CHAPTER THREE
Dmitri
“You’re a virgin?!” he shouted looking shocked after he thrusted his manhood on me.
Halos bumaon naman ang kuko ko sa likod niya sa sobrang sakit nang pagpasok na ginawa niya sa akin. Kahit na basa na ako ay ramdam ko pa rin ang pagkawarak ng kung ano sa loob ko. Napaiyak ako at gusto kong isipa ang mga paa ko.
Damn this man! Why is he so big?!
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?!”
Tangka siyang aalis sa akin pero ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at nahihirapan man ay inangat ko ang sarili ko para halikan siya sa labi.
“Damn w-woman!” anas niya sa pagitan ng paghahalikan namin at napaigik ako nang muli siyang umulos. Tumigil siya sa paghalik sa akin at napasinghap ako kasabay nang pag-ungol nang tila isang sanggol na sipsipin niya ang dibdib ko—
“Ariella!”
I snapped out from my reverie when my Dad called my name. Pagtingin ko sa salamin ay pulang-pula pa ang mukha ko sa alaalang dumadaloy sa isip ko. Sa gulat ay naibagsak ko ang brush na pinangsusuklay ko sa buhok. Inabot naman ‘yon ng ama ko at inumpisahang suklayin ang mahaba kong buhok.
“Is there a problem, Arie?” banggit niya sa palayaw niya sa akin sa tuwing naglalambing sa akin.
Kahit nasa edad bente-uno na ako at halos lahat ng mga kaibigan ko ay independent na hindi ko pa rin maisipan na umalis sa poder ng ama ko.
“Nothing dad, I’m just kinakabahan for my first day in work tomorrow.”
Tumawa ang ama ko at umiling. “You’ll do a good job my Ariella, you’re my daughter.”
Napangiti ako nang makita ang tuwa sa mga mata ni Daddy. “You’re that happy with my medical results?”
Itinayo ako ng ama ko at mahigpit na niyakap. “Of course, my daughter is not that sick.”
Kaninang umaga ay pinatawag na kami ni Tito Harold at ibinalita sa aming wala akong malalang sakit tulad ng sa Mommy at Ate ko. I have an anemia. Mukhang napalala lang ng stress na inabot ko dahil sa mga projects na kinailangan kong asikasuhin when I graduated from college.
“Kaya nga we should celebrate, take me out on a date,” paglalambing ko sa ama ko na malakas na tumawa.
“Magbihis ka na, I’ll call Ben to drive us to your favorite mall.”
Tumalon ako at matunog na hinalikan sa pisngi ang ama ko bago nanakbong nagtungo sa walk-in closet ko para mamili ng isusuot kong damit.
This is the distraction I need.
Para makalimutan ko ang gabing iyon o mas akmang sabihin ang lalaking iyon na ni hindi ko man lang alam ang pangalan.
Ganoon ako nawala sa sarili ko pero wala akong makapang pagsisisi sa puso ko.
Nababaliw na nga yata talaga ako.
“Daddy, I think iniisip nila you’re my sugar daddy,” natatawa kong saad na ikinailing ng ama ko.
“Talaga bang ganyan ka kinakabahan para bukas?” akbay sa akin ng ama ko na itinaas ang ilan sa mga paper bags ng mga damit at bags na hawak niya.
Sa likod namin ay nakasunod ang driver at bodyguard niya bitbit din ang hindi mabilang na mga gamit na ipinabili ko sa ama ko. Sanay ang ama ko at ang mga nakakakilala sa akin na sa tuwing may problema ako o stress ay halos ma-maxout ko ang cards ko sa pags-shopping.
If you only knew what I did Daddy, baka lahat ng cards ko pina-cancel mo…
Niyakap ko sa bewang si Daddy nakakaramdam ng guilt sa nagawa. “Let’s eat in your favorite resto, Dad. My treat naman,” saad ko at naglakad papasok sa resto na paboritong kainan ng ama ko.
The place where he and my Mommy had their first date.
Malakas na tumawa ang ama ko at kinurot ang pisngi ko. “Hindi ba nakakahiyang magpalibre sa baby ko?” tanong niya dahilan para maglingunan ang ibang kumakain sa paligid.
Kahit almost sixty na ang Daddy ko ay aakalain ng mga nakakakita na nasa edad kwarenta pa lang siya. Natatawa na lang ako sa isip dahil hindi ito ang unang beses na tiningnan kami na akala mo magkasintahan kami.
Nabitin sa ere ang pagtawa ko nang may mahagip ang mga mata kong lalaking nakatingin sa akin.
His tantalizing green eyes met mine and I almost drag my father outside so I could run away from him.
But of course, I wouldn’t do that, I’m scared that my father might find out my dirty little secret.
“Ariella?” untag sa akin ng ama ko dahil sa pagtigil ko sa paglalakad.
Ngumiti ako kahit alam kong ngiwing maituturing iyon nang salubungin kami ng usherette na kilalang-kilala na kami ni Daddy dahil sa madalas naming pagkain sa resto na ‘yon.
Dalawang mesa ang pagitan mula sa table ni berde ang naging pwesto namin. Inalalayan ako ng ama kong maupo at kung minamalas ka nga naman nakaharap pa ako sa kanya. Ang matalim na tingin sa mga mata niya ay nawala at gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi niya.
“What do you want, Ariella?”
“The usual na lang, daddy.”
Tumango ang ama ko na busy sa pagkausap sa chef na nilapitan kami dahilan para siguro hindi niya mapansin ang tensyon sa akin.
“I’ll hunt you woman and you’ll pay me big time!”
Parang sirang plakang paulit-ulit umukilkil ‘yon sa utak ko at nang hindi na makatiis sa nakapapaso niyang tingin ay nagpaalam ako sa ama ko para pumunta ng rest room.
Ilang hakbang na lang patungo sa rest room ay impit akong napatili nang may humaklit sa braso ko at isandig ako sa pader.
Nanlalaki ang mga matang naikuyom ko ang kamao at nanigas sa kinatatayuan ko nang magtama ang tingin naming dalawa.
“A-anong ginagawa mo—”
“Remember me?”
Napalunok ako at napayuko pero hinawakan niya ang baba ko para magtagpo muli ang mga mata namin.
“Of course, it will be impossible for you to forget me. Let me introduce myself properly this time, Miss what did you do to me? Pervert?”
“P-properly your face! Let me go!” tulak ko sa dibdib niya pero pinamulahan ako ng mukha nang maramdaman ang tigas noon at nagbalik sa alaala ko ang paghaplos at paghalik ko sa dibdib niyang hawak-hawak ko ngayon.
“What? Siguro naman naaalala mo na ang nangyari sa atin? How would you rate my performance that night?”
Pinanindigan ako ng balahibo nang ilapit niya ang bibig sa tenga ko at mas idikit ang sarili niya sa akin.
Oh Gosh!
Sigaw ko sa isip nang maramdaman ang pamilyar na sakit sa pang-ibabang parte ng katawan ko. Ang pamimigat ng puson at ang panunuyo ng lalamunan ko ay indikasyon na nagsisimula niya na namang buhayin ang init sa katawan ko.
Which I don’t understand!
I had my fair share of men but only him could make me feel like this. He’s awakening my s****l desire that I didn’t even know existed.
Screw him!
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at kahit nanlalambot ang tuhod ko ay pilit ko pa rin siyang itinulak palayo sa akin.
“I-I’m sorry for what I did that morning. I didn’t mean to hurt you, I was just shocked, okay? Naalimpungatan ako—”
“Why don’t you explain that in front of your sugar daddy?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nakaramdam ng kaba. “W-what are you trying to say?”
“Given your reaction a while ago, seems like you’re scared to him? Why? Are you scared na hindi na niya sustentuhan ang mga whims mo once he finds out that you had s*x with another man—”
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang umangat ang palad ko at lumagapak sa pisngi niya.
“Don’t talk as if you know me!”
Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi niyang namula dahil sa ginawa ko. Nanginginig na ikinuyom ko ang kamao ko.
“You’re pushing your luck, woman. You’re the one who kissed and seduced me that night.”
“At nagpa-seduce ka naman!” singhal ko sa kanya wala nang masabi pa dahil tama naman talaga siya.
I know I didn’t kiss him because of that dare my friend Sahara proposed. I kissed because I’m attracted to him that night.
Pero hindi na ngayon!
“Ano nga ba ang term na ‘yon, palay na ang lumalapit bakit ko tatanggihan?”
Nakaramdam ako ng hiya sa sinasabi niya at gusto na namang umatake ng pagiging bayolente ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka paliparin niya na ako.
“Hindi ako palay pero ikaw mukhang m-manok!”
Sinamaan niya ako na tila nainsulto sa sinabi ko pero ngumisi nang magawi ang tingin sa papalapit sa amin.
“Ariella?”
Napalunok ako nang mapatingin sa ama kong kunot na kunot ang noo sa amin. Pinagpapalit ang tingin sa amin ng estranghero na tangkang maglalakad na papalapit sa ama ko nang humarang ako sa harap niya.
“Who are you?” tanong ng ama ko nangunguwestiyon ang tingin sa lalaki sa likod ko.
“I’m Dmitri, Sir.”
Dmitri? Bagay sa kanya! Masama sa pandinig.
“I’m not asking for your name; I’m asking why you are talking with my Ariella?” mapanganib na tanong muli ng ama ko.
“He’s my professor in Princeton, Dy. Nakikipagkumustahan lang siya,” pagsisinungaling ko.
“I see, bakit dito pa kayo nagkukumustahan? You should invite him to our table—”
Hindi na natapos ni Daddy ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya. Mukhang mahalaga ang tawag na natanggap kaya mukhang nalimot niya ang sinasabi at tinalikuran na kami.
Napabuga ako ng hininga nang tuluyang makaalis ang ama ko.
“Professor? Really?”
Hinarap ko siya at pinamewangan. “What do you want ba para tigilan mo ang panggugulo sa akin ngayong gabi?”
“You…I want you, again.”
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya at hindi pinansin ang pagkislot na naramdaman ko sa puso sa sinabi niya. “You’re a jerk! Hindi ako ganoong klase ng babae!”
Umangat ang kamay ko pero nahawakan niya ang pulsuhan ko at hinawakan ang baba ko. Nanlambot ang tuhod ko nang dumako ang daliri niya sa labi ko. “Not again, Ariella…do you want na samahan ko kayo sa table nyo at sabihin sa Dy mo kung sino talaga ako?”
“N-no! Please no!”
Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. “Then, be a good girl. Give me your number, Ariella.”
“Fine!” tulak ko sa kanya at mabilis na idinikta sa kanya ang numero ko nang ilabas niya ang cellphone niya.
Ngumisi siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko’t ginulo ang buhok ko. Like a master petting his dog for being a good girl. Bago pa ako makaiwas ay bumaba na ang ulo niya at mabilis na hinalikan ang labi ko.
“See you again, Ariella…”
Ano bang gulo ‘tong napasukan ko?!