Chapter 33

3240 Words
++++++++ Nicole's POV Ih... Natatakot tuloy ako... Wala naman syang gagawin sakin na kakaiba diba? Mag asawa lang naman kami sa papel diba hindi naman totoo un.. ayt! Bakit kasi nagpaiwan ako... Anong sasabihin ko, anong gagawin ko at anong itatanong ko. Sabi ni Keith, itanong ko daw lahat ng gusto kong itanong, meron naman kaso baka magalit sya... Waaaah!!! Mama!!! Kung magpasalamat kaya muna ko? Tama! Magpapasalamat muna ko bago ako magtanong sa kanya tapos tatanungin ko din sya abou- "Ang lalim mo nga mag isip... Ganyan ka ba talaga?" Naputol ako sa pag iisip ng magsalita sya. "Ahm.. Sorry po." Sabi ko at yumuko. Ih... Hindi ko talaga alam kung anong pakikitungo ang gagawin ko... Kinakabahan ako.. Napaangat ang ulo ko ng magsalita sya kaso hindi ko narinig... "Ano po?" Tanong ko kasi hindi ko nga narinig. "See. Hindi mo narinig." Sabi nya at naglakad papuntang upuan tapos tinignan ako. "Hindi ka uupo Mrs. Monticlaro?" Sabi nya na parang wala lang sa kanya ung tinawag nya sakin Napakagat labi ako... Ih... Kinikilabutan ako! "Ahm. Uupo ho... Pero pwede po bang wag nyo na po akong tawagin na ung ano po... Yun..." Sabi ko sa kanya tapos naglakad papunta dun sa inuupuan nya. I mean dun sa tapat. "Anong ung ano?" Patay malisya namang tanong Ang galing! Sige magpatay malisya ka Sir. Maganda yan! "Ung ano po... Ung ano.. ayt! Basta Nicole na lang po itawag nyo.. wag na ibang pangalan.." sabi ko at naupo na sa tapat nya. "Ah! Ung Mrs. Monticlaro ba? But you are Mrs. Monticlaro. May masama ba dun?" Tanong nya... Parang wala lang talaga sa kanya ung pagtawag sakin ng Mrs. Monticlaro... Waaaah!!! Chills!! "Ahm... Naiilang lang po kasi ako... Hindi po ako sanay... Sorry po.." sabi ko sabay yuko ulit.. Nahihiya talaga ako tapos naiilang pa! Waaah! Nawala ung tapang tapangan natin ah! "Okay. So what should i call you then? Babe, Honey, Baby, Love, Sweetheart, Darling, Wife, Wifey... Hmm ano pa ba? Asawa k-" pinutol ko na agad ung iba pa nyang sasabihin Sobra naman! Pangalan!! Pangalan ang itawag mo sa akin!!! Bwisit! "Tama na po... Nicole. Ayun na lang po.. pwede pong Denzie, bahala na po kayo. Basta po pangalan ko. Wala pong endearments... Nakakakilabot po." Sabi ko with matching kamay pa yan! Natawa naman sya tapos umiling! Ay mukha ba kong clown?! "Okay. So can i can Zie? Pangalan mo din naman un." Sabi nya at tumaas pa ang kilay. Hm.. bago un ah! Pero sige. Wala naman masama basta pangalan ko. "Hm.. sige po. Pangalan ko naman ih.." sabi at ngumiti sa kanya He also smile at me. Ay! Gwapo ni Sir oh! Nasabi ko naman sa inyo na gwapo si Sir lalo na pag ngumingiti... Mas gwapo sya ng unti kay Daniel... Okay! Sorry. Move on na ko dun! May asawa na un! Hahahahahahaha Matangos ang ilong, makinis ang mukha, mahaba ang pilik mata pero mas mahaba ung akin, his brown eyes, it very transparent na kaya mong intindihin kung ano ung gisto nyang sabihin. hahahaha. Ung kilay na parang inaahit! Mas on flick pa ung kanya kesa sakin, ung labi nya na pagngumingiti parang pusa... Hahahahahaha. Ang cute! Ung labi nya pa... Red lips ang lolo mo! Taray! Sakin kasi pinkish lang ih. Hahahaha "Papasa na ba ko bilang asawa mo?" Sabi nya kaya magpakurapkurap ako ng ilang beses. "Ha? Ano po un?" Sabi ko kasi parang nabibingi na ko. "Nothing. By the way... How's your mom?" Sabi nya at tumitig sakin, dahil din dun, nawala ung ngiti ko. yumuko muna ko bago nagsalita... Tama! Dapat magpasalamat muna ko sa kanya... "Ahm... Thank you po pala sa tulong nyo nung araw na un. Kundi po dahil sa inyo hindi po maooperahan si Mama at gagaling... pero... Wala na po sya." Sabi ko tas tumingin sa kanya at ngumiti ng may hinanakit... Mukha namang nagulat sya... Well! Nakakagulat naman talaga? Lalo na yun ung naging dahilan bakit kami mag asawa ngayon. "Ahm.. sorry to ask pero bakit? Paano? Sabi ni Keith, gumaling ang mama mo?" Takang tanong nya "Totoo po. Gumaling si mama pero after 8 months. Naaksidente po sya.. naHit and Run po. Andito na po ako sa Company nun nung nangyari un... Masaya nga po ako nun kasi nabalita na kasali ako sa candidate for Team Leader sa Department ko. Pero ung akala ko na puno ng saya nung araw na un... Napalitan dahil sa balita ng Tita ko, nasa opistal si Mama, critical ang kalagayan. Nahit and run daw po. Hindi alam kung sinong nakasagasa dahil nga po umalis kaagad nung nalaman na malala si mama." Kwento ko sa kanya. Di ko na malayang umiiyak na pala ako at puno na ng luha ang mukha. Pinunasan ko un.. "Pagdating ko ng ospital, sobrang lala ng nangyari kay mama, puno ng dugo at sugat ung katawan nya, may baling buto tapos ung ulo nya pinakanapuruhan kaya po ideneklaramg brain death. pero ilang minuto nagising sya tapos hinanap ako, kinausap nya lang ako ng saglit, sabi ko tatawag ako ng doctor pero hindi na nya ko pinaalis sa tabi nya... hinawa-kan nya la-ng ung kamay ko habang unti unting... pumi-pikit..." nauutal na ko dahil sa kakaiyak. "Di ko alam pero hiniling ko na sana magpakita ulit ung tumulong sakin nung araw na kailangan ko ng pampaopera nya... Hindi para tulungan ulit kami pero sana para magpasalamat na tinulungan nya ko para makasama pa si mama kahit sa unting panahon.." huminto ako at nagpunas ng luha. Tinignan ko naman sya na nakatingin lang sakin at pinagmamasdan ung mukha kong puno ng luha... Para syang naawa na ewan, kaya ngumiti ako.. Kalen's POV She's now in front of me, smiling while crying! She's brave at sinisiguro nyang hindi mag aalala ung taong kaharap nya, that's why she's smiling. Sh*t! Parang gusto kong hanapin ung bumangga sa Mama nya! I thought her mom still alive! Hindi ko alam na naaksidente pala ung mother nya kasi hindi naman sya nawala kahit na namatay ung Mama nya. "Kung ang iniisip nyo po ay hindi naman ako umabsent o nagleave nung panahon na un dahil hindi ko naman po nakita o di po ako nagkaroon ng pagkakataon na makita syang nakaburol..." sabi nya at yumuko Bakit lagi kang yumuyuko Zie? You're so beautiful even you're crying. Hindi mo alam na matagal kong inantay na tignan mo ko ng hindi yumuyuko o naiilang sakin. She's always like that. Everytime na lalabas kami, sya ung laging magsusundo kay Kim para ihatid samin dahil nga kay Hens, kaya nga nakilala na namin sila. Wait! Kaya nakilala na nya kami. Matagal na pala namin syang kilala. Dahil kay Henry at matagal ko na syang kilala dahil hindi ko sya makakalimutan. Ginulo nya ang buong sistema ko nung nagpakita sya sa Bar para sunduin sila Kim. Nakakatawa na dahil hindi sya umiinum o nagbabar lagi lang syang taga hatid o sundo ng mga kaibigan nya. So kind, she always secured her friends safety.. Tapos imbis na makisali sya. Uupo lang sya at titingin tingin. Debating to Kim, sasawayin ung mga kaibigan nya pag sumusobra na sa pag inom. So Responsible and Matured. Nakatitig lang ako sa kanya, habang sya umiiyak pa din pero bakit hindi nya nakita ung mama nya na maburol? Anong meron? I want to know her more... Ikukwento nya kaya? Magtatanong na sana ko ng magsalita ulit sya.. "Okay lang po bang magkwento ako? Hindi nyo naman po ako tatanggalin kung saka sakali pong wala akong magawang trabaho ngayon diba?" Tanong nya sakin. Gusto kong tawanan sya kasi ang cute nya! Hahaha. Why so cute Zie! Ang sarap mong yakapin at ilagay sa bulsa para wala ng makakuha! F*ck! "Of course. Hindi ko naman tatanggalin ang asawa ko agad agad." Sabi ko at ngumiti Hahahaha. Gusto ko ulit tumawa kasi naman... Everytime i told her the relationship we really have, her face turn into annoyed face.. hahahaha. Ang cute nya! Parang ang unfair nga! Ang cute na nya, ang ganda nya pa! Posible pala un?! "But first, I'll call your Head, i let her know na andito ka sa office ko. Para hindi ka hanapin." Sabi ko sa kanya at tumayo para kunin ang phone ko na for company purpose only. "Okay lang po ba un? Baka naman po mapagalitan ako." Nag aalalang sabi nya. "It's fine. Wala ka bang tiwala sakin?" Sabi ko sa kanya then i dial the number of her Head. "Hindi naman. Tinatanong ko lang." Sabi nya kaya natawa ako. Di nga talaga papatalo tong babaeng to. Laging may sagot! Sasagot sana ko ulit kaya lang sumagot na ung Head nya. [Yes Mr. Monticlaro?] Bungad ng nasa kabilang linya "Hi. Ms. Divine, one of your subordinates, Nicole, is here at my office. I called her kaninang umaga. May ipapagawa lang ako. I'll send Keith para kunin ung gamit nya. Thank you." Sabi ko at tumingin kay Zie na nakatingin din pala sakin Kinindatan ko naman sya kaya umiwas ng tingin tapos namula ung siksik nyang pisngi! Hahahaha. Ewan ko! Masyado ata talagang binulabog nitong babaeng to ung sistema ko. [Noted Sir.] Sabi nya kaya pinatay ko na ung tawag. Bumalik na ko sa upuan ko habang tinetext si Keith na kunin ung gamit ni Zie sa Department nito after nun umupo na ko at tinignan lang si Zie. Naglilibot ung tingin nya sa opisina ko. Wala namang interesting sa opisina ko. I requested it. Ung simple lang at wala masyadong nakalagay. "You're into music din po pala." Biglang sabi nya Napatingin naman ako dun sa tinitignan nya. Ah.. nakita nya pala ung keys na andun sa gilid. Pinalagay ko yan dyan kasi pag nasstress ako, may gitara pa dyan kaso nasa kwarto dito sa opisina... Isa yan sa libangan ko. "Yeap. But not like you." Sabi ko sa kanya. Mas magaling sya sakin. I admit it. Isa un sa katangian nya na nagustuhan ko... She's so talented when it come to music... Oh No! Let me rephrase it, she's so talented in everything! Nakita ko na yun dito sa company. "Ay grabe! Magkatulad lang tayo panigurado." Sabi nya at nginitian na naman ako. Wag kang ngumiti ngiti dyan! Baka iuwi kita sa bahay natin! "I don't believe that. I already saw you playing and you are really good! I'm not over reacting. You're really good! Swear!" Sabi ko kasi sa itsura nya kala nya niloloko ko sya. Hindi nya alam. Magaling akong mabola pero minsan lang ako mag compliment ng Isang tao. Maloko ako. I mean i'm not a typical CEO na Masungit, hindi namamansin ng employees or nagpapatalsik agad ng walang dahilan. Ako ung CEO na nakangiti, bumabalik ng bati pagbinati and also encouraging a person. Pero when it comes to work? Work is work! Kahit kaibigan kita pag may nakita akong mali na ginawa mo, sasawayin at pag sasabihan kita. Pero hindi kita ipapahiya. Yun ang turo sakin nina Dad and Mom, dapat daw marunong makisama para hindi ka mawawalan ng tao and of course wag na wag kang mamamahiya ng tao dahil hindi maganda ugali un. Walang tao ang gustong napapahiya sya. "Talaga? Nakita nyo na ko? Saan?" Tanong nya. Medyo nakakaoffend sya ah! She don't remember me while she's stock in my mind and keep messing my whole system! "Alam mo! Nakakaoffend ka! Hahahaha. Hayaan mo na basta i already saw you." Sabi ko sa kanya. "Now... Tuloy ang kwento Zie. Bakit hindi mo nakitang nakaburol ang mama mo?" Di ko na napigilang hindi magtanong. "Ahm... Hindi na ko hinayaan ng Kapatid nya na makita ko sya. Ako kasi ung sinisisi nya sa pagkamatay ni Mama." Sabi nya at malungkot na ngumiti She's always smiling even though masakit ung storya nya.. dahil dun mas lalo ko pa syang gustong makilala... Sino ka ba talaga, Denzie Nicole Ferrer? "Bakit naman hindi ka pinayagan ng sarili mong Tita na hindi mo makita ang mama mo? And why they accusing you? Teka! I'm confuse now." Tanong ko sa kanya pero tinawanan lang ako. "Hahaha. Sorry po. Pero ang cute nyo po maconfuse! Hahahaha" tumatawa nyang sabi Though ayoko ng tinatawag akong cute kasi gwapo ako. Okay lang kung sya naman ung tatawag atska ung tawa nya! Para syang kumakanta! Sh*t! Ang ganda nya talaga.. Mukha namang nailang sya sa titig ko kaya kumalma sya sa pagtawa. "Hm.. Ampon lang po kasi ako." Sabi nya at hay... Yumuko na naman... But wait?! She's adopted? So she sacrifice her freedom for her foster mom? Really? Wow! That's actually amazing! Hindi lahat ng tao kayang gawin un.. Ung iba hahayaan na lang nila at iisipin ang worst case scenario. Lalo na heart surgery ang gagawin sa mama nya.. That's a 60/40 chances. Pero paano sya naging ampon? "Hehehe. Kita kita po sa mata at itsura nyo na nagtatanong paano ako naging ampon at kung bakit ko ginawa yung bagay na un.." sabi nya Ganun ba ko kahalata? Baka nga... Pero gusto ko talaga malaman... "Pwede naman po kayo magtanong.. hindi ko naman po kinakahiya na ampon ako... Kasi hindi naman po pinaramdam sakin ni mama na ampon talaga ako... She treats me like her own daughter... Kaya po kahit benta ang kalayaan ko magmahal at ibenta ang pangalan ko ginawa ko na para lang maligtas sya..." Sabi nya at huminga ng malalim, pilit pinipigil ung iyak nya pero talagang taksil ung luha nya kasi lumabas pa din... "Pero sadyang may m-mga tao po talaga na walang pagpapa-hala-ga sa buhay ng iba-ng ta-o. Imbis na tu-lungan nya si ma-ma... Iniwan nya-ng naka-handusay dun at iba ang magdala sa ospita-l... Namatay sya sa harap ko... Nakita ko kung paano sya pumikit ng nakangiti habang kaharap ako... Kunga paano ung kamay nyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko unti unting lumuluwag... wala akong nagawa kundi umiyak lang din at magpasalamat kasi kinuha at inalagaan nya ko..." Dun na sya tuluyang nagbreak out and cried out loud. I can feel her pain. She's still in pain even though she's smiling like nothing happens, smiling like saying that 'I'm okay' but the truth is. She is not okay! She's still carrying that moment that her foster mother died in her f*cking arms. Ewan ko kung nakwento na nya to sa mga kaibigan nya... Pero sa ugali nyang ayaw nyang mag alala ung tao sa paligid nya. Tingin ko hindi pa. Hindi ko na napigilan ung sarili ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Maramdaman man lang nya na may taong kaya nyang paglabasan ng mga hinanakit nya at nararamdaman. "It's okay Zie. Just cry... I'm here." Yun lang ung lumabas sa bibig ko at niyakap pa sya ng mahigpit. Si Zie naman.. umiyak lang ng umiyak. "Sampal at kung ano anong pananakit ang natanggap ko kay Tita Jazz, dahil ako ung sinisisi nya sa pagkamatay ni Mama... Kung hindi daw ako inampon ni Mama, hindi daw mawawala si Papa Mondy at hindi magkakanda letche letche ung buhay ni mama... Hinayaan kong sumbatan at saktan nya ko kasi walang wala un sa nararamdan kong sakit nung gabi na un... Hanggang sa Morge, iniiyakan ko si Mama... Sa morge na dating sila Kim nun... Hindi ko sinabi sa kanila na ganun namatay si Mama... Hanggang sa sampalin ako ulit ni Tita at sabihing wala akong karapatan na makita si mama sa burol nya kasi ako ang may kasalanan..." tuloy ng kwento nya. Nakayakap lang ako sa kanya habang nagkukwento sya... Bakit nila kailangan saktan si Zie?! Anong problema nila... "Gusto nya pag uwi nila ng apartment namin ni Mama, wala na ko dahil umpisa pa lang wala na daw akong karapatan dahil hindi nila ako kamag anak... Ayoko ng gulo kaya kahit labag sa loob ko na umalis... Umalis ako pero tuwing pagkatapos ng duty ko dito... Sumisi-lip ako para lang makita kong okay ung nangyayari... Minsan akong tumakas para makalusot at makita si mama, nakita ko sya pero nung... Nakita ako ng mga kamag anak nya... Hahahaha." Ewan ko kung tawa un pero nasaktan ako sa tawa na un. Hindi na mauulit ang ganung pangyayari sayo Zie. Pangako! Wala ng mananakit sayo... "Pinahiya nila ako at parang hindi taong pinag tabuyan dun... Kesyo napakawala ko daw respeto kay mama dahil lumapit pa din ako kahit ako ang may kasalanan ng lahat. Kaya di na ko umulit hindi dahil sumusuko na ko kundi dahil ayokong hanggang sa huling panahon ni mama sa lupa, nakikita nya kong sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasakit ng mga kamag anak nya. Ayaw nun ni Mama... Ayaw nya kong sinasaktan o inaalispusta dahil wala naman daw akong kasalanan pero wala ih... Ung kaisa isang taong tumulong sakin na mabuhay ulit kinuha na at hindi na mababalik pa... Ipinakita lang ata sa kanya na nagtagumpay sya sa pagpapalaki sakin.. nakatapos ako sa pag aaral at kaya nang tumayo mag isa..." Sabi nyang parang pinapagaan ang loob nya "Mukha lang akong malakas... Pero hindi ko kaya, hindi ko pa kaya... Kailangan ko pa sya... Kailangan ko pa sila... Pero iniwan nila kong lahat... Iniwan nila kong mag isa..." humagulgol na naman sya ng iyak. F*ck! Gusto ko syang tumigil sa pag iyak pero ayoko naman syang pigilan... "Pero anong magagawa ko... Iniwan na nila ko, kahit hindi ko kaya ipapakita kong kaya ko kasi ayokong mag alala ung mga tao sa paligid ko... Ayokong maging pabigat... Gusto ko ako ung maasahan nila kasi simula noon pa, ako na ung umaasa... Laging ako ung iniintindi, kaya simula nung inilibing si mama, nangako ako sa kanila nila Mamang, Papang, Papa Mondy at Mama Janice na ako na ung masasandalan at hindi na ako ung sasandal... Pero mahirap kasi ih... Paano ako sasandalan kung mismo ako tumba na, giba na..." Sabi nya at pilit pinupunasan ung luha nya pero patuloy pa din sa pagtulo... Pero bakit kahit naiyak sya at puno na ng sipon at luha ung mukha nya, maganda pa din! Ang ganda lang talaga ng babaeng to... Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya at iniharap sya sakin... Ngayon lang kami nagkausap ng ganto pero ang sarap sa pakiramdam na sakin nya nilabas lahat ng hinanakit nya... Na parang ang tagal na nya kong nakakausap pero ang totoo unang beses lang talaga to at ayokong maging huling beses... "Zie.. okay lang naipakita mong mahina ka.. hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging malakas o ipakitang malakas ka. Sometimes it's good to be weak than to act you're strong. Andito kami.. pwede mo kaming sandalan.. tapos sa panahon na kailangan ka din naming sandalan... Alam namin na nandyan ka.." sabi ko sa kanya at tinulungan pa syang punasan ung luha nya. Hindi ko alam na sa loob ng magagandang ngiti ng babaeng to may tinatagong masakit na nakaraan. Ano pa bang malalaman ko sayo Baby? Gusto kong malaman lahat pero ska na hindi na muna ngayon... Hahayaan ko ulit na ikaw ang mag open sakin para mas maging palagay ka sakin... "So it's okay to cry if you really need to... Masarap diba? Atska pwede naman na sigurong isama ako sa masasandalan mo? Kaibigan mo na din naman ako diba? Asawa pa nga ih.." dagdag ko sa kanya pero biro na ung huli "Sira!" Sabi nya sabay hampas sa braso ko. Mukhang nagiging komportable na sya... Yan ang gusto ko! Ang maging komprotable sakin ang babaeng ilang taong gumulo ng sistema ko at ilang taon kong inantay na makausap... At ang babaeng ilang taon ko ng Mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD