Chapter 38

4032 Words
++++++++++++ Nicole's POV Nakarinig naman ako ng tawa sa paligid ko. Argh! Di daw sya namamahiya pero nakakahiya na tong ginagawa nya sakin! Nakakainis! "Wag kayong tumawa dyan. Trabaho!" Inis na sabi ko at tinignan ulit si... Hay! Kalen. "Talaga bang dito ka magbabantay? Pwedeng dun ka na lang sa opisina mo?" Nagmamakaawa kong tanong sa kanya. Tinawanan naman ako ni Keith, pati sila Vash, nagpipigil ng tawa. Argh! "Invited kayo sa party na gagawin ko ah! Natalo na kasi si Nicole ih! So magpapaparty ako." Natatawang sabi ni Keith "Tigilan mo ko! Isa ka pa! Wala bang meeting to?" Banta at tanong ko sa kanya na tinuro pa si Kalen. "Wala ih! Libre sya ngayon afternoon." Sabi nya at nagkibitbalikat. Anak ng tinolang manok! Bakit ngayon pa nalibre to! Waaaaaah! Ayoko na! Tinignan ko na naman sya at ganun pa din ung ngiti nya sakin.. naestatwa na! "Ano ka na dyan? Waaaah! Bakit kasi ngayon ka pa nawalan ng meeting..." Sabi ko na inuumpog ung ulo sa lamesa. "Hey! Masakit yan!" Saway nya sakin pero di ako nagpatinag tuloy pa din ung ginagawa ko. "Masakit na din ang ulo ko kaya okay lang yan." Walang paking sabi ko at timuloy ung pag umpog sa ulo ko. "Is she always like this?" Tanong nya kila Nico Hindi ngayon lang kasi nasakit na ung ulo ko sa mga nangyayari! Ang bilis ang putik! Nung nakaraan lang, wala pa kong paki sa kanilang lahat, maglandian, magbar at kung ano ano pa. Kahit kasama naman nila ko at nagsasayahan sila, hindi nila ko pinapansin o hinahayaan lang na kausap sila Kim, hindi din naman kami nag uusap. Tapos sa isang iglap eto sila at ginugulo ang buhay ko... Ang di gaanong tahimik kong buhay! Malalaman ko ung boss ko na lang naming kasama at wala namang paki sakin, Asawa ko pala! Tuloy lang ako sa pag umpog ng ulo ko hanggang sa hindi na ko nasasaktan, namanhid na ata ung noo ko. Kawawa naman. Pero bakit mabango kung lamesa at noo ko lang... Masyadong mabango! Tinignan ko ung lamesa at may palad. Palad? Balit may palad. Tinignan ko kung kanino galing ung palad at pagtingin ko kay Kalen galing ung kamay. "Masakit nga sabi yung ginagawa mo." Sabi nya at tinignan ung noo ko. "See! Namumula na." Sabi nya at tinuro pa ung noo ko. Hinawakan ko naman ung noo ko at ou nga mukhang namumula na. "Tigilan mo na." Sabi nya at tumingin sya kay Vash. "Palagyan din ako nito, gusto ko makita pero diba isesend mo naman sa email nya?" Tanong nya kay Vash "Ha? Ah. Opo. Sige po. Lagyan ko na lang din po yan." Sabi ni Vash at kinuha ung flashdrive "Thank you. Okay lang naman kung dito ako diba?" Tanong nya sakin "Pwede po bang maghindi dyan sa tanong mo?" Balik na tanong ko sa kanya Sandali syang nag isip tapos ngumiti. "Pwede naman. Kung babalik TAYO sa office ko." Sabi nya at talagang diniinan nya ung TAYO! Hay! Ayoko na! Gusto ko na tuloy magtime machine ung tipong hindi ko pa alam tas hindi na ko kukuha ng cenomar! Para hindi ko malaman na sya pala ung asawa ko! Ibinagsak ko ulit ung ulo ko sa lamesa t inumpog na naman un. Waaaaaah! "Masakit nga yan! Zie!" Sabi nya at inilagay na naman nya ung palad nya kung san ko inuuntog ung ulo ko. "Masakit na din ung ulo ko Sir Miggy ay Kalen pala. Kaya lubusin ko na." Sabi ko at tinanggal ung kamay nya. "Tama na." Saway nya sakin. Tapos inangat ung ulo ko. "Sige na. Hindi na kita aasarin baka sa susunod sa pader mo na ihampas yang ulo mo." Sabi nya at umayos ng upo. "But i want to be here. I want to see how you work with your Team." Dadag nya at ngiti. Tumango na lang ako at kinuha ung laptop ko. Tama! Magtrabaho na tayo Nicole! Para naman sulit ung sahod natin. Umayos na ko ng upo. Pero napansin kong walang upuan si Nico at si Keith. "Nico! Dito ka na maupo." Sabi ko sa kanya at tumayo. "Paano po kayo?" Tanong nya bago sya maupo. "Okay lang. Di naman ako mag eencode ngayon. May titignan akong report. Uwi ko na lang tong folder para sa bahay gawin. Upo ka na dyan." Paliwanag ko "Wala na bang ibang upuan?" Tanong ni Keith. "Kami? Wala na. Lima lang naman kami. Meron sana... Kaso di ko alam passcode ni Ryle. Kung kay Kim naman malayo dito." Paliwanag ko. "Alam mo passcode ni Kim?" Tanong ulit ni Keith "Alam ko po." Sagot ko sa kanya. "Tara! Sir. Tulungan ko lang mag angkat ng upuan. Hehehe." Paalam ni Keith kay Kalen Kaso parang di kami narinig dahil dala nya pala ung laptop nya at nakatutok din dun. Tinapik ko na lang sya para mapansin nya kami. "Kalen. Kuha lang kami upuan kila Kim para may upuan kami ni Keith." Paalam ko sa kanya. Sandali nya pa kaming tinignan tapos tumango. Pero biglang hinawakan ung wrist ko. "Pasama ka ng isa sa kanila. Mabigat un.. magbubuhat ka?" Tanong nya. Umiling naman ako. Ayoko na makipagtalo kaya pinasama ko na lang si Vash. "Kinakabahan ako Ms. Nicole. Andyan talaga si Mr. Monticlaro?" Tanong nya sakin. Napabuntong hininga na lang ako at tumango. "Ou ih. Yaan mo na. Baka ng surprise visit. Ganun.." sabi ko Wala akong maisip na dahilan ih. Natawa naman si Keith sa sinabi ko. Tinext ko na din si Kim na hihiram kami ng upuan. Kaya pagdating namin dun kumuha na kami ng dalawa. Hindi naman nila binuhat. Pinagulong lang nila kasi may gulong naman. "Vash. Una ka na dun. may sasabihin lang ako kay Ms. Nicole." Sabi ni Keith Tumango lang si Vash tapos nauna na. "Masyado bang mabilis?" Tanong ni Keith "Ang ano?" Takang tanong ko kasi anong mabilis? "Yung nangyayari? Kahapon lang walang Miggy na nanggugulo sayo, ngayon meron na. Dati kahit hindi ka namin kausapin, okay lang. Tahimik ka sa inyong magkakaibigan pero ngayon umiingay na ung paligid mo." Paliwanag nya. "Ou... Hahahaha. Parang sana pala hindi ko muna kinuha ung cenomar ko para hindi, ganto kagulo. Hahahaha" natatawang sabi ko. "Alam mo. Pagpasensyahan mo na si Miggy ah. Skfkfgkgk" bulong nya hindi ko naintindihan "Ha?" Sabi ko sa kanya. "Ha? Wala. Anyway. Isa lang ang masisiguro ko sayo. Hindi ka papakawalan ni Miggy unless ibigay mo ung gusto nya na try this relationship. Tama? Pag di nagwork. Dun mo lang matatanggap ung Annulment." Sabi nya at tinapik ang balikat ko. "Tingin mo. Worth it ba magtake ng risk?" Tanong ko sa kanya. "Taking risk is always worth it. Atleast hanggang dulo sinubukan mo. Hindi ka man nagtagumpay atleast may ginawa ka para matupad. Like what you did to your mama. You accept my offer even though the chances are so low. But you still take the risk. Ganun lang din un. Malay mo mag work diba? Hahahaha. Magulat ka na lang mahal mo na din pala sya." Sabi nya. "Din?" Tanong ko. Anong din? Mahal nya ko? Ih... Saglit pa lang kami nag uusap... Impossible! "Ha? Mahal mo na pala sya. Walang din dun sa sinabi ko." Paglilinaw nya. "Ah.. akala ko mahal nya ko ih. Saglit palang tong usapan namin. Pero natatakot kasi ako. Baka sa huli masaktan ako." Sabi ko sa kanya "May past ka ba?" Sabi nya sakin. Ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Pero parang nagets naman nya. " Hindi porket nasaktan ka sa unang subok, matatakot ka ulit na sumugal, walang mangyayari kung hindi ka ulit susubok at babalikan ng babalikan ang nakaraan. Dahil sa unang sakit atleast may natutunan at bumangon ka." Sabi ni Keith at dahil sa sinabi nya napahinto ako bigla. Parang ganun ma ganun ung sinabi ni mama.. 'pagnasaktan ka sa unang subok, wag kang matakot ulit na sumugal dahil walang mangyayari kung hindi ka ulit susubok at babalikan ng babalikan ang nakaraan. Dahil sa unang sakit atleast may natutunan at bumangon ka.' "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nya sakin. "Ha? Ou. May naalala lang ako." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Should i take some risk again? Paano kung mag fail, but atleast i try again... At hindi nagkamali sa desisyon. Pero paano ko mamalalaman kung tama nga ung desisyon na gagawin ko... "Wag mo na isipin un... Sa huli ikaw din ang magdedesisyon but please piliin mo kung saan tingin mo sasaya ka." Sabi nya at pumasok na sa loob. Andito na pala kami. Hindi ko napansin. Hay! sabi ko nuon dapat pag nagdesisyon, ung desisyon na mag kakaroon ako ng inner peace. Huminga muna ko ng malalim bago pumasok. Tumambad sakin ang mukha ng lalaking nag aabang sa pagpasok ko. Nakatitig sya sakin kaya naman nginitian ko say at ganun din sya sakin. Should I or Should not? Hay! Parang napagod ako sa paglalakad namin ni Keith kaya pabagsak akong umupo pero muntikan ng umurong ung upuan ko kaya muntikan na din akong matumba. Buti at mabilis si Kalen kaya nahawakan nya ung upuan. "Hey. Careful. You might fall. Okay ka lang ba?" Sabi nya pero nakatingin lang ako sa kanya. "Hey! Zie!" Nagpakurap kurap pa ko bago ko na pagtanto na may tinatanong sya. "Ha? Ah. Ou. Okay lang ako. Sorry." Sabi ko na nagkakamot pa ng batok. May narinig akong tawa pero di ko pinansin kasi nahihiya ako. Sira ulo kasi to si Keith ih! Iniiling ko na lang ung ulo ko para mawaksi ung mga nasa isip ko. Saka ko na iisipin un. Oobserve ko muna kung worth it ba talagang sumugal sa offer ni Kalen. Umayos na ko ulit ng upo sa tabi nya dahil dun nakapwesto ung inupuan ko. Mukhang sinadya na dun ilagay. Paglalaruan na naman ba nya ung buhok ko? Pero feeling ko, hindi, kasi may ginagawa din sya. Hay! Trabaho Nicole! Trabaho!! Nagkanya kanya na din kami ng gawin kasi si Keith din pala may dalang laptop. Kaya sarilinan na. "Ate Nics. Pacheck?" Sabi ni Nico So tumayo ako at pumunta sa harap ng laptop nya nasa gilid ko sya ako nakayuko at nakaextend ang kamay. "Ate. Napano to? Bat may pasa ka?" Tanong nya tas tinitigan nya ung braso ko na kurot ni Kalen. "Ah. Wala yan. Kurot yan ng isang lalaking guilty." Sagot ko na hindi sya nililingon dahil nasa laptop nya ang atensyon ko. "Ah.. paanong guilty? San guilty?" Tanong nya ulit. "Guilting mambubu-" Di ko na natuloy ung sasabihin ko kasi pinutol ako nung lalaking guilty "Zie!" Sigaw ni Kalen, napaangat ako ng ulo na deretso sa kanya ang tingin. "Oh? Diba guilty?!" Sabi ko at nginitian sya. Gusto kong tumawa kasi ung tenga nya namumula. Si Keith naman namumula sa sobrang pagpipigil ng tawa. "Itawa mo na yan baka kung saan pa yan lumabas!" Inis na sabi ni Kalen kay Keith, kaya naman humagalpak sa tawa ung isa. "Ou nga. Magkalat ka pa ng lagim dito Keithy." Sabi ko at tumawa. Natawa naman sila pati si Kalen, kaya nagulat ung mga Team ko. Kasi ung CEO ng company namin, nakikitawa at nakakausap nila. Napatigil tuloy sya sa pagtawa. "What? Kanina pa tayo magkakasama dito. Bakit parang gulat pa din kayo. I'm just your CEO, tao din naman ako." Sabi nya na nakangiti. See. Hindi sya ung CEO na hindi strict o masungit. Always smiling and treating his employees like a friend or family but he has his authority. Ganun ata ang turo ni Sir Miguel sa kanya. Kaya nakuha nya ang respeto ng mga tao dito kasi may respeto sya sa iba. Tinignan naman ako ng mga kasama ko kaya nginitian ko lang din sila. "It's fine. Mabait naman sya. Kaya no harm yan. Wag lang sasabihan ng guilty sya sa isang bagay. Nangungurot!" Natatawang sabi ko na nagfocus ulit sa laptop ni Nico "Aksidente kasi un. Kung ano ano kasing sinasabi." Sagot nya pero sa laptop din sya nakatingin. "Nagkukwento nga kasi ako ng Point of view ko. Nakikiepal ka." Sabi ko sa kanya at ganun pa din. Nag sasagutan kami pero nakafocus sa laptop ung mata. At CEO ko ung sinasagot ko. Hahaha "So point of view mo ung ganung sinabi mo?" Tanong nya "Yep!" Sabi ko at ngumiti "Hindi ko naman kasi gagawin un." Iritableng sabi nya pero nasa laptop nya pa din ang tingin "Ih bakit may kurot?" Tanong ko. "Ung nakahighlight baguhin mo. May nilagay na ko." Sabi ko kay Nico "Sige po." Sabi nya at naglakad na ko pabalik sa upuan ko na katabi ng lalaking guilty. "Ih kasi nagulat ako. I don't do that thing. If i impreg-" pinutol ko na sya. Kasi naman desidido ang lola mo na mag paliwanag! Bulgar pa naman unh mga salita nya! "Ou na! Sige na. Hindi mo gagawin. Dahan dahan sa bibig at maraming makakarinig Sir." Sabi ko sa kanya. "Sir?" Pag uulit nya. "Opo. Sir. Nasa office po tayo kaya Sir." Sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi. "Fine. May sinend ako sayong files. Check mo." Sabi nya sakin "Bakit ka sakin nagsend ng files? Atska paano nyo po nalaman ang email ko?" Tanong ko sa kanya Kasi diba dapat nga ako ang magsesend ng files sa kanya? "See for yourself and nakita ko kanina nung hinawakan ko yan." Sabi nya sakin sabay turo sa laptop ko. Ah... Tinignan ko naman ung files na sinabi nya at nagulantang ako. Ung files kasi na sinasabi nya. Un pala ung mga legal documents naming dalawa. Pati na din ung marriage contract namin pati na ung cenomar, un nga lang sa kanya nakapangalan at hindi sakin pero parehong pareho at pangalan ko nga ung andun. Nakakatawa pati kasi ung resume ko andun. "Hahahahahaha! Bakit pati to andito? Hahahahaha" tanong ko sa kanya. "It's still your documents kaya nilagay ko dyan." Sabi nya na parang importante ung resume ko. "Bakit nga pala hindi nakalagay dyan na Magna Cumme ka?" Tanong nya sakin. "Ahm.. hindi naman importante un. I mean sakin, importante kasi that's one of my achievements pero sa ganto, sa work? Pareparehas parin naman ng magiging trabaho. At parepareho din kaming magiging empleyado kaya di ko na nilagay." Sabi ko ng nakangiti. Tumango tango naman sya. "Iba ka talaga sa lahat." Wala sa sarili nyang sabi. "Ms. Beautiful!!" Sigaw ni Kuya Alex ung isa sa mga utility dito. Bukas naman un kaya papasok na lang un. Pagpasok nya nagulat pa sya. "Ay! Sir Miggy. Andito po pala kayo, kayo din Sir Keith. Mukhang may dumadalaw na sayo Ms. Beautiful ah!" Magiliw nyang bati nung nakita nya ung dalawa. Ngiti lang ang sinagot ko. "Hi Kuya Alex. Memo? Lagot ka Nicole! May memo ka!" Sabi ni Keith "Bwisit!" Ayun lang ung sinabi ko kay Keith. kasi naman! mang aasar na naman sya. "Hi Kuya Alex. Kumusta po?" Sabi ni Kalen Kilala nya si Kuya Alex? Galing! "Kilala mo sya?" Tanong ko "Syempre naman Zie. Ilang taon ng worker si Kuya Alex dito sa ME kaya kilala na namin sya." Sabi na parang wala lang. "Ano po yan?" Tanong nya kay Kuya Alex. "Memo po Sir. Ibibigay ko lang dyan sa maganda nyong katabi." Sabi nito at lumapit. "Naku Kuya Alex. Off limits dyan sa sinasabi nyong maganda!" Pang aasar naman ni Keith. "Mukha nga Sir Keith ih. Mukhang bantay sarado." Sabi naman ng matanda at lumapit na sakin. "Bigay ko lang Sir ah." Paalam nya kay Kalen "Sige lang po basta hindi love letter yan, okay lang. Hahahaha." Natatawang sabi naman ni Kalen at tinignan pa ung papel na binigay ni Kuya Alex. Tumawa din naman ung matanda at binigay na sakin ung Memo. "Magandang pirma mo na lang Ms. Beautiful." Sabi ni Kuya Alex "Hindi ba Marriage Contract yan kuya?" Sabi ni Keith. Ay Putik! Hayop talaga tong si Keith! "Naku! Ayoko pa pong matanggal sa trabaho! May pinapa aral pa kong anak! Hahahaha." Sabi ni Kuya at nakikitawa pa. "Kung marriage contract man yan, Kuya? Papalya yan. Kasi nakapirma na to 2 years ago na." Sabi ni Kalen natumatawa pero nakatutok sa laptop nya. Argh! Kailangan sabihin un?! May ibang tao!!! "Salamat Kuya Alex. Labas na kayo baka may mabuksan pang hindi dapat sa sinasabi ng mga to." Sabi ko na tinawanan lang nung dalawa. "Okay lang yan Ms. Beautiful, ngayon ko lang nakitang may tinabihan itong si Sir Miggy na babae. Kaya safe ka dyan. Hahahaha. Alis na ko Sir." Paalam nya at kumaway pa. Tinignan ko naman ung reaksyon nung apat. Pero pag tingin ko nakangiting nagsiiwas ng tingin. Ayt! May nabubuo na silang conclusion kaya ganyan yang apat na yan. Huminga muna ko ng malalim na ikinatingin ni Kalen. "Okay! Since naririnig nyo naman na ung usapan namin kanina pa at alam kong nagtataka kayo bakit andito tong dalawang panget na to!" Derederetso kong sabi. "Asawa nyo po sya." Sabi ni Nico "You're married." Sabi ni Anne "Sabi na may asawa ka na ih!" Sabi naman ni Vash "Sabi po nya kanina 'she's my wife.'" sabi ni Blesy sabay sabay na sabi nung apat kaya napanganga ako! Anak ng tinolang manok! Sinabi na pala nya! Napatingin ako sa kanya, na nakatingin din sakin. "Pwede tayong mag usap?" Bulong ko sa kanya "Sure. In my office." Seryosong sabi nya at nauna pang tumayo. "Dito ka lang Keith babalik din kami." Dagdag nya pa at lumabas na. "Wait lang ah. Babalik ako." Sabi ko sa kanila at sumunod na kay Kalen Naiinis ako kasi sinabi na pala nya hindi man lang ako sinabihan?! Ay naku! Naglakad lang kami papunta elevator habang naman naglalakad kami madaming nakatingin, siguro dahil parrleho kaming nakapoker face tapos kasama ko pa ung CEO namin. Bumukas ung lift at pinindot na nya ung floor ng office nya. Tahimik lang kaming dalawa habang nakasakay sa elevator. Di ako sanay ah. Ilang oras palang kaming magkasama pero nasanay na ko na madaldal sya o palabiro. Ba yan! Pero kasi naman ih... Nang makarating kami sa office at makapasok, bigla nya kong hinarap ng nakakunoot ang noo.. Wait! Bakit parang mas iritable sya kesa sakin? Dapat nga ako un ih. "You seems cold? What's the problem? Anong pag uusapan natin?" Tanong nya sakin.. What's the problem? Seryoso?! "Sinabi mo na pala?! Kelan mo sinabi?!" Inis na tanong ko. "Of course. Sinabi ko na, nagtataka sila eh. Bat daw ako nandito. Tas tinanung nila ako kung nililigawan daw ba kita. Edi sinabi ko na kung ano relasyon natin. Sabi ko asawa kita. Wala namang mali dun. legal naman kitang asawa." Ung pagkakasabi nya parang wala lang. Grabe! Parang wala lang sa kanya! Should i think again about the decision i will make? Kasi paano kung ako lang ung mayare sa subok subok na to?! Edi kawawa na naman ako. Mukha naman kasing wala lang sa kanya. "Wow! Ang daling sabihin sayo nuh? Bakit hindi mo sinabi sakin na sinabi mo na pala sa kanila. Mukha akong tanga na iwas ng iwas na wag maungkat un tapos ikaw naman pala pinagsabi mo na." Sabi ko na kanya. "Wala. Wala na naman tayong dapat pag usapan." Dagdag ko at tumalikod na at maglalakad na. Napahinto ako ng bigla syang magsalita. "Anong problema dun? Anong problema kung sinabi ko sa kanila? Isa naman sila na pinagkakatiwalaan mong tao diba? Ano ngayon? At bakit pakiramdam ko kinakahiya mo kong maging asawa?" Natatawa nyang sabi pero alam kong hundi tawa un pang iinsulto un.. "ayaw mo ba sakin? Hindi mo ba ko gusto?" Dagdag nya pa. Hindi naman un ung gusto kong sabihin ih!!! Wala akong sinabing kinakahiya ko sya. Ou! Hindi ko sya gusto, pero hindi ko naman sya ikakahiya... I mean paano ko masasabing gusto ko sya.. ih kakakausap lang namin dalawa?! "Si-" naputol ung pag sasalita ko ng bigla syang nagmura. "T*ng*nang Sir yan! Bat kasi nauso?! Bwisit!" Mura nya at tumalikod. "Sabagay! Sino ba naman ang magiging proud sa asawa na minsan na nyang nakitang makipaghalikan sa ibang babae ung asawa nya. Bat kasi umaasa ko?! Akala ko kanina nung nag usap tayo okay na. Naalala ko hindi ka pa nga pala pumapayag sa sinabi ko. Pasensya na." Sabi nya at naglakad na papunta table nya. Wait lang naman! Hindi naman ganun un!!? Ayt! Ano ba yan!!! "Sige na Ms. Ferrer. Bumaba ka na at pakisabi kay Mr. Ramos na dalhin ung mga gamit ko. Thank you." Sabi nya habang nakatalikod pa din. Ms. Ferrer?! Teka nga! Ang arte naman nito! "Correction Mrs. Monticlaro not Ms. Ferrer." Sabi ko at humarap. Napaharap din sya at tinignan ako ng 'seryoso ka?' look.. ih... Bahala na! Ako din nagulat ih! "Wow! Now you're prpud of it?! Kanina lang ayaw mong tinatawag kitang Mrs. Monticlaro ngayon ikaw na ang nagsabi? Ang gulo mo!" Sabi nya na naiinis na. Ih... Ako din naguguluhan sakin! Wag kang ano dyan Kalen! "Hindi naman kasi un ung gusto kong sabihin! Okay! Sorry kung naiisip mo o napaparating ko sayo na kinakahiya kita. Pero hindi naman yun un... Masyado lang mabilis! Nung nakaraang araw lang, alam nilang single ako at walang karelasyon, tapos pagbalik ko galing Rest Day?! May asawa na ko. Masyado lang mabilis ung nangyayari... Tapos paano kung may makarating sa board na ung naging asawa mo ay Marketing Staff lang pala. Edi napahiya ka na naman sa kanila. Mawawalan na naman sila ng tiwala sayo... Anong iisipin ng iba?!" Derederetso kong litanya sa kanya sabay yuko. Totoo naman ih! Anong sasabihin ng iba pag nalaman nilang ung CEO ng kompanya na tinitingala ng lahat ay nakapangasawa ng Itinatakwil ng pamilya, walang pinagmulan, latak sa lipunan, mahirap, walang mag- Naputol ang pag iisip ko ng may humaplos sa pisngi ko at nag angat ng mukha ko. "I told you, wag kang yuyuko. Masyado kong maganda para yumuko." Sabi nya ay nginitian ako. "Wala naman akong paki sa sasabihin ng iba. Sa sasabihin mo lang naman ako may paki. Okay, i'm sorry kung sinabi ko sa kanila without your consent, hindi na mauulit. And about sa huli mong sinabi, uulitin ko, wala akong paki sa sasabihin ng iba, pero alam kong ikaw concern ka. And Thank you for that. I'll just wait your decision about sa napag usapan natin." Sabi nya at pinunasan ung pisngi ko na may luha pala.. Di ko na malayan un ah! Kasi naman ih! Sabihin ko na ba ung desisyon ko? Hay! Sana wag magkamali this time... Sana talaga! Di ko alam pero may nag uudyok sakin na gawin at itry. Baka naman pwede... Bahala na! Huminga muna ko ng malalim bago mag salita ulit. "Sige. Pumapayag na ko dun sa sinabi mo kanina. Pero please lang. Pwedeng wag muna ung together together sa bahay... I mean after 1 week na ko lilipat. Atska! hinay hinay sa mga galawan, nagugulat pa ko ih." Bulong ko sa kanya Mukha namang nagulat sya kasi di nya inaasahan. Ako din naman ih?! Hindi ko inaasahan na magkakapagdesisyon ako ng ganun kaaga. "Sigurado ka? Hindi kita minamadali? Pero kung Yes ang sagot mo sa tanong kong sigurado ka ba? Sige. I mean okay lang sakin kung after 1 week ka na lilipat." Sabi nya sakin "Yes. I think i should take some risk... Di naman siguro masama un diba? Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya Natawa naman sya bigla. Bakit tumatawa? Wala naman akong sinabing nakakatawa. "Anong ayaw?! Sinong nagsabing ayaw ko? Im happy Zie." Sabi nya at ngumiti Ngumiti na din ako sa kanya bago sya magsalita ulit. "Okay! Wala ka namang pipirmahan na kontrata kaya malaya kang gawin ang gusto mo. Hay! Saka na natin pag usapan yan pag sa bahay ka na natin uuwi. Hahahaha." Parang excited na sabi nya! Ang bilis magbago ng mood! Okay na. Normal na ulit sya. Naoffend lang ata sya dun sa sinabi ko. Hehehe. Pero hindi ko naman talaga sya ikakahiya nuh?! Bakit ko pa ikakahiya to?! Gwapo, matalino, may sense of humor, hot, sweet, caring tapos... Okay! Masyado ko na ata syang pinuri... Hahahahaha. Pero totoo naman ka- "Hey! Malalim na naman ung iniisip mo. Baba na tayo dun." Sabi nya sakin. Tinanguan ko naman sya at naglakad na kami palabas ng opisina nya. Hay! Sana tama tong desisyon ko. Sana talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD