Chapter 9

1101 Words
Nagkakilala sila ni Dylan ng nagtransfer ito sa University nila. Napag alaman niyang Nursing student ito. Noong una ayaw niya dito para siyang naprepreskuhan sa ugali ng lalaki. At sa tuwing nakikita niya ito ay parang nasisira na agad ang araw niya. Ngunit isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon ng minsang pauwi na siya sa condo kong saan siya nakatira. Tiwala naman kasi ang parents niya sa kan'ya na hindi siya gagawa ng ikakasira ng image nila lalo na't kilalang tao ang Daddy niya. At miski siya ayaw niya rin naman magalit ito sa kan'ya. Hindi niya inaasahan na may mang haharass sa kan'ya habang naghihintay ng sasakyan. Ayaw niya kasing magkaroon ng kotse at wala din siyang time mag drive. Noon kasi may driver siya kaso ng nagsolo siya wala na. "Hi! Sexy, pauwi ka na ba? Ihatid na kita.." wika ng isang lalaki na nakamotor na tumigil sa kan'ya at langhap niya ang amoy nito na naka droga. Nahintatakutan siya kaya agad siyang nagtatakbo papalayo sa lalaki kaso, dahil naka sakay ito sa motor mabilis siya nitong nahabol at nang ma corner siya nito sa dead end napatakip na lang siya ng kan'yang mga mata ng biglang makarinig siya ng maingay at tila nagsasapakan na. Nang imulat niya ang kan'yang mga mata. Nakita niya si Dylan ang lalaking kinaiinisan niya. Pero, heto buong tapang siya nitong ipinagtanggol sa lalaking manyak na balak pa yatang gahasain siya sa itsura pa lang nito at halatang hindi gagawa ng matino. "A..Ayos ka lang ba Miss??" tanong niya dito ng hindi pa napapansin si Alyana. Nagulat pa ito na siya pala ang iniligtas. "I..Ikaw??? Ano bang ginagawa mo dito Miss. Masungit?" tanong niya dito. Sa pag-aakalang susungitan na naman siya ni Alyana lalayasan na sana niya ito. "Sige, mauna na ako. Mag-iingat ka at maraming loko loko ngayong dis oras ng gabi." sagot naman ni Dylan. Nagsimula na siyang maglakad at hindi pa nga nakaka ilang hakbang ang mga paa niya ng biglang tawagin siya nito. "D..Dylan, s..sandali lang." pahabol na tawag nito. Natigil siya sa paglalakad at napa pihit paharap dito. "Bakit, may kailangan ka ba?" tanong niya. "Ah! Gusto ko lang mag thank you sayo. Thank you Dylan," ani ni Alyana sabay takbo at parang nahiya pa sa kan'ya. Hindi na rin naman siya nagtaka sa ikinikilos ng babae at para sa kan'ya madalas naman itong weird. Pero, kahit ganun siya alam niyang may puwang sa puso niya ang dalaga. After the incident happened. Bigla na lang nabago ang pakikitungo ni Alyana kay Dylan kong dati rati ay palagi siya nitong sinusungitan kapag babati siya ngayon naman ngumingiti na rin ito sa kan'ya. "Hi! Alyana. Good Morning." bungad na bati ni Dylan dito. "Hello, Dylan. Good Morning rin sayo." sagot naman ni Alyana at naglakad na patungo sa room nito. Gulat silang lahat lalo na ang mga kaibigan ni Dylan na saksi kong paano sungitan ni Alyana ito dati. "Hoy! Dylan, anong ginawa mo at napa amo mo ang leon?" curious na tanong ng kaibigan niyang si Lexter. "Asshole, baka may makarinig sayo. Wala akong ginawa." patay malisyang sagot niya sa kaibigan pero, hindi pa rin naniniwala ito sa mga sinabi niya. "Sus! Hwag ako/kami Dylan. Bakit ba ayaw mo pang umamin." "Wala akong aaminin mga gago kayo. Tara na nga at may next class pa tayo." yakag niya sa mga ito at tinawanan lang naman siya ng mga ito. Wala naman siyang pakialam, dahil para sa kan'ya wala lang talaga 'yon. Atlis medyo okay na sila ng babae na leon. Pagpasok nila sa klase nauna na roon si Alyana nginitian niya ito at himalang ngumiti sa kan'ya ang babaeng leon na bansag nila. At hindi nakaligtas sa mga mata ng mga kaibigan niya ang simpleng ngitian nilang dalawa at hindi naglaon naging mas okay ang samahan nila ni Alyana. Lalo pa ngang pinaglalapit ang dalawa ng mapili silang representative ng class nila na maging Mr. And Miss. Campus batch 2011. Ayaw sana ni Alyana kaso wala silang choice kundi pumayag siya, dahil walang ibang gusto ang classmates nila kundi silang dalawa ang magpartner at dahil nga sa araw-araw na magkasama sila during practice and walk shop rehearsal ay unti-unting nadevelop si Alyana para sa kinaiinisan niyang binata. At doon na nagsimula ang lalong magandang ugnayan na meron sila. Pagkatapos ng rehearsal diretso naman sila sa Mall at doon kinakantahan siya ni Dylan na tila hinaharana siya. Wala pang lalaking gumawa sa kan'ya noon. At never rin naman siyang nag entertain ng lalaki sa tanang buhay niya. Gusto niyang makatapos muna ng pag-aaral bago pa siya pumasok sa pakikipag relasyon kaso nga lang ang matibay na pundasyong ginawa niya para sa sarili ay siya rin lang mismo ang gigiba para sa lalaking minamahal ng patago. Pagkatapos ng makabagbag damdamin na kinanta ni Dylan para kay Alyana bumaba na ito at nakipag usap na sa kan'ya. "Alyana, what do you think papasa na kaya ako sa standards mo?" tanon nito na may tila ipinapahiwatig sa kan'ya. "W-What d-do you mean, Dylan??" patay malisyang tanong ni Alyana rito pero, nage gets naman niya talaga ang sinabi ni Dylan. Hindi nga lang niya agad masagot at nagdadalawang isip pa siya. "You know what I mean, Alyana. Anyway if you're not ready. Don't worry I'm still wait for the right time." sagot ni Dylan. Hindi na nito inulit pa ang tanong niya at baka mapahiya lang siya. Niyakag niya na lang ito na maglibot sa Mall. Medyo may oras pa naman sila at niyakag niya ito sa Cinema. "A-Anong gagawin pala natin dito?" tanong ni Alyana, hindi pa kasi siya nakapasok sa mga ganitong lugar at natatakot talaga siya. "Nasa sinehan tayo Alyana, hwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa nakakapasok sa ganito?" tanong ni Dylan at umiling-iling lamang si Alyana sabay sabi na; "Hindi pa e, sorry ah! Hindi kasi ako pinapayagan ng parents ko. Pasensya ka na ha. Pero, sige papasok ako nandyan ka naman e,." sagot ni Alyana bigla naman napangiti si Dylan sa sinabi nito. Hinawakan niya ang kamay ni Alyana at pumasok na sila sa loob ng sinehan. Doon unang beses nakapasok si Alyana at si Dylan pa ang kasama niya. *** Natigil ang paggunita ni Alyana sa ilang masasayang araw nila ni Dylan pero, ngayon halos hindi na nga niya siya nito makilala at diring diri na nga ito sa kan'ya. Naiiyak na lang siya sa sinapit ng buhay niya ngayon. Hanggang ngayon hindi niya matanggap na wala na si Dylan sa buhay niya at mag-isa na lamang siyang lumalaban sa hamon ng buhay para makapag survive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD