CHAPTER SEVEN His house “Me? I’m going to be your boyfriend, Miss Ariella Trinity Vizconde.” “Over my dead body! Hinding-hindi kita gagawing boyfriend ko kahit na magkaubusan pa ng lalaki sa buong mundo,” pang-iinsulto ko sa kanya kahit na tila kumokontra ang isip ko sa binitiwan kong mga salita. Really Ariella? Tumango-tango siya at ngumiti na tila hindi man lang nainsulto sa sinabi ko. “Be careful what you say, Bella—” “Hindi ako si Bella, Mr. De Luca. I’m Ariella,” putol ko sa kanya kahit na may ideya na ako sa pagtawag niya sa akin ng bella. In Italy, Bella means beautiful. “Saan mo ba talaga ako dadalhin?” “Inside,” turo niya sa labas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa sikat na hotel sa Pilipinas. Inalis ko ang seatbeat at mabilis na bumaba sa mamahalin