Chapter 29

2952 Words
+++++++++++ Nicole's POV 3 week na lang at Graduation na. Tapos na kami magOJT sa Vil Corp at tapos na din kaming magThesis! Mahirap ng unti pero dahil nga nagpapart time na ko dun. Mas madali na sakin kesa sa mga kaklase ko na pinili rin dun. Sayang nga lang at nauna na kaming nakapagpasa dun, kaya nung araw na iannounce na isa kami sa napiling magoOJT sa ME, tumanggi na kami. Nakakahiya naman kila Tito Danny. Sabi namin nila Kim at Tal, pangako namin na dun kami mag aapply pagkagraduate para daw malaki ang sahod! Hahaha. Maganda din kasi doon, dahil nga madami silang Business, nakahati na ung mga nasa Marketing Department. Meron sa Resort and Hotel na nakaasign, Hotel lang at Restaurant. Maeexplore at magagamit mo ung mga pinag aralan mo. Sa Vil Corp, encoding lang ung ginagawa namin at syempre pinapatingin din kami sa mga plan and mga Marketing strategies nila. Yun nga lang, ung ibang pinag aralan namin hindi namin nagamit kasi hindi pa naman kami pwedeng gumawa ng mga ganun. Kaya hanggang tingin lang kami. Nung natapos ung OJT. Thesis naman nung natapos waiting na lang sa Graduation! Makakapagtrabaho na ko, makakapagpahinga na si Mama. Mag aapply talaga ako agad sa ME. Usapan na namin un nila Tal kasi nga gusto din daw nila. Hindi na din ako nagpapart time sa Vil Corp. Nung nalaman ni Tito Danny na kaya ko ginagawa un. Sya mismo ang nagsabi na wag ma at magfocus ako sa pag aaral. Sila na daw ang bahala sa gamot ni mama. Si mama, sabi ko tumigil na sya sa pagtatrabaho pero ayaw nya pa din. Kasi may iba pa daw na gastusin. Kaya kailangan pa din kumayod. At nasabi ko ba na binalik ako sa Student with Allowance.. di ko din alam kung paano pero kinausap ako ng Admin na icoconsider daw ung GPA ko tutal hindi naman ganun bumaba. Nung nagThesis kami kagrupo ko pa din sila Kenny, Bryan, Ivan at Mark. Kami na ung grinupo ni Sir kasi mukha naman daw nagclick kaming lima pati naman ung iba kaya same na lang daw. Buti na nga lang at hindi kami pinahirapan ng Title namin at nung denedepend na namin, naging maayos. Well! Matatalino nga kasi tong mga kasama ko, kaya natapos kami agad. Andito kami ngayon sa Grounds kasi may Company Tour daw. Pupunta kami sa mga possible company na pwede naming pag applyan. Wala pa kaming practice ng graduation dahil nga dito pero after nito next week ata practice na. Madali lang naman siguro un. Hahaha "Okay. Block D! Dun ung van nyo. Sumakay na ung iba. Di kakasya kaya ung iba sa kotse ko na lang. Monticlaro Enterprise naman ang una kaya malapit lang ng unti." Sigaw ni Sir ng makita nyang pumapasok na din sa van ung ibang estudyante. Nagpunta na kami sa Van at ang mga walangyang gentleman namin! Ayun at nauna pang maupo at magpakacozy! Tadyakan ko kaya mga mukha nito. "Hoy! Baka naman pwedeng magpakagentleman kayo. Kami muna ang pumasok!" Sigaw ko sa kanila. "Nicole. Dun na lang kayo sa kotse. Sino pa ba hindi nakakasakay?" Singit na tanong ni Sir Tinignan ko naman tapos na pagtanto ko na ung dalawa kong kaibigan ay nakaupo na at ako nakatayo pa. Kasama ko sa labas sila Calli, Bryan, Irine, Gab, Kenny. Hinanap ko agad ung dalawa at nakita kong nakaprenteng upo pa! Mga walangya! "Grabe! F.O na tayo! Hindi nyo man lang ako inantay?! Nauna talaga kayo at iniwan ako?!" Sigaw ko sa kanila na ikinatawa naman ng buong klase. "Ha? Ay! Si Clare pala ung nahatak ko? Hahahaha. Sorry na Nicole. Hahahaha. Akala ko ikaw?! Kaya pala nasa labas si Irine! Sorry na agad agad!" Sabi ni Kim. "Kaya pala nawala sa tabi ko si Clare, hinatak mo. Hahahaha" sabi ni Irine. Ou nga nuh? Kasi ang andito si Gab at Irine, hindi rin naman naghihiwalay tong tatlo. Nahatak nga ata ni Kim si Clare. "Need ba naming bumaba para kasama mo kami?" Sabi ni Kim sakin "Wag na. Sa iba naman ako sasama, sawa na ko sa mukha nyo, lalo na sa mukha mo. Bye. Ingat kayo. Dun kami kay Sir sasakay. Bleh!" Sabi ko sa kanya at sinara na ung pinto ng Van. Narinig ko naman ung pagtawa ng mga kaklase ko pero mas narinig ko ung pag rereklamo ni Kim. Hahahahaha. Wag ka na magreklamo girl! Sayong sayo si Sir! Hahahahaha "Tara na! Dun tayo!" Sabi ko sa kanila. "Ikaw?! Pinagtripan mo na naman si Kimmy Dora! Hahaha" sabi ni Calli "Yaan mo lang para naman tumahimik ang mundo natin. Hahahaha" sagot ko sa kanya Lumapit na kami sa kotse ni Sir. Di muna kami nagsalita kasi may kausap sya sa phone nya pero nung naramdaman nya ung presensya namin. Tumingin sya tapos nagpaalam na sa kausap nya. "Oh? Iba ata ang circle of friends mo?" Tanong nya sakin. "Iniwan kasi kami sir! Una una kasi si Baby Kimmy ko. Hahahahahahahaha!" Sagot ko kay Sir pero sya sinamaan lang ako ng tingin. Hahahaha Simula nung gabing marinig ko un lagi ko na binabanggit un pero wala akong sinasabi tapos si Sir Henry, titignan lang ako ng masama. Grabe kamo kinabukas nung marinig ko un, talagang pinapunta nya ko sa office tapos dun kinausap. Wag ko daw sasabihin at lalong lalo na wag ko daw banggitin kay Kim dahil baka mailang.. hahahaha. Tinakot pa ko na hindi daw ako gagraduate. Hahahaha Pero mas naging close kami ni Sir. I mean parang friends na din, lalo na at gagraduate na rin kami. "Ah talaga? Maglakad ka na lang kaya Nicole." Sabi nya at binuksan ung kotse nya. Natawa ung mga kasama ko pero ako sobrang tawa ng tawa. "Pasok na kayo. Hayaan nyo yan si Nicole maglakad." Habol nya at sakay na din. Tawa pa din ako ng tawa pati ung mga kasama ko. Pero walang pumapasok tumawa lang sila. Kaya tumigil na ko at huminga ng malalim kasi naman ih... Hahaha "Sorry... Hehehe. Pasok na tayo, aalis na ung van oh.." sabi ki sa kanila kasi parang walang balak na pumasok "Nahihiya kami... Hehehe. Ikaw na mauna." Sabi naman ni Irine. Naku! Magagalit si Sir nyan. "Ou nga. Close naman kayo ni Sir ih.. ikaw na din dyan sa harap. Sige na Nicole." Sabi ni Gab. Bago pa ko magsalita, lumabas si Sir ng kotse. "Pasok na. Alam ko naman ung ME pero baka di tayo macount ni Sir Cy nyo." Sabi ni Sir tapos tumingin sakin. "Ikaw! Simulan mo ng maglakad." Sabi pa nya. "Jk lang naman Sir ih. Di mabiro. Hehe. Peace na tayo Sir!" Sabi ko sa kanya nagpeace sign pa ko para kunwari sincere. "Ou na! Ou na! Pasok na. Sa harap ka na Nics, unahan mo na at uunahan na din tayo ng mga van. Ay wait ilan ba kayo?" Sabi ni Sir sabay tinignan kami. Nung nakita nyang anim kami, tinawag nya si Sir Cy tapos nakipag usap saglit. "Sakin na sila Nicole, Calli at Irine. Sayo na yang sila Gab, Kenny at Bryan." Sabi ni Sir "Okay. The three of you, follow me." Sabi ni Sir Cy Sumunod naman sila tapos kami, pumasok na sa Kotse ni Sir. Nasa harap ako tas ung dalawa nasa likod at tahimik. Sabi ko magheheadset ako at makikinig na lang music habang byahe. Pero mukhang hindi mangyayari. "Nics. Seatbelt mo." Sabi ni Sir kaya naman kinabit ko. Tapos umaandar na din. Pagkaandar nila Sir Cy. Inilabas ko naman ung headset ko tapos ikinabit sa phone ko. "Okay lang kayong dalawa dyan? Tahimik nyo ah. Hahaha" Tanong ni Sir kila Irine at Calli. "Okay lang po sir. Naninibago lang po." Sabi ni Calli "Ah. Wag na kayong manibago. Halos limang taon na tayo magkakasama naninibago pa din kayo?" Sabi ni Sir tapos ngumiti. Hindi ko na narinig ung usapan kasi nagpatugtog na ko pero saglit lang un kasi may humila. Tignan nyo?! Di pa ba pagkakaibigan ung ginagawa ni Sir sakin! "Nag uusap tayo tapos mageheadset ka! Ayan tayo Nicole ih!" Sabi nya at inilingan pa ko. "Kasi sir may inuulit akong recording. Ung tawag sakin nung 3rd year, tapos lasing ung tumawag. Nirecord ko para naman may pangblackmail ako." Sabi ko sa kanya tapos matamis na ngumiti. "Ah ganun ba? Saya ka na nyan?" Sabi ni Sir. "Opo!" Magiliw na sabi ko "Pag igihan mo ah! Para naman matuwa ako sa i-" naputol ung sasabihin nya ng tumunog ung phone nya na nakakabit sa kotse nya "Miggy? Bakit?" Bungad nya [Where are you? Argh! Nevermind. Akyat ka dito sa taas pagdating mo.] Sabi nung kausap nya "G*go! Ay sorry... Hindi pwede! May kasama kaong mga estudyante baka nakakalimutan mo." Sagot nya. Natawa naman kami kaya sinamaan ako ng tingin ni Sir. Bakit ako lang? [F*ck! Ou nga pala. Sige sige. Wala ka din palang kwenta dude! Hahaha. Magsa kayo ni Theo!] Sabi nung lalaki. "Hoy! Mas may kwenta naman ako kesa dun! Bye na nga tignan ko kung makaakyat ako. Si Monique pa din ba pinoproblema mo? Kalimutan mo na un Tol, nagpakuha na sa pinsan mo un." Sabi ni Sir. Nakalimutan atang andito kami. [Tang*na hindi nuh?! I don't care if she wants to s*x all men-] naputol ung sinasabi ng lalaki ng mapasigaw kaming tatlo, si Sir naman nagulat at nakalimutan nga atang andito kami. "My Innocent Ears!" "Ay bulgar!" "Oh my ghad!" Sabay sanay na sigaw namin. Kasi naman masyadong bulgar tong lalaking kausap ni Sir "Sh*t mamaya na nga Migs! Nakalimutan kong may kasama pala ko. Eto kasi si Nicole ih!" Sabi nya at tinuro pa ko. "Bakit ako sir! Ako na nga nakarinig ng mga badwords tapos ako pa may kasalan! Grabe!" Sabi ko at nagpatugtog na lang. Di ko na narinig ung usapan nila. Yuck! Nakarinig na naman ako ng mga bad words! Nakarating kami ng ME at nag ikot ikot na din. Dinala kami sa Marketing Department, Management Department, Finance at HR. Malawak talaga to. "Guys! We will go now to our Big Conference Room there you will meet Mr. Monticlaro and his son." Sabi nung nagtotour samin Habang naglalakad papunta dun sa Big Conference Room, tumingin ako sa phone ko baka kasi may text si Mama pero hindi text ni mama ang nakita ko. 5 missed calls from Mama 2 missed calls from Tito Ben 1 missed call from Tita Jazz At isang text na galing kay Tita Jazz. From: Tita Jazz Peste kang bata! Habang ikaw nagpapakasaya sa buhay mo! Ung ate ko nag aagaw buhay na, dito sa ospital!! Ang kapal ng mukha mo! Pagnamatay ang ate ko ng wala kang ginagawa! Ikaw ang papatayin ko! Pagkabasa ko nun bumagsak ung phone ko kaya Napatingin sakin sila Kim pati na din ung iba. "Huy... Anyare? Bakit?" Sabi nya. "S-Si Ma-ma... Na-sa ospital..." Nauutal na sabi ko sa kanya at nagsimula ng umiiyak Nagulat naman sya tapos niyakap ako. Nakatingin na din ung iba, Si Tal naman napatakip ang kamay sa bibig... Bigla na lang lumapit samin si Sir Henry. "Nicole, Kim.. bakit? Anong nangyari?" Sabi nya naramdaman ko naman na umangat ang ulo ni Kim. Tapos narinig kong pinaalis na ni Sir ung ibang estudyante. Si Kim, Tal, Sir Henry at Ako na lang ang andun... "Sir. Uuwi na po ako. Di na po ako sasama sa Conference Room. Pasensya na po..." Sabi ko habang nag pupunas ng luha. "Sige. But are you sure you're okay? Hatid na kita, sama na din kayo." Alok nya Umiling naman ako. "Hindi na po. Kaya ko naman po." Sabi ko at tumingin ako sa dalawa. "Wag na kayong sumama ha. Dito na lang kayo para baka magustuhan kayo makapasok pa kayo agad dito. O-okay lang ako." Sabi ko sa kanila at inayos na ung mga gamit ko na nahulog at ung buhok ko. "Nics... Sama na kami sayo." Sabi ni Kim "Hindi na gaga! Okay lang. Baka madawit ka pa sa galit ni Tita Jazz. Sanay naman na ko. Kaya okay lang ako." Sabi ko tas tumingin kay Sir. "Sir! Pigilan nyo nga yan si Baby Kimmy." Pilit kong tawang sabi Pero nakatingin lang sila at walang paki alam. "Hehe. Alis na ko baka mapatay pa ko ni Tita Jazz..." Paalam ko at tumalikod na. Madali akong naglakad at sumakay ng Elevelator. Tapos pinindot ang GF para makababa. Paglabas ko... Kahit wala na kong pera, nagtaxi na ko habang tumatawag kay Tito Ben. ----------- Andito na ko ngayon sa ospital na sinabi ni Tito Ben, dito daw sinugod si Mama dahil dito din daw si mama nagpapacheck up... Patakbo akong pumasok at pumunta sa Emergency Room ng Hospital. Nung nakita ko si Tito Ben, agad akong pumunta dun at tinuro nya sakin kung asan si Mama. Naiyak ako nung nakita ko si Mama, may tubo na nakakabit sa kanya at may malaking tangke na nakasupport sa kanya. Okay pa sya kanina bago ako umalis... Sabi nya papasok pa sya ng trabaho bakit naman biglang magkaganto... Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kay Mama ng may malakas na palad na dumampi sa pisngi ko.. "Ikaw ang may kasalanan nito! Kelan mo pa alam na may sakit si Ate ha?! Kelan pa?!" Sigaw nya sakin. Nakayuko lang ako at iniinda pa ung sampal nya sakin... "Kelan?! Sumagot ka! Wag mo kong iyakan dahil hindi ako madadaan sa iyak Nicole! Sagutin mo ko!" Sigaw nya ulit sakin "L-Last year pa po.. pinatingin ko po ung sinasabi nyang Vitamins kasi lagi ko na syang nakikitang hinahapo tapos kinompronta ko sya at tinanong kung anong meron tapos uma-" naputol ung paliwanag ko ng sampalin na naman nya ko. "Letche ka! Alam mo na pala pero hinayaan mo pa ding magtrabaho si Ate! Bakit? Para makasabay ka sa mga kaibigan mong mayayaman?! Para kunwari mayaman ka din kasi sa Aim High mag aaral?! Ang kapal ng mukha mo! Baka nakakalimutan mong pinulot ka lang ng Ate ko sa Pangasinan dahil naawa sya sayo! Kung ako sa kanya dapat hinayaan na kita kasi ikaw naman ang dahilan kung bakit namatay ung Asawa nya!" Sigaw nya sakin "Pinatigil ko naman na po sya pero ayaw nya talaga.. puma-" sampal na naman ang pumutol sa sasabihin ko. "Sinungaling! Walang maniniwala sayo! Kaya hindi makatigil si ate sa pagtatrabaho dahil nanghihingi ka ng nanghihingi kay ate para makasabay ka sa mga layaw mo dyan sa eskwelahan mo! Pinagod mo sya ng todo Nicole!!" Sigaw nya sakin. Hindi naman ako nakabawi agad ng bigla nyang hawakan ang buhok ko at kaladkarin pa punta kay mama. "Ayan! Tignan mo ung ginawa mo sa Ate ko na nagkupkop sayo! Tignan mo kung anong lagay ngayon! Wala kang konsensya! Alam mo ba un?! Tapos asan ka kanina ng tumigil ung pintig ng puso nya?! Asan?! Andun at nakikipagsusyalan ka sa mga mayayaman mong kaibigan!! May maitutulong ba sila sayo?! Ah alam ko na! Pag namatay si Ate, sila naman ang huhuthutan mo! Matalino ka talagang bata! Hayop!" Sabi nya at pabalya akong binitawan. Mabuti na lang at may nurse na nakasalo sakin kung hindi umpog ang ulo ko. "Mam. Sorry po. Pero nakakaistorbo na po kayo sa ibang pasyente.." sabi nung nurse na nakasalo sakin. "Pasensya na po. Hihinaan na po namin. Sorry po ulit." Ako na ung humingi ng tawad habang inaayos ko ang buhok ko. "Okay ka lang ba Miss? May dugo ung labi mo. Pwede kong gamutin." Sabi nya. "Miss! Wag kang magpapadala sa maamong mukha nyan, may tinatagong kasamaan yan at wag kang mangialam dito. Away pamilya to." Sabi ni Tita jazz Away pamilya? Kelan nya ba ko tinuring na pamilya? Huh! "Hindi na Miss. Okay lang. Salamat." Sabi ko at pinunasan ung sinasabi nya dugo sa labi ko. Siguro sa sampal ni Tita jazz kanina Habang kausap namin ung Nurse, may Doctor naman na dumating at chineck si mama kaya tumahimik na si Tita Jazz pero nung lalapit ako ulit, tinignan nya ko ng masama. Pero lumipat lang ako sa kabilang side at hinawakan ang kamay ni mama. "Masyado ng mahina ang puso ni Mrs. Santos, hindi na kakayanin ng gamot gamot na lang. She needs an Heart Surgery as soon as possible because if not ilang beses lang huminto ang pintig ng puso nya within 12hrs, baka sa susunod nun, hindi na namin sya marecover." Sabi mg Doctor Heart Surgery... Operation... Yan na ung kailangan para mailigtas si Mama... Pero sobrang laking pera ang kailangan para maoperahan si Mama... "Magkaano po ang aabutin ng Operation?" Lakas loob kong tanong "Pasensya na Hija pero kailangan nyong maghanda ng mahigit kalahating milyon." Sabi nya at tinanguan pa ko. Ang sakit pa din! Kahit naman alam ko ng mahal at hindi aabutin ung ipon ko... Ang sakit pa din marinig na sa gaanong kalaking halagang pera mababawian ng buhay si Mama.. Nagpaalam na ung Doctor at sinabihan kaming iintayin nya ang sagot namin. Kung hindi namin kaya ang HS, wala na kaming magagawa.. aantayin na lang ata namin na mamatay si mama. Pero hindi ako papayag! "Ang tanga mo kasi Nicole! Sana sinabi mo na samin agad para nakapaghanda tayo?! Ngayon?! Maghanap ka ng pang paopera sa Ate ko! Kung hindi ka makakahanap at namatay si Ate! wag ka ng magpakita sakin! Naiintindihan mo?! Umalis ka na at baka dagdagan ko pa yang pasa mo sa mukha!" Sabi nya at dinuro pa ko. Tumingin muna ko kay mama at hinalikan sya sa Noo. "Ma... Babalik po ako ah.. hahanap lang ako ng pampaopera mo.." sabi ko at umiiyak na umalis. Pagkalabas ko ng ospital medyo madilim na... Umupo muna ko sa may parking lot at tumingala! Hay! Ngayon san ako hahanap ng kalahating milyon para sa opera ni mama?! Nak ng teteng naman oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD