Chapter Four

1442 Words
CHAPTER FOUR DLZ-New Job Zen Club. VIP room. 8 pm. See you, Ariella… -Dmitri Pabato kong inihagis ang cellphone ko sa kama nang mabasa ko ang message sa akin ng Dmitri na ‘yon. Nagsimula na akong magbihis para sa unang araw ko ngayon sa DLZ. Ang aga-aga talagang nang-iinis siya! Huh! Asa siyang siputin ko siya! Ngumisi ako sa naisip at gustong palakpakan ang sarili. Hindi niya na maipapanakot ang Daddy sa akin dahil kagabi ay may biglaang business trip ang ama ko. Ang alam niya lang din naman ay ang unang pangalan ko. Hindi naman na siguro kami magkikita ano? Ipinilig ko ang ulo para mawala sa isip ko ang lalaking iyon at pinagmasdan ang sarili sa salamin. When I asked the HR if required ba ang formal attire, she said hindi raw mahigpit ang kompanya pagdating sa dress code. So, I’m wearing a plain polo blouse paired with slacks. Pinaresan ko ng flat shoes at Jil Sander Suede Tote Bag ang outfit ko. Manipis na make-up lang ang inilagay ko sa mukha at iniladlad lang ang mahaba kong buhok. Ang tanging alahas ko lang na isinuot ay ang cartier wristwatch at gold necklace ko na bihira ko lang hubarin dahil pamana sa akin ito ng Mommy. DLZ wasn’t really my first choice. It was supposed to be MEC where I worked as an intern. Pero hindi ko na ipinagpatuloy ang pagtatrabaho roon dahil hindi ko ma-take ang ugali ng ibang employees doon. Ayon lang ba talaga o dahil ayon ang network niya? Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa pumasok na imahe sa isip ko. Pagbaba ko ay nakahanda na ang breakfast sa mesa. Dahil sa kaba sa unang araw ay hindi ako gaano nakakain ng almusal. Pagdating ko sa garahe imbes na si Georgie ang gagamitin ko ay ang lumang Toyota Corolla ang ginamit ko na pagmamay-ari ni Ate. Mabuti na lang kahit limang taon na ang kotse ni Ate Ysabella ay ayos na ayos pa rin iyon dahil alaga pa rin ni Daddy. Mabuti na lang ay maaga akong umalis sa bahay dahil as usual traffic na naman. Nabibingi na ako sa pagbubusina kaya mas nilakasan ko ang stereo at papikit-pikit pa ako kahit wala sa tono ang boses ko. Nahinto lang ako sa pagkanta nang tumunog ang cellphone ko. D calling… Aba’t tumatawag ka pa talaga! Si D ay tumatawag, D for Devil not Dmitri. Ngumisi ako at dinecline ang tawag niya. Para masaya inilagay ko na rin siya sa blacklist ko. After an hour, I arrived in DLZ. Tiningala ko ang matayog na building sa harap ko at makailang ulit bumuntonghininga bago tuluyang pumasok sa loob. Sa journalism department ang punta ko dahil natanggap ako bilang junior journalist sa DLZ. Kabado man ay kampante naman akong magagawa ko nang maayos ang trabaho ko. May ngiti sa labi na pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor na naka-assign para sa akin. “Hi!” bati sa akin ng maliit na babae na nakasalamin. She looks familiar and I smiled when I remember na kasabayan ko siya sa final interview. Ganoon din ang lalaking katabi niya na tila nahihiyang nginitian ako. “I’m Celine, newly hired ka din right?” Tumango ako at tinanggap ang alok niyang kamay. “Yup. I’m Ariella.” Magkasabay pa naming sinulyapan ang lalaki na tumikhim. “I’m Harold.” “Nice to meet you guys,” bati ko sa kanilang dalawa. Pagdating namin sa department ay sinalubong kami ni Ma’am Jackie—our managing editor at ipinakilala kami sa mga tao roon. Bagama’t busy ang lahat sa ginagawa ay masigla nila kaming tinanggap na tatlo. “Ang lamig naman dito!” bulong ni Celine sa akin na iniurong pa talaga ang swivel chair niya para ipakita sa akin ang pagyakap niya sa sarili. “Wala pa naman akong jacket.” “M-meron ako, hindi naman ako nilalamig. Don’t worry, hindi ko pa nasusuot ‘yan,” saad ni Harold sabay abot ng jacket kay Celine na matamis na ngumiti at hindi iyon tinanggihan. “Ang bait ni Koya!” tila kinikilig na bulong sa akin ni Celine. “Kaso mukhang ikaw ang type ghorl hindi lang siya kung hindi iyong mga guys dito. Ang pretty pretty at ang puti puti mo kasi. Anong sabon mo?” Natawa ako kay Celine at inilingan siya. Magsasalita pa sana siyang muli nang lumapit muli sa amin si Ma’am Jackie. Dahil unang araw pa lang ay in-orient muna kami ng mga editors namin sa task na mga kailangang gawin. Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na namin. “Jollibee tayo! First day naman pero bukas magbabaon na ako, tipid tipid at malayo pa ang payday.” Napangiti ako sa kasimplehan ni Celine. Kahit mabibilang lang sa daliri ang pagkain ko sa fast food ay sumama ako sa kanila ni Harold. Halos limang minuto naming nilakad ang sikat na fast food chain. “Anong sa inyo? Ako na ang o-order,” alok ni Harold sa aming dalawa. “Super meal A na lang ako, Harold, tapos coke float iyong drinks ko,” ani Celine na winiwisikan ng alcohol ang table namin. Walang ideya sa o-orderin na ginaya ko na lang si Celine. Dumukot ako sa wallet at napangiwi nang makitang puro cards ang laman no’n. I forgot to withdraw my money. “Magwi-withdraw lang ako guys, nalimutan ko pala.” “Nako Ariella tatawid ka pa para mag-withdraw tirik ang araw baka umitim ka pa. Utang ka na lang muna sa akin, no worries walang tubo ‘to,” biro ni Celine sabay abot ng five hundred kay Harold. Habang inaantay ang order ay nagsimulang magkwento si Celine sa akin. “Graduate ako sa State University, buti nga pinalad ako sa DLZ bukod sa maganda ang pasahod may mga opportunities pa raw abroad. Hindi pa kasi ako nakakalabas ng bansa, pinakamalayo ko nang napuntahan sa Samar noong namatay lola ko ron. Ikaw? Sa hitsura mo pa lang halatang may sinasabi ka sa buhay. Saan ka graduate?” “Sa Princeton.” “Wow, sosyal doon ah. Legit bang million ang tuition fee doon?” Umiling ako. “Nope. Hindi naman ganyan kalaki,” pagtanggi ko. “Pero malapit?” natatawa niyang tanong. Tipid na ngiti lang ang naisagot ko. “Uy baka mailang ka ah! Ganito lang ako may pagka-mosang, pero kahit alam kong yammings ka ‘di naman ako mangungutang siguro ‘pag gipit charot!” Natawa ako. “Nagpapautang ako pero may interest,” pakikisakay ko sa biro niya. Masaya kaming nananghalian at inakala kong hindi ko mauubos ang na-order ko dahil marami pala ‘yon pero naeengganyo ako kay Celine kaya naubos ko iyon. Kung kanina ay tahimik pa si Harold nakikisakay na rin siya sa mga biro ni Celine at nagkwento na rin sa amin. Pamilya daw sila ng mga doktor pero mas pinili niya ang mass communication na ikina-disappoint ng parents niya kaya halos sariling sikap ang ginawa niya makapagtapos lang siya ng kolehiyo. May ten minutes pa kaming natitira pagkarating namin sa department. Papaupo na sana ako nang ipatawag kami ni Ma’am Jackie. Pumunta raw kami sa conference room dahil ipapakilala kami sa mga boss’s ng DLZ. Ikinagulat namin pare-pareho ‘yon pero ganoon daw talaga sa kompanya namin, every year pinapupunta ang mga newly hired employees’ para ipakilala sa mga big bosses. Na-excite naman si Celine at umabrisete sa akin. “Jusko dzai, nakita ko na isa sa mga boss natin. Nagpunta ‘yan sa school namin, guest speaker ba! Mas papasang model kesa boss ghorl!” tila kinikilig na bulong niya sa amin habang papanik ang elevator. Natawa ako at napailing na lang sa sinabi ni Celine dahil pagpasok namin sa conference room ay wala ang tinatawag niyang mala-model naming boss. Ang naroroon ay mga halos kaedad ni Daddy na ipinakilala sa amin. Halos nasa bente pala kaming newly hired ng DLZ. Matapos ang speech ng mga big boss nagsitayuan na ang lahat pero bumukas ang pinto at nalaglag ang panga ko nang makita ang mala-model na boss na tinutukoy ni Celine. “Sorry for being late everyone,” seryoso ang boses na pagsisimula niya at naupo sa gitnang swivel chair. Gusto kong lumusot sa ilalim ng mesa at magtago nang igala niya ang tingin sa paligid. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng isang ngisi nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. “I’m Dmitri De Luca, chief executive officer of DLZ. Welcome to our network…” saad niya pero tila walang pakialam sa mga nakatingin na nakatitig pa rin sa akin. Triple sh.it! I need to submit my resignation letter asap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD