Nicole's POV
Sandali pa kong tumayo dun bago napagpas'yahan na pumasok na sa loob. nagulat naman ako dahil nakita ko si mama na nandon at naglilinis ng bahay.
"Ma! aga mo ata alas kwatro pa lang ah" sabi ko at nagmano sa kan'ya "okay ka lang na ba? may sakit ka?" dagdag ko pa dahil medyo namumutla s'ya.
"Naku! okay lang ako. napagod lang kasi naglinis ako. ikaw kumusta ang klase?" balik n'yang tanong sa akin at inabot ang gamit ko.
"Okay lang naman po may activity lang kami bukas dun sa isa naming major subject pero madali lang naman un."
Napansin ko naman na medyo nahahapo s'ya
"okay ka lang ba talaga, ma?" nag aalala na tanong ko. "Mukha kang hindi okay. ako na po dyan at magpahinga ka na muna dun sa kwarto mo. Sige na po." tumango naman s'ya at ngumiti kaya ngumiti na din ako sa kan'ya.
Tinapos ko ang nililinis n'ya at nagbihis na, nagpahinga lang saglit at kinuha ko na ang gitara ko para siprahin ang mga kantang sinabi ni Gab, Irine at Clare.
Pinapakinggan ko lang ung mga kanta hanggang sa napagpas'yahan ko ng unti untiing inistram sa gitara.
Di naman nagtagal, natugtog ko na ung tatlo at nag iisip na ko ng pwede kong tugtugin na para sakin naman. pero bago un nagluto at nasaing muna ko para sa hapunan namin ni mama, nang matapos na naghanda na ako at tinawag si mama.
"Ma! Kain na po.." katok ko sa kwarto n'ya. 'di naman ako nagtagal sa pagtawag dahil lumabas din s'ya agad.
Sabay na kami magpunta sa hapag at naupo. nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nang matapos na kami, ako na rin ang maghugas dahil wala pa naman kaming gaanong ginawa kaya wala pa kong aaralin.
Nasa sala kami ni mama at nanunuod saglit nang may kumatok sa pinto ng apartment na tinutuluyan namin.
"Ate Janice! Tao po! Ate!" sigaw ni Tita Jazz. nakababatang kapatid ni Mama.
"Si tita jazz po ata ung asa labas, ma," saad ko at tumayo na
dahil papasok na ko ng kwarto at baka pag nakita na naman ako ni tita ay kung ano ano na naman ang sabihin.
"Mukha ngang tita jazz mo un. Sige at magpahinga ka na dun," saad ni mama,
kunwari lang yan na pinagpapahinga na ko pero ayaw n'ya lang talagang makitang pinagsasalitaan ako ni tita jazz ng masasakit na salita. agad ko naman kinuha ung gitara at iba pang gamit.
"Good night, ma! pahinga na din kayo pag alis ni tita ah," saad ko at humalik sa pisngi n'ya.
Nagmadali na kong umakyat at sa taas pero hindi muna ko pumasok sa kwarto at tinanaw sila mama.
"Ang tagal mo namang magbukas, Ate! wag mong sabihin nagliligpit ka ng bahay." agad na singhal ni tita ng mapagbuksan s'ya ni mama.
"At nasaan ang anak anakan mo? Tulog na agad?! aba magaling 'di ka manlang tinulungan sa mga gawaing bahay? ano?! palamunin na lang talaga dito? sabi ko naman kasi sayo pag trabahuin mo na lang at wag mo nang papasukin ng college, pinayagan mo pa kasi at hindi lang un! sa Aim High mo pa hinayaang pumasok! palamunin na nga lang naghangad pa ng mataas na eskwelahan. Ewan ko ba kasi sayo bakit kinuha mo pa yan! dapat hinayaan mo na lang yan. edi sana buhay pa si Kuya Mondy bukod dun hindi ka pa naghihirap ngayon at baka may sarili pa kayong anak." mahabang litan'ya ni tita jazz habang nakaupo na sa sofa ng bahay.
"Jazz naman baka marinig ka ng bata, wala naman s'yang kasalanan sa nangyari kay Mondy, ako din ang may gusto na mag aral s'ya ng kolehiyo! sinabi ko na yan sayo noon pa, tama?! bukod dun wala naman akong binabayaran na matrikula sa AHC dahil full scholar naman s'ya. binibigyan din s'ya ng allowance ng school at teka nga! yan lang ba ang pinunta mo dito? ang sabihan ng masasakit na salita si Nicole? kung yan lang din naman, pwede ka nang umalis at magpapahinga na ko," sagot naman ni Mama na mukhang naiinis dahil sa sinabi ni tita.
Hindi ko na tinapos ang pakikinig dahil alam kong makipagtalo na naman si tita jazz kay mama about sa pagpasok ko sa AHC.
Pumasok na lang ako sa kwarto at naglagay mg earphone. Nakinig na lang ng kanta at hinayaang tumakbo sa utak ko lahat ng sinabi ni tita jazz...
Kun'di dahil sakin paniguradong nandito pa si papa ngayon at kasama namin o kaya naman masaya sila ni mama na may sariling anak... At habang iniisip ang nakaraan ko tumutulo na lang ang luha ko..
Ilang minuto ang lumipas naramdaman ko naman na bukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama na papasok
"oh! bakit gising ka pa? okay ka lang ba?" agad na tanong n'ya ng makitang patayo ako ng kama.
"opo, nag iisip lang po ako ng pwedeng gawin bukas sa activity namin. umalis na po ba si tita? kayo po magpahinga na at maaga pa po kayo bukas." sagot ko sa kan'ya, buti na lang bago s'ya makalapit napunasan ko na agad ung luha ko.
"Oo. magpapahinga na din ako tinignan ko lang kung tulog ka na pero mukhang mamaya ka pa matutulog dahil may ginagawa ka pa ata." sabay turo s'ya sa gitara na katabi ko. Ngiti lang ang naging sagot ko sa kan'ya.
Nagulat ako ng bigla n'yang hinawakan ang pisngi ko at punasan un.
"Kung ano man ang narinig mo sa sinabi ng tita mo ay wag mo ng pansinin, masaya ako na kinupkop ka at hindi mo kasalanan na nawala ang Papa Mondy mo. Siguro hanggang dun na lang talaga ang buhay n'ya kaya nangyari yun. Walang may gusto ng nangyari tandaan mo yan ha," saad n'ya habang hinihimas ang pisngi ko. Tahimik lang ako kaya ramdam ni mama na ayaw kong pag usapan un.
"os'ya matutulog na ako at ipagpatuloy mo na yang ginagawa mo, wag mas'yadong magpagabi at baka mamalat ka." paalala at paalam n'ya.
Hinalikan na lang n'ya ko sa tutok ng ulo ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Naiwan naman akong tulala at naluluha. Alam kong sinasabi lang yun ni mama para gumaan ang loob ko pero sobrang laking bagay sakin nun... Dahil dun agad akong nakaisip ng ipepresent bukas at sarili kong gawang kanta..
Kaya tumayo ako at kinuha ung notebook kong puro sulat ko at sinulat ko ung kantang para kay mama. kahit maikli lang basta para kay mama to.
Nilagyan ko na lang ng tono at prinaktis... pagkatapos pinasadahan ko na lang ung tatlong kanta at natulog na.
Kinabukasan maaga akong nagising para ipaghanda si mama ng pagkain. Pagkatapos kong magluto, naligo at naghanda na ko para sa pagpasok dahil panigurado papunta na ang Kimberly dito. binaba ko na ang bag at gitara ko at inilagay sa sofa. Nagising na lang si mama na may pagkain at may baon na din kami.
"Oh! ang aga mo ah! natulog ka ba, anak?" tanong ni mama bago maupo sa hapag.
"opo naman! maaga lang talaga ako nagising para ihanda ung gagawin ko para mamaya." sabay upo at sandok na din ng sinangag at ulam para kumain, ganun na lang din ang ginawa ni mama.
------------------
"Oww... naeexcite ako sa gagawin ko mamaya! baka mainlab na sakin si Sir Henry!" sabi ni Kim na hindi mapakali sa sobrang excited n'ya.
mula umalis kami sa bahay, hanggang makarating kami ng school ung talent na n'ya ang ibinibida sa akin.
"Nicole!"
agad naman akong napilingon sa tumawag sakin.
nakita ko si Gab na kumakaway, I wave back to him and smile hanggang sa nakalapit na s'ya sakin
"Tara?" yaya n'ya sakin para pumunta sa pwesto nila at makapagpraktis na.
Nagpaalam naman ako kila Tal at Kim para pumunta na dun sa unahan. dala dala ko ung gitara ko at naupo na pwesto nila at nag umpisa na.
--------
"Yes! salamat Nicole! galing mo! sana all may gan'yang talent!" Sabi ni Gab habang pumapalakpak pa.
"Yeah! Gab is right. I actually tried to learn that thing but unfortunately guitar didn't want me. So I stop!" natatawang sabi pa ni Clare.
"Anyway talaga bang kila Kim at Krystal na lang namin ibibigay ung treat naming lunch?" singit naman ni Irine.
"Oo, kahit nga sana wag na pero okay na din un." sagot ko sa kanila kaya naman ngumiti sila at nagpaalam na ko. "Dun na ko sa upuan ko ah. mamaya na lang." Tumango naman sila. kaya lumapit na ko kila kim at tal.
"Tapos na kayo magpraktis? Ikaw anong gagawin mo?" tanong ni Tala nang makaupo na ko sa pwesto namin
"Oo. tapos na sabi ko lalapit na lang ako sa kanila pag sila na magpapakilala. Ung gagawin ko ayun.. okay naman."
ayokong sabihin ung gagawin ko kaya ayan na lang muna.
Dumating na si Sir Henry kaya naman tumahimik na kami
"Good Morning, Guys! Are you all ready now for our Introduce Yourself with a twist?" nakangiting bati samin ni Sir.
"Ang gwapo ni Sir! makalalagpanty ung ngiti! Takte!"
ayan na naman po ang impit na kilig ni Kim.. Natawa na lang kaming dalawa ni Tal dahil sa ginawa n'ya.
"So shall we start? okay! wag na magturuan dahil lahat kayo ay magpapakilala sa gusto nyo o gusto nyo. Understand?" natatawa pa s'ya nung sinasabi n'ya un
"okay! start tayo dito sa unahan"
Tinuro naman ni Sir ung nasa unahan na babae at nagpakilala s'ya at nagtuloy tuloy na nga..
Hanggang turn na ni Irine.
"Hi! My name is Irine Yvonne Gimenez, 17 years old. I like people who treat me as who I am and I don't like people who know how to backstab. My talent for today is singing ang I will accompany by one of our classmate." derederetso n'yang sabi kaya naman pagkarinig ko ng kakanta s'ya tumayo na ko kasama ang gitara ko.
"Ow wow!" sabi naman ni Sir Henry.
Sinen'yasan ko naman s'ya na mag uumpisa na ko at inumpisahan ko ng istram ung kantang 'This me by Demi Lavato and Joe Jonas' so she also started to sing and she has a beautiful voice, parang sanay na sanay s'ya at walang halong kabang nararamdaman.
natapos na lang ang kanta na smooth lang. nagpalakpakan naman ang lahat. bumalik naman ako agad sa upuan ko pero maling idea pala ung dahil ang susunod na magpapakilala ay si Clare.
"Hi I'm Clare Marie Clemente, 18 years old, gusto ko sa tao is magaling makisama, ayoko naman ung manggagamit. Kakanta din po ako." pagkasabi n'ya nun bumalik ako sa harap at natawa sila Kim at Tal.
"mamaya wag ka na bumalik kasi mapapagod ka lang" sabi ni tal na tumatawa pa
"Sira ulo!" sagot ko naman sa kan'ya at dahil dun ikinatawa naman nilang dalawa un.
"You again! I wonder kung sino pa dito ang iaaccompany mo." comment ni sir na nahiya naman ako..
"andaya pwede pala may taga gitara nag acapella pa ko."
"taray! nicole yan oh!"
Eto ang ayoko ih! Hay.. Yumuko na lang ako at inumpisahan ng mag plucking sa gitara ko ng 'Perfect Two' at kumanta naman si clare ng sen'yasan ko s'ya na mag umpisa na, kung si Irine wala kaba at smooth, si clare medyo kabado at medyo nanginginig ang boses.
Pero natapos naman niya hanggang chorus. Nginitian ko lang s'ya at babalik na sana nang makita kong si Gab na ang sunod kaya nakiupo na lang ako sa upuan nila Irine..
Naririnig ko pang tumatawa ung dalawa kaya nilingon ko sila at sininghalan ng tingin. Mga Loko tong dalawa na to! pagtawanan ba naman ako.
Hindi ko na isip un ah! magkakasunod pala sila kaya pagod ang kamay. choss! okay lang nuh.. at nagpakilala na nga si Gab.
"My name is Gabriel Lawrence Ramos, 18 years old. basta ayoko lang sa tao ung manggagamit, half scholar ako dito sa school. At kakanta din ako, kasama si Guitar Girl. " Ang sarap manapak kahit hindi ko na gawain.. pero hinayaan ko na lang tumayo na ko at nag umpisa ng tumugtog.
Habang kumakanta s'ya nakita ko naman ung mga kaklase namin na nakikisabay sa kanta.
Kala mo nagkoconcert ih! feel na feel din kasi ni Gab. pagtingin ko naman kay Sir. nagulat ako kasi nakatingin s'ya sakin at natatawa.
Yare! Yumuko na lang ako at tinuloy ang pagtugtog at natapos na! Ngumiti na lang ako ulit kay Gab at bumalik na ako sa upuan ko para magpahinga dahil malayo layo pa naman ako atska si Tal ang mauuna saming tatlo.
"Hi Krystal Jane De guzman, 18 years old, Ahm.. gusto ko sa isang tao is ung magaling makisama at ayoko naman is ung mahirap pakisamahan. Half Scholar ako dito. So ung ipapakita ko ay ung calligraphy na ginawa ko sa bahay kahapon.. Name namin s'ya nung mga bago kong friends kasi they treat me na parang sobrang tagal na nila akong kasama kaya name nila ung inilagay ko. ayun lang thanks!" pagtatapos ni Tal
At sumunod na nga si Kim.
"Ako nga pala si.." pabitin n'ya at humarap s'ya kay Sir Henry "Lovely Kimberly Santos but you can call me sweetie if you want," saad n'ya habang nakatingin kay Sir Henry.
Natawa na lang si Sir sa ginawa n'ya pero ako hiyang hiya kaya naman agad akong magsalita
"Easyhan mo lang baka mawala scholarship mo!" At nagtawanan naman ang lahat. Sinimangutan lang naman ako ni Kim. artey artey kasi!
"Epal ka talaga! anyway 18 years old na ko basta friendly naman ako wala akong ayaw o gusto sa tao bahala ka sa buhay mo ugali mo yan ih." dagdag n'ya pa at nginitian naman ang classmates namin. "So scholar din po ako dito pero half lang. 'di ako kasing talino ng isa dyan ih!" sabay tingin sakin. kaya naman nag tinginan din sakin ung iba pati na si Sir.
"oh! sakin na ulit ang tingin s'ya naman na ang sunod kaya sakin na muna kayo tumingin," saad n'ya na parang nagtatampo. "so sasayaw po ako ngayon at tutugtugan po ako ni Nicole!"
Agad naman akong nagulat at hindi alam ang gagawin
"ano daw gagawin ko?" tanong ko kay Tala na natatawa dahil sa reaction ko.
"Tutugtugan mo daw s'ya! kaya pumunta ka na dun sa harap at tugtugan na un kay inaantay ka n'ya," saad pa n'ya at tawa nang tawa ang gaga!
"mabilaukan ka sana dyan," saad ko bago tumayo at pumunta sa harap dahil inaantay na nga nila ako.
"Galing! anong kanta madam?!" inis na sabi ko kay Kim nang makalapit na ko.
"Despasito, beybe!" sabi n'ya naman at napataas ang kilay ko
"Ang galing talaga! sana sinaksak mo na lang ako!" mahinang bulong ko sa kan'ya bago umpishan ang sinasabi n'yang kanta..
at ang bruha! sumayaw nga habang nag iistram lang ako.. natatawa naman ung mga classmate namin kay ang gaga mukhang may binabalak na iba...
Hindi nga ako nagkamali dahil talagang sumayaw sa harap ni Sir! Nagsihiyawan naman ang buong klase dahil sa ginawa n'ya... At si Sir! ayun, napapailing na lang sa ginawa ni Kim
"Tama na nga! baka mawalan ako ng scholarship n'yan e!" natatawang sabi ni Kim
"Wow! ngayon ka pa natakot kung kailan ginawa mo nang sayawan si Sir sa harap?" singhal ko sa kan'ya na parang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa n'ya.
Nagpasalamat na lang s'ya at bumalik na sa pwesto namin. Ako naman nagstay na lang sa harap dahil ako na naman ang sunod.
"Ow! so si miss guitarist na pala ang sunod. I wonder kung ano ang ipapakita mo pa.. " natatawang sabi ni Sir sakin ng napagtantong ako na ang next.
Napakamot na lang ako at tumingin sa buong klase. Bigla naman akong nahiya at para walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
"Ahm.. Hi! Ahm.. I'm Denzie Nicole Ferrer, 17 years old. Ahm... 'di naman ako maarte sa kaibigan basta alam kong totoo sila. I'm one of the lucky student here na pinagpalang makatanggap ng Full Scholarship with Allowance kaya kahit hindi kami mayaman nakakapag aral ako dito. Part din ako ng MB at Quizmart," saad ko at huminga ng malalim bago magpatuloy.
"Wow!"
"Noice!"
"Matalino to! pakopya pag may exam ah!"
"s'ya ung nakarank 1 sa MB at Quizmart na nakalagay sa bulletin board"
Mga komento nila na narinig ko. Eh! di naman ako matalino..
"Wow! Minsan lang ako makatagpo ng full scholar na tao. I guess we're lucky too, kasi andito ka sa klase ko. anyway, continue Ms. Ferrer." komento ni Sir na lalong nagpakaba sakin.
"Salamat po. so ayun! ahm... ang talent ko naisheshare ngayon ay.. play my guitar obviously and sing my own composition. Kagabi ko lang ginawa to, kaya kung may lapses man. sorry.. "
—-------------------