CHAPTER NINE Avoid “ARIELLA uy! Hindi mauubos ‘yang almusal mo kung tititigan mo lang. Baka ma-late ka niyan.” Mula sa pagkakatulala sa pancake ko ay tiningala ko si Manang na nakitaan ko ng pag-aalala ang mga mata. “May problema ka bang bata ka? Nanlalalim ang mga mata mo ah,” ani Manang na parang ina ko na kung ituring dahil simula pagkabata ay kasa-kasama na namin siya. Umiling ako. “Napuyat lang ako sa pinanood ko, ‘Nang. Wala akong problema kaya ‘wag na nyong tawagan ang daddy please lang.” “Oo na hindi na at baka biglang lumipad ang ama mo pabalik dito sa atin masisi pa ako. Nagkausap na ba kayo? Ang sabi niya kaninang umaga ay hahaba pa raw ang pananatili niya sa ibang bansa.” Nginuya-nguya ko ang pancake na sinubo ko at tumango. “Hindi ko na nasagot iyong tawag niya coz I