Habang pababa ako ng taxi. Kitang kita ko na ang gusali na sinasabi sa calling card. Nagtataka ako kong kumpanya ba ito o hindi. Para kasi siyang condo tower dito sa Makati. Nagbayad lang ako sa taxi driver at bumaba na rin ako. Nakatayo na ako sa labas ng gusali. At sumagap ng maraming hangin bago pumasok sa loob. Diretso sa information section para magtanong kong saan nga ba makikita ang address na 'to.
"Hello, good morning. Alam niyo po ba ang nasa calling card?" magalang kong tanong sa babae.
"Opo, right side at turn left." sagot naman nito.
"Salamat.."
Naglakad na ako sa sinabi ng babae na instruction. Hanggang sa nakarating ako ng pintuan at kumatok.
Knock! Knock! Knock! Tatlong katok ang ginawa ko at nakasanayan ko na rin naman ito. Hanggang sa nagbukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang babae na napaka sexy. Sa tantya ko secretary ito ng boss ng kumpanya.
"Yes, come in. My boss is waiting for you." mataray na wika ng babae at hindi na lang niya muna ito pinansin pa.
Nagdiretso ako sa loob at naupo. Kong saan nakita ko ang nagpakilalang manager na si Mrs. Santisima. Marami siyang tanong sa akin na nasagot ko naman at ang ending ay sinabihan niya ako na tatawagan na lang raw ako after nitong interview ko.
Nang matapos ang interview ko nag gala muna ako sa Mall para makapag relax at ayoko ng badvibes ngayon. Nang makapasok ako sa Mall naglakad lakad ako at diretso na rin ako sa store para bumili ng stocks. Naalala ko kasing wala na akong stocks at nakakahiya naman na humingi ng pagkain sa kaibigan kong si Lyneth baka kulang pa sa kan'ya ang stocks niya. Pumili lang ako ng mga kinakailangan ko at budgeted na ang perang hawak ko lalo na't wala pa akong bagong trabaho. Sana nga matanggap agad ako at nabuburyo na ako sa buhay ko.
Pagkatapos kong mamili nagpunta na ako sa cashier tinulak ko ang isang pushcart na pinaglagyan ko ng mga pinamili ko. Hindi ko ito pinuno at wala na akong budget. Hindi ako pwedeng magsayang ng pera basta basta kailangan kong mag conserved ng pera para may kakainin pa din ako. Hindi madaling mawalang ng work nakakatakot sobra. Pero, kailangan kong magpakatatag para na rin sa sarili ko.
Matapos akong magbayad ng mga groceries ko tinulak ko na ulit ang push cart ng naglalaman ng mga supot na pinamili ko. Hanggang sa makalabas ako ng Mall itinabi ko na lang muna ang push cart sa may gilid. Naghintay ako ng masasakyan para makabalik na rin ako ng condo at makapag pahinga. Hindi ko naman akalain na magiging ganito ang buhay ko. Haixt! Nakaka stressed na talaga. Nang makalipas ang ilang oras may tumigil namang taxi sa harapan ko kaya nakasakay na rin ako at iwinaksi ko na ang mga agam-agam ko. Ayoko nang mag-isip pa.
Samantalang si Dylan naman ay litong lito pa rin sa nangyayari sa buhay niya. Kailan lang may baliw na babae na nagsasabi na asawa niya ito ngayon naman si Lance Professor na.
Sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip. Tang-na! Ano bang nangyayari. Nang bumalik si Lance at naupo sa tabi ko. At nagtanong sa akin na; " Ano bang ginagawa mo dito bro? Hindi ba dapat nagpapagaling ka pa. Ang alam ko nacomatose ka ah. The last time I check sabi ng asawa mo na si Alyna." sagot niya. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.
"W..What the hell asawa. Pinagloloko mo ba ako bro. Wala pa akong asawa, bull s**t nag-aaral pa nga tayo." sagot ko. Kaso tinawanan lang ako ng gago.
"Haixt! Dylan, its 2024 now. Graduate na tayo at hindi ka nag tuloy sa Nursing nag shift ka ng course mo. Actually, same tayo I shift too. Professor na ako ngayon at ikaw may sarili ka ng restaurant at chef ka doon. Kasal ka kay Alyana bro, kaya tanggapin mo man o hindi balikan mo ang asawa mo at kailangan ka ng tao. Gago bro, ang tagal niyang hinintay na magising ka, bilib ako sa pagmamahal ng asawa mo sayo. Biruin mo lahat ng tao sumuko na sayo kahit magulang mo nawalan na ng pag-asa pero, hindi si Alyna. Kaya buhay ka pa dahil sa asawa ko. She protest the mercy killing that your parents want. Naniniwala siya na babalik ka sa kan'ya at sa pagmamahal mo sa kan'ya." mahabang paliwanag ni Lance pero, kahit isa wala akong maintindihan at maalala sa mga pinagsasabi niya.
"Lance, teka nga naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo. Sorry, bro, hindi ko talaga maalala. Ang tanging natatandaan ko lang ay noong College pa lang tayo. Kaya paano mo nasabing kasal at may asawa na ako. At sino si Alyanana? Hindi ba si Yuki ang girlfriend ko, kaso iniwan niya ako alam mo naman 'yon." tanong ko dito baka kasi nagpa power trip na naman siya sa akin.
"Bro, Yuki died two years ago. It's a place crash accident. Pabalik siya ng Pilipinas sana kaso sa kasamaang palad nangyari ang ganon. Hindi na kayo nagkita kasi nga busy ka na kay Alyana. Bro, Alyana is your life. She makes you happy at saksi ako kong paano kayong nagmahalan na dalawa." sagot niya.
"Bro, I don't believe you. Kong niloloko mo lang ako tell me. Is this kind of a joke. Well, ang galing mo bro." sagot ko kasabay ng palakpak ko.
"Gago, bakit ko naman gagawing lokohin ka. Alam mo sa lahat ng barkada natin ako lang ang matino kasunod ka." sagot niya. Kunsabagay tama nga naman siya pero, hindi pa rin ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya. I'm still confuse and my head started to ache. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya.
"Bro, uuwi na ako at gusto ko ng magpahinga. Salamat sa time ha." sagot ko sabay tayo at talikod.
"Mag-iingat ka bro. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo." pahabol nitong sambit.
Hindi ko na siya nilingon pa at nagdiretso na ako sa sasakyan ko. Pumasok ako sa loob at pinaandar ito papalayo sa University.
Nang makarating si Alyana sa condo sinalansan niya agad ang mga pinamili niya sa mga cabinet. Alam niyang kulang pa 'yon kaso wala naman siyang magagawa kundi pagkasyahin lahat. Pagkatapos naupo siya sa sala para magpahinga. At inalala ang masasayang sandali ng buhay niya na hindi niya inakala na ganun ganon lang agad matatapos.