Chapter 2

2147 Words
Nicole's POV Katulad kahapon maaga ulit ako nagising at kumain, this time si Kim na lang ang inantay ko dahil hindi namin kasabay sa oras ng pasok si Dani, dahil iba ang oras n'ya ngayon. Kaya nung dumating s'ya umalis na din kami agad. "Hay! buti na lang walang trapik ngayon at hindi tayo nalate," sabi ko kay Kim na hinihingal dahil parehas kami umakyat sa 4th floor ng building namin. "Sinabi mo pa! tara na at pumasok sa room natin at makipagkilala sa mga classmates natin dahil kahapon hindi naman natin sila ganun nakausap at nakita," sabi naman ni Kim kaya nagtuloy na lang kami sa paglalakad at nagpunta sa room. Pagkapasok namin medyo madami ng tao at nakapwesto na, naghanap na din kami ni Kim ng uupuan. Naging komportable naman kami sa nahanap namin dahil medyo dulo pero sakto lang ang layo. Basta ganun ung pwesto namin. May isa pa kaming katabi na mukhang mag isa. "Hi! My name is Kim, tapos s'ya naman si Nicole. ikaw anong pangalan mo?" bati ni Kim sa babae, Napakafriendly talaga nitong babaing to! "Krystal," sabi naman ni Krystal at ngumiti. Nginitian ko din naman s'ya at ganun din si Kim. "Hi Krystal! Pwede ka ba naming tawaging Tala na lang. Cute 'di ba?" sabi ni Kim. Nakangiti lang na tumango si Tala. Tuwang tuwa naman ung isa kaya chinika na n'ya nang bongga, ganun na din ako. Mukha lang palang tahimik pero maingay din s'ya. "Scholar din kayo? ako din kaso half lang buti nga kayang saluhin na nila mama ung half ng tuition ko kasi kung hindi sa iba ako mag aaral. sabi pa naman nila maganda daw dito kasi sikat na school, pag nakapagtapos ka may possibility na matanggap ka agad," sabi ni Krystal sa kalagitnaan ng kwentuhan namin. Wala pa kasi ung prof namin kaya nakakapag kwentuhan kami. "Totoo naman un. Ako half lang din pero itong si Nicole nakakuha s'ya ng full scholarship with allowance pa," pagyayabang naman nito si Kim. "Totoo? ang talino mo naman, Nicole! penge ng talino!" biro ni Krystal habang tumatawa pa. "Naku! chamba lang un! nagkataon lang na alam ko ung mga sagot. Pero kung gusto mo pwede naman akong magdonate. Teka! itataktak ko lang. Saluhin mo. choss!" sagot ko sa biro na ikinatawa naming tatlo. Habang nagkukwentuhan kami, 'di ko sinasadyang mapatingin sa harap at laking gulat ko nang may tao na dun at nakatingin saming lahat.. mas nagulat pa ko kasi ung nakatayo sa harap ngayon ay ung lalaking nakasalo kay Kim nung orientation. Agad kong hinampas si Kim at sinen'yasan na tumingin sa harap, ginawa naman n'ya at nagulat pa dahil nga naman para s'yang dininig ng Diyos sa panalangin n'ya un nga lang naminusan agad dahil ang loka! 'di na kapagtimpi at malakas na napamura. "AY PUTCHA!" kaya naman naagaw n'ya ang atensyon ng lahat. Nasampal ko na lang ang noo ko at napayuko sabay hila sa kan'ya paupo dahil napatayo pa s'ya. Agad din kaming tinignan nung lalaki at bahagya s'yang natawa sa reaksyon ni Kim. "Nakakahiya ka, Lovely Kimberly!" pabulong kong singhal sa kan'ya. "At paki usap wag ka naman mas'yadong magpahalata na kinikilig ka!" dagdag ko pa. At dahil nga sa pagmumura ni Kim pati iba naming blockmates napatingin na din sa harap at ung iba nagtataka, ung mga girls naman ay kinikilig pa. Nakatingin kaming lahat sa kan'ya kaya naman nagsalita s'ya. "So all eyes on me na ba?" sabay ngiti sa aming lahat "I see that all of you guys are having a good time and getting to know each others, parang unfair naman kung kayo lang ang magkakakilala," nagpout pa s'ya ng unti Kaya naman hindi napigilan ng katabi ko na hampasin ako dahil sa kilig n'yang nararamdaman. Takte! Ang sakit! "So first of all I would like to introduce myself. My name is Henry Villas your Block Adviser and most of your Major Subject ay ako ang magiging prof n'yo kaya matagal tagal tayong magsasama sama," paumpisa n'ya habang inaayos ang mga gamit n'ya sa table. So prof namin s'ya parang ang bata pa n'ya tas kung prof namin s'ya ibig sabihin, Hindi pa din pala talaga dininig ng Diyos ang panalangin ni Kim. "So dahil first meeting natin ngayon, I just want to know all of you.," pagpapatuloy ni Sir Henry at tumitingin tingin pa samin paikot "Alam kong lahat kayo alam ang 'Introduce Yourself' thing every first day of class kaya naman gagawin natin un but with a twist" sabi pa nito na may ngiti sa labi.. Isa sa pinakanakakainis na ginagawa sa first meeting ang introduce yourself.. lalo na ako na hindi naman gaano pala salita unless close ko.. pero pag ganto.. argh! ayoko talaga.. "Hi Sir! I'm Lovely Kimberly Santos, your soon to be jowa!" mahinang sabi ni Kim kaya napatingin at napangiwi ako sa kan'ya "Kalat Kim!" natatawang sabi ko pero s'ya tuloy lang sa pagpapantas'ya.. Akala ko pa naman titigil na s'ya nung nalaman n'yang prof namin to, hindi pala.. May mga nagviolent reactions at mga nagtatanung kung ano ang 'Twist' na sinasabi ni Sir, meron naman parang walang pake alam sa sinabi n'ya.. Tumikim si Sir Henry kaya tumahimik ang lahat. "Okay! okay! Guys calm down," nangiti n'yang sabi "Hindi naman sobrang hirap nung twist na sinasabi ko kaya chill lang kayo," "What I mean sa twist is you need to share and show us your talents, hobbies and skills. Like kung marunong kang magdrawing, ipapakita mo ung drinawing mo at share mo kung bakit yun ang drawing na ginawa mo, kung mahilig ka namang kumanta, play instrument and others why not show that to us.. That's the meaning of the twist I said earlier. Kayo talaga!" mahabang paliwanag n'ya sa amin at natatawa pa un ah! cool ni Sir! dahil sa paliwanag ni Sir Henry, sabay sabay naman kaming napa'Aahh' kaya natawa ulit si Sir "Kayo kasi ih! 'di n'yo muna pinapatapos si Sir! Patapusin n'yo muna kasi 'di ba, Sir! Ilan taon na po kayo?" singit naman ni Kim na kinikilig kilig pa! at talagang umepal pa ung tanong na un?! ibang klase! "Wow! smooth ng galawan natin kaibigan!" - Ako "Easy prof natin yan." - Krystal Sabay naming sabi ni Krystal dahil halata namang nagpapansin s'ya kay Sir Henry. Dahil naman sa sinabi namin natawa ang buong klase kasama na si Sir Henry dun. "Grabe kayo! nagtatanong lang kay Sir kung ilan taon na masama ba? Hindi naman 'di ba, Sir!?" may pahampas pang kasama un. Kunwari pa! Tumigil sa pagtawa si Sir at sinagot si Kim "Wala namang masama, we're just laughing because your friends really know you, I guess," nakangiting sabi ni Sir kay Kim At aba! ang gaga namula! parang kinausap lang s'ya ni Sir Henry e! Takteng yan.. "Oh 'di ba?! wala naman daw masama. Kaya Sir sagutin mo na ko ay este ung tanong ko kung ilang taon ka na po?" nakangiting tanong n'ya At tumawa naman ang mga blockmates namin dahil sa mga pahaging n'ya. Ang kalat talaga ng babaeng to! "Okay, since all of you are not ready for our 'Introduce Yourself with a Twist' bukas na lang natin gagawin but please dapat lahat kayo ay ready at may handang mga ipapakita dahil gugugulin natin lahat ng oras natin para sa activity na un," paalalang sabi n'ya para naman kaming nabunutan ng tinik dahil doon. "Sa ngayon ako na muna ang magpapakilala at pwede kayong magtanong sakin at sasagutin ko naman hanggang sa abot ng aking makakaya. Understand?" sabi ni Sir na may paturo turo pa. Sumang-ayon naman ang lahat at ung ibang mga babae magtilian ng impit syempre kasama ung dalawa kong katabi.. and yes! kasama si Krystal, 'di lang pahalata pero kilig din pala.. "So Sir! sagutin n'yo na ang tanong ko.," pag mamaktol na arte ni Kim.. "Ay! demanding ka gurl?! Bakit Gold ka ba?" 'di ko mapigilang sabi sa kan'ya kaya muli na naman tumawa ung iba. Sabi ko tahimik lang ako pero pag si Kim ang aalaskahin. Charot lang un! Si Sir Henry ayun at nakikitawa na din.. "Epal mo Nics! Kainis to!" sabi n'ya na ngumuso pa. "Hala! Pabebe yarn?" pang aasar ko sa kan'ya kaya naman nakatanggap ako ng isang malakas na hampas galing sa kan'ya. "Oh tama na at baka mag away pa kayong dalawa dyan. Ayokong makasaksi ng Cat Fight dito" sabi ni Sir habang tumawa pa "Sir! 'di kayo makakakita ng Cat Fight, Boxing po pwede pa. Epal kasi to!" sagot ni Kim na may paturo turo pa sakin. Natawa lang ako sa sinabi n'ya. "Okay to answer your question Ms-" "Santos Sir pero pwede din Mrs. Villas! choss! Joke lang Sir!" masiglang sabi ni Kim pero agad nawala ng sumabat ako "Ow! Calm down Satan!" natatawang sabi ko "Easy mare!" "Oy! bawal yan!" "Grabehan talaga!" "Ang smooth lang!" Mga reactions ng mga blockmates namin sa sinabi n'ya.. ang gaga kasi! kung hindi ba naman talaga loka! "Hoy! Grabe kayo sakin! Joke lang naman un! Eto kasi ih!!" maktol ulit n'ya at mahampas hampas pa.. Mahina lang naman un kaya alam kong arte n'ya lang yan. "Mukhang masarap ang magiging mga klase natin ah. Dahil ngayon pa lang magkakasundo na kayo," Si Sir yan habang tumatawa, at mukha ngang ang saya saya n'ya "So as I was saying, I will answer your question, Ms. Santos, I'm 23 years old." "Ang bata n'yo po" "Shocks kaya pala mukha pang bata si Sir kasi bata pala talaga s'ya" At madami pang ibang comments "Ow.. fresh grad kayo, Sir?" tanong ni Krystal "No, but this is my first time sa pagtuturo. Ngayon lang napagbigyan sa totoong gustong gawin." ay ang drama! may paganun.. Siguro mayaman to si Sir Henry. "Ah.. so ibig pong sabihin kami pa lang po ang tuturuan n'yo?" dagdag na tanong naman nung isa naming lalaking kaklase. "Yes! but don't worry, may maituturo naman ako sa in'yo kahit 1st time ko," nakangiting sabi ni sir. Nagpatuloy pa ang tanungan hanggang sa matapos ang oras ni Sir Henry at pumasok na din ung iba naming Prof nag attendance at tanong lang kung ano ang ineexpect namin about sa mga subjects nila. Hanggang sa dumating ang lunch at kasabay na namin si Danica ngayon kasama na din namin si Krystal dahil wala daw s'yang kaibigan sa school pumayag naman kami.. "Nakakahiya ka, Kimberly! alam mo un! Grabe! Tama lang ung ginawa ni Nics sa'yo! baka kung ako un hinila kita palabas at sinabing magdrop ka na!" natatawang komento ni Danica nang ikwento namin sa kan'ya ung nangyari sa klase ni Sir Henry "Bakit ba type ko si Sir ih! ay baka may makarinig at patalsikin ako, matanggalan pa ko ng scholarship," pagbawi naman n'ya sa sinabi. "Ikaw Dani? kumusta ang klase mo?" tanong ko sa kan'ya kaya nabaling ang atensyon namin sa kan'ya "Hmp! okay lang naman.. kaso boring kasi wala kayo dun! wala akong makausap kasi maarte lahat ng nandun paano mga anak mayaman tapos may kan'yang kwento about sa mga company nila. Di ako makarelate," sabi n'ya naman na parang nagsusumbong na bata "Ahm.. baka nasa Aim High tayo nuh? ung mga tao dito ih.. kasing yayaman n'yo Ms. Villanueva, baka nakakalimutan mo po un," natatawang sabi ko sa kan'ya na ikinagulat naman ni Krystal pero hindi na lang nagsalita "I know that but I'm not used to it! Since Grade 4, the two of you are always there beside me and hindi naman ako itinuturing na mayaman. oh wait I mean.. you never take for granted about our family status. Totoo ba ung friendship unlike them na unang tingin mo pa lang malalaman mo ng hindi totoo... hmp!" Naiintinidihan ko naman s'ya.. Since Grade 4 kasi magkakasama na kaming tatlo 'tresmarias' pa nga ang tawag samin ng mga teachers at kaklase namin noon at yes! public school lang naman s'ya nag aral ng elementary at highschool sabi kasi ng mama n'ya para daw matutunan n'ya kung anong ginagawa sa public school at mas marami daw s'yang matututunan kasi strict ang mga guro. Mayaman man sila pero both of her parents are nice and kind, they never treat us as poor and they never look us down because of our family status.. pag nagpupunta pa kami sa bahay nila todo halik pa ung mommy n'ya at happy'ng happy dahil may naging kaibigan daw si Danica na katulad namin. They treat us as their daughters. "alam mo kung bakit?" tanong ni Kim kaya napatingin kami sa kan'ya. umiling naman itong isa, bago mag salita si Kim ngumisi muna s'ya at mukhang alam na namin ang sagot sa tanong n'ya.. "Pwet mo may Rocket!" sabay sabay naman naming sagot pati si Krystal na unang araw naming kasama, nakisabay! "alam mo din un?! omg! kasama ka na talaga sa squad namin," maarteng sabi ni Danica kaya nagtawanan lang kami at kwentuhan habang kumakain. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD