Chapter 1

2072 Words
6 years ago Nicole's POV "Good Morning, Ma," bungad ko kay mama ng makitang nasa kusina s'ya at naghahanda ng almusal. "Good morning din, anak," bati n'ya din sakin "Buti at naka ayos ka na baka biglang dumating sila Danica at Kim. First day n'yo pa man din sa college," dagdag n'ya at umupo na sa harap ko. kumuha muna ako ng pagkain bago sinagot si mama. "Opo. nakakahiya naman dun sa dalawa pag ako pa ang maging dahilan ng pagkalate namin. ako na nga lang yun sinundo," sabay ngiti ko sa kan'ya at kumain na. Di nga nagtagal dumating na sila Danica at Kim. Niyaya pa sila ni mama kumain pero kumain na daw sila kaya naman nakaalis kami agad nang matapos ako. Buti na lang hindi trapik at may sasakyan si Danica kaya naman maaga kami nakarating sa AHC para mahanap pa namin ung Auditorium kung saan gaganapin ang Orientation for Freshmens. Mas'yado kasing malaki ang school na 'to. pang mayaman kasi. Aim High College is one of the pristige school sa Manila. Napakamahal ng tuition fee dito at kung tatanungin ako ng mga tao kung bakit ako dito nag aaral kahit hindi naman ako mayaman. Nakapasok ako sa scholarship dahil din sa mga kaibigan ko at kasabwat nila si mama. Inasikaso nila ang mga requirments ko nang wala akong kaalam alam.. Habang ako desididong hindi muna pumasok ng college para magtrabaho kahit part time lang muna at para na din makatulong kay mama pero sila na ang gumawa ng paraan para makapag aral ako. Natatandaan ko nga sinabi na nila sakin na magtetake kami ng entrance exam sa mismong araw na yun. Sinundo nila ko nun, pinagbihis at nagpunta sa school na to. Kaya naman wala na kong nagawa kung hindi ang ituloy at kumuha ng kursong Marketing Management bukod sa isa to sa pinakamurang course, sabi nila in demant din daw ngayon ang marketing staff. Pangarap ko rin makapasok sa Monticlaro Enterprise kung hindi palarin sa Villanueva Corp na lang. "Dun ata un daan!" sigaw ni Kim dahilan para mawala ung iniisip ko. Naglakad na nga kami papunta dun sa tinuturo n'ya at hindi naman s'ya nagkamali dahil dun nga ang daan. "Oh! diba? tama ako! para talaga ako sa school na to ih!" dagdag n'ya pa na nagyayabang. Di na lang namin pinansin ni Danica at nagtuloy tuloy sa pagpasok ng Auditorium. Pagpasok namin nakita namin ang iba't ibang estudyante puro sila mayayaman. Katulad nga ng sabi ko nakapasok ako dito bilang scholar pati na din si Kim, half scholar nga lang s'ya at ako naman ay full scholar. Samantalang si Danica naman, hindi s'ya kumuha o nagtake ng exam as scholar kasi kaya naman nilang bayaran ang tuition n'ya. Biglang tumuro si Danica sa ibang direction kaya naman nagulat ako at napatingin dun sa tinuro n'ya. "Paano mga babaeng putik! Dun na ko sa mga kablockmates ko at kayo hanapin n'yo na ang mga blockmates n'yo at maupo. byiiie!" kumaway s'ya at umalis nang tuluyan. Katulad nga ng sinabi ni Dani, hinanap na namin ang Marketing Department at ung Block namin. Di naman kami nabigo dahil malapit lang din sa pinasukan namin ang Department namin. Ung block na lang, habang magtatanong ako, etong kasama ko nang iispot na naman ng gwapo! "Hoy babae! try mo kayang tulungan ako sa paghahanap ng block natin, 'no?! Hindi nang hahunting ka ng gwapo!" inis at taray kong usal sa kan'ya 'ska tinuloy ang paghahanap "Eh kasi naman ang daming gwapo dito.. kainis!" maarteng sabi n'ya. Ayun! nahanap ko na kaya naman hinila ko na si Kim at sa kasamaan palad muntikan matumba ang bruha! Buti na lang may isang lalaking nakaharang at nasalo s'ya.. "Ay! sorry.... po..." utal na sabi ni Kim paano ba naman, gwapo ung nasa tapat n'ya. hay naku! "It's okay. Take your seat, the orientation will start in a minute," sabi naman nung gwapong lalaki. Kaya naman nagpasalamat at hinila ko na agad si Kim nakatulala pa kasi ih. "Nics! Ang gwapo! Ang gwapo! Bakit mo ko hinila?! Pagkakataon ko ng magkalovelife!" sabi n'ya habang hila hila ko s'ya. "Tumigil ka nga Kimberly! Aral tayo today! Aral! Walang jowa! Okay?! Iiyak iyak ka naman pagsinaktan ka," sabi ko sa kan'ya at umirap. "Malay mo s'ya na ung forever ko! Waaaah! Hahanapan din kita kaso baka magalit si Kuya Daniel kaya wag na lang." asar n'ya sakin kaya mas nainis ako sa kan'ya Ibring up na naman yang asar nila kay Kuya Daniel. Pagka dating namin sa Block namin. Naupo na kami at hindi nga nagtagal ay nagsimula na ang orientation. Pinakilala lang ung mga Dean at iba pang personnel sa School, nagbigay lang din ng welcome greeting ung pinakamay ari ng school at inacknowledged lang din ung mga scholar like us. Di ko din naman naintindihan dahil etong katabi ko daldal nang daldal at hindi pa din nakakarecover sa gwapong lalaki kanina hanggang matapos na ang orientation nang wala akong naintindihan. Pumunta kami sa mga room namin para lang mag attendance, hindi na nga nagstay ung mga blockmates namin, pagkapirma nila sa Attendance Sheet umaalis na din agad sila kaya walang natitirang estudyante. Tinext ko na lang si Danica na papunta na kami ng cafeteria dahil wala naman kaming klase. Nagreply naman s'ya na mag ikot ikot na lang muna kami dahil may introduce kineso sila sa dalawa nilang subject. Grabe! Turo agad, kaya naman yun nga ang ginawa namin. Nag ikot at kinabisado ang school. "Ang ganda dito! Mukhang pinaganda talaga 'no? Iba talaga ang pang mayamang school! Buti na lang matalino tayo kahit papaano nakapasok tayo dito," sabi ni Kim na nakahiga sa damuhan dito sa grounds "Thank you! Gulat man ako nung araw na un pinursige n'yo pa din," natatawang saad ko. "Of course! Hindi pwedeng kami lang! Kaya mo naman eh! Kayang kaya mo. Higit pa nga dun ang nagawa mo!" sabi n'ya at tumayo bigla. "Magkano pala ang matatanggap mo sa Allowance mo?" tanong n'ya sakin. Yep! Nakapasok ako sa full scholarship with allowance kaya hindi ako mas'yadong hirap sa pera dahil may matatanggap ako sa school kada month at magsstart un ngayon dahil start na ng klase. Kung bakit ako nakapasok? Secret! May jutsu akong ginawa kaya nakapasok ako pero dahil nga nakuha kami bilang scholars may mga kaakibat yun na responsibilities... We need to maintain our grades and GPA. They also required us na sumali sa dalawang Academics Squad, kung saan lalaban sa mga school for academics. Nung nakaraan nagkaroon ng application sa mga Academic Club, nagpasa ako sa Mathematicians Brain and Quizmart at nagexam. Ngayon ko din malalaman kung pasok ba ko o hindi. Dahil naalala ko! Makapunta nga sa Bulletin Board para tignan un. "Hm.. hindi ko alam e. Hindi ko pa naman tinitignan pero sabi sa ngayon ibibigay. Tignan ko sa school account ko mamaya. Nga pala! Sama ka? Punta ako Bulletin board, titignan ko kung nakapasok ako sa MB at Quizmart," sabi ko sa kan'ya at tumayo sa pagkaka upo. "Sureness! Tara!" Naglakad na kami papuntang bulletin board para makita kung pasok ako. Pagdating namin dun madaming tao. Nakipagsiksikan kami at hinanap ung pakay namin. Buti na lang din at magkatabi lang ung announcement ng sinalihan ko kaya nakita ko agad... "Waaaaaaaah! Ikaw to diba?! Apaka naman po! So proud of you!" tili ni Kim kaya nakuha n'ya ung atensyon ng iba. Sa announcement kasi nakalagay ang ranking ng mga nakapasok at kung sino sino. And yes! Pasok na pasok ako sa banga! At least hindi na ko mahihirapan pang humanap pa ng ibang masasalihan. "Ang ingay mo naman," sabi ko kay Kim nang may marinig akong nagbulungan at nakatingin sakin. Ayoko kasi talaga ng atensyon, gusto ko low-key lang. After namin makita ung result, babalik sana kami ng grounds pero nagtext si Danica na papunta na s'ya ng cafeteria kaya dun na kami dumeretso. Bulung bulungan pa din ung result dun sa bulletin. Tsk! Buti na lang hindi nila kilala ung pangalan ko. At buti hindi nilalabas ung result ng Scholarship Examination. Tsk! Pagdating namin ng cafeteria. Umupo na muna kami ni Kim. Ako may baon, sila wala ata. May kaya naman kasi sila Kim at si Danica mayaman naman kaya no need na silang magbaon. Pagdating ni Danica, sabay na silang pumila at bumili ng pagkain, habang ako nakaupo at inaantay sila, inilabas ko na ung baon kong lunch. Pagkabalik nung dalawa, inayos lang namin ung pagkain namin at kumain na. Habang kumakain naman kami hindi napigilan ni Kim na magkwento about dun sa pogi na nakita namin kanina. Akala ko pa naman nakamove on na s'ya dyan. "Anong kinukwento n'yang ni Kim na gwapo? gwapo ba talaga?" tanong ni Dani habang kumakain. "Ay gurl! gwapo talaga! sinasabi ko sayo. Sayang lang at hindi namin un kablock, kasi naman nandun s'ya sa side namin!" kilig naman na sabi ni Kim "pero sana malipat, nawa'y pagbigyan ng Diyos!" dagdag n'ya pa habang may padasal dasal pa kuno. "Ano namang gagawin mo kung maging kablock natin s'ya?" tanong ko sa kan'ya "Ano pa ba?! Edi lalandiin! Try mo din minsan. Choss!" natatawang usal nito. Napailing na lang kami ni Dani at napakibitbalikat kahit kailan talaga tong babae na to basta gwapo, spotted agad! walang lusot! "At ikaw! Kalat na kalat ung pangalan mo!" bulong n'ya. Alam naman kasi nilang ayoko ng atensyon. Sanay ako na tahimik at hindi gaano napapansin dahil sila lang naman ang kaibigan ko. "Hayaan mo na. Hindi naman nila ko kilala, pangalan ko lang," sabi ko at kain na ulit. Nagkibit balikat lang naman ung dalawa at kumain na din ulit. Di naman nagtagal ay balik kami sa kaninag gawain namin ni Kim, pumunta ng room para mag attendance tas aalis din agad. Ganto pala ang ginagawa dito sana hindi na lang ako nag uniform. Nakauwi na ako dahil wala naman talaga kaming ginawa sa school. Orientation lang at attendance sa klase tas after nun uwi na. Di pa naman nagpakita ung mga Prof namin sabi kasi may orientation din daw sila. Kaya wala pang klase. Sana lagi! Wala pa si mama, kaya naman naggitara at kumanta muna ako bago gumawa ng gawaing bahay. Nang matapos ako sa paggigitara inumpisahan ko ng maglinis at magluto ng hapunan.. Sakto nang matapos akong magluto dumating si mama, nagtulong na kaming maghain para makakain na kami. "Kumusta ang first day anak?" biglang tanung ni mama habang kumakain. Nilunok ko muna ung pagkain at sinagot s'ya. "okay naman po. wala naman mas'yadong ginawa. Orientation lang tas attendance sa mga subject pati po ung sa result ng Academics Squad na sinalihan ko lumabas na at nakapasa po ako. Kayo po kumusta ang trabaho?" Tumango tango s'ya at nilunok ung kinakain bago nagsalita ulit. "Hm.. Okay lang din naman madami lang mas'yadong ginawa pero katulad ng dati kakayanin... Pero teka! Talaga at nakapasok ka? Ang talino naman talaga ng Anak ko! Alam ko naman aayusin mo ang pag aaral mo at dadami pa ang gagawin mo sa mga susunod na araw at taon, pero dapat mag enjoy ka dyan. Dahil Aim High yan! magandang school at pag nakapagtapos ka madali kang makakapasok sa mga kompan'ya at matutupad ang pangarap mo," nakangiting sabi ni mama at parang proud na proud s'ya sakin. Natapos na kaming kumain at ako na rin ang naghugas dahil alam kong pagod si Mama kaya kailangan na n'yang magpahinga. Pagkatapos kong maghugas pumasok na din ako sa kwarto ko at humiga. Hindi naman ako agad nakatulog dahil busog ako at bukod dun hindi ako mapakali! Habang nag iisip naalala ko na tignan ung account ko. Yes! My own account, Aim High ang nagbigay samin nun. Di ko alam kung paano pero may website silang ibinigay samin at dun namin makikita kung may pumasok ng allowance samin tapos pwede namin makuha sa Finance Department ng School ung pera. Basta ibibigay namin ung ID at ung account number namin sa kanila then after nun makukuha na namin ung allowance namin for this month. So I went to that website and I entered my Student ID number and account name tapos password! Then viola! Nandito na ko at nakakagulat dahil may laman na! Pwede ko nang kunin bukas to! Makakatulong din kay Mama to kahit papaano. Pwedeng ako na magbayad ng tubig dito sa bahay. Ibinaba ko na lang ulit ung phone ko at pumikit. Dinadalaw naman na ko ng antok kaya madali akong nakatulog. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD