Chepter 3

1998 Words
Nicole's POV Natapos ang lunch at bumalik na kami ng room, kilala na namin ung iba naming blockmates, ung iba mayayaman din ung iba naman scholars din.. "Uy! Nicole! pwede bang magtanong?" si Gab yan, scholar din s'ya "Sure, basta kaya kong sagutin" nakangiti kong sabi sa kan'ya nang makaupo na ko sa pwesto namin "Marunong kang maggitara?" tanong n'ya habang kumakamot sa batok n'ya nahihiya ata "Hm.. Bakit? para sa-" "Oo, Gab! marunong yan! di mo maitatanong nasa banda yan nung highschool kami!" 'di ko na natapos ung sasabihin ko dahil sa babaeng sumingit at ngiting ngiti pa ang loka! Hindi ko naman itatangi na marunong ako gusto ko lang malaman kung para saan. paepal to! "Ikaw na si Nicole ngayon?" taas kilay kong tanong sa kan'ya na ikinatawa lang n'ya. "Pasens'ya na ah.. oo, marunong ako pero para saan ba?" "Para bukas dun sa introduce yourself.," napa 'Aaaahh' naman ang bibig ko dahil dun.. oo nga pala may ganung eme pala kami bukas. kailangan ko ding maghanda "ahm.. kung pwede sana ikaw na lang ung maggitara tas kakanta ako, kung okay lang naman pero kung hindi.. okay lang din," naka ngiting sabi n'ya. "Hm.. okay la-" "okay lang yan sa kan'ya! anong kanta ba?" singit na naman ni Kimberly sa usapan namin ni Gab. "Sige! ikaw na makipag usap! manager kita ih!" sarkastiko kong sabi sa kan'ya "Epal! nag uusap kami ih.. ikaw ba mag gigitara?" natawa naman s'ya "inuunahan lang kita kasi alam kong namang un ung sasabihin mo," pang aasar n'ya sakin, loka loka talaga! "Wow! salamat ah! So ayun na nga.. okay lang naman pero anong kanta ba?" binalik ko na kay Gab ung atensyon ko. "I'm yours sana ung kay Jason Mraz. Alam mo un?" sabi n'ya na may ngti sa labi "Ah! oo naman, sige. aralin mo tas praktisin natin bukas," pagpayag ko sa request at ngumiti. "Ayun! salamat! sige bukas na lang. gagalingan kong kumanta nakakahiya naman pag panget," sabi n'ya at tumalikod na samin. —---------- "Ikaw anong gagawin mo para makapagpapansin kay Sir Henry?" tanong ni Krystal kay Kim, natawa naman ako kasi ung tanong n'ya gusto ko din itanong pero mas harsh sakin! "Grabe ah!! makapagpapansin talaga?! pero syempre baka sumayaw na lang ako. ung daring!" sagot n'ya at sobrang lakas ng tawa ng damuhong babaeng to. Napailing na lang ako at hindi na sumagot dahil may prof nang dumating. Natapos ang klase naming ngayon araw nang may dalawang babaeng lumapit sakin.. "Ahm.. excuse me, ikaw si Nicole 'di ba?" tanong nung babaeng mahaba ang buhok, medyo chubby cheeks, red lips at mukha s'yang japanese na chinese.. Tanging tango lang ang nasagot ko sa kanila. "Nabanggit kasi ni Gab na tutugtugan mo daw s'ya ng gitara, pwedeng kami din? and oh by the way I'm Irine and this is Clare." pagpapakilala n'ya sa kanilang dalawa, nahihiya man pero ngumiti pa din s'ya sakin at on cue naman na pagsabi n'ya ng Gab nakita ko si Gab na tumatakbo papalapit samin. "Hala! Nicole, sorry nabanggit ko sa kanila nung nagkwentuhan kami.. sorry talaga." hinihingal pero nagkapagsalita pa din s'ya "Okay lang. hindi ko namang sinabing itago mo. gulat lang ako," tugon ko sa kan'ya at bumaling na sa dalawang babaeng kausap ko kanina "Uhm.. sige. okay lang naman, ano bang kanta n'yo? para maaral ko," tugon ko sa kanila na ikinangiti nilang dalawa ng todo. "This is me ng camp rock ung akin" sabi ni Irine "Perfect two naman ung akin pero hanggang chorus lang," saad ni Clare na may paalala pa. "Uhm.." tango ko sa kanila "Okay! aralin ko tas dito na lang tayo sa room magpraktis pagkatapos namin ni Gab," saad ko habang tinutuloy ang pagliligpit ng gamit. "Okay! we'll treat you a lunch tomorrow para naman makabawi kami," ngiting sabi ni Clare sakin. "Ay! hindi na. Hindi naman ako nagpapabayad o nagpapatreat. It's really fine with me, beside it's my passion and pleasure to accompany you both. So no need," nakangiting sabi ko sa kanila na may hiya. "Really? pero nakakahiya naman," saad ni Irine na nakatingin sakin "Hala! hindi ay-" "Sige gurl! sakin mo na lang bigay tutal bff naman kami nito kaya okay lang sa kan'ya kung samin mo ibibigay," buong akala ko e, si Kim ang sumagot nun pero laking gulat ko nang si Krystal ang nakita kong nagsasalita. "Oo nga, beh! samin mo na lang bigay, para 'di s'yang. Basta ah! ung hindi mas'yadong fatty kasi sayang ang figure namin." at si Kimberly un. "Oh! Sure! Sa in'yo na lang kami babawi! Sige, tomorrow na lang. Thank you ulit Nicole. Bye!" sabi ni Clare at nagwave bago tumalikod. "Ang kapal din!!!" Ayun agad ung sinabi ko sa dalawa nang umalis na sa harap ko si Clare, Gab at Irine. "Kasi naman ayaw mong tanggapin sayang un ah! libreng lunch un! Hindi masama ang libre, 'no?!" sabi ni Kimberly with proud tone pa talaga ang babae! "At ikaw?" turo kay Krystal na patay malis'ya pa ang loka! "Ay! ti! sinasabi ko sa'yo sayang un... kaya kami na lang ang tatanggap! 'di ba Kim?! " nag apir pa ang dalawa habang tumatawa. "At nagrequest pa kayo na wag fatty kasi ang figure? meron ka nun?" sabi ko habang naglalakad na palabas ng room namin. "Hoy bruha ka! meron ako nun.. ang yabang nito porket ang ganda ng katawan!" natawa na lang ako sa sinabi n'ya.. maganda din naman ang katawan n'ya eh, inaasar ko lang s'ya. nagtawanan na lang kami habang naglalakad pababa ng building namin. "Ikaw, Tala? anong ipapakita mo bukas sa Subject ni Sir Henry?" tanong ni Kim habang naglalakad kami papunta parking "Hm.. baka ipakita ko na lang ung mga Callig ko sa bahay. or baka mag calligraphy ako on the spot. Isipin ko na lang mamaya sa bahay. Ikaw ba Nicole?" saad ni Krystal habang nakahawak pa sa baba n'ya. "Uhm.. kailangan ko pa ba? ipapakita ko na ung akin dun pa lang sa pagtugtog sa mga blockmates natin." natawa na lang ako habang iniisip na 'oo nga, 'no? bakit pa ko mag iisip ng talent, ipapakita ko naman un pagtinugtugan ko sila' "syempre hindi pwede un! dapat may sarili kang kanta! apaka daya naman kung hindi nila maririnig ung boses mo," saad ni sino pa ba edi si Lovely Kimberly. "Sige! mag iisip ako pag uwi ng bahay. Nasaan na ba si Danica? sabi n'ya nandito na s'ya," sabay linga linga at hinanap ang maganda naming kaibigan dahil sabay sabay na daw kami uuwi. Bigla namang may bumusina na sasakyan sa malapit samin at pagtingin namin. Nakita ko agad si Danica at Kuya Daniel. Owww.. nakauwi na pala s'ya. Galing yan ng Canada e! "OmG! Ang hot talaga ni Kuya Daniel.. lalo na pag nagdadrive," saad ni Kim at naglakad na papunta dun, sumunod nalang kami ni Krystal. Sinabi din kasi ni Danica na isama namin si Krystal para makasabay namin pauwi. "Kuya yan ni Danica? ang gwapo! halatang mayaman!" bulong sakin ni Tal "Oo, kuya n'ya yan. Matanda ng 6 years sa in'yo at 7 years sakin. Kasing edaran lang din ni Sir Henry," saad ko sa kan'ya. Tango lang ang naging sagot nito sakin. Pagdating namin sa sasakyan pumasok na agad si Kim sa backseat katabi ni Danica, ako naman nag isip pa kung si Tala ang nasa shotgun seat baka mailang s'ya kasi first time n'yang kasama kami.. "Pasok ka na Tala sa backseat. Dito na lang ako sa harap," saad ko at ngumiti naman s'ya nang pinagbuksan ko s'ya ng pinto at ako sumakay ma sa harap. "Akala ko sa likod ka pa uupo e, seatbelt please," saad ni Kuya Daniel nang makapasok ako. "Saan ko naman iuupo ung sarili ko dun? e, kay Kim palang masikip na. " sagot ko sa kan'ya habang kinakabit ung seatbelt. "Apaka talaga! Sexy kong toh! kas'ya pa tatlo talaga, Nicole!" Opx! triggered na naman po s'ya.. Nag umpisa na nga kaming bumyahe na puro tawanan lang. Pinakilala din naman namin si Tal kay Kuya Daniel. "What do you want to eat?" tanong ni Kuya Daniel nang idaan n'ya sa drive thru at syempre libre n'ya! "Just burger, fries and coke zero if available pero kung hindi wag na ung drinks." - Danica "Libre mo naman 'di ba kuya dan? burger, large fries at sprite ung drinks paadd ng ketchup." - Kim "How about the 2 of you?" tanong ni Kuya Daniel habang papalapit na sa speaker kung saan oorder. "Hm.. Fries na lang po sakin, kuya," saad ni Tala na mukhang nahihiya pa. "You sure un lang iyo Tal? naku! dapat gumaya ka kay Kim.. ma-" "Makapal mukha! " putol ko sa sasabihin n'ya. "Uy! hindi un ang sasabihin ko. madaming order.. un dapat. loko to!" sabi n'ya at ginulo pa ang buhok ko. 'di naman ako nakapalag dahil tawa ako nang tawa. "Bibingo ka na talaga sakin Denzie Nicole! Danica oh!!" sabi ni Kim na at tinuro pa ko kay Danica "What? Nicole is right makapal naman talaga mukha mo. " at mas lalo lang naming ikinatawa lahat. "Apaka sama n'yong dalawa!" magmamaktol n'ya para 'di na humaba ang asaran sumingit na si Kuya Daniel. "Tahimik na baka marinig kayo sa speaker at maguluhan ang crew." sabi n'ya nang makalapit kami sa oorderan. Sinabi na n'ya ang mga order namin at dinagdagan n'ya ang kay Tala. Nung natapos nang makumpirma ung order namin umabante na kami "Teka! wala pa ko!" sabi ko "Ayan! wag ka na daw kumain nang aasar ka naman daw lagi!" sabat naman ni Kim at dumila pa! "Burger, fries at sundae salted caramel sa'yo 'di ba? naorder ko na" sabi ni Kuya Daniel. Di naman na ko nagulat na alam n'ya un kasi un ang lagi kong inoorder pag nagyayaya s'yang kumain. peyborit sorry! Kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kan'ya "Bat kay Nicole kabisado na tas ung amin hindi! unfair ng life! whoo!" parinig ni Kim kay kuya Daniel. "Bakit? gold ka ba?" pambabara ni Danica sa kan'ya. itong babaeng to ang yaman yaman pero ung mga salita pangkalye! "Sabi ko nga hindi ako gold katulad ni Nicole ih. soorry ito lang!" sabi ni Kim na ikinatawa na lang namin. "Here!" isa isang inaabot ni kuya Daniel ung mga pagkain nila sa likod at nahuli ung aming dalawa. "Wow! may sundae din ako! Thank you very much!" manghang sabi ni Kim nang inabot sa kan'ya ni kuya Daniel ung sundae. "Ingay mo kasi kanina, ayan 'di mo tuloy narinig na nag order ako ng sundae," tugon ni kuya Daniel na natatawa tawa pa. ngumuso lang si Kim at hindi na nagsalita. Bumyahe at kumain na din kami. Tahimik lang ako dahil ninanamnam ko ang sundae at fries ko.. the best combo talaga tong dalawa na to... "penge!" nawala ang moment ko nang marinig ko ang boses ni kuya Daniel. "hm? eto?" sagot ko naman sa kan'ya na tinaas pa ang sundae ko na may mga fries. "yep! please... aaaahh" sabay nganga. natawa naman ako at inabot ang bibig n'ya at sinubuan ng fries un habang nakafocus s'ya sa daan. "Ano ba yan! respeto naman sa mga single dito!" parinig ni Kim habang nakatingin sa labas pero alam kong kami ung pinaparinggan n'ya "gaga! single din kami wag kang pauso!" sagot ko sa kan'ya nang makaayos ako ng upo. una naming hinatid si Tal, sunod si Kim tas ako na. "Salamat sa pagkain at paghatid Kuya Dan." habang tinatanggal ang seatbelt "Sure! wala yun," tugon n'ya sakin "Bye Danica, Bye Kuya Dan! Ingat kayong dalawa. Thank you ulit!" sabi ko bago lumabas ng sasakyan. Nang makalabas na ko agad naman binaba ni kuya Dan ung bintana sa harap tapos sumilip "Thank you din, Nics. Sana sa susunod wala ng kuya tawag mo sakin," saad n'ya at ngumiti pagkatapos nun umalis na sila. Di naman ako ganun ka inosente at katanga para hindi malaman ung ibig sabihin nun pero hahayaan ko na lang dahil hindi un ang focus ko ngayon. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD