko din siya.
"Ano ka ba?! Bibisita dito si ate tuwing weekends. Kaya wag kana malungkot, okay?"sabi ko at hinaplos ang buhok niya.
"Promise yan ate ha?" napangiti ako.
"Promise!"
"Oh, yakapan moment na!"sabi ni tatay at hinila kami nina nanay para yakapin.
***
Napalunok ako dahil sa nakikita ko ngayon. Grabe! Ang laki pala talaga ng FU(Farthon University).
Kaya mo yan Shenna! Fighting!
Naalala ko bigla yung usapan namin kahapon ni Tita Amy sa kotse niya.
***Flashback
"Can you help me? Can you help my son?"
Ano ang ibig niyang sabihin?
"P-pano ko po kayo matutulungan?"
"Nakakatuwa ka at mabait ka at alam kong kaya mong mapangiti si Ice, ang anak ko." Huh?! Kaya ko ba yo'n?
"Nako! Sa pagkakadescribe niyo po sa anak niyo, mukhang nakakatakot na siya at pakiramdam ko po hindi ko mapapangiti ang parang robot na katulad nang anak niyo."
"Please hija. Unang pagkakakita ko pa lang sayo alam kong mapagkakatiwalaan ka. Ako nang bahala sa pag-aaral mo, titira ka lang sa mansyon at papalambutin ang puso niya. Magawa mo man o hindi wala akong pakialam, basta nagawa mo ang lahat nang makakaya mo." nakangiting sabi niya.
***End of Flashback
Hays! Ayokong biguin si Tita Amy.
Hingang malalim! Kaya mo 'to Shenna!
Kinuha ko ang mapa nang FU sa bag ko. Oo, may mapa ako nang FU, sa laki ba naman nang school na 'to, talagang maliligaw ako.
Sabi ni Tita Amy ayos na daw lahat nang documents at kung ano ano pang ek ek kasi naayos niya na daw. Ang kailangan ko na lang daw gawin ay pumasok sa first class ko at sabihin sa prof yung pangalan ko at ayos na daw. Ang galing! Wala na kong iintindihin, hahanapin ko na lang yung room ko.
Pagpasok ko ay medyo nailang ako kasi may ibang nagtitinginan sakin, wala pa kasi akong uniform. Pero ang sosyal nang uniform dito. Tumingin ako sa relo ko, 6:30 pa lang, 8:00 pa ang first class ko.
***
Sa kanina ko pa paglilibot dito sa FU ay napapanganga na lang ako. Ang laki nang library, madaming canteen, may cafeteria, malalaki ang mga court nang iba't ibang sports, ang laki nang soccer field, maraming malalaking building na akala mo may ginto sa loob dahil sa sobrang kasosyalan. Grabe! Halos malula ako sa sobrang laki nang FU.
Okay! Tama na ang paggagala! Hahanapin ko na ang room ko. Dito pala sa FU ayon kay Tita Amy, isang room lang ang papasukan mo hindi tulad sa ibang ordinaryong universities na hahanapin mo ang room mo depende sa subject na papasukan mo. Meaning to say, hindi mo na kailangan pang magpapalipat lipat nang room kada subject, teacher pala ang mag-a-adjust, hindi ang estudyante.
Hays! Nakakapagod galain 'tong FU, sobrang laki ba naman.
Wait lang! Hahanapin ko pa pala yung room ko! Nalimutan ko. Kinuha ko ang mapa ng FU.
Ayun pala yung room 425 katabi nung library, bakit di ko napansin?
Tiniklop ko ulit yung mapa kaso sa hindi inaasahang pagkakataon, nilipad ito.
At shoot yun sa nakabukas na bag na kulay black na nakapatong sa bench. Agad akong tumakbo papalapit dun.
Hinalungkat ko yung bag. Hindi ko naman siya nanakawan eh, kukunin ko lang yung mapa. Nasaan na ba yun?!
Napatingin ako sa kabuuan nang bag, wow! Mukhang mamahalin.
Teka! Kailangan ko muna pa lang hanapin yung map. Naghalungkat ulit ako. Nasan na ba yun?!
"Hala! Anong ginagawa nung babae?"
"Lantaran talaga ang pagnanakaw niya!"
"Oh my! Bag ni Prince yan diba?!"
"She's in a big trouble!"
Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid. Hindi naman ako magnanakaw eh.
"What the hell are you doing in my bag?"may diin pero malamig na sabi nang boses na nanggaling kung saan.
Dahan dahan akong napatingala. Patay! Napalunok ako bago tiningnan ang nagsalita.
Natulala ako sa lalaki sa harapan ko. Sobrang gwapo niya. Ang astig pa nang porma niya. Halatang matipuno ang katawan nito at matangkad ito, feeling ko nga ay hanggang balikat o leeg niya lang ako. Maputi ang balat niya pero hindi sobrang puti talaga, ang kinis ng mukha niya, mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong, manipis at mamula mula ang labi at kulay blue ang mata niya at lalaking lalaki ang tindig niya KASO, mukhang suplado. Malamig din ang mga titig at tono nang pananalita niya.
Dumadami ang nakikiusyoso sa paligid, siguro sikat ang gwapong 'to.
Ngayon ko lang din napansin na may anim na nagagwapuhang mga lalaki sa likod niya, mukha silang gangsters.
"I'm asking you, what the fvck are you doing in my bag?" boses palang niya, nakakatindig balahibo na, lalaking lalaki kasi ang boses niya.
"A-ah eh, h-hinahanap ko lang kasi yung map dyan sa b-bag mo, nilipad kasi." sabi ko at pilit na ngumiti.
Lumapit siya sa bag niya at may hinalungkat.
Yung map! Hawak niya na iyon at pinaglaruan sa kamay niya.
"P-pwede ko na bang makuha yung mapa?"
"Do you think I will give it to you that easily after what you did to my bag? Idiot." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I-idiot?!!
"A-ano?! Idiot?! Ang yabang mo ah! Ikaw naman ang may kasalanan eh, iniwan mong nakabukas ang bag mo! Akin na nga yan!"
Pilit kong kinuha yung mapa pero tinaas niya yung kamay niya. Siya na matangkad!
"I think you don't know who you messed up, little girl." malamig pero parang nang aasar ang tono nang pananalita nito.
"Messed up agad?! Hinanap ko lang naman yung map sa bag mo ah! Buti sana kung ninakawan kita! Hindi naman diba! Hambog!" nanggagalaiti ako sa antipatikong 'to!
Napansin kong bahagyang nagulat ang mga nakikiusyoso, nagulat din ang anim na gwapong lalaki sa likod niya pero napangiti din sila. Bakit kaya?
Pilit kong kinuha ang map sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya para lalo kong hindi yun maabot.
Alam ko na!
Kumapit ako sa balikat niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napasinghap siya, napansin ko din ang pagkagulat nang anim na lalaking kasama niya.
"Oh my!"
"Is she going to kiss our prince"
"She's a b*tch!"
Ngumiti ako nang matamis sa kanya. Napatulala siya sakin. Bakit kaya?
Inumpog ko ang ulo ko sa noo niya dahilan para mabitawan niya ang mapa.
"Fvckshit!"matigas na mura niya.
Mabilis kong kinuha ang mapa. Bago pa siya nakatayo ay tumakbo na ko.
"Bye!"nang aasar na sabi ko sa kanya habang natakbo.
Malaki ang FU, sigurado akong hindi na kami magkikita ni Mr. Cold..
***
Nasa tapat na ko nang room ko. Huminga muna ako nang malalim at inayos-ayos ang buhok ko. Pagkatapos no'n ay dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Hays! Late na kasi ako eh. Napatingin ang lahat sakin. Sumibol ang mga bulung-bulungan tungkol sakin.
"I think she's familiar."
"Duh! Siya lang naman ang naglakas loob na kumalaban sa ating prinsipe."
"Tss. I'm sure she'll be treated badly here in FU because of what she did."
"She's crazy! Pandak naman!"
Tumingin ako nang masama sa nagsabi no'n. Napaiwas naman siya nang tingin. Hindi naman ako pandak eh, hindi lang talaga ako matangkad. Bwiset!
"Class! Quiet!" sigaw nung prof. Babae siya at mukhang matandang dalaga kasi mukhang masungit, hahaha.
"Miss, you are?" tanong sakin nung prof.
"Shenna Rein Reyes, Miss." medyo nakatungo pa ko kasi medyo nahihiya ako.
"Oh! Ikaw pala ang binilin samin ni Mrs. Farthon. You may sit at the back."
May isang bakanteng upuan sa likod. Nanlaki ang mata ko nang makita ko yung anim na lalaki kanina. Teka! Sila yung kasama ni Mr. Cold kanina yung mga mukhang gangsters pumorma pero mga gwapo.
Namutla ako nang bongga. Ibig sabihin nandito din si Mr. Cold.
May walong upuan sa isang row kung saan ako uupo. Yung anim na lalaki magkakatabi, may isang upuan na bakante sa tabi nila tapos sa tabi nung upuang bakante, may lalaking nakatungo at mukhang natutulog, nakaupo siya sa tabi nang bintana. Bale ganito:
Yung anim na lalaki> bakanteng upuan> lalaking nakaub-ob> bintana
Dahan dahan akong naglakad papunta sa bakanteng upuan.
Nadaanan ko yung anim na lalaki. Nginitian nila akong lahat. Pilit akong ngumiti sa kanila. Nang makaupo na ko, napalingon ako sa katabi kong natutulog. Sino kaya 'to? Ang lakas nang loob niya matulog ah.
Napatingin ako sa anim na mga lalaking katabi ko, may nagse-cellphone, may naka-earphone, may natutulog, mag nag-games, may nagbabasa ng libro, at kung ano ano pa. Sila lang yung bukod tanging di nakikinig sa prof.
Napatingin ulit ako sa katabi ko. Parang familiar yung pabango niya.
Gigisingin ko ba siya o hindi?
Napagpasyahan ko na gisingin na lang siya. Huminga muna ko ng malalim.
Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa ulo niya. Dumampi yung hintuturo ko sa buhok niya. Aalisin ko na sana yung kamay ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko, napasinghap ako dahil sa gulat.
Dahan dahan siyang tumunghay, nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yun.
"Did you just fvckin' touch my hair?!"
"M-Mr. Cold"