Chapter 31

2632 Words
++++++++++ Present Nicole's POV Nakaupo pa din ako din sa gutter ng Main Office ng NSO. Di pa din makapaniwala na, Yeah! I f*cking married to My Boss! Syeteng palaka! Ilang ulit ko ng binasa ung Cenomar ko at ayun pa din ang nakalagay! Deputik! Nawala ang pag iisip ko ng tumunog ung phone ko. Si Kim, bakit kaya? Huminga muna ko ng malalim bago ko sinagot ung tawag. "Oh? Bakit?" Bungod ko sa kanya [Wow! Hello ah! Pauwi ka na? Sino kasama mo? Pasundo ako.. may gagawin daw si Hens ih.] Sagot nya sakin Hay naku! Wala naman akong kotse nuh?! Hens?! Yuck talaga yang ganyang tawag kay Sir Henry! And yes! Sila na ni Sir Henry. Ahm... Mag iisang taon na ata.. not sure.. Nalaman ko lang nung pinaalis ako ni Tita ng apartment na tinitirhan namin ni Mama. Tapos si Kim ang nagpatira sa apartment na tinutuluyan nya malapit sa ME tapos pag punta namin dun sakto namang dating din ng magaling naming professor at ayun! Huli silang dalawa! "Si Marky ang kasama ko. Kapal ng mukha girl! Hahaha. Ano ba daw kasing gagawin nyang ni Sir Henry?" Sabi ko at umirap pa. "Sa company nila. Sige na.. libre kita ng lunch bukas! Labyu. Ingat!" Sabi nya at nagpaalam na. Libre ng lunch? Rest Day nya bukas! Sira ulo to! Dahil hawak ko na din ang phone ko. Tinawagan ko na din si Marky at sinabing tapos na ko. Pag kababa nun... Tumitig na naman ako dun sa papel na kanina ko pa hawak tapos umiling! Apaka galing talaga ng buhay mo Nicole! Napakamapaglaro! Itinago ko na sa envelope ulit tapos inilagay ko sa bag ko. Malaki naman kaya kasya at hindi malulukot. Ilang minuto lang ang hinintay ko dumating na si Marky. "Nakuha mo ba ung kukunin mo?" Tanong nya sakin. "Ou. Di naman mahirap." Sabi ko at lumapit na. "Ikaw mag drive Nics! Papahatid ako sayo." Sabi nya ng nakangiti at binato sakin ung susi. Anapaka galing talaga! "Sabi ko na ih! May hidden agenda yang pagsundo mo sakin ih." Sabi ako inambahan pa sya "Hindi naman. Kanina lang habang inaantay ka tumawag si Lin. Nagpapasundo mamayang mga 5pm. Sabi ko kasama kita at may dala akong kotse sabi nya padrive ko na lang daw sayo. Tas magpahatid na din daw ako." Sabi na at parang wala lang. Ah! Ang galing talaga nito! "Fine! Sinundo mo naman ako. Pero papasundo din sila Kim at Tal." Sabi ko sa kanya habang kinukuha ung susi nya Isa si Marky na naging kaibigan ko kahit tapos na ang college days ko. Meron pa namang iba, ang bandang Adhika, si Alas, tapos ung buong Block D. Nagkaroon kami ng gc at gusto ngang magreunion kaso may mga busy at may mga nasa ibang bansa kaya hindi magawa. "Sige! Hatid mo muna ko tas ska ka na pumunta kila Kim. Okay ba un? Hahahaha" sabi nya at pumasok na ng sasakyan nya. Umiling na lang ako tapos pumasok na din. Habang nagdadrive ako. Naiisip kong pupunta ako sa Kompanya ng Asawa ko! Nak ng teteng! Napailing na lang ako. "Anong iniiling iling mo?" Sabi ni Marky "Wala naman. May naiisip lang ako. San kita hatid?" Tanong ko sa kanya para maiba ung topic. "Bilis mag palit ah! Hahaha. Sa company na lang nila." Sabi nya at pumikit. "Kopya bossing! Hayop!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pag dadrive. Natawa lang sya pero nakapikit pa din. Nung nakarating kami ng company nila Celine, bumaba naman sya at sinabing kukunin na lang daw sa apartment ko ung kotse nya. Ou! Naging sila din ni Celine. Paarte yan si Marky ih. Nung nanalo kami ng BOTB nung 2nd year kami. Umamin din sya kaagad kay Celine tapos nanligaw sya. 3rd na ko nalaman ko na sila na. Hahaha. Busy ako nun kaya di ko natuunan ng pansin ang pang aasar sa kanya. Hahaha Nagdrive na lang ako agad papuntang ME dahil ang madam ko baka magalit sakin! Kainis to! Medyo trapik kaya alam kong pagdating ko dun nasa labas na sila pero hindi ko inexpect na kasama nila si Sir Keith at Mr. Monticlaro. Minsan ko na din naman silang nakasama sa paglabas dahil nga si Kim ay Girlfriend ni Sir Henry na kaibigan ni Mr. Monticlaro at Sir Keith na boyfriend naman ni Camille na naging kaibigan namin sa ME. See?! Small Wolrd! Ang putik! Kainis! Tumapat naman ako sa kanila para sana ibaba ko na lang ung bintana kaso nakalimutan ko na pabebe pala tong kaibigan ko. "Ayan na po ung napakabagal naming sundo!" Rinig kong sabi ni Kim ng bumaba ako. Aba! Kapal talaga nito! Pasalamat sya at andyan ung mga boss namin kundi sinabunutan ko na to! Nalatingin naman ako sa dalawang lalaking nakatingin din pala sakin. Ay putik! Kung dati nahihiya ako, mas ngayon ako nahihiya! Letchugas! Asawa ko lang naman ung isa dyan na ngayon ko lang nalaman! Ibig sabihin si Sir Keith ung lalaking kausap ko nung araw na un.. bakit kasi hindi ko tinanong ung pangalang?! Bobo mo Nicole! Sa sobrang inis ko sa sarili ko... Nahampas ko ung ulo ko ng kamay ko. Ang sakit pala! Sorry self! "Hoy! Nabaliw ka na? Ako na lang hahampas sayo para naman sulit! At bakit titig na titig ka kila Sir?" Sabi ni Kim kaya nabaling ang tingin ko sa kanya "Eh kung ikaw kaya ang hampssin ko?! Nang lumabas yang inaanak ko agad?! Gusto mo?" Sabi ko at lumapit sa kanya tapos tumingin ulit dun sa dalawa kong boss at bumati. "Magandang Hapon po Mr. Monticlaro at Mr. Ramos. Pasensya na po sa abala nitong pangit kong kaibi-Aray!" Bati ko at aray ko na din dahil sa hinampas ako sa braso ni Kim. Ang sakit! Pasalamat talaga to at buntis sya ih! Kundi ginantihan ko na to! Ou! Buntis yan.. 4 months! Bilis diba? Hahaha. "Okay lang Ms. Nicole. Binilin din naman sya ni Papi Hens. Kaya okay lang. May kotse ka pala?" Sabi ni Sir Keith. Ou nga! Kaboses nya ung lalaking nakausap ko?! Bakit ngayon ko lang narealize! Sabi ko na ih.. may kaboses sya hindi ko lang alam kung sino kasi hindi ko naman talaga alam ung pangalan. But it turns out na sya nga un. "Pasensya na po kayo ah! Malalim po talaga mag isip tong babaeng to. Maganda lang pero di maarok ang iniisip. Hoy! Tinatanung ka! Pero ou nga?! May kotse ka?" Sabi ni Kim Nakatulala na naman ata ako.. ano ba yan kasing iniisip. Pero wait?! Kasalanan ko ba? Ih naaalala ko ung gabi na un ih! "Ahm.. sorry po.. napatitig, may naalala lang po ako sa boses nyo. Anyway! Hindi po sakin yan. Sa kaibigan lang." Sabi ko at bumaling kay Kim. "Kasama kita halos araw araw tas tatanungin mo ko?! Okay ka lang? Yan na ba nagagawa ng pagbubuntis? Ayaw ko na tul-" Naputol ang sasabihin ko ng magmura si Sir Miggy "What the F*ck!" Mura nya habamg nakatingin sakin.. mahina lang un pero rinig namin dahil nga magkakalapit lang kami. Natawa naman si Sir Keith sa reaction nya at ako naman nakatulala... Ano bang sinabi ko? Ska ko lang narealize ung sinabi ko at ung nalaman kong sitwasyon ko... Nahampas ko na lang ung noo ko sa katangahan ko! "Sorry.. gusto ko kasi nitong isa na magkaanak kaya ganyan sya kung magreact pag nakakarinig ng ayaw mag anak! Hahahahahahahaha" sabi ni Sir Keith "Shut up Keith! Hindi nakakatawa!" Madiin na sabi ni Sir Miggy pero nakatingin pa din sakin Ah. Gusto nya pala mag anak! Sorry na lang sya. Hindi ko gusto! Hahahahahaha "Ah. Ganun po ba? Pasensya na po.. balik po ako sa sinasabi ko...." Sabi ko at tumingin ulit kay Kim. " Kay Marky to. Sinundo ako tas nagpahatid kay Lin tapos ako na pinagdrive nya. Kukunin na lang daw nya sa apartment. Bukas ata o mamaya." Sabi ko sa kanya. "Ahh... Sayang nuh? Pwede sanang jowain mo na lang si Marky kaso may Celine na.. hahaha. Si Alas na lang kaya o si Kenny! Para naman may lovelife ka na Nics!" Sabi ni Kim na para frustrated kasi wala akong lovelife. Tawa naman ng tawa si Keith habang ung isa parang pinagsakluban na mg langit at lupa ung mukha... Ngayon alam ko na bakit ganyan sya pag pinag uusapan ang lovelife ko kasi, wala namang nakakaalam na kasal na ko at sa kanya! Si Keith lang tas noon hindi ko pa alam na sya un... Hayaan ko sya dyan. Pero ska ko na kakausapin pag nakapaghanda na ko ng tanong! Hay! Pero teka! Bakit pala si Kim lang andito? Asan ung dalawa. "Asan pala si Krystal pati po si Camille?" Tanong ko para maiba na din ung topic "Bilis mo talaga magpalit ng topic! Andun pa sa loob, pinapagalitan pa ni Sanya! Hahahaha. Wala ka kasi ih." Sabi ni Kim at tinuro pa ko. Napakunoot ang noo ko dun! Bakit sila pinapagalitan? Bida bida na naman un si Sanya! Sabay sabay lang naman kaming nakapasok. Nagkaiba lang kasi Ako Team Leader sa Resort and Hotel, sya naman sa Hotels lang at under nya sila Tal at Camille. "Anong problema na naman ng espasol na un? Bakit?" Tanong ko Nakikinig lang naman samin sila Keith at Sir Miggy. Hindi pa talaga sila aalis nuh? Alis na kayo.. madaldal lang ako pero naiilang na ko sa titig ni Sir Miggy.. ngayon lang naman... Dati pa naman nya ko tinititigan kaso kasi ngayon alam ko na... "Eh kasi may hindi ata natapos ung Team nila tapos napagalitan ni Ms. Divine.. ayun edi ibinahagi nya ung galit ni Ms. Divine sa mga hawak nya... Wala ka dun para pigilan at kastiguhin sya kaya ganyan sya. Di na nya magagawa bukas kasi andun ka kaya ngayon na lang. Hahahaha. Alam mo naman un feeling reyna pag wala ka!" Sabi ni Kim Bunganga talaga! Walang preno.. nakakahiya baka sabihin ang yabang ko! "Ah... Sira ulo! Kawawa naman sila Tal at Cams... Napagbuntungan pa... Magantihan nga bukas... Hahahaha. Tapusin natin ung hindi nya matapos! Hahahaha. Aray! Jk lang!" Agad kong sabi dahil binatukan ako ni Kim Natawa naman ulit si Keith at parang gustong gusto ung narinig nya galing sakin. Nga pala andyan pa ung mga Boss! Sorry naman... Nakakainis kasi ung Espasol na un! "Sige nga Ms. Nicole.. pakigantihan para kay Camille..." Sabi nya at tumatawa pa din. Argh! Naalala ko na naman ung boses... "Oh? May basbas! Aray! Ayoko na talaga magbuntis... Nakakapanakit na! Nakakailan ka na Kimberly ah!" Sabi ko kasi naman kanina pa hampas ng hampas Kahit naririnig kong napapamura si Mr. Monticlaro, sorry naman. Hindi ko naman intensyon atska hindi naman tayo magsasama diba? Un ung sabi ni Keith ih... "Nicole!!!!!!" Rinig kong tawag sakin ng kung sino kaya napatingin ako sa Entrance ng Building ng ME. Nakita ko dun sila Tal at Cams na parang inis na inis.. "Nicole!!! Inaway kami nung espasol na un... Pinagbuntungan pa naman kami ng inis nya kasi pinagalitan sya! Sa kanya pinagawa un ih!" Parang batang sumbong ni Camille. Seriously sakin talaga sya mag susumbong andyan ung jowa nya?! Sabunutan ko to ih! "Hayaan nyo na. Kulang lang un sa pagmamahal. Hahaha. Kayo kasi sobra sobra na ih! Lalo ka na." Sabi ko sabay turo kay Cams na lumingon kay Keith. "Bakit? Wala ka rin namang lovelife ah! Bakit hindi ka naman ganun..." Sabi ni cams at lumapit kay Keith. "Hi Babe!" Sabi nya at halik sa pisngi ni Keith Ih... Di ko maimagine na gaganyan ako. Hahahaha. Automatic na nalipat ung tingin ko kay Sir Miggy na nakatingin din sakin kaya umiwas ako agad.. baka makahalata. "Ih... Si Nicole naman kasi mayaman sa pagmamahal ng mga kaibigan kaya kahit walang lovelife masaya." Sabi ni Tal na yakap sakin. Ih... Yan ang gusto ko kay Krystal... Never akong inireto sa kahit na kanino.. hahaha "Hay may kakampi na din ako sa wakas!" Sabi ko "Mga wala kasing lovelife!" Sabi naman ni Kim. "Iwan kaya kita dito! Gusto mo?! Kanina ka pa!" Sabi ko at tinawanan lang ako. "Si Marky nag sundo sayo sa NSO office? Nakuha mo ung mga kukunin mo?" Tanong ni Tal Shit! Bakit nya pa binanggit ung ginawa ko dun... Ay putik! Napatingin ako kay Keith na parang nagulat na napatingin kay Mr. Monticlaro na sya namang nakatitig sakin. "Ou... nakuha ko na ung DC ni Mama." Sabi ko at binuksan na ung kotse. "Rarara! Uwi na tayo at baka maTMI pa... Hahahaha" sabi ko kinuha ung mga gamit ni Kim "Eh... Ung isa mo pang kukunin ung Cen-" bago pa matapos ni Tal ung sasabihin nya sinagot ko na agad sya... Apaka daldal naman kasi! "Hindi! Hindi ko na kuha! Hindi daw pwede! Kaya hindi! Hindi ko na kuha! Okay na? Sakay!" Sabi ko at nagulat naman sila pero tinawanan lang ako ni Keith... Inaalalayan ko kasi si Kim na makasakay kaya hindi ko sya napansin na sumagot... "Edi Hindi! Nagtatanong lang kung nakuha mo ung sinasabi mong cenomar... Ewan ko ba bakit kukunin mo un? Hindi ka pa naman ikakasal at hindi ka pa naman ka-" di na naman nya natapos dahil sumigaw ako. "Krystal Jane! Apaka daldal mo! Sakay na!" Sabi ko at nagmadaling umikot sa driver seat ng masigurong okay na si Kim Rinig na rinig ko ung tawa ni Keith at inis na inis ako! Argh! Ngayon ko lang nakitang ganyan si Tal. Papasok na sana ako ng maalala kong nakakabastos pala kung hindi man lang kami magpapaalam.. kaya kahit ayoko ay tumingin muna ko kila Camille, Keith at Ung isang lalaking kaninang masama ang mukha ngayon ay nakasmirk at parang sinasabing 'Now you know.' "Una na po kami. Ingat po kayo sa pag uwi." Sabi ko at kay Camille lang nakatingin. "Ingat Ms. Nicole. Hahahahaha. I guess now you know why i still call you Ms. Nicole. Hahahaha. And wear that ring in your necklace. It's a sympol of you know. Hahahahahahaha." Natatawang sabi ni Keith. Naguguluhan man nagpaalam na din sakin si Camille. "Bye Nics! Ingat kayo ah.. wag masyado mabilis magpatakbo." Sabi nya kaya nginitian ko lang sya pero nawala un agad ng marinig ko ung boses ng isa sa iniiwasan ko dapat ngayon. "Take care. And see you in my office tomorrow Ms. FERRER." sabi naman ni Mr. Monticlaro na nakasmirk ulit. At talagang emphasize ung FERRER! Napapikit na lang ako at pumasok ng kotse. Bumusina muna ko at ska nagdrive. Tahimik lang naman kami, ako iniisip ko ung sinabi ni Sir Miggy, na see you at my office!argh! Nakakainis! Di naman porket alam ko na na sya ung asawa ko, gaganyan na sya! Habang nag iisip ako biglang nagsalita si Kim. "Nics! Kanta ka nga.. kahit ano.." sabi nya sabay himas sa tyan nya.. "Bakit? Nasakit na naman?" Tanong ko pati si Tal na naglalaro sa phone nya kinabahan. "Ou eh. Kanta ka lang... Kumakalma sya pag naririnig boses mo ih.." sabi nya kaya naman kumanta ako... At kumalma nga ung baby nya... Ih... Ang cute! "Ayaw mo ba talaga mag anak?" Sabi ni Kim. Nagulat naman ako, bigla bigla naman to. "Hindi naman sa ayaw... Hindi pa siguro panahon. Hahaha. Atska wala naman akong boyfriend para magpakasal at magpabuntis nuh.." sabi ko at sinulyapan lang sya. "Pero kung meron... Gusto mo?" Tanong ni Tal na nakikinig din pala. "Ou naman.. gusto ko din!" Sabi ko sa kanila. Totoo naman.. gusto ko! Gusto ko din, gusto ko iparamdam sa kanya kung paano ipinaramdam sakin ni Nanang at ni Mama Ja na alagaan at mahalin... Kaya why not?! Pero hindi pa siguro ngayon lalo na at kasal ako sa taong hindi ko naman mahal... Ayokong ibigay ang dapat ibigay sa kanya... Ska na siguro pag nahanap ko na ung taong mamahalin at aalagaan ako at ung magiging anak namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD