CHAPTER EIGHT Deal “Y-you…you,” hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko at bumukas-sara ang bibig ko habang hindi ko magawang alisin ang tingin sa laman ng paper bag na ibinigay niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha kaya mariin kong ipinikit ang mga mata ko’t hinablot ang paper bag at hinigpitan ang kapit doon. “You’re welcome, Ariella.” “W-what?” Tumawa siya at bumalik sa kinauupuan niya. Nakagat ko ang labi pinipigilan na sumigaw dahil sa mapaglarong tingin niya sa akin. “I said welcome, hindi ba magpapasalamat ka sa akin?” Naikuyom ko ang kamao sa sinabi niya. “At bakit ako magpapasalamat sa ‘yo?” Nginuso niya ang hawak ko at pumangalumbaba sa mesa. Hindi nawawala ang mapaglarong ngisi sa labi. “Itinago ko ang mga gamit mo. I mean that brassiere must be expensive—”