Chapter 5

1105 Words
Naka alis na ako ng office na masamang masama ang loob. Ang tagal kong nag work sa FGC, almost 10 f*****g years tapos sa isang paki-alamera lang matatanggal ako basta basta ng akala mong kong sinong taga pagmana ng kumpanya. Badtrip!!! Bull sh*t talaga! Kailangan ko munang magpagpag bago ako umuwi ng bahay, para hindi ko madala ang kamalasan ng araw ko ngayon. Naniniwala kasi ako na kapag minalas ka o may masamang nangyari sa araw mo ipagpag mo para mawala ang kamalasan. As usual 'yong DBar lang naman ang on my way kaya dito na lang muna ako. Hindi ko na rin inabala pa si Lyneth, dahil alam kong Friday ngayon at bebe time nila nang jowa niya. Sana all na lang talaga ako. Hindi rin naman ako pwedeng pumunta sa Mansyon, dahil puro sama ng loob lang naman ang mararamdaman ko. Lalo kong maabutan ko na namam na may binabayo ang gago kong asawa. Tang-nang buhay 'to. Napaka sama ng nangyayari sa akin. Akala ko kapag nakasal kami ni Dylan, magiging masaya na ako. Ako na ang pinakamasayang babae na nabubuhay sa mundong ibabaw. Nakapasok na ako sa DBar at parang may hinahanap ang mga mata ko. "Umaasa ka ba na darating si pervy?" hiyaw ng gagang isip ko na laging kontra sa mga gusto ko. Umupo ako sa bandang dulo at tinawag ang pansin ng waiter sakto naman si Carl pala ang lumapit. "Oh! Ma'am, bumalik ka. Kumusta po ang araw natin ngayon?" tanong niya. "Naku! Hwag mo nang alamin kaya nga nandito ako sa DBar para magpagpag." sagot ko. "Alam nyo rin po pala yon ma'am. Sige kunin ko lang ang order niyo ha. Siya nga pala. Salamat raw sabi ni sir Demeter. Kaso nasa office siya ngayon, sa FGC! Tama! FGC!" ani nito. "FGC as in Fuentez Group of Company??? Seryoso ka dyan? Carl?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sapagkat, ano naman ang gagawin ni pervy roon ay este Demeter pala. "Opo, Ma'am! Saglit lang ha, babalik ako kaagad." ani niya. "Sige," sambit ko. Nang makaalis na si Carl sa harapan ko, pero pala isipan pa rin sa'akin ang sinabi nito kani-kanina lang. Kung sakaling doon nga siya nagwowork, hindi malabong 'di kami magkita. Teka nga bakit ko nga ba siya iniisip pa. "Ma'am, heto na 'yong order mo." wika niya, kasabay nang pag lapag niya ng order ko. "Salamat, Carl, pero teka balik tayo sa sinabi mo kanina. Anong work ni Demeter roon?" curious na tanong ko. "Ay! Hindi po siya nagwowork doon Ma'am." sagot niya. "Ha? Ano?" naguguluhang tanong ko. Linawin mo nga Carl, kung hindi siya nagwo-work doon. Anong ginagawa niya doon at bakit?" tanong ko ulit. "Ang pagkaka alam ko kasi Ma'am, si sir Demeter ay anak nang may-ari ng FGC. Demeter Fuentez po ang ang totoo niyang pangalan." saad ni Carl. "Ano??" halos manlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi makapaniwalang sambit ko. "Ayon lang ang alam ko Ma'am. Sige, una na po ako. Marami pa kasing customers na naghihintay ng mga orders nila." ika niya. "Salamat Carl sa information. Pasensya ka na sa abala." sagot ko. Dumukot ako ng dalawang libo at siningit sa kamay nito. "Hala! Ma'am, hwag na po. Nakakahiya po." wika nito na pilit binabalik ang pera sa'akin. "No! Carl, keep it." pinilit kung kunin niya ang pera. "Salamat ng marami po Ma'am," ani niya bago ako iwan na mag-isa. Nilagok ko agad ang alak na inorder ko. Woah! Ang sarap, humahagod ito sa lalamunan ko. Hindi ko man lang alintana ang ingay sa DBar, basta panay inom lang ako. Hanggang sa makita ko ang kinabu- bwesetan ko. Ang lalaking ayaw ko nang makita sa tanang buhay ko. One Month nang nakakalipas buhat ng umalis ako ng Mansyon at wala na rin akong balita sa'kaniya at tapos ito makikita ko at may babae na naman siyang kasama. Nilagok ko lang ang huling alak na may laman at nilapag ang bote. Pakendeng kendeng akong naglakad patungo sa gago kung asawa. Sinadya kung banggain ito para maagaw ko ang atensyon niya. "Bull sh*t, ano ba Miss??? Hindi ka ba tumitingin ng dinaraanan mo, sh*t!" "Ayy! Sorry, akala ko kasi bato. Hik! hik!" "What??? Alyana? What are you doing here?" tanong nito. "Babe, who is she?" tanong ng maarteng babaeng naka abrisyete sa'kaniya. "Nothing babe! Go to the VIP room, you'll wait for me there." wika nito. "Oh! Sure! Babe!" sagot nang maharot na babae. Kung pwede ko lang siyang sabunutan at ipangalandakan sa'kaniya na ako ang asawa nang kinakalantari niya. Bull sh*t! Nang mapag-isa na kami. Hinaltak niya ang kamay ko. "Ano ba? Bitawan mo ko, Dylan. As far as I know, hindi na tayo mag-asawa hindi ba??" singhal ko. "Yah! Pero, nakakahiya ang pinag gagawa mo. Kababae mong tao nandito ka sa bar. How desperate are you, finding a rich man?? Like what you did before. Pinipilit mong mag-asawa tayo kahit hindi naman. Shame on you." pang-lalait nito sa'akin. Pero, hindi ko hahayaang laitin niya ako. Ang kapal ng mukha niya, tang *na!!! "Let me tell you, tapos na tayo. Hwag kang mag-alala, dahil hindi ko pagsisiksikan ang sarili ko sa lalaking walang bayag. Ayy! Mali, lalaking walang laman ang utak. Gamitin mo ang ulo mo sa itaas hindi yang nasa pagitan lang ng hita mo ang pinapagana mo." pang-aasar ko rito. Nakita kong nag tiklop ito ng kaniyang kamao. Alam kong napahiya siya sa mga sinabi ko. Dahil marami rami ng tao ang naki usyoso sa'amin. "Wait! Siya nga pala, puntahan mo na 'yong mababang uri na babae na mga taste mo. Alam mo bagay kayo, parehong walang utak," huling hirit ko bago ako tumalikod rito. Ngunit bago pa ako makalayo nahatak niya na ang braso ko. "Bitawan mo ko." sigaw ko habang nanlilisik ang mga mata ko. Hindi ako papayag na apihin niya akong muli. Dahil, hinding hindi na ako makakapayag na yurakan niya ang pagkatao ko. "Kung ayoko!" pagmamatigas nito. Kaya isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa'kaniya kaya nabitawan niya ako. Iniwan ko siyang pahiyang pahiya, ganti ko lang 'to sa mga ginawa niya sa'akin. Limang taon akong nag hintay na maalala niya ako, ngunit wala akong napala kundi pag durusa at sakit. Mabilis akong sumakay ng sasakyan ko. At pina andar ito palayo ng DBar. Doon ko binuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko bato na ako, pero nasasaktan pa rin ako. "Ang gago mo, Dylan. Napaka hayop mo, napaka sama mo. Ayaw na kitang mahalin, ayoko na! ayoko naaaaaa," malakas na sigaw ko. Waaaah! Sigaw ko sabay liko, dahil may biglang sumulpot na motor sa harapan ko. Damn! At muntik na akong maaksidente!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD