Chapter 3

1436 Words
Third Person's POV/Author's POV Kanina pa nagmumura si Prince sa kanyang isip. Hindi siya makapaniwalang may babaeng nangahas na gawin yon sa kanya. "Crazy little girl!"nasabi na lang ni Prince sa isip. Natigilan siya ng maalalang napikon yung babae nang tawagin niya itong little girl. Naalala niyang muli ang itsura ng babae. Maliit ang mukha, may maputing balat at makinis na mukha. Maliit ang ilong nito na bumagay sa maliit nitong mukha, may bilugang mata at mahabang pilik mata ito at ang pinakagusto niya sa mukha nito ay ang manipis at mamula-mulang labi nito. Kaya niya ito tinawag na little girl dahil sa maliit talaga siyang babae. Kung yung ibang babae ay hanggang mata niya, ang isang yon ay hanggang dibdib niya lang yata. Ang cute niya. Napangiti siya sa naiisip niya. "What the hell Prince?! Are you smiling?!" gulat na tanong ni Lion. Napatingin sa kanya ang Danger Zone. "Tss. Of course not."malamig na sabi ni Prince at nag iwas ng tingin. Ano ba 'tong iniisip niya?! Bakit niya iniisip ang babaeng 'yon?! *** Umupo si Prince sa pinakadulong upuan, pinagbawalan niyang umupo ang kahit sino sa bakanteng upuan sa tabi niya. Maingay kasi ang Danger Zone. Ayaw niya ng maingay at magulo kapag natutulog siya. *** Naalimpungatan si Prince ng maramdaman niyang may bahagyang humawak sa buhok niya. 'Who the hell was that?!' natanong niya sa isip. Nang akmang lalayo na ang kamay ay agad niyang hinablot ito. Dahan dahan siyang tumunghay. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ito pero hindi niya pinahalata iyon. "Did you just fvckin' touch my hair?"pinilit niyang gawing malamig ang boses niya. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Halatang nagulat ito. "M-Mr. C-cold." 'This little girl is dangerous. She's invading my system and I freakin' hate it!' *** Shenna's POV Hala! Ano nang gagawin ko? Mag-isip ka Shenna! "A-ah eh, ikaw kasi! Nagsasalita yung prof sa unahan tapos n-natutulog ka lang dyan!" pinipilit kong tapangan ang boses ko kahit sobrang kinakabahan ako. Sinalubong ko ang malamig na mga mata niya. Nakakakilabot talaga siya tumingin! Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Bigla siyang tumayo at dire diretsong lumabas ng classroom na para bang walang professor sa unahan. Nagtatakang tumingin sakin ang mga kaklase ko, pati ang anim na lalaking katabi ko ay napatingin din sakin. Ano na namang ginawa ko?! *** Nasa ilalim ako ng puno kumain ng lunch. Pinagbaon ako ni nanay nang lunch. Para kasing ginto ang mga tindang pagkain dito. Nandito ako sa medyo tagong lugar sa FU. Madaming mga halaman dito at may isang puno kung saan ako nakaupo. Nagtataka tuloy ako kung bakit walang natambay dito. Sabagay pabor naman sakin yun. Nagpatugtog ako sa cellphone ko ng kanta ng BTS yung 'Not Today'. Nakakakilig talaga sila lalo na si Taehyung. "Hello!" nagulat ako nang biglang may sumulpot na kung sino sa harap ko. "H-hello din." nakakagulat kasi siya. "Ako pala si Kyla, Kyle na lang para astig." tiningnan ko ang kabuuan niya. Maganda siya, as in maganda talaga hindi siya katulad ko na cute lang. Halata ding maganda ang katawan niya KASO, mukha siyang tomboy kung pumorma. Sayang naman! "Ako naman si Shenna!" nakangiting sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Kilala kita. Ikaw lang naman ang nanakit echuserong prinsipe kanina. Ang cool mo ah. Ikaw pa lang nakagawa nun sa yelong prinsipeng yon." natatawang sabi niya. "Hehehe. Nakakainis siya eh." sabi ko at napakamot pa ako sa batok ko. Umupo siya sa tabi ko at seryosong tumingin sakin. "Pwede bang itigil mo muna yang pinapatugtog mo? Ang sakit sa tenga. Wala naman akong maintindihan." Dali dali kong kinuha yung mumurahin kong cellphone at tinigil yung tugtog. "Natutuwa ako sayo kasi ang tapang mo kanina pero natatakot din ako para sayo, sa tingin ko ay hindi mo lubusang kilala si Prince, yung inuntog mo kanina." seryoso pang sabi niya. "B-bakit sino ba yung Prince na yon na parang lahat nang estudyante dito ay parang kinatatakutan siya?" "Siya ang leader nang Danger Zone, kung naaalala mo yung anim na lalaking lagi niyang kasama, yung mukhang gangsters, sila yung members nang Danger Z (Danger Zone)." "Danger Zone? Danger Z? Iisa lang ba yun? g**g ba yun?" nalilitong tanong ko. "Oo, ang Danger Zone at Danger Z ay iisa lang, di ba obvious? At gangsters sila. Hindi lang sila basta gangsters, talagang kinatatakutan sila dahil bukod sa wala silang awa, magaling pa sila sa mga g**g fights at higit sa lahat, lahat sila ay mayayaman. Kahit taga labas nang school ay kilala sila maski sa ibang bansa kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo sila kilala." Napalunok ako sa narinig ko. Gangsters?! Walang awa?! Mayayaman?! Oh my ghad! Ano 'tong gulong pinasok ko?! May kinuha siya sa bulsa niya, cellphone. Sosyal! Mukhang mamahalin. "Una kong ipapakilala sayo, si Lion Scott Faller, ang pinaka playboy sa Danger Z, actually siya lang ang playboy, araw araw iba iba ang babae niyan. Sabagay gwapo siya at may maipagmamalaki kaya di ko masisisi ang mga babae kung bakit baliw na baliw sa kanya." binigay niya sakin ang phone niya at ipinakita yung Lion na yon. Nakita ko nga siya! Isa din siya sa mga anim na lalaking nakabuntot sa Prince na yun na mukhang playboy! Pero gwapo siya ah. "Pangalawa, si Tiger John Falcon ang genius sa grupo. Wala akong masabi sa katalinuhan nang isang yan. Feeling ko nga ay wala pa sa kalahati nang utak niya ang utak ko. Lahat nang teachers pinapangarap na maging estudyante siya, pero kahit matalino siya. Gangster pa din siya." pinakita niya sakin yung picture nung Tiger. Mukha siyang matino kaso yung pananamit niya, pang gangster kasi talaga. Pero gwapo siya ah! "Pangatlo, si Shark Damon Ferrer, isa sa mga dapat mong iwasan, siya ang bully sa grupo. Hindi niya trip mambully nang lalaki, ang trip niyang bully-hin ay mga babae lalo na sa mga nerds. Ang sama din nang ugali nang isang yan. Kung makapambully, talagang mag iinit ang ulo mo dyan. Kaso wala naman silang magawa, Ferrer yun eh." pinakita naman niya sakin yung picture nung Shark na yun. Tsk, mukha ngang bully ang isang 'to pero di maikakaila na gwapo din ito. "Pang apat, g*n Drake Fernandez, ang pinaka hot headed sa grupo, mabilis mapikon at magalit, wag na wag ka lang niyang mabubuntunan nang galit, talagang kawawa ka. Kaya wala masyadong nalapit dun eh. Grabe mambugbog yan. Kahit nga mag isa lang siyang sumabak sa g**g fights ay pwedeng pwede dahil halimaw yan sa labanan." pinakita niya sakin yung picture nung g*n. Napangiwi ako, mukhang matapang ang aura niya pero gwapo pa din. "Panglima, si Bullet Andrei Farenn, kilala bilang youngest businessman sa grupo, imagine mo, nag aaral pa lang siya nang fourth year highschool ay mina-manage na niya ang businesses nila. Halimaw yan pagdating sa business. Imposible ding maghirap ang isang yan dahil nakakalula ang kayamanan niyan at magaling pa sa business." pinakita niya sakin yung picture nung Bullet. Gwapo ah. Nako! Kung eto ang asawa ko hinding hindi ako maghihirap. Pero sabagay lahat naman sila mayaman eh. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Para akong ewan! "Pang anim, si Dragon Calli Freenwar, ang pinakamabait, gentleman, magalang sa DangerZ. Siya ang natulong sa mga babaeng binubully ni Shark. Hindi siya suplado katulad nang mga miyembro nang Danger Zone. Talagang mabait siya. Kaya madami ding mga babaeng lumalandi dun eh. Pero siyempre sa mga g**g fights ay halimaw din yan." pinakita niya din sakin ang picture non. Siya ang pinakatype ko sa kanila. Mabait daw kase at gwapo pa. "At syempre ang leader nila si Ice Prince Farthon." marinig ko pa lang ang pangalan niya ay kinikilabutan na ko. "Ayaw niya na tinatawag siyang Ice, hindi mo gugustuhin ang gagawin niya pag tinawag mo siyang Ice, kaya Prince ang tawag nang lahat sa kanya." "Siya ang pinaka makapangyarihan sa grupo, lahat natatakot kahit marinig lang ang pangalan niya. Siya rin ang tinaguriang The Cold Prince sa grupo. Hindi mo matatagalang tumitig sa kanya dahil malamig itong tumingin, pati ang pananalita nito ay malamig din na talagang kikilabutan ka, kahit marinig mo lang ang boses niya. Yung iba Emotionless Prince ang tawag sa kanya dahil wala itong pinapakitang kahit anong emosyon sa kahit sino. Nakakakilabot siguro ang itsura niya pag ngumiti no?" ayokong maimagine ang itsura niya pag ngumiti. Nakakakilabot i-imagine! T-teka? Bakit parang ang dami niyang alam sa Danger Zone?! "Siguro hindi ko na kailangang ipakita ang picture niya dahil nakita mo na siya nang malapitan kanina." natatawang sabi niya. Pero di naglaon ay sumeryoso ulit ang mukha niya. "Natatakot ako para sayo dahil siguradong lagot ka sa Danger Zone." nagtaka ako bigla, diba nginitian pa nila akong anim kanina. Diba dapat ay magalit sila sakin dahil sa ginawa ko dun sa Prince na yon. Bakit parang natutuwa pa sila. "Pero may parte sakin na umaasang ikaw na yo'n. Ikaw na sana ang makapagpabago kay Prince." nakangiting sabi niya. ***~~~***~~~***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD