Chapter 30

2272 Words
++++++++++++ Nicole's POV "Paano na ko pagnawala si Mama? Paano na ko pag di sya naoperahan? Pero san naman ako kukuha ng pera pampaopera. Masyadong malaking halaga ang kailangan para maoperahan sya." iyak ko habang nasa parking lot Iyak lang ako ng iyal dito sa parking lot dahil kailangang operahan si mama dahil nagkaroon ng komplikasyon ung puso nya.. malaking halaga ang kailangan para mapaoperahan sya. San ako kukuha ng ganun kalaking halaga! Shete! Sila tita ako pa ang sinisisi kung bakit nangyayari kay mama to. "ibenta ko na lang kaya kaluluwa ko? ung parang ghostbride? waaaah! hindi pwede takot ako sa multo!" napapagod na ko mag isip.. "Pwede ko sanang sabihin kay Danica kaso nakakahiya sa kanya. Masyadong malaking halaga un. buti sana kung 100 lang.. hindi ih! Halos kalahating miyon? masyado na un.." Habang nakayuko't umiiyak kakaisip kung san kukuha ng pera biglang may isang pares ng paa akong nakita pag taas ko ng tingin may isang lalaking nakatingin sakin, medyo madilim kaya hindi ko gaano makita ung mukha nya. "Bakit po?" tanong ko sa lalaking nakatingin sakin. "Wala pong pera ang mama ko kaya kung kikidnapin nyo po ako, wala po kayong mapapala." inunahan ko na baka kidnapin ako talaga namang wala syang mapapala sakin. "Wala akong mapapala sayo pero ikaw may mapapala ka sakin." bigkas ng lalaking nakatayo sa harap ko. "Kanina pa kita tinitignan at narinig ko ung mga hinaing mo. Kailangan mo ng pera para sa pagpapaopera ng mama mo, tama ba?" Tumango naman ako bilang tugon "Kaya kitang tulungan." pagpalatuloy nya. Bigla namang nagliwanag ang mukha ko pero bigla ring kinabahan ng maisip kung anong pwede nyang gawin sakin. "Sir! Kailangan ko po ng pera pero hindi ko ho gustomg ibenta ang dignidad ko." paliwanag ko sa kanya. tanging kunot ng noo lang ang naging sagot nya sakin. "Mahal ko ho ang mama ko pero hindi pa po dumating sa punto na ibebenta ko ang puri ko para makakuha ng perang ipang oopera sa kanya. Siguradong magagalit un sakin pagnalaman nyang ganun ang nangyari sakin para lang maoperahan sya." Dagdag kong paliwanag habang nag uumpisa na namang umiyak. Bahagya syang natawa pero tumikimdin agad. "Hindi un ang ibig kong sabihin." pag lilinaw nya sa sinabi nya kanina. Bahagya naman akong nahiya kasi naman hindi nililinaw ih.. "I have a Deal with you." pag uumpisa nya na medyo kinabahan naman ako.. Deal daw ih, kasunduan daw ih.. waaaah! ano un?!!! "be my Boss Wife and we will help you, save your mother's life" Anudaw? Boss what?!!!! Wife? as in Asawa?!!! Huy!! Kaka21 ko lang last month tas asawa agad?!! Mukha naman nahalata nya ang gulat sa mukha ko kaya nagsalita ulit sya "You don't need to show or do the things Married Couple do. You just need to sign a Marriage Contract and that's it. Wala ka ng ibang gagawin pa." pagtatapos nya sa sinasabi nya. "So parang hihiramin nyo lang un pangalan ko? parang ganun ba un?" paglilinaw ko kasi medyo naguguluhan ako ih. ipapakasal ako pero hindi naman kami magkikita? ganun ba ung ibig nyang sabihin? ganun naman diba?! "Yes!" pagsang ayon nya sa sinabi mo. "We just really need a woman's name." dugtong nya pa. "And i know you also need a money for your mother's operation. If you accept it your she will undergo the operation right after you accept it." sabi nya pa. Mas lalo namang lumiwanag ang mukha ko kung kanina ay punong puno ito ng luha ngayon naman.. Saya at halong pagkabahala ang nasa itsura ko ngayon. Parang gusto ko ng tanggapin pero nagdadalawang isip pa din ako kasi pag nalaman ni mama to panigurado magagalit un.. Pero malaking tulong ang gagawin ng lalaking to kung tatanggapin ko ang alok nya... Pipirma lang naman diba? Nawala ung pagiisip ko ng malalim ng makarinig ng tunog galing hospital.. kinabahan ako baka kung anong nangyari kay mama.. Kaya naman napatakbo ang ng wala sa oras at di na inisip ung lalaking kausap ko kanina.. Ah bahala sya! kung talaga desisyon sya iintayin nya ko o susunod sya. Hahahahaha Pagpasok ko sa Hospital na kita ko sila Tita at Tito na papunta sa ER.. mas lalo akong kinabahan dahil baka mawala na ng tuluyan sakin si Mama. Lumapit ako kila Tita para tanungin kung anong nangyari pero imbis na sagutin ang sagot mo bigla naman nya kong sinampal ng sobrang sakit! Di ko na napigilang hindi umiyak. "Wala ka pa ding nahahanap na perang pang opera kay Ate Janice?! Wala ka pa ding ginawang paraan?! Tandaan mo dahil sayo kaya andito si Ate!" pagalit na sigaw nya sa akin na may kasamang pag iyak. "Tita, hindi naman kasi ganun kadaling humanap ng ganun kalaking pera.. Pero sige po pag nalaman ko na ung lagay ni mama ngayon. Maghahanap ako ulit . Pasensya na po talaga." Sabi ko na nakahawak sa pisnging sinampal nya at umiiyak na din. "Dapat lang dahil kung hindi mo pinilit mag aral sa Aim High College na yan edi sana hindi na nagtatrabaho si Ate. Kung sana hindi ka nagpilit na mag aral ng College na yan at nagtrabaho agad, edi sana wala si Ate Janice ngayon dito!! Dahil sayo! Simula ng dumating ka nagkanda letche! Letche ang buhay nila Ate Janice!" Mas lalo pang galit ang boses nya at gustong gusto na kong sugurin ng sampal at sabunot buti na lang hawak sya ni Tito Ben. Natigil na lang ang pagsigaw ni tita ng lumabas ang doctor na tumingin kay mama. sabay sabay kaming lumapit pero agad akong tinignan ni Tita Jazz ng masama kaya nanatili na lang ako sa likuran nila kung saan naririnig ko parin ang sasabihin ng Doctor. Tumikim sya at seryosong tumingin sa amin isa isa. "Tatapatin ko na kayo, Hindi maganda amg lagay ng pasyente." Paguumpisa nya "Mas lalong tumitindi ang paminsanang paghinto ng puso nya. Kung hindi sya agad maooperahan, baka sa susunod na paghinto ng puso nya ay hindi na sya makarecover at tuluyan ng mabawian ng buhay" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.. At agad naisip ang lalaking nag alok sakin ng Deal kaya naman tumakbo ako palabas ng Hospital at agad na hinanap ang lalaki sa dati kong pwesto.. Kailangan kong magdesisyon. kahit hindi ko sya kilala! Laking pasalamat ko na andoon pa sya at mukhang inaantay ang sagot ko. Habol hininga akong tumapat sa kanya at sinabing "Pumapayag na ko sa Deal mo, basta siguraduhin mo lang na maililigtas si Mama. please! i need your help.. I don't want to lose her." at di ko na napigilang hindi umiyak. Wala na kong paki kung hindi ko sya kilala o ung Boss nya ang kailangan ko lang ngayon ay ang maoperahan si Mama at gumaling sya. "I will ready all the papers and legal document that need you to sign." sabi nya "See me here tomorrow night. btw, i want to know you name Miss." dagdag nya pa. "Nicole. Denzie Nicole Ferrer yan ung buo kong pangalan. kailangan mo yan diba para dun sa Marriage Contract?" Sabi ko sa kanya ng may halong pa ding hindi pamaipintang mukha. Agad naman syang tumango at sinulat ang pangalan ko.. Pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. Nakipag usap lang sya dun saglit tas ibinaling sakin ulit ang tingin ng tanungin nya kung anong buong pangalan ni Mama. "Janice. Janice Santos" sagot ko sa kanya Nagtataka man, sinabi nya pa din sa kausap nya ang pangalan ni mama pagkatapos ng ilang usap, binaba na nya un at tumingin sa akin na parang nagtatanung pero hindi na ginawa. Tumikim sya at tumingin na ng deretcho "Your mom will have an operation in an hour. Lahat ng gagastusin at ipanggagamot ng Mama mo ay sasagutin namin. Bibigyan din kita ng kaunting tulong para meron kayong gagastusin ng mama mo pagnakalabas sya." mahabang litanya. Wala sa sariling akong tumango at ngumiti! maooperahan na si mama maayos na ung lagay nya. Bigla syang tumikim at nagsalita "Again meet me here tomorrow night. Same spot. Don't you dare think na umalis dahil mamahanap kita kung san ka man magtago Miss Ferrer." he said with a smirk then he left Wala na kong magagawa ng umalis sya, dun ko lang napagtanto na pumayag akong kunin ang kalayaan kong magmahal at sumaya kasama ang taong mahal ko kapalit ng Buhay ni mama.. Hayaan mo na siguradong mayaman ang boss nun at pagkailangan nya na ng Anullment, hahanapin ako nun at makikipaghiwalay. Para kay mama! wala ng arte pa! aja! Katulad nga ng sinabi ng lalaking hindi ko kilala, pagbabalik ko sa loob ng Hospital inaayos na ang ibang kailangan para operahan si mama. Tahimik lang sila Tita Jazz at Tito Ben ng dumating ako. Hinayaan lang ako ni Tita na andun habang inooperahan si mama. Lumipas ilang oras at laking pasalamat namin ng sinabi ng Doctor na naging successful ang operasyon at kailangan na lang magpahinga ni mama. -------- "Buti may nakuha ka ng pampaopera kay Tita Ja?" sabi ni Kim isa sa mga kaibigan ko na dumalaw nung umaga sa hospital. Bumuntong hininga na lang ako at tumango sa kanya "Ou. Kailangan ih... kung hindi baka mapatay na ko ni Tita Jazz. Hehehe" sabay kuha ng dala nilang tinapay. "Pansin ko nga. may pasa ka. Tsk!" sabi naman ni Tala Di ko pwedeng sabihin sa kanilang tatlo ni Danica at Tal ung ginawa ko kasi panigurado.. kikitilin nila ang buhay ko.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA "Basta anything you need don't hesitate to call or tell me ah!! i'm more than willing to help! Even sila mommy, daddy and of course kuya dan.. They actually asking kung kumusta na si Tita." si Danica yan.. Saming apat sya ang pinakamayaman. ewan ko ba bat naging kaibigan ko tong babaing toh? mayaman, maganda at higit sa lahat maarte! HAHAHAHAHAHA. choss! kahit ganyan yan labs namin yan nila Kim. Tumango ako at pinagpatuloy ay pagkain.. Iniisip ko pa din ung Deal namin ng lalaking yun.. Basta bahala na, hanapin nila ko kung kailangan na nila ung Anullment. Kinagabihan umalis na ung tatlo, babalik na lang daw sila pag gising ni mama. sabi kasi ng Doctor she needs rest kaya matatgalan bago sya magising. Ako naman eto at nag aantay na sa lalaking kausap ko kahapon, kung san kami nagkita. Napatayo ako ng maayos ng may nakita akong isang pares ng sapatos.. Pagtingin ko ung lalaking kausap ko kahapon ay andito na at may mga dala syang envelope na panigurado ko ay un ung mga Legal Documents na sinasabi nya. Hayss.. eto na ba talaga un? 'Ay hindi Nicole! Joke lang to! naoperahan na mama mo diba?!' "Let's go." Gulat na napalingon ako sa kanya "Dun tayo sa Rooftop mag usap para mas magkalinawan tayo." at nauna na syang naglakad.. Di ko pa pala alam ang pangalan nitong lalaking to pati mukha hindi ko masyadong nakikita kasi naman ih... Nang makarating kami sa pinakataas na palapag. Mas madalim dito ng unti kesa sa parking.. Hay naku! pag may ginawa talaga tong iba sakin.. ilalabas ko ang pagiging Lovely Kim ko. HAHAHAHAHA Nagulat pa ko ng bahagya syang tumikim at inilabas ang mga hawak nyang papel. Di ako tanga para hindi malaman un.. Alam kong ayun na ang mga Legal Documents na sinasabi nya katulad ng Marriage Contract.. "Like what i said to you last night, You just need to sign this contract and we're done." Paumpisa nya habang inaayos ang mga papeles "Wala ka ng iba pang gagawin." sabi nya sabay tingin sa akin at abot ng mga papeles. Tumango naman ako at kinuha un. Tinignan ko muna ang mga yon at nakakapagtaka dahil hindi nakasulat dun ang pangalan ng boss nya. Tinignan ko naman sya at nagulat pa ko dahil nakatingin din pala sya sakin. "Hindi ko muna nilagay ang pangalan ng Boss ko dahil ayokong malaman mo ang pangalan nya and also for his own safety na din." mukhang nakakuha nya ang ikinatataka ko. Bumuntong hininga ako at pinirmahan yun. Wala na kong magagawa kailangan kong gawin to dahil naoperahan na si mama. "Kung kailangan nyo naman ng anullment, hahanapin nyo ko diba?" sabi ko habang inaabot pabalik sa kanya ang mga papeles. Kinuha nya naman un at tinignan kung tama ba ang ginawa ko. Nung nasiguro nyang maayos at walang magiging problema agad syang may kinuha sa suit nya at inabot sa akin. "Here take this it's for you and your mom." Sa di ko malamang dahilan hindi ko tinanggap ung inabot nya at tumalikod para umalis. Medyo naoffend ako sa nangyari pero hindi naman dapat kasi pangalan lang naman ang binenta ko sa kanila sa sobrang desperada ko. "Sorry. I didn't mean to offend you. I just want to give it to you for your mom financial assistance." Paliwanag nya ng pinigilan nya ko sa tuluyang paglalakad. "You will need it once na nakalabas sya dito sa Hospital. Tama ba?" Napahinto naman ako at narealize na may tama naman sya. Pero kasi... hay! hayaan na nga wala ng panahon para maginarte! pumayag na naman ako sa Deal na to ih. Agad ko din inabot ang sobre at nagpasalamat sa kanya.. Hay! di ko mapigilang hindi maiyak dahil sa pangyayaring ito. Pagbalik ko sa kwarto kung saan nagpapahinga si mama, sobrang natuwa at nawala lahat ng pagsisisi sa ginawa ko dahil nakita ko si mama ngayon na nakangiting nakikipagkwentuhan kila Tita. Naiyak na lang ako kaya agad nilang napansin ang presensya ko. Patakbo kong tinungo ung pwesto nya at niyakap ko na lang si Mama ng todo at umiyak sa kanya.. Hahayaan ko ng hindi ako makapag asawa. Basta kasama si mama, okay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD