bc

Make The Cold Prince Smile

book_age12+
4.6K
FOLLOW
20.3K
READ
possessive
arrogant
dominant
manipulative
badboy
gangster
bxg
icy
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"No one can make me smile Shenna, even you. So stop following me around and annoying me because it's just pissing me off, it can't make me smile. Bear that in mind." - Ice Prince Farthon, also known as 'The Cold Prince'

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"SHENNA! BUMANGON KA NA DYAN!" napabalikwas ako ng bangon. Halos malaglag na ko sa kama. Anubayan?! Nakita ko si nanay na nakapamaywang sa harapan ko. "NAY! ANG AGA PA PO EH!" nakakaloka si nanay. "Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho?" nagising ang diwa ko. Oo nga pala! Nakalimutan ko. "Ay! Nako nay buti pinaalala mo." agad akong tumakbo sa banyo. *** Pinagluto kami ni nanay ng almusal. Sabi ko nga di na ko kakain kasi maghahanap na ko ng trabaho kaso mapilit eh. "Anak, di mo naman kailangan magtrabaho. Konting kayod na lang mapag-aaral ka na namin sa kolehiyo." naks! Nakakatouch naman si tatay. "Oo nga anak. Ayaw naman namin na mahirapan ka. Kakayanin namin nang tatay mo na mapag aral kayo ni Ochoy." tumayo ako at niyakap sina nanay at tatay. "Nay, tay. Kahit dishwasher, waitress o ano pa yan, sisiw lang sakin yun. Gusto ko din naman pong makatulong sa inyo." "O siya sige na. Mukhang di ka namin mapipigilan, pero pag pagod kana pwede kang umalis sa trabaho ha?" si nanay talaga. "So gano'n di niyo na ko isasali sa yakapan moment niyo?" napatawa kami dahil sa sinabi ni Ochoy. "Ang arte mo!" sabi ko at hinila si Ochoy para yakapin. *** Napaupo ako sa isang bench sa may park. Hays! Napapahid ako ng pawis sa noo. Puro walang hiring sa mga sinusubukan kong apply-an. Nakakaloka! Pa'no na yung pag-aaral ko? Yung kinabukasan ko? Wala na kaming kakainin! Wala na kaming matitirhan! Mamamalimos na lang kami sa gilid nang kalsada! Paano na-- May tumigil na kotse sa harapan ko. Sosyal 'tong kotse nila ha. Nakakainggit. May bumaba ng kotse mula sa driver seat na babae, mukha siyang ma-edad na pero maganda, talagang maganda. Bigla na lang may humablot ng bag nung babae na nakaitim na jacket at mabilis na tumakbo. "Magnanakaw!" agad akong tumakbo para habulin yung lalaki. Whew! Kaya mo to Shenna Rein Reyes! Runner ka diba? Agad kong hinablot ang jacket niya nang maabutan ko siya. Gotcha! Pinaulanan ko siya nang suntok at sipa. Buti na lang tinuruan ako ni tatay. Agad kong kinuha ang bag mula sa kanya. "Tumakbo kana. Hindi na kita isusumbong sa mga pulis, pero sana wag mo nang uulitin 'to ha?" sabi ko at nginitian siya. "Salamat miss!"sabi ni kuyang nakajacket at tumakbo na. Naiintindihan ko namang nangangailangan lang si kuya kaya niya nagawa yo'n. Pero sana ay wag niya nang ulitin, dahil mali ang ganoong gawain. Binalikan ko na yung babae at binigay sa kanya yung bag. "Nako! Maraming salamat hija!" sabi nung babae at niyakap ako. Wow! Ang bango niya. "Okay lang po. Teka, okay lang po ba kayo?" sabi ko at tiningnan kung nasugatan ba ang makinis niyang balat. "I should be the one to ask that. Are you okay?" nginitian ko siya ng matamis at tumango. "Okay lang po ako. Sige po ah. Mauna na po ako, naghahanap po kasi ako ng trabaho." "Ganun ba? Sumabay kana saken hija." "Nako. Hindi na po. Baka makaabala pa po ako sa inyo."sabi ko with matching kaway pa ng mga kamay. "Hindi naman ako busy eh. Come on." *** "Wala po kasi kaming pera para sa pang college ko kaya po nagtatrabaho ako para naman makatulong ako sa pag-iipon nila nanay at tatay." magiliw na sabi ko habang nakain nang burger na nilibre sakin ni ateng maganda. Hindi pa nga pala kami nagpapakilala sa isa't isa. "Ang dami mo pa lang problema sa buhay hija" "Nako! Keri lang po yon. Kasi love na love namin ang isa't isa, kaya kahit mahirap lang kami, kinakaya namin. Kayo nga po parang walang problema sa buhay eh, ang yaman niyo po kasi." "Nako hija, kung alam mo lang napakalaking sakit sa ulo ng anak ko."sabi niya at napailing. "Ha? Bakit naman po?" "He's always been on many g**g fights. Minsan na lang siyang umuwi ng bahay, minsan kung uuwi man siya madaling araw na. At higit sa lahat, he's always cold to anyone, kahit samin na pamilya niya. Wala ka laging makikitang emosyon sa kanya. Nag-aalala ako dahil do'n." Grabe! Ano yun? Always sad? Hindi marunong ngumiti? tumawa? umiyak? "Meron po palang ganung tao, ako kasi hindi ko makontrol ang emosyon ko, pag natatawa ako, tatawa ako, pag naiiyak ako, iiyak talaga ako. Ang galing naman niya!" sabi ko at pumalakpak pa. Itinigil muna niya ang kotse sa may isang tabi. Bakit kaya? Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hala! "You're the one that I've been looking for." "H-ha? Bakit po?" "Can you help me? Can you help my son?" Anong ibig niyang sabihin? *** "I'M HOME!" masiglang sabi ko pagkapasok ko sa maliit naming bahay. "Oh? Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho anak?"pangangamusta ni nanay. "Ate? Inuwian mo ko?" bungad ni Ochoy sakin. Ang bait bait talaga! "Oh eto, burger." agad niya yung kinuha sakin at kinain. "Ahm, nay, tay. Makakapag-aral na daw po ako." nakatungong sabi ko. "Ano?!"sabay pang sabi nina nanay at tatay. Sa kanila talaga ako nagmana nang pagiging OA. "May bisita nga po pala tayo." pinapasok ko na si Tita Amy, si ateng ganda. Nagpakilala na siya kanina eh. Dapat nga Ma'am na lang tawag ko sa kanya eh, kaso sabi niya tita daw eh kaya ayun. "Good evening."sabi ni Tita Amy. Nagtatakang nagtinginan sina tatay at nanay. *** "IKAW SI MRS. FARTHON?!" napatakip ako nang tenga nang sabay na sumigaw sina nanay, tatay at Ochoy. Nahihiyang ngumiti si Tita Amy. "Nay ang OA niyo ha!"natatawang sabi ko habang nakain. "Anak, alam mo bang sila ang may ari nang sikat na school dito sa bansa. Aba! Di ako makapaniwala na ang asawa nang isa sa pinakamayayaman sa mundo ay nandito sa maliit na pamamahay natin nang walang kasamang bodyguards!" halos maibuga ko ang kinakain ko. Isa sila sa pinakamayayaman sa mundo?! Alam kong sila ang may ari nang Farthon University pero di ko alam na gan'on sila kayaman! "Nako, hindi naman po."nahihiyang sabi ni Tita Amy. Ang bait niya talaga. "By the way, sana ay i-consider niyo po ang offer ko sa anak niyo. Hindi ko naman po siya gagawing alila sa mansyon. Gusto ko lang po na matulungan niya ang anak ko. Ako na pong bahala sa pag-aaral niya at sa magiging trabaho niya sa future. At may tiwala po ako sa anak niyo." "Hindi pa namin napag-uusapan yan, ayaw kasi naming malayo sa prinsesa namin. Pero gusto naming magkaroon siya nang magandang kinabukasan. Pero, nasa kanya pa rin ang desisyon. Kung anong desisyon niya. Igagalang namin yon." napangiti ako sa sinabi ni nanay. Tumingin sakin si Tita Amy, para bang nakikiusap ang mga mata niya. Napabuntong hininga ako. Kahit mahirap ang pinapagawa niya. Kakayanin ko, para din naman samin 'to eh. At para na din sa anak niyang robot. "Pumapayag na po ako." ***~~~***~~~***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.7K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
20.4K
bc

The Cruel Mafia Boss: Wrong Move [ COMPLETED] Tagalog

read
258.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook