Chapter 32

3486 Words
++++++++++++ Nicole's POV Kinabukasan maaga akong naghanda ng para sa pagpasok ko. Nang matapos akong maghanda, kumain ay umalis na ko ng bahay. Kinuha ni Marky ung sasakyan nya kagabi kaya commute lang ako. Di naman kalayuan ang ME dito sa tinitirhan ko kaya mabilis lang, wag lang aabutan ng trapik isa din ung kaya gusto kong umalis ng maaga. Nang makarating ako ng building namin, pumasok na ko at tinap ung ID ko. Pero hindi ko pa nalalagpasan ang pasukan para sa mga employee... Nagpakita naman ung isa sa taong tataguan ko dapat ngayon. "Good Morning Nicole." Bati sakin ni Atty. Harold Vasques Tataguan ko sya kasi panigurado, paghinanap ako sasabihin nyang nakita nya ko. So walang kawala... Isang bagay kaya ako pumasok ng maaga para hindi ko makita ung mga taong dapat tinataguan. "Good Morning Atty. Vasques" bati ko din sa kanya "Harold na lang. Ito naman parang wala tayong common friends ah." Sabi nya pa sakin Hindi ako sanay... Kaya ganun pa din ang tawag ko sa kanila kahit tinuturing na nila kong kaibigan. Paano pa kaya pag nalaman nilang asawa ako ng isa sa mga kaibigan nila... "Ahm.. okay ka lang?" Sabi ni Harold na nagpabalik sa kin sa wisyo. "Ha? Ah.. opo. Okay lang ako. Dito na ko Atty." Sabi ko at pumasok na sa Elevator. Pero teka? Bakit andito un? Hm... May law Firm to si Harold ih... Anyway, ano naman. Hahaha Nang makarating na ko sa floor namin, pumasok na ko agad sa Department namin. Malaki ung Office ng Department namin dahil nga nahahati kami sa Tatlo. Halos kalahating floor samin. Hahaha Pumasok naman na ko sa Resorts and Hotels Team. Nakita ko naman agad ung isa sa Team Member ko. "Good Morning Ms. Nicole! How's your Rest Day? Well spent po ba?" Bating tanong sakin ni Blesy Sa R&H, merong 4 na Team, ang Team ko, Team ni Ryle, Team ni Mikee at Team ni Elaine... Sa iba iba kaming R&H na branch na aasign kaya ginawa kaming apat kasi madaming branch ang ME na resorts. Sa Team ko, may apat na tao din... Bali lima kami. Ako, Blesy, Anne, Vash at si Nico. Maasahan yang apat na yan pag dating sa paggawa ng Strategy. "Good Morning din Blesy. Hm.. let's say.. nakakapagod. Hahahaha. Wala pa sila?" Tanong ko sa kanya. Maaga pa naman kasi. "Wala pa po. Pero baka parating na po un." Sabi nya at ipinagpatuloy ang ginagawa. 8 months simula ng maging Team Leader ng Team namin. Bagong pasok pa lang sila nun. Bali 6 months naabsorb ako as Regular Employee.. tapos after 2 months nasama ko sa mga candidate for Team Leader position... Ayun! Nakapasok! Hahaha Umupo na ko at binuksan ung laptop ko. Well! Nang Company pala kasi provided nila ang laptop na ginagamit namin. Yayamanin! Hahahaha Di ko pa din talaga lubos maisip na ikinasal ako sa lalaking un! Ay putik! Ou nga pala! May 'see you in my office' pa pala! Pero baka nakalimutan na nya un.. Hindi pa naman nila alam ih! So act natural dapat tayo! Hindi dapat kabahan.. "Ms. Nicole? Okay lang po kayo?" Sabi sakin ni Anne Napakurapkurap ako. Andito na to? Si blesy pa lang kanina ah. Umalis na naman ba ko sa ulirat ko? Ay! Kaya ako nasasabihan na malalim mag isip ih! Hahahaha "Ou naman. Good Morning." Bati ko sa kanya. Tinawanan lang naman nya ko pati ung iba. Iba? Andito na silang lahat? Anong nangyari sakin? Argh! "Andito na kayong lahat? Ang aga nyo ah!" Sabi ko at inayos ang upo. "Kanina pa kami dito mam." Sabi ni Nico "Ayt! Sabi ko wag akong tatawaging Mam ih... Kikitilin ko buhay mo." Sabi ko sa kanya Tapos sila tumawa lang. Mga loko loko! Nag usap lang kami ng about sa RD namin nang may biglang pumasok sa pinto ng Team namin. "Good Morning Team DN! Andyan na madam nyo?" Sigaw ni Kim. "Andyan po Ms. Kim. Good Morning po." Bati ni Vash sa kanya sabay turo sakin. "Ow! Thank you Vashy!" Sabi nya ta naglakad papunta sakin Ano na namang problema nito?! Dapat wala to dito ah! RD nya ih! "Good Morning. Hanap ka ni Hens, asa office ko." Sabi nya at ngumiti. "Ganda mo today! Ay hindi! Everyday pala..." Bati nya ulit sabay hawi ng buhok ko. Okay! Alam kong pinaglilihian ako nitong babaeng to. Pero anong meron at andito to nang ganto kaaga at hinahanap ako ni Sir Henry. OMG! Alam ba ni Sir Henry?! Takte! Sinabi ba ni Keith o ni Mr. Monticlaro?! Ay naman!!! Pero kalma Nicole... Hinahanap ka lang namam daw... Baka wala lang un.. "At anong meron? Bakit andito ka? Rest Day mo diba?" Tanong ko sa kanya Sya naman sige lang sa pagsuklay ng buhok ko. Ou! Pinaglilihian nya ung buhok ko... Ang ganda daw tapos ang lambot... "Ewan. Sinama ko dito ni Hens ng ganto kaaga..." Sabi nya at ngumuso Tinignan ko ung oras... 8:10am. Office hours na nga. Hm... Sige na nga puntahan ko na baka napaparanoid lang ako. "Ah.. tara!" Sabi ko sabay tayo. "Dito muna kayo puntahan ko lang si Sir Henry." Sabi ko dun sa Team ko at naglakad na. Sabay kaming naglakad ngayon ni Kim, nakasalubong pa namin si Sanya. "Good Morning Ms. Nicole and Ms. Kim." Bati nya sakin "Wow! Akala mo maamong tupa! Kahapon kung mag reyna reynahan kala mo lion na nakawala." Parinig na sabi ni Kim pero mukhang narinig ni Sanya pero ngumiti lang. Hahahahahahahaha! Natatawa ako! Sira ulo talaga to si Kim! "Good Morning din Ms. Sanya." Balik na bati ko sa kanya Ngumiti lang sya samin kaya nilagpasan na namin. "Ang plastic talaga! Pagtinapon sa dagat un hindi malulunod!" Daldal na naman ni Kim "Bakit naman itatapon sa dagat un? Hahahaha. Loko loko ka talagang buntis ka!" Natatawang sabi ko sa kanya. Gusto kong batukan kaso nga buntis. Hahaha "Wala naman. Para matry kung lulutang talag pagplastic. Tara na nga! Dito." Sabi nya sakin tapos hinila na ko papunta sa office nila. Team Leader din si Kim.. un nga lang sa Restaurant sya.. Pagdating namin sa office nila. Nakita ko si Sir Henry na nakaupo sa swivel chair ni Kim. Mukha namang nag aalala sya dahil itong kimmy dora hinihila ako.. "Hey! Sweetie.. careful!" Sabi nya at napatayo pa. "Antagal kasi maglakad nito.. nakipag usap pa sa plastic." Sabi nya at padabog na umupo sa upuan Ay! Sabing mag ingat ih! "Ayt! Ang kulit nito! Sabing mag ingat! Sa kakaganyan mo biglang lumabas dyan ung inaanak ko! Kakatayin kita!" Sabi ko sa kanya "Ewan ko sayo. Ayan na mag usap na kayo!" Sabi nya tapos yumuko sa lamesa. "Hay naku! Tampo ka na naman... Wag ka na nga magtampo! Mas lab naman kita kesa dun! Wag na umarte... Bilhan na lang kita ng...." Napa isip ako bigla ng ibibili sa kanya Ano bang pinag lilihian nito?! "Bili mo ko crib ni Baby!" Sabi nya na biglang umangat ang ulo. Aba! Crib ng baby? Ih kayang kayang bilhin un ni Sir Henry! "Anong crib ng baby?! Kayang kayang bilhin yan ng asawa mo?! Sira ka ba?!" Sabi ko sa kanya at tinuro pa si Sir Henry na natatawa "Ah basta! Pag di ka pumayag di kita papansinin, di ka din Ninang nito!" Sabi nya at yumuko na naman sa lamesa. Ah! Kabwisit! Ayos na buntis to! Pinaperahan ako! "Ou na! Sige na! Napakadaya! Ang yaman yaman ng tatay nyang baby na yan tapos ako papabilhin ng crib! Naghihirap ka na girl?" Sabi ko pero sarkastiko. Tawa lang tawa si Sir Henry hanggang sa magring ang phone nya. Kaya napatingin kami sa kanya ng sagutin nya un. "Hello? Oh?! Andito ko sa Marketing Department... Si Kim at Nicole, bakit? Ngayon na? Okay. Ou na! Bye." Tapos binaba na ung tawag. Tinignan naman nya kami. "Ahm. Akyat tayo sa office ni Miggy." Sabi nya at hinawakan ang kamay ni Kim kahit nakaupo pa un. "Ano gagawin natin dun?" Tanong ni Kim sabay tayo. Ah! Di naman siguro ako kasama diba? So babalik na ko sa office namin. Maglalakad na sana ko kaya lang nagsalita si Sir. "Ewan ko ih. Sabi ni Miggy akyat daw tayo. Uy! Kasama ka Nics!" Sabi nya at napalingon ako sa kanya. Nooooo!!! Kayo na lang... "Ahm... May gagawin pa ko Sir. Tawagan nyo na lang po ako kung anong sasabihin nyo kanina. Akyat na po kayo. Bye!" Sabi ko at tumakbo na paalis.. Narinig ko pang tinawag ako ni Sir pero wala akong paki! Hindi ako pupunta dun! Nah uh! Never! Hindi ngayon na naguguluhan pa ko sa nangyayari at hindi ko alam ang sasabihin! Nakarating na ko ng office at gumawa na ulit nung naiwan kong paper works bago ako mag off. Chineck ko na din ung stats and mga possible proposal namin for the upcoming events. Habang abala ako, biglang tumunog ung phone ko. Dahil busy ako hindi ko na tinignan kung sinong tumawag basta ko na lang sinagot. "Hello. Nicole here. Who's this?" Laging ganyan ang bungad ko paghindi ko alam kung sinong tumatawag. [Sana all maganda ang boses kahit nasa phone!] Sabi ng kabilang linya. Ah! Kilala ko na to! Si Alas! "Bakit ka napatawag Alas?!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pag sscroll ng mga documents na pinasa sa email ko [Nothing. I just want to say Good Morning to my beautiful friend!] Sabi nya naku! Alam ko na yan.. may hihingin na pabor to! "Tungkol saan ang pabor na hihingin mo?" Sabi ko sa kanya. [Hahahahahaha! You really know me ah! Kanta ka naman sa birthday ng anak ng boss ko! Nagpapahanap kasi sya ng Singer sakin ih... Wala naman akong kilala ikaw lang! Sige na Nics... Please!] Sagot nya Opx! Sorry. Hindi pwede! "Sorry. Sa iba na lang. Hindi pwede. Bye!" Sabi ko at binaba na un. Tsk! Ayoko munang kumanta... Hindi dahil ayoko talaga kundi madami akong ginagawa kaya ayoko... Hahahaha Tawag naman ng tawag si Alas habang may ginagawa ako. Hindi ako makapagfocus kasi ring ng ring ung phone ko. Sa sobrang irita ko sa huling tawag sinagot ko na ng pasigaw.. nagulat pa nga sila Blesy kasi napasigaw na ko. "Argh! Ayoko nga sabi Alas! Nakakaletche ka na! Marami akong ginagawa!" Sigaw ko pero agad kong binaba ung tawa ng marinig ko ung boses sa kabilang linya [Who's that f*cking Alas?] Sabi nya. At kilala ko ung boses na un! Si... Si Sir Miggy un! Takte! Sa hindi ko malaman na dahilan bigla akong pinagpawisan ng malagkit... Ang init putik! Malakas naman ung Aircon... Argh! Ano ba yan!!! Humanda ka sakin Alas!! Pero paano nalaman ni Sir Miggy ung number ko?! Napaiktad pa kong tumunog ulit ung phone ko. Nagtataka naman akong tinignan nila Anne. "Okay lang po kayo Ms. Nicole." Tanong ni Vash. "Ha? Okay lang." Sagot ko naman sa kanila Tinignan ko ulit ung phone ko at this time sigurado na kong si Sir Miggy ulit to kasi number lang. Huminga muna ko ng malalim tapos sinagot ung tawag. Pero bago pa ko makapagsalita, nagsalita na sya. [Again. Who's that f*cking Alas?] Sabi nya na parang nanggigigil tapos may naririnig akong tumatawa sa background. Nakakatakot naman! Hindi naman sya nakakatakot talaga. Kasi nangiti sya sa mga employee nya.. kaya nga andaming nagkakacrush sa kanya kasi ang gwapo na tapos nangiti pa. Hindi katulad ng iba na masungit. Dapat ko bang sagutin un? Ih... Bakit ko naman sasagutin un? Sino ba sya? Wag kang tanga Nicole! Boss mo yan at asawa mo lang naman! [A penny for your thoughts?] Sabi nya na magpabalik sakin sa reyalidad. [Apaka lalim mo naman mag isip. Should i repeat my f*cking question?] Dagdag nya pa "Ah. Hindi po. Ano! Si Alas... College friend ko po un... Ahm... Nagtatanong po kasi sya kung pwede akong kumanta... Sabi ko ayoko kaya kinukulit ako.. ayun! Sorry po." Natatarantang sabi ko. Ah! Bwisit! Bakit ba ko natataranta? Nakarinig na naman ako ng tawanan at i know isa si Kimmy dora dun! Humanda ka sakin buntis ka! [He's bothering you then? Give me his number at ako na tatawag at sasabihin ayaw ng ASAWA KO!] sabi nya at pinagkadiinan talaga ang salitang Asawa ko! "Ay putik!" Napatayo ako ng di oras sa upuan ko. [Are you cursing me?] Sabi nya Ay langya! Hindi naman ih! Kasi bigla biglang nagsasabi ng ganun! Atska waaaaah! Alam na nila? Bwisit! "Hindi po. Teka! Wait! Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Di ko din alam kung paano ko itatanong ih... [Confuse baby? Go to my office. Now!] Sabi nya at pinatay ung tawag Baby mo mukha mo! Baby baby! Dili ako pauto sa imo! Hahaha Nagpaalam naman ako kaagad sa team ko tapos umakyat na ko sa office ni Mr. Monticlaro. Waaaaah! Bakit sinabi nya kay Kim! Hindi ko pa nga nasasabi sa kanila ih... Yari ako dun!!! Baka ubusin ung ipon ko. Hahahahaha. Jk lang! Malapit na ko sa office nya. Nakita ko si Keith ma lumabas kaya huminto muna ko at nakita naman ako ni Keith. "Hi Ms. Nicole. Kanina ka pa namin inaantay ih.." sabi nya sakin "Ah... Sorry kasi... Ano ih... Hehehe" ayun lang ung nasabi ko. Wala akong maisip na sasabihin ih! Natawa naman sya tapos umiling. Mukha akong tanga ano ba yan! "Hahahaha. I still can't believe na ikaw ung babaeng nakausap ko nun sa parking. Hahahaha. I see your face but not totally... I just know you by name but not by your face. I'm glad na ikaw ung nakausap at tumanggap ng offer ko." Natatawang sabi nya. Napangiti naman ako. Nagpapasalamat din ako sa kanya, kanila... Kasi kung hindi naman sila dumating, hindi ko makakasama si mama ulit. "Ako din po. Hindi makapaniwala at ayaw pang maniwala.. hehehe. Pero gusto ko pong magpasalamat sa inyo kasi kung hindi kayo dumating ng araw na un... Hindi ko na makakasama ulit si Mama. Kaya Thank you po. Isa sa dahilan kaya ko ginustong malaman kung sino ung mga taong un kasi gusto ko magpasalamat." Sabi ko at ngumiti "Wala un. No need. Malaking tulong ang ginawa mo." Sabi nya at ngumiti din tapos may kinuha sa lamesa nya. "Tara na! Kanina ka pa nila inaantay. Hahahaha. Atska Keith na lang ah! Wag mo na ko tawaging Sir. Please..." sabi nya at nauna pang maglakad sakin Nang buksan nya ung pinto. Nakarinig ako ng tawanan. Teka! Madaming tao? May mga babae alam ko si Kim lang andito ah! Bakit may iba!!! "Oh! Andito na ung inaantay natin!" Sabi ni Keith ng makapasok na sya. Tumahimik naman kaya kinabahan akong pumasok... "Tara na! Pasok na!" Sabi nya sakin. "May ibang tao ata.. mamaya na lang kaya... Hehehe" sabi ko at akmang tatalikod pero narinig ko ung boses ni Kim "Papasok ka o uubusin ko ipon mo! May crib ka pang utang sakin bruha ka!" Sigaw nya.. See! Uubusin talaga nyan ung ipon ko ih! Panakot nya sakin yan simula nung nagbuntis sya. Bigla naman akong pumasok... Nang walang pag aalinlangan. "Apaka mo! Alam mo un?!" Balik na sigaw ko sa kanya Tumingin muna ko sa mga tao at nakita ko pa sila Tal at Cams na andun din! Aba! Ano to?! Party party?! "Bat andito kayong dalawa? Office hours ah! Kaya kayo inaaway ni Sanyang Espasol ih!" Sabi ko sa kanila at tinuro pa. Natawa naman sila. Totoo naman na inaaway sila ah... "Napakamapanlait! Porket maganda!" Parinig ni Sir Henry Hoy! Hindi ako nanlalait! Totoo naman talagang mukha syang espasol! Paano ang payat tas pilit pinapaputi ung mukha! "Totoo naman na Espasol un. Plastic pa! Kanina akala mo maamong tupa nung nakita si Nicole pero kahapon kung makaasta ay talaga namang hahigh bloodin ka!" Sabi ni Kim Aba! Sira ulo talaga to! Walang preno ang bibig! Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni Kim. See! Hindi talaga strikto tong si Sir Miggy ih! Nakikitawa pa sa mga empleyado nya. "Ayaw mong umupo?" Bulong sakin ni Keith Kaya napalingon ako sa kanya. Nakatayo pa din kasi kami sa malapit sa pintuan kaya magkatabi kami. "Ahm... Nahihiya ako.. kahit naman mukhang alam na nila at ni Sir Miggy... Nahihiya pa din ako... Pwede bang dito na lang ako." Balik na bulong ko sa kanya. Natawa naman sya ng mahina at umiling.. "You know what? Hindi ako nagkamali na nilapitan kita nung gabing un. You're not just beautiful, you're also innocent and kind. Bagay kayo." Bulong nya ulit Ay! Hindi ko naman inalam kung sino ung lalaki para ibagay ung sarili ko sa kanya! Gusto ko magpasalamat at itanong kung bakit kinailangan nya ung pangalan ko!!! Un ung reason! "Hindi ba sya makikipag annul?" Tanong ko kaya dun naagaw ung atensyon nung mga nakaupo kasi tumawa sya ng malakas! Ay putik! Sira ulo ang wala! Halos mamatay matay sya kakatawa, ako naman nagtataka?! May sinabi ba kong nakakatawa? "Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Whoo! Wait! Let me breath! Hahahahahahahaha! I... Whoo! I bet his not. Hahahahahaha. Bakit gusto mo ba? Hahahahahaha. Pero mahirap un... Di ka papakawalan ng isang yan. Hahahahaha." Natatawang sabi nya pero ako nakatingin lang sa kanya Ung iba naman nakatingin at nakataas ang kilay sa kanya. "Mukhang masaya kayong dalawa dyan ah." Sabi ni Sir Miggy na matalim na nakatingin kay Keith "Whoa! Don't look at me like that dude! Hindi ko aagawin sayo to. I have mine." Sabi nya at tinapik pa ang balikat ko. "Upo na ko Nics! Mahal ko pa buhay ko. Papakasalan ko pa si Cams. Hahahaha. Ikaw, kasal ka na ih." Sabi nya at lumapit kay Cams So ako na lang naiwan dito. Anong gagawin ko. Ah! Di pwede to. Kailangan kong magpanggap na hindi ko pa alam. Kahit lahat sila alam na nila. Waaaaah! "Bakit nyo po pala ako pinapunta dito?" Lakas loob na tanong ko. Tinignan naman nya ako ng nakataas ang kilay pero may mapaglarong ngiti! Argh! Kainis! "Seryoso ka sa tanong mo?" Tanong sakin ni Harold. Pero si Keith tumatawa lang, well! Alam na naman nya kasi na alam ko na kaya tawa lang ng tawa yan. Tumango naman ako sa tanong ni Harold, kaya lalong tumawa si Keith. Sila naman taas ang kilay lalo. Ih... Wag nyo kong ganyanan... Natatakot ako. "Hahahahaha. Di ko na kaya! Mag usap na kayong dalawa! We're out of here!" Sabi nya at hinila si Cams. " Let's go babe! Hatid na kita sa Department mo." Sabi nya at tumayo na nga. Tapos dumaan na sila sa gilid ko. Bago bumulong ulit si Keith. "Ask him anything you want to know... I know you have few... Don't worry... Sasagutin nya lahat yan. Goodluck." Tapos nilagpasan na ko. Ngumiti lang si Cams at nagpaalam na. Tumingin naman ulit ako sa iba pang nandun na mga kaibigan ko. Si Kim at Tal, nakatingin lang sakin at pinag aaralan ang iniisip ko. Alam ko yun... Lagi silang ganyan tumingin pag gusto malaman ang iniisip ko. "Di ko malaman ang iniisip mo Nics... Kahit noon pa, sobrang lalim mo mag isip... Gusto kong malaman kung ano un pero di ko talaga malaman... You're genuine naman in every actions that you make, even your smile tells us that it's genuine and innocent." Sabi ni Tal Di ako nag salita at ngumiti lang sa kanila.. Napatingin ako kay Sir Miggy ng magsalita sya. "Lumabas nga din muna kayo... I need to talk to her." Sabi nya at tumayo, sabay naglakad papunta sa salamin na tanaw ang mga kotse sa baba. Nakatingin lang ako sa kanya. Mukhang naiinis na sya... "Yeah. I guess dapat nga muna kaming lumabas." Sabi ni Sir Henry Kaya naman nagsitayuan na sila at magsimulang maglakad papuntang pinto kung asan ako. "Ahm.. we just want you to know... Na alam na namin kung anong meron sa inyo... Medyo nakakagulat pero napaliwanag na naman nya samin. Usap na lang kayo." Sabi ni Harold "Saka na tayo mag usap at magsingilan ng pagtatago mo samin. Ayusin mo muna yan. Hay! Di ko nahalata un ah! Lagot ka kay Danica!" Sabi naman ni Kim at sinabunutan pa ko ng unti. "Virgin ka pa naman diba?" Dagdag nya pa. Ayt! Ang bibig talaga! Nakakainis! "Anong gagawin mo sakin pag sinabi kong hindi na?" Balik na tanong ko sa kanya Nagulat naman sila. Kahit si Sir Miggy na nakaharap sa salamin napatingin sakin.. "What the?! Sino? Sino dun sa Alas at Marky?! O baka may iba pa?! Tang*na!" Sigaw nya kaya naman napatago sa likod nila sila Sir Henry "Kalma! Nagbibiro lang to! Ay! Masasanay ka din." Sabi ni Sir Henry "Hahaha! Tol, kalmahan mo ah! Inosente nga tapos hindi virgin... Wag ako Nicole. Iba na lang." Sabi ni Theo kaya napangiwi ako.. "Labas na nga kami. Sabunutan kita ih! Saka na tayo mag usap... Bye! Labyu!" Sabi naman ni Kim at humalik sa pisngi ko. Sila lang nakakaganyan sakin Naggoodluck lang si Tal at nagsorry. Tapos lumabas na. Ganun din ginawa nung iba at naiwan na ko ng tuluyan na nakatayo pa din sa pinto. Ih!!! Anong gagawin ko?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD