DYLAN
I didn't expect that we'd meet again. After she left me, siya pa may ganang magalit. That! craft girl! Hibang na talaga siguro siya..
Nilayasan ko ang flavor of the week ko kanina, dahil nawalan na ako ng gana at nasira na niya ang gabi ko.
Simula nang umalis siya, nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito??? Kahit anong pilit kong alalahanin kong ano talagang relasyon meron kami, pero wala talaga. Paano ako magkaka asawa gayong; I'm still studying in Medical School. For Pete sake!!
I tried to call my Mom, but I couldn't reach her. I don't know why, something is weird. Binato ko na lamang ang cellphone ko sa tabi at sumalampak sa kama. Naka higa lang ako at tulala na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na 'yon.
Kong 'di siya nang gulo sa bar kanina baka may ka s*x ako dito ngayon. Bweset talaga sa buhay ko ang babaeng 'yon. Wala na yata siyang ginawang tama pa.
Nang 'di ako makatulog bumangon ako at naghanap ng maiinom. Hindi ako makatulog ng walang alak na naiinom. Parang hinahanap hanap na rin kasi ng katawan ko ang alak. Hindi ko rin maintindihan, ang sabi lang nila sa akin ng magising ako at ng babaeng 'yon ay mag-asawa kaming dalawa.
Pero, sa wala nga akong maalala e, tang-na namang buhay 'to. Hindi ko alam ang pinagsasabi nila. Lahat sila sinasabi may asawa ako, kaso kahit anong kalkal ko sa utak ko wala akong maalala kahit na isa. Nakakapikon na talaga lalo ang babaeng 'yon..
Kinuha ko ang alak sa stand ng bar counter ng bahay. Binuksan ko ang alak at agad sinalin sa shot glass sabay lagok. Paulit ulit ko itong nilagok hanggang sa tamaan ako ng alak.
Habang nag-iinom ako biglang nag ring ang cellphone ko. Kaya napatayo ako para hagilapin kong saan ko ba nailapag ang cellphone ko. Medyo naikot na ang paningin ko at tinamaan na rin ako ng alak na nainom ko. Natigil na lang ang pang ring ng cellphone at hindi ko tuloy nalaman kong sino ba ang natawag sa akin. Hanggang sa mabuwal ako sa sofa at hindi na nakatayo para maka akyat sa taas.
KINABUKASAN
Nagising ako sa sunod sunod na pag tunog ng mga alarm clock sa bahay. Napabangon ako at nag tingin ng calendar. Halos mahilo ako ng makita ang taon. Lasing pa din ba ako??? Pinagsasampal ko ang pisngi ko baka sakaling may tama pa ako. At nang idilat ko ang aking mga mata nakikita ko pa rin ang year 2023. "It can't be.. 2011 pa pang dapat. Nasa med school pa lang ako. Nakakagago naman ang calendar dito.
Bago pa ako masiraan ng bait dito nag-asikaso na ako sa pagpasok sa school, dahil masungit ang professor namin sa biochemistry. Pagkatapos kong mag shower para mawala ang lasing ko diretso ako sa walking closet ko para kuhain sana ang uniform ko kaso halos ibalibag ko na nga ang lahat ng laman ng closet ko hindi ko pa rin makita ang uniform ko. Nasaan ba kasi 'yon??? Tang-na naman talaga!! Male late na ako bullshit!!
Kaya wala na akong nagawa kundi mag wash day na lang at talagang malelate na rin ako. Matapos kong mag bihis at magpapogi kahit alam kong pogi naman talaga ako.
Lumabas na ako ng bahay at nag drive papalayo. Medyo masakit pa ang ulo ko, dahil sa alak na nainom ko. Pero, hindi naman ako pwedeng mag absent at may medical field kami. Ayokong mahuli sa mga ganitong field at mas gusto ko kasi ito para ma challenge ako sa pang gagamot.
Nang malapit na ako sa Ateneo De Manila kong saan ako nag-aaral at third year College na ako. Nag park lang ako ng sasakyan hanggang sa bumaba na ako at dumiretso sa hallway. Medyo naninibago ako sa room at facilities ng school.
Paikot ikot na ako at hindi ko talaga mahanap ang room ko. Tang-na malelate na talaga ako. Bullshit!!
Hanggang sa may nakita akong janitor at nilapitan ito para matanong. "Ate, Ate, pwede bang magtanong." wika ko.
"Oh! Sige po. Ano po bang itatanong niyo?" tanong niya sa akin.
"Alam niyo po ba kong saan ang room 217? Ang medical school by professor Quilantang?" tanong ko. At sana naman matulungan ako ni ate at kanina pa ako nahihilo dito kakaikot at hindi ko naman mahanap hanap.
"217 po. Saan po ba 'yon? At wala na pong medical school dito sa building na 'to. Ang alam ko nilipat sa kabila at matagal tagal na rin.." sagot niya kaya lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi nito. Hindi ko alam kong pinagloloko niya lang ako.
"Paanong malilipat ate, kahapon lang pumasok pa ako." sagot ko. Teka, si Prof. Quilantang po ba kilala niyo?" tanong ko baka siya makilala pa.
"Prof. Quilantang? Wala po akong kilala na ganon ang apilyido. Sigurado po ba kayo na dito sa Ateneo ang hinahanap niyo?" tanong nito sa akin. Malapit na akong mapikon sumasabay pa ang sakit ng ulo ko.
"Ate imposible na hindi niyo siya kilala. Teka, ang deans officer po ba na si Mr. Hitorio nar'yan?" tanong ko. Baka ito kilala na niya. Nakita kong umiling ito sabay sabi na; "Hindi ko talaga kilala ang mga sinasabi niyo. Sa tagal ko ditong naninilbihan sir, wala akong na encounter na ganyan." sagot nito. .
"Sige, salamat na lang po."
Naglakad na ako palayo at napipikon lang ako sa mga sagot niya. Hahanap na lang ako ng taong makaka kilala sa mga hinahanap ko. Habang naglalakad ako sa hallway medyo naninibago talaga ako sa mga nakikita ko. Hanggang sa makita ko ang classmate ko sa medical school na si Lance. Agad ko itong nilapitan para makita niya ako. "Lance, mabuti nakita kita dito. Alam mo ba kong saan na ang room natin?" tanong ko. Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Room natin? Okay ka lang ba Dylan? Baka may jetlag ka ba from states?" tanong nito sa akin
Bullshit! Mas lalo yata akong maloloko ng nakita ko si Lance.
"Okay lang ako, hindi ba pumasok si Prof. Quilantang?" tanong ko.
"Dylan, I think you're not okay.. Prof. Quilantang is died ten years ago.." sagot niya. Nagulat ako sa sinabi nito at mas sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.
"Ten years ago, kahapon lang buhay pa siya. Paanong nangyari 'yon?" tanong ko.
"Dylan, mukhang hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Teka, nga maupo ka muna at kakausapin ko lang ang mga students ko at iga guide ko sila, dyan ka na lang muna ha, babalikan kita.
"Sige.." sagot ko. At panay tingin ko sa kabuuhan ng school. Marami na talagang nagbago dito. Hindi ko alam na sa ilang araw lang magbabago agad ang ayos nito.