Chapter 39

4935 Words
++++++++ Nicole's POV After namin mag usap, bumaba na din kami. Sa totoo lang. Ngayon ang pinaka unproductive day ko! Wala akong magawang mga paper works! Kasi ginulo ung sistema ko ng kasal na yan. Hahahaha. Bigla bigla! Kung kanina pinagtitinginan kami dahil nakapoker face kami at kasama ko si Kalen. Ngayon pinagtitinginan kami kasi ung ngiti nitong kasama ko parang hindi naglalaho! "Tigilan mo po kaya kakangiti. Parang kang baliw." Bulong kong saway sa kanya "Why? I want to smile. May problema ba dun?" Sabi nya at nakangiti pa din. "Pinagtitinginan tayo oh.." bulong ko sa kanya. "Gwapo kasi ng kasama mo." Bulong nya din sakin "Mukha kasing baliw ung kasama ko." Sabi ko at binilisan ang lakad. Nakarinig pa ko ng bahagyang pagtawa galing kay Kalen pero di ko na pinansin, bahala sya dyan. Nakarating na kami, ako na ung nagbukas. Pagbukas ko nakita ko si Ate Melva. Ung laging naghahatid ng meryenda dito sa Company. Asawa sya ni Kuya Alex. "Hi Ate Melvs!" Masiglang bati ko. Napalingon naman sya sakin at ngumiti. "Ay! Eto na pala si Mam Ganda eh! Eto ang iyo.. painit init pang hot cake!" Sabi nya sabay abot ng disposable tupperware. Yieee! Hot cake!!! May Favorite! May sentimental value sakin ang Hot cake, kaya naging paborito ko sya. Pero teka?! Hm? Hindi naman ako nag order ah? Hindi ko nga sya naabutan kanina ih... "Hi Ate Melva. Kakarating nyo lang po?" Singit na bati naman ni Kalen "Ayun! Andyan pala kayo Sir Pogi eh. Nakay Sir Keith na ung sa inyo." Sabi ni Ate Melva Pagkasabi ni Ate Melva nun, automatic na napatingin ako kay Kalen. Kumakain sya ng gantong pagkain? I mean.. ung mura ba? Hindi galing sa mayayamang restaurant. Iba! "Wag mo kong tignan na parang hinuhusgahan Zie. Hahahaha." Natatawang sabi nya. "Bakit nakakagulat lang." Sagot ko sa kanya at tumingin kay Ate Melvs. "Wala akong order na ganto ah. Pero Thank you po. Yiee!" Sabi ko at ngumiti ng malawak. "Si Sir Pogi ang nag order nyan. Tinanong nya kanina kung anong lagi mong inoorder. Kaya yan ang inorder nya para sayo. Bagay kayo Mam Ganda! Isang maganda at isang gwapo. Magandang lahi!" Magiliw na sabi ni Ate Melvs na kinikilig kilig pa. Napangiwi naman ako. Eh? Magandang lahi? Si Kalen lang kamo ang magandang lahi! Di ako kasama! "Ganun po ba Ate? Parang gusto na tuloy mag a-Aray! Mag ampon kasi un..." Napaaray sya kasi siniko ko sya sa tyan "Ang arte nito. Hindi naman malakas un." Bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman talaga... Kasi parang nananching ka lang." Bulong nya din Napatingin ako sa kanya. Narinig nya pa yun?! "Hindi nuh?! Kapal nito!" Sabi ko sa kanya. Nakalimutan kong nasa harap pala kami ng ibang tao. Kaya naman nakarinig ako ng mga tawa. Shocks! Nakakainis! Narinig ko din syang tumawa kaya inirapan ko na lang sya at dahan dahan naglakad papunta sa upuan ko, kukuha ako pambayad. Bahala sya dyan. "Bagay talaga kayo! Diba Sir Keith?" Sabi pa ni Ate Melvs. "Ou naman po. Pero bakit sakin pangalan, kay Sir Miggy, Pogi? Unfair!" Sabi naman ni Keith "Wag ka na umangal Keith. Aminin mo na lang na mas gwapo ako sayo." Sabi ni Kalen "Ou sige na." Sabi na lang ni Keith kaya natawa ung mga kasama namin. Nagkwentuhan lang sila habang ako naghahanap ng wallet ko. Asan na ba un? Hanap! Hanap! Charan! Nakuha ko na din! "Ate Melvs, wait! Magkano po?" Tanong ko kasi mukhang paalis na sya. "Naku! Bayad na yan. Binayaran na ni Sir Pogi. Alis na ko. Idedeliver ko pa to sa mga taga finance." Sabi nya at kumakaway pa. "Ingat Ate Melva." Sabi na lang ni Kalen at Keith Nung nakaalis na si Ate Melva, bumalik na din si Kalen sa tabi ko. Tinignan ko sya at parang nagulat pa sya na tinignan ko sya. "Whoa! Bakit? Wala akong ginawang masama." Ayun agad ung lumabas sa bibig nya. Sira ulo! Nakakatakot ba ko?! "Sira! Binayaran mo to?" Tanong ko sa kanya kasi di pa din ako makapaniwala. "Yep. And the plan is you will pay me..." Sabi at umupo. Ay! Akala ko naman libre na! Choss! Hahahahaha "Ow... So magkano?" Tanong nya at umiling lang sya "No need. You pay me already." Sabi nya at ngumiti Ha? Di pa naman ako nagbibigay ng pera sa kanya. Paano ako nakabayad? Oy! Baka kumuha sya ng pera sa bag ko kanina. "By accepting the offer 2 years ago." Sabi nya tapos humarap sakin nang nakangiti. Nahawa ako sa ngiti nya kaya napangiti na rin ako. "Thank you." Ayun lang ung nasabi ko. "You're always welcome Zie. Thank you din." Sabi nya at ginulo ung buhok ko. "Ay! Trabaho trabaho!" Nawala ung titigan version namin ni Kalen dahil sa boses ni Keith. "Pasalamat ka at masaya ako ngayon kaya pag bibigyan kita dyan." Sabi naman nito ni Kalen kaya natawa si Keith. "Thank you Ms. Nicole!" Sabi nya sakin at tumingin ulit kay Kalen. "Hm. Eto ung order mo." Sabi nya at inabot yung Tupperware na disposable din. Nung tinitigan ko kung ano un, spaghetti ba yan? Hahahahaha. Seryoso? Mahilig sya sa ganyan! Hahahahaha. Ang cute! "Ang cool. Kumakain ka pala ng pagkain na katulad nito? I mean hindi galing sa mamahalin." Sabi ko at tumingin sa laptop ko. "Hahaha. Ou naman. Mas masarap pa to kesa sa mamahaling restaurants but exempted ang Miklé sa restaurant na un." Natatawang sabi nya Well! Totoo naman... Masarap din kasi ang mga pagkain sa Restaurant ng ME. Minsan na kong nakatikim ng food galing dun dahil kay Kim. Hahahahaha "Hmm... Sabagay tama ka. Atska masarap naman din talaga ung food ng Miklé. I've tried it once, bigay ni Kim. Masarap!" Sabi ko "Hm.. Pero nakapasok ka na ng Miklé?" Tanong nya "Not yet. Hahahaha. Feeling kasi namin pangsosyal. Hahahaha. Minsan naglolokohan kami nila Tal nung college na makakapasok lang kami dun pag nakapagtrabaho na kami dito sa ME, nangyari naman un kay Kim nga lang... Kasi pinaghiwahiwalay kami." Paliwanag ko. Bigla syang napatingin sakin na nakakunot ang noo. "Seriously?" Tanong nya sakin "Ou nga. Seryoso ako..." Sabi ko pa ng tumatango tango. "But Dad didn't established Miklé just for people who have silver sppon in their mouth, it's established for everyone." Sabi nya at this time buong katawan na nya ang nakaharap sakin. "Totoo naman un. Pero the fact na ME ang nagestablished nun, people like us na wala naman gaanong kakayanan iisipin na it's only for rich people. Hehehe. Sorry." Paliwanag ko sa kanya sabay peace sign. "It's just my point of view Kals. Don't be offended, okay?" Dagdag ko pa "Yeah. I know, i'm not offended at all, atleast alam ko ung iniisip ng isang tao sa Miklé. Thank you for sharing your point of view Zie." Sabi nya at ngumiti. "You want to go Miklé? Tara!" Yaya nya na parang nagyayaya lang mag punta ng park. "Ayaw. Mapride ako ih! Gusto ko ako magdadala ng sarili ko dun. Hehehe. Ska na ko pupunta pagtingin ko kaya ko ng makipagsabayan. Hahahahaha. choss!" Birong sabi ko Pero part of it ay totoo. Lalo na ung gusto ko ako ung magdadala sa sarili ko dun. Hahaha. Sarap kaya! "Independent woman. Hahahaha. Okay. Pero kung gusto mong pumasok dun, kahit hindi mo pa kayang pakipagsabayan. Just tell me. Ipapadala kita dun para sa Marketing Strategy. Hahahahaha." Natatawa nyang sabi tapos humarap sa laptop nya. Ay putik! Trabaho pa din! Hahahaha "Takte! Gusto ko pupunta ko dun para kumain, hindi para magtrabaho. Apaka nito. Hahahaha." Natawa na din ako kasi naman! "Just kidding." Sabi nya. Di na ko sumagot kasi napatingin ako sa hot cake. Mainit pa daw to. Hala! Magpapawis to! Kinuha ko un tapos binuksan. Hala! Nagpawis nga! Pangit pa naman pag nababasa. Pero syempre dahil hot cake to! Keri lang. Hehehe Alam ko kumain ako ng lunch at ilang oras pa lang nakakalipas pero nagugutom na naman ako dahil sa nakikita ko. Napagod kaya ako dun sa mga away namin! Naubos energy ko! Tinulak ko lang ung upuan ko papunta dun sa drawer. Alam kong ung dalawang bago kong kasama pinagmamasdan ung ginagawa ko. Pagkadating ko sa destinasyon ko, binuksan ko ung huling drawer dun tapos nakita ko agad ung pakay ko. Ang Utensils namin!!! Naglagay kasi ako ng travel kit utensils dito kasi nga pagkumakain kami, tas dito lang sa loob ng office namin. Hindi na kami lalabas para bumili o pumunta ng cafeteria para manghiram ng Utensils. Ang hassle kaya nun! "Gagamitin nyo na ung inyo or mamaya na?" Tanong ko sa kanila na mga nakatutok sa laptop. Tig iisa kasi kami dito. I give this travel kit utensils nung pasko tas nilagyan ko ng pangalan and ung kulay ng lalagyanan favorite color namin. Bukod sa andito sa drawer, meron pa ko nito sa bag. Nakasanayan na lang siguro kasi nung college lagi akong pinapabaunan ni mama. Tas sabi nya pa dapat daw lagi akong may dalang sarili kong utensils for hygiene purposes. "Maya na po Ate Nics. Kunin na lang po namin dyan. Salamat po." Ani ni Blesy "Okay." Sabi ko paalis na sana ko ng sumigaw si Vash at Nico "Waaaaah! Pasabay nung akin Ate Nicole." Vashy "Mine too.. Arigato!" Nico Hinanap ko naman ung sa kanila at nung nakuha ko un. Pinagulong ko na ulit ung upuan ko, hindi lang gumulong umikot pa. Sa sobrang katangahan ko. Muntikan pa kong matumba na naman! At ang tatanghaling savior ko ngayon, Si Mr. Miguel Kalen Monticlaro!!! Whooo! Palakpakan!! Buti nga't maagap sya na nahawakan ung arm rest ng upuan ko kundi tumba! Partida nakatingin yan sa laptop nya. Tumingin sya sakin ng matalim, pero nagsmile lang ako at nagpeace sign. Hehehehe "Kung ano ano kasing ginagawa eh. Careful!" Inis na sabi nya "Sorry. Hehehe." Sabi ko tapos bumaling na kila Vash na natatawa. "Sige. Tawa na. Kawawa naman kayo. Oh!" Sabi ko sa kanila at inabot na ung kit nila. "Salamat Ate." Sabay nila na sabi Nginitian ko na lang sila tapos umayos na ko ng upo para makain ung hot cake ko!!! Hehehehe Uhm... Ang sarap! Ung margarine nya! Sakto. Hahahahaha. Mas masarap kasi natunaw na hinigop na nung hot cake ung lasa nya. Ewan ko ba?! Napagod ata ako buong araw kahit wala naman akong ginawa masyado kundi magsalita ng magsalita. Nakakapagod pala un?! "Masarap?" Sabi ni Kalen na nakatingin pala sakin. "Uhm! uhm!" Un lang ung sagot ko tapos tumaas baba pa ung kilay. Masarap lalo na libre! Ay! Sarap! Hahahahahaha Bigla naman nyang hinawakan ung gilid ng labi ko. Kaya nanigas ako bigla.. "Ang dungis mo kumain." Sabi nya ng matapos na nyang punasan ung dumi. Ih... Okay ka lang Nicole? "Salamat." Sabi ko at tumingin na ulit sa hot cake ko. Nailang ako bigla. Sorry po... Pero ang gwapo nya kasi tignan dun sa pwesto nya kanina, paano nakapatong ung siko nya sa lamesa tapos ung baba nya nakapatong sa kamay nya, ung hinlilit nya nasa taas ng ilong nya.. basta ganun tapos nagsmile pa! Alam ko namang gwapo sya. Kaya nga ako naiilang sa kanila nuon kasi ang gagwapo nila ih! Tas boss ko pa sila kaya ilang ako. Pero seriously, hindi ko sya/sila crush. Hahahaha. Siguro kung papipiliin ako ng crush sa kanila... Si Harold. Ewan ko. Pero hindi ko sila crush. Naiilang lang talaga ko kasi nga mga gwapo. Ganto din naman ako kay Daniel nuong bata pa kami. "Can i have a bite?" Tanong nya. Kumakain sya nito? Hm? Talaga? "Kumakain ka nito? Weh?" Di makapaniwalang tanong ko. He just chuckle and nod. "What do you think of me? Sensitive in that kind of food? That's pancake, right?" Tanong nya. I just nod but still didn't believe.. "Pinalow class version ng pancake." Sabi ko sa kanya "I know. Penge." Sabi nya. "Hm. Okay." Sabi ko tapos naghati ng hot cake at tinusok ng tinidor tapos tinapat sa bibig nya. Hindi kasi sya nakatingin sakin. Mukhang busy sa laptop nya. Kahit kasi nakikipag usap sya sakin andun ung atensyon nya. "Uhm." Agaw ko ng atensyon nya kasi nga nasa tapat na ng bibig nya ung hot cake. Mukha namang nagulat sya kaya napatingin sya sakin. "Oh.." pag uulit ko. "Akala ko hihingi ka? Ayaw mo na?" Tanong ko sa kanya kasi parang ayaw naman nya kainin. "Gusto." Un lang ung sinabi nya tapos sinubo na nya ung hot cake. Nakangiti lang ako sa kanya. Habang sya naman ninanamnam ung hot cake na sinubo ko sa kanya. "Sarap diba?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti tapos sumubo na ulit ng hot cake. Tumango naman sya. Pero napansin ko, bakit namumula ung tenga at leeg nya. Nagpunas lang ako saglit kasi baka may kalat na naman ung bibig ko, nakakahiya! "Kals. Okay ka lang? Namumula ung tenga mo pati ung leeg mo..." Sabi ko sa kanya sabay hawak. "Zie. Kain ka na ulit. Yaan mo yan." Sabi nya pero parang naiilang. "Okay ka lang talaga? Pulang pula ih!" Sabi ko at hinawakan at pinakatitigan ko na ngagon.. "Okay lang ako, Zie. Pero baka mamaya hindi na." Sabi nya na pinagtaka ko. "Ha? Bakit anong meron mamaya at hindi ka na okay?" Parang tangang tanong ko. "Easy ka lang kasi Nicole sa mga galawan mo, baka magulat ka biglang may tumumba dyan. Hahahahaha" sabi ni Keith na mas nagpagulo sa isip ko. Magtatanong pa sana ko kaya lang tinawag ako ni Vash para dun sa proposal na pinapagawa samin. "Ate Nicole. Pacheck po ng draft." Sigaw nya kaya napunta sa kanya ung atensyon ko. "Sige. Wait lang." Tumayo na ko pero bago ako umalis naririnig kong minumura ni Kalen si Keith ng pabulong. "Huy. Okay ka lang talaga ah. Nakakabother yang pamumula ng tenga mo pati yang leeg mo." Sabi ko ska umalis para magpunta kay Vash. Kalen's POV F*ck! Hindi talaga alam ng babaeng to kung anong epekto nya sakin! She's so innocent to the point na hindi nya alam kung bakit namumula ang tenga at leeg ko! Bakit kasi?! "Hinay dude.. halatang halata ka kamu." Bulong nitong katabi ko at tinatawanan ako "F*ck you!" Madiing bulong ko sa kanya. Nang aasar pa kasi! G*gu! Why i'm like this?! Nahihirapan akong kontrolin ung emotion ko! Hindi ako ganto! Saming magkakabarkada, ako ang pinakamagaling sa self control pero dahil dito sa babaeng to. Wala na. Tinignan ko ngayon si Zie. Habang chinecheck nya ung ginawa ni Vash. Hindi daw sya ganto magwork sabi nila Nico kanina. She's always in her laptop, encoding and checking some reports and stats. Ngayon lang sya naging ganyan na parang walang ginagawa. Mukhang nasstress ata sya ngayon.. Tinitigan ko lang sya... She is really beautiful in every way she do. Wala bang maipipintas sa babae na to? I mean, she's too perfect! Tama nga si Caleb. She's too perfect to compare to the other girls na nakasama namin. Kaya pala baliw na baliw din ang G*go! Yes. Si Caleb. Kapatid ni Danica. Si Caleb Daniel Villanueva, my best friend. Unang nakasama ko sila dahil kay Henry at nakita namin si Danica, na ipinakilala na kapatid ni Caleb, nagkatinginan kami at iisa ang nasa isip, ung ex ni Caleb. Since alam namin na isa lang ang kapatid na Caleb. At first i really thought it was Krystal dahil wala pa din naman nun si Zie. Si Krystal ung naisip ko, because she's quiet and mapagkamalan mong inosente, pero f*uck! Nung uminom. Isa lang ang masasabi ko nasa loob ang kulo ni Krystal. And then this lady here came, nakasimangot at ung porma nya sobrang simple! Dahil nga dun bigla silang naalala ni Theo at Harold. Si Harold, na minsan lang di makalimot ng babae o ng tao! Flashback We're at the bar na sinabi ni Henry, may ipapakilala daw sya. Pumayag na kami tutal minsan lang un may pinapakilala. "Asan na daw si Henry?" Tanong ni Keith na abala sa phone nya. "I don't know. Maybe you can call him." Sabi ni Theo na naghahunting na ng mga babae. Siraulo talaga! Napapuntong hininga na lang ako. Ayoko na ng babae. Simula nung kinasal ako hindi na ko nakipagharutan ulit na iba. Bukod sa baka mascandalo na naman, ung babaeng pinakasalan ko na lang ung aantayin ko. I wonder kung kelan nya kaya aalamin kung sino ako. Hahahahahaha. When that time comes, i never let go of her. Swear! "Oh?! Ayan na pala si G*go!" Sabi ni Theo habang ngumunguso sa gawi ni Henry Nung tinignan namin, aba! May kasamang babae! Mga babae. Ngayon lang nagsama to ng mga babae ah! Lagi kasi kami ang may dala o nagyayaya. Wait! I know them!They are her friends! Kaibigan sila ng asawa ko! "Tol! Daming chicks nyan ah!" Bati ni Theo ng makalapit sila Henry samin. Ngumiti lang naman si Henry habang inaakbayan ung isang babae. "Guys! I want you all to meet my girlfriend, si Kim. Tapos friends nya. May kulang na isa. Hindi ko alam kung dadating. Hahahaha." Pakilala nya kay Kim habang natatawa pa. Mukha namang nagulat sila kasi andito ako. Hahaha. I forgot to mention, they also my employee. But wait! Andito si Camille, alam ba ni Keith? "Babe! Halika na dito. Wag ka na sumali sa kilakila na yan. Kilala mo na naman sila." Sabi ni Keith at hinila si Cam. "Boyfriend mo ung assistant ni Mr. Monticlaro?" Gulat na tanong ni Kim kay Camille, nakangiwi namang yumango ung isa. Tapos baling ung tingin ni Kim kay Henry. "At kaibigan mo sila?" Hindi nya makapaniwalang sabi. "Yeap, Sweetie. Boss nyo yan diba?" Sabi ni Henry sabay turo sakin. "Ou. Hello po Mr. Monticlaro at sa inyo din." sabi nya at yumuko pa. "Hi. So ikaw pala ang estudyante ni Henry na kinababaliwan nya nuon pa. Hahaha. You can call me Miggy, pag tayo tayo lang. Girlfriend ka ni Hens kaya your also my friend." Sabi ko sa kanya na halatang gulat pa din. "Sure po kayo?" Paniniguradong sabi nya kaya tumango ako. "Sige po. Ay kaibigan ko po pala. Si Krystal po atska si Danica. Kilala nyo naman na po pala si Cams kaya wag na. Hehehe. Ung isa po. Duda ako kung pupunta." Sabi nya at alam ko kung sinong wala. My wife. Tinuro nya ung mga kaibigan nya at ung Isa si Krystal, empleyado ko din, ung isa i didn't see her in my company but she looks familiar, but paniguradong hindi sya nagtatrabaho sa company ko. "Oh.. this is Theo, Harold, Keith and Miggy. Friends namin ng Kuya mo Danica." Sabi ni Henry kaya napatingin kami dun sa Danica. "Kapatid ni Caleb mga Tol." Sabi ni Henry Pagkasabi nun ni Henry, isa lang ung pumasok sa isip ko, ung ex ni Caleb na iniyakan nya ng ilang araw at kaya sya pamilyar dahil nakikita ko sa kanya Caleb. Nagtinginan kami at alam kong ganun din sila. Napangiti si Theo. Kaya naman inilingan ko na lang. Hindi naman kasi magpakita ng picture si Caleb samin kaya huhulaan ko na lang. Feeling ko itong Krystal, she's quiet and parang inosente. Parang hindi makaparty. We just say our hello and tingin ko naman medyo naging kampante na sila samin. Kasi nakakapagbiruan na sila kila Theo. "Ow.. Hi. Hindi kayo napakilala ni Kuya CD, but i know that he has a best friends. Alam kong kaibigan nyo si Kuya pero sana maging friends nyo din ako. Hehehe." Sabi ni Danica pero binara din sya agad ni Kim. "Ang arte! Lagot ka kay Nics pag nakita ka nun." Sabi ni Kim at tinawanan si Danica. Ung Krystal tahimik lang and just smilling to them. I have a feeling that she's the woman of Caleb. "Speaking of! Matawagan nga ung babae na un. Hindi pwedeng wala sya dito. Ang lagay tayo lang ang nagsasaya." Sabi ni Danica at kinuha ung phone nya at dinial dun ung number ng gusto kong makita. Ilang saglit lang. Sumagot na ung tinawagan nya. [Anong problema? Hindi ako pupunta.] Ayun agad ung bungad nya. Hahahaha. Alam na agad nya kung bakit tumawag ung mga kaibigan nya. "Napaka mo! Wala pa ngang sinasabi ih..." Sabi naman ni Danica na parang nagtatampo. [Naku! Kilala ko pagkatao nyo. Basta hindi ako pupunta! End of discussion! May sasabihin pa? Wala na? Okay. Bye!] Sabi nya pero hindi naman napatay talaga. "Oh come! Nicole! We need you... Paano pag nalasing kami. Sinong maghahatid samin?" Paawang sabi ni Danica Nakaloudspeak kaya rinig namin, hindi naman gaano maingay sa pinuntahan namin. They only have acoustic band. Kaya paano sila malalasing. Hahahaha [Oh? Ano ngayon? Edi magpahatid kayo kay Sir Henry! Sya naginvite sa inyo ih.] Sabi nya at parang naiirita na. Natawa naman si Hens. Tinitignan lang namin sila. And me, I'm just observing Krystal. Gusto kong malaman bakit nya iniwan si Caleb. "Bahala ka! Magpapauwi ako sa lalaki! Pati si Tal! Tapos si Kim sasabihin ko kay Sir Henry na iu-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ung nasa kabilang linya. [Takteng yan! Ou na! Pupunta na! Kukutusan ko kayo tig iisa pag nakakita ako sa inyo ng Kissmark! Sinasabi ko sayo Cassandra Danica! At alam kong naririnig nyo ko Lovely Kimberly at Krystal Jane pati ikaw Sir Henry! Lagot ka sakin pag nakakita ako ng kung ako kay Kim!] Pagbabanta nya sa mga kaibigan nya pati na din kay Henry. Tumawa lang ng tumawa ung apat. "Bakit kami lang. Kasama namin si Cams." Sabi ni Kim. [Argh! Pati si Cams sinama nyo?! Nandamay pa kayo! Cams! Wag kang gumaya sa mga yan ah! BI yan lalo na si Kim. Sige na. Magbibihis lang ako. Ayt! Nakahiga na ko ih!] Sabi nya at rinig namin ung kaloskos ng kung ano. Natawa naman si Camille. Kailan nya lang nakilala si Camille and she care for her agad? "Wag ako! Denzie Nicole! Kilala ko pagkatao mo. Yang gitara mo na naman ang hawak mo. Gandahan mo porma mo ah! May mga boys dito! Reto kita! Hahahaha" Sabi ni Kim Oh... Yeah! She's a musician. Nakakatawa lang na kahit galit sya. Ang ganda pa din ng boses nya. Parang nakanta. [oh talaga, Kimberly? Kwento mo sa pagong na nagsasayaw. Bye na! Send mo sakin location nyo, mga pashnea kayo!] Sabi nya at binaba. Sa di ko malamang dahilan. Natawa ko ng malakas. F*ck! Nakakahiya! Pagong na nasayaw?! Hahahahahahahahahaha. Meron ba nun? "Ang saya natin pre ah!" Sabi ni Keith at inilingan ako. "Hahahahahahahahaha. Nothing. I just. Hahahahaha. Wala. Whoo!" Natatawang sabi ko. "Ayan! Pupunta na sya!" Sabi ni Danica na parang nagwagi. "Kayo talaga! Alam na alam nyo kahinaan nung isa... Pag kayo na ang usapan alam nyo naman hindi nakakatanggi un." sabi naman ni Hens na umiiling. "Hehehe. Kailangan naman nyang magsaya. May dinadamdam pa un ih. She need this. Atska matutuwa un kasi may banda dito!" Sabi naman ni Kim Tumango na lang si Hens kay Kim at inakbayan un. Nag usap lang kami. We just order ladies drink for the ladies of course. Tinanung pa ni Harold si Krystal kung okay ba sa kanya ung ladies drink and to our surprise. Hindi namin inaasahan ung sagot nila. "Hahaha. Sir! Okay lang po yan. Walang wala po yan sa kanya." Sabi ni Kim "Sshh! Okay lang po ako sa ganyan. Kaya ko po yan." Sabi naman ni Krystal. Owww.. umiinom sya? Pero sabi ni Caleb, hindi party goer ung ex nya. Puro aral at gita- No f*****g way! Yeah right! Bakit nga ba hindi ko naisip! Kaibigan din pala nila si Nicole. Sh*t! Don't tell me my wife is the ex-girlfriend of my best friend! T*ng*na naman oh! Nagtinginan kami pati si Henry. So ayun din pala ung iniisip nya. So ibig sabihin parepareho kami ng iniisip. F*ck! What a life! Ilang sandali lang lumabas si Danica para sunduin si Nicole. Pagbalik nila. And there! My wife! Ang babaeng matagal ko ng pantasya! Ang babaeng nag iisang dahilan kaya ayaw ko ng makipagharutan sa ibang babae. Kasi sya na lang ang gusto kong harutin. Hahahahaha Di ko mapigilang hindi tumitig sa kanya. She's just wearing a pink sleeveless blouse, nakatuck in ung harap sa jeans nya tapos naka sneakers lang sya and her hair! Damn! Labas na naman ung leeg nyang maganda at ung collar bone nyang mapang akit! Nakabun kasi ung buhok nya may unti lang na nakalaglag. She sodamn sexy in her simple outpit! Lakas ng dating! She really a goddess! Aprhodite nga sabi nila. Dyan ko lang sya macocompare! Nothing more! "Miggy. Baka matunaw." Bulong sakin ni Keith. Oh yeah! he knew that this woman is my wife. Pero kahit na sinabi nya un.. di ko pa din inaalis ung tingin ko kay Nicole. Argh! Common! Denzie kaya? Ah! Alam ko na Zie. I'll call her Zie. Once na makapag usap kami. "Nicole!!!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo. Yes! Kasama si Camille. "Wow! Ibang iba sa pinuntahan nyo nuon ah. Very good kayo dito. Tingin nga ng mga leeg nyo!" Sabi nya at sinulyapan ung banda sa harap. See. Yown agad ang nakita! "Lagi naman kaming very good. Si Kim lang hindi. Hahahaha" sabi ni Krystal. Wow! Naging wild na sya. Nakainom na din kasi ih.. So hindi talaga sya ung ex ni Caleb. Nagulat naman kami ng kutusan nya si Krystal. Hahahaha. Sadista! "Amoy na amoy ang alak, Krystal! Yuck!" Sabi nya at tinakpan ang ilong. Unti na lang makoconfirm kong sya ung ex ni Caleb. "T*ng*na! Sabi ko na ih! Nakita ko na sya!" Nagulat naman akong napatingin kay Theo. "Dude! She's the girl in the bar! 'nice ass'" sabi nya sakin. Ngayon lang nila naalala?! Sabagay. Hindi ko naman kasi sya nakalimutan. "Oh! Yeah! Sya nga. Kaya pala mukhang pamilyar! Ang ganda talaga ng babaeng to. No wonder nabaliw sa kanya si Caleb." Sabi ni Harold. "At first, I thought it was Krystal but she drink so... No." Dagdag pa niyo. See. Parepareho talaga kami ng iniisip. At kahit ayoko man tanggapin. Sya talaga ang fit sa description ni Caleb sa ex nya. "Naiisip mo din pala un. Ikaw?" Tanong ni Theo sakin. "Of course. Nakita natin kung paano umiyak si Caleb dahil sa ex nya." Sabi ko at nakakabwisit kasi bakit sya?! "Ay halika! Papakilala ka namin sa friends ni Henry." Sabi ni Kim kaya alam namin na papalapit na sila. "Atska sa boyfriend ni Cams." Dagdag ni Krystal. "May boyfriend ka?" Gulat na tanong nya. "Gaga! Ikaw lang naman ang magandang walang jowa! Ewan ko ba sayo!" Sabi ni Kim "Si Danica at Tal wala din." Pamimilosopo nya. "Pero marunong lumandi. Eh ikaw?" Balik na tanong ni Kim "Sorry. I'm in a relationship." Sabi nya na kinagulat ko. Sasabihin nya bang kasal na sya? Alam na ba nya? Pero nawala ung pag iisip ko ng dugtungan nya un. "With my instruments. Hahahahaha" Argh! Wag kang tumawa dyan! Baka hilahin kita at iuwi. Dahil sa narinig ko ung tawa nya. Inisa kong inum ung kanina ko pang hawak. "Easy! Mahaba pa ang gabi!" Sabi Harold Di ko sya pinansin at inantay lang makalapit sila Kim. "Uy! Dumating ka! Hahaha" Bati ni Henry "Ikaw kasi Sir ih! Sinama mo tong mga to dito alam mo namang mga uhaw sa Alak tong mga to lalo na to si Kim! Naku!" Inis naman na sagot ni Nicole. Binatukan naman sya ni Kim pero ikinatawa nya lang un. Hindi naman masakit un siguro. "I'll introduce you to my friends." Sabi nya at inakbayan si Nicole. Putulin ko kaya yan braso ni Henry. "Guys! Meet my favorite student. Si Nicole, sa ME sya nag tatrabaho, wag kayo Team Leader to ng R&H Team. Nicole, meet our best friends, Theo, Harold. Yang dalawa na yan kilala mo naman na siguro." Sabi ni Henry Walang kwenta magpakilala tong isang to! "Ow.. Mr. Ramos at Mr. Monticlaro. Kaibigan nyo po sila. Yayamanin!" Sabi nya kaya ginulo ni Henry ung buhok nya. Buti hindi magseselos si Kim kay Nicole na ganto sila kaclose, kasi ako gusto ko ng balian ng braso si Henry ih. "Yep. Kaibigan namin ni Caleb. Yiee!" Pang aasar na sabi ni Henry. "Hmp! May asawa na un! Move on na." Sabi nya at ngumiti ng mapait. And there! On that statement, naconfirm namin na sya nga ang ex ni Caleb. F*ck it! My wife is my best friend's ex-girlfriend. End of Flashback Nakatitig lang ako sa kanya habang inaalala ko kung paano ko nalaman na sya ung ex ng best friend ko nang bigla syang sumigaw. "Ah! Alam ko na!" Naputol ung pag iisip ko. Anong meron?! "Baka allergic ka sa Hot cake na kinain mo kaya namumula ung tenga at leeg mo. Hala! Kasi naman nanghingi ka ih..." Sabi nya at nagpapadyak. Damn! Hindi padin nawawala sa isip nya un. Ano ba Zie! She care for me? Ilang oras pa lang kaming nag'uusap. Ganun sya kadaling mag aalala. Is she now treat me like a friend? Narinig kong tumatawa si Keith. G*go talaga! Alam na alam na hindi ko sya bubweltahan ih! "Wait lang. Tapilusin ko lang to!" Sabi nya at tinignan pa ko. Anong gagawin nya. Inantay ko lang naman sya. Pagtapos nya may binilin lang sya kay Vash na gagawin tapos nagmamadali syang bumalik sa upuan nya kung saan nakalagay ung bag nya. Pinagmamasdan ko lang sya sa mga kinikilos nya. Bakit kahit nagmamadali, ang ganda nya! Ganun ko ba kamahal tong babaeng to na kahit saang anggulo, nagagandahan ako sa kanya? Hinahalungkat nya lang ung bag nya tapos nung makita nya ung pakay nya, tumingin sya sakin na nag aalala. "Eto oh... Ointment tas anong gamot ang iniinum mo sa allergy?" Tanong nya sakin. Wait?! May allergy ba ko? Alam ko wala naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD