CHAPTER SIX Baby Where are you? Ten minutes. Don’t make me mad, woman. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at bumaba na ng kotse makalipas ang sampung minuto na pagtunganga ko sa loob. Sakto ang dating ko sa Zen pero tila may pumipigil sa aking pumasok sa club. Natatakot siguro ako. Saan? Na muling maapektuhan ng halik at paghawak niya? Hindi na ako lasing! Ipinilig ko ang ulo ko at malalim na bumuntonghininga bago pumasok sa loob. Parang umangkop sa dress code sa bar ay hinubad ko ang polo ko’t tinira ang strapless white tube ko. Hindi rin ako umaalis na walang extra clothes dahil nasanay ako sa biglaang yayaan naming magkakaibigan no’ng college. Pinatungan ko ng denim jacket ang pang-itaas ko at pinaresan ng stiletto na dala ko rin. Inaasahan kong sasalubungin ako ng mainga