Chapter 37

3650 Words
+++++++++ Nicole's POV Nag aalala pa din ako habang pababa kami kasi naman ih... Si Sir Miggy! Hindi sya nag ou. Hindi rin sya mag hindi! Ano na?! "Relax. Hindi naman ganun kasobra si Sir Miggy para magtanggal ng empleyado nya." Sabi ni Camille "Pero alam din natin na pinaka ayaw nya ay ung namamahiya ng tao." Paalalang sabi ni Tal Pareho silang may point pero kinakabahan pa din ako. Hanggang sa makababa kami at makapunta sa office ng Team ko. Andun nga si Sanya. At nagsisisigaw! Nawala bigla ung pag aalala ko at parang gusto kong sabihin kay Sir Miggy na tanggalin na sya. "Ano?! Ha?! wala kayong galang sa nakakataas sa inyo?! Bakit sinong pinagmamalaki nyo si Nicole?! Wala namang kwenta yang si Nicole! Ayusin nyo trabaho nyo! Gumalang kayo sa nakakataas sa inyo! Ang kapal ng mukha nyong paglockan ako at pag salitaan ako! Ano ngayon kung sinabi nyo kay Nicole na may pinagawa ako sa inyo. Wala naman syang magagawa!" Sigaw no Sanya Nahihiya ako para sa kanya. Andaming nakatingin at pinag uusapan sya. Walang delekadesa. Naglakad na ko papalapit sa kanya at dahil para sobrang na overwhelmed sya dahil walang gustong umawat sa kanya. Ako na ung nag adjust. "Excuse me. Bakit sumisigaw ka sa harap ng Office ng Team DN? May problema ba tayo Ms. Sanya?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman syang napatingin sakin at parang naglaho ung matapang na mukha nya kanina. "Ms. Nicole. Glad you're here. Yung mga team member mo kasi... They disrespect me! Hindi nila ko ginalanang! Look, even the door, nilock nila para hindi ako makapasok." Mahinahong sabi nya. Nakarinig ako ng mga bulungan at komentong. 'Plastic!' well! Totoo naman! Ang kapal ng apog mo! Tinignan ko muna ung mga nasa paligid. Ay! Ayoko ng atensyon... "Naingayan ba kayo? Sorry. Balik na kayo sa trabaho nyo. Masilip pa tayo." Sabi ko sa kanila at ngumiti. Babalik na din sana si Sanya kaso nga lang pinigilan ko. "Where are you going Ms. Sanya. I thought you want to come inside our office. Tara!" Sabi ko sa kanya. Ung dalawa kong kaibigan nakatingin lang kaya naman hinarap ko sila. "Diba sabi pumasok na daw kayo. Go na!" Sabi ko Bago sila umalis. Ibinigay sakin ni Tal ung phone nya. Tas bumulong. "Here. Nirecord ko ung sinabi nya kanina! Ang plastic talaga! Ang putik!" Sabi nya at nilagpasan na si Sanya. Si Cams naman matalim din ang tingin kay Sanya. "So. Pasok na tayo?" Sabi ko at tumalikod. "I think hindi na. Okay na ko Ms. Nicole." Sagit nya "No. I insist! Mukha kasing may problema tayo." Sabi ko sa kanya in a serious tone. Mukha namang nagtaka sya kaya tumaas ung kilay nya. "What you mean?" Pagtataray na sabi nya "I don't know. Ikaw itong gustong pumasok sa office namin at sinabihan na di ka nirespeto ng Team ko, so mukhang ikaw ang may problema." Kalmado kong sabi sa kanya "Bakit ako?! Bakit hindi mo tanungin yang mga alaga mo na hindi rumespeto sakin." Pagalit na sabi nya at alam kong magtitimpi lang syang wag sumigaw. "Sa anong paraan ka ba nila hindi nirespeto?" Tanong ko sa kanya. Bigla syang suminghal at sumigaw.. putol ang pagtitimpi! "I already told you! Hindi ka ba nakikinig?! O wala lang talaga sayo ung sinabi ko?! Or baka tanga ka lang talaga at hindi naiintindihan ung sianbi ko. They disrespect me by locking their door and telling me na sinabi na nila sayo ung pinapagawa ko. Now! You get it o kailangan ko ulit ulitin sa mahinahong paraan?" Gigil na sigaw nya sakin. Dahil sa sigaw nya lumabas na naman ung mga tao. Argh! Napakawalang modo talaga nito! "Why are shouting? Hindi naman kita sinisigawan." Tanong ko sa kanya "Because you're so stupid. I can't imagine that you are a Top Team Leader here?! Eh? Wala ka namang binatbat sakin pagdating sa sagutan." Sabi nya at tumaas ang kilay. Aba! Pasalamat to at hindi talaga ako namamahiya ng tao kasi kung ou! Baka sya mismo ang umalis dito. "Grabe naman si Ms. Sanya!" "Hindi nya alam, nagtitimpi lang si Ms. Nicole." "Ang galing magcontrol ng emotions ni Ms. Nicole." Sari saring komento ang narinig ko. Tinatamad talaga ko sa ganto.. Sasagot sana ko un nga lang hindi na ko nakasagot kasi nakarinig ako ng sigaw ng isang babae. "Anong meron?!! Bakit kayo andito sa labas?!" Tanong ni Ms. Divine Napalingon kami sa kanya at kasama na nya si Keith at Sir Miggy. Nagsipasukan naman lahat ng empleyado maliban samin ni Sanya. "Sanya and Nicole? Explain? Bakit nakakarinig ako ng sigawan sa gawing to kanina?" Tanong ni Ms. Divine "pasensya na Mr. Monticlaro, may gulo pa ata." Di naman magsalita si Sir Miggy pero ramdam ko ung inis nya. "Hindi ako Ma'am. Sya ung sigaw ng sigaw sa harap ng office namin pagdating ko." Pakibit balikat na sabi ko. "What?! Me? Eh? Ikaw itong ayaw ako paalisin dito kanina pa.. atska kaya ako sumisigaw because Ms. Divine. Team DN, disrespect me! They lock their door para hindi ako makapasok.. binabantayan ko lang naman sila. Kasi ung Team Leader nila umalis ng hindi nagsasabi. I'm being so helpful na nga ih." Maarteng sabi nya. Natawa lang ako at tumalikod para kumatok sa pinto namin pero habang ginagawa ko un nagsalita ako at kinuha ung phone ni Tal. "Really? Then what's this?" Sabi ko at plinay ung recorded Audio nya kanina. Habang nakaplay yun, kumatok ako at mabilis na binuksan ni Vash ung pinto. Nagulat ako kasi sabay sabay silang yumakap , si blesy at anne umiiyak. "What's wrong?" Tanong ko sa kanila. Ramdam ko ung tingin nila samin. Pero wala akong paki! "Wala po. Namiss ka lang namin." Umiling na sabi nya. "Ano yan?!" Inis na tanong ko ng nakita ko ung pula sa pisngi ni Nico Inis na humiwalay ako sa kanila at tinignan sila isa isa. Takte! Lahat sila may pula sa pisngi! Sa hindi ko malamang dahilan nakuyom ko ung kamao ko kahit na may mga bitbit pa ko at napaharap ng sobrang galit kay Sanya. Saktong tapos ng Audio. "What's this? Did you slap them?" Galit na tanong ko sa kanya pero kalmado! Mukha namang numutla ang gaga dahil sa tingin ko at tanong ko sa kanya. "You slap them, right Sanya?!" Pag uulit ko. "Anong sinasabi mo Nicole?" Sabi ni Ms. Divine "Ms. Divine. Pwedeng manakit?! Isa lang po. Paisa lang! Kahit suspension na lang kapalit! Maganti ko lang sila Vash sa lintik na to!" Gigil na sabi ko. Nakarinig ako ng mahinang tawa na alam kong galing kay Keith dahil ung isa ramdam ko ung tingin nya. "What you mean Ms. Ferrer?" Di na pigilang tanong ni Sir Miggy. "Ms. Divine and Mr. Monticlaro. I'm sorry po pero kasi itong babaeng to. Ay putik! Nawawala ung pagiging professional ko sayo Sanya! Kasi Sir! Sinaktan nya ung Team ko." Parang batang nagsusumbong na sabi ko. Sa di ko malamang dahilan, naiiyak ako! Di ko kasi malabas ung galit ko! Argh! Pengeng gitara!!! "I didn't hurt them!" Maang maangan nyang sabi. "Really?! Then explain mo nga bakit may tig iisang bakas ng kamay ang mukha nila? Ano nagsampalan sila sa loob kaya nakalock?! Ang tanga naman ng excuses mo Sanya!" At ayun na nga di ko na napigilan hindi umiyak. Waaaaaah!!! Ayoko ng ganto na hindi ko na lalabas ung galit ko! Gusto ko manakit!!! "Keith. Check them." Sabi nya kay Keith Kaya naman si Keith lumapit sakin. Ay bwisit! Hindi ako kasali beshy! "Them! Not her." Madiing sabi ni Sir Miggy. "Grabe naman magselos. Ichecheck ko lang baka pati ikaw nasaktan, tapos ang buhay ng babaeng yan. Wag ka na umiyak. Ayaw nyang nakikitang umiiyak ka." Bulong nya na kami lang nakarinig Gusto kong tumawa kaso hindi ko magawa kasi naiinis pa ko. "Keith!" Sigaw ni Sir Miggy naikinagulat namin pareho. "Yes Mr. Monticlaro. Eto na po." Sabi nya at iniwan ako bigla. Natakot sya ih! "I really don't hurt them, Mr. Monticlaro." Sabi nya at harap kay Sir Miggy na nagpapaawa. Tusukin ko yang nguso mo ih! Asawa ko yan! "Really? Then malalaman natin." Sabi nya at tumingin sakin at parang mas lalong nainis dahil buhat ko pa ung mabigat kong bag at folder. "Keith. Kunin mo nga muna yang mga gamit ni Ms. Ferrer." Sabi nya at umiwas ng tingin halatang naiinis na sya ng sobra. "Akin na yan. Baka di makapagpigil yan at malaman ng lahat ang relasyon nyo." Bulong na sabi nya ulit. "May bakas nga ng sampal ung apat mong alaga. Ikaw meron?" Bulong na tanong nya. Umiling naman ako at mas lalong nainis! See! Itatanggi pa ih! Gaga toh! Ibinigay ko naman un tapos inabot nya un kila Vash. "Confirm Sir. May mga bakas ng palad ung mukha nung apat, si Ms. Nicole naman po wala." Sabi ni Keith "Pwede bang pumasok sa office nyo Ms. Ferrer? Dun tayo mag usap." Sabi ni Sir Miggy na madilim na ang mukha. Tumango naman ako kaya pumasok na kami. Nakatayo na lang kami nila Vash, Nico, Keith at ako. Katabi ko sila Vash at Nico na nakayuko, sila Blesy at Anne din. "Wag nga kayong yumuko. Wala kayong ginawang masama." Sabi ko sa kanila kaya umangat ung ulo nila at tinignan ako kaya naman nginitian ko sila. "Tinatago lang po namin ung sampal nya. Kami na po ang nahihiya para sa kanya." Sabi ni Blesy Nung nakasettle na at nakaupo na ung mga boss! Biglang umiyak si Sanya. Problema nito?! "OH my ghad! Sanya! That's so against the rules! Mamahiya nga hindi tinotolerate dito ang pananakit pa kaya?" Inis na sabi ni Ms. Divine Bago pa makapagsalita si Sanya. Nagsalita si Sir Miggy at nakatingin sakin. "Keith. Pwede ka bang manghiram ng upuan sa tabing office dyan. Kahit isa lang siguro. Naiirita ko." Sabi nya nang nakatingin sakin Nakatitig sya sakin, kaya kinakabahan ako... Gusto ko syang ngitian kaso... Baka tarayan nya ko. Lumabas naman si Keith para manghiram ng upuan. Pagbalik nya ung kay Sanya ung dala nyang upuan. May pangalan kasing nakalagay. Ah! Nagpunta to kila Camille. Lumandi muna! Hahahahaha. Loko loko! Nakatingin lang ako sa kanya na nakapigil ang tawa kasi naman nakangiti ang loko! Halatang may ginawang kalokohan! Alam ko mga ganyang sitilo ih! Biglang tumitingin din sya sakin. Inilingan ko naman sya kaya parehas kaming nagpipigil ng tawa. Yare talaga kami nito! "Pigilan nyo hanggang kaya nyo! Kasi nabubwisit na ko!" Bwisit na sabi ni Sir Miggy Hindi naman maintindihan ng mga kasama namin ung sinabi nya pero alam kong oara samin ung ni Keith! Sira ulo kasi to si Keith ih! Huminga muna ng malalim si Keith bago magsalita. Pigil tawa pa! Sira upo! "Ms. Sanya. Dito na lang po kayo, kasi may pangalan nyo po. Atska para magkomportable kayo." Sabi nya kaya tinignan sya ni Sanya, pacute ka girl?! Di bagay! "Salamat Mr. Keith. Talagang kinuha mo pa ung upuan ko sa office namin." Sabi nya at pahinhin. Napangiwi naman ako. Napatingin naman ako dun sa dalawa. Kung kanina si Keith ang nagpipigil ng tawa ngayon naman si Sir Miggy tapos si Keith naman ngayon ang mukhang naasar. Gusto ko ding tumawa kaso... Hahahahaha. Magagalit silang dalawa! Hahahahahhahaha. Nawala ung inis ko! Kasi naman ih! Tinignan ako nung dalawa kaya napaiwas ako. Di pwedeng mahalata na tawang tawa na ko! Hahahahahahaha "Sa iba mo malabas yan ah! Masama yan! Pero sige, Pigilan mo lang." Parinig ni Keith "Anong pong sinasabi nyo Mr. Monticlaro at Mr. Ramos?" Takang tanong ni Ms. Divine na pinasadahan pa kami ng tingin. "Ah. Nothing. Ms. Sanya, lumipat ka na dito. Ms. Ferrer dito ka na umupo." Sabi ni Sir Miggy Nang makaupo na kami, huminga ng malalim si Sir Miggy. "So what happened? Anyone?" Tanong nya samin. "And for your information Ms. Sanya, Ms. Ferrer didn't leave her Team without a word. Ako ang nagpatawag sa kanya sa taas at may pinagawa ako. I call Ms. Divine about that, right?" Maatoridad na sabi nya sabay tingin kay Ms. Divine "Yes Mr. Monticlaro. Sinabi ko dun po sa Team nya un." Sabi ni Ms. Divine na tumingin kila Vash. "Opo. Sinabi po un ni Ms. Divine samin." Sagot naman ni Vash "See. All of here know that Nicole is in my office. Are we clear about that?" Sabi ni Sir at tumingin kay Sanya'ng paawa! "Now! Anong sinisigaw mo kanina? You all know na isa sa pinakaayaw ng mga Monticlaro ang namamahiya. Siguro naman na orient kayo about dyan?" Dagdag nya pa. Napa tingin naman ako sa kanya. Prenteng syang nakaupo sa upuan ko at nakadikwatro pa! Hanep! Upuan ko yan. Ou nga, ayaw talaga ng mga Monticlaro na namamahiya, laging talk privately.. well un naman ung tama. Kaya din gusto ko dito kasi ganun sila. Hehehe. Ayoko talaga ng napapahiya. Kasi sa bahay nga napapahiya na ko alam ko ung feeling ng napapahiya. "Mamaya ka na mag isip ng malalim. Be with us please.." bulong na sabi ni Sir Miggy Pagtingin nya nakatingin pala ito sa mga nag uusap at nag eexplain kung bakit may ganung gulo... Okay. Ilang minuto akong nawala? Nakarinig ako ng tawa kay Keith kaya sinamaan ko ng tingin to. Madali akong makapalagay sa tao kaya kung nung nakaraan nahihiya ako ngayon nabubwisit na ko! Hahahaha "You disrespect me. Team Leader ako pero pinaglock'an nyo ko ng pinto? And nung nakapasok ako ang bungad nyo sakin, sinabi nyo na kay Nicole ung pinagawa ko. Bakit hindi ba ko pwedeng magpagawa ng proposal sa inyo?" Nakataas na kilay na sabi ni Sanya "Hindi. Ang Team namin ang nabibilang sa Resorts&Hotels, ang sa inyo naman Hotels lang. Anong pinagkaiba? Sige. Ipapaliwanag ko sayo. Since i guess you didn't get. Patinay man lang sa sinabi mong stupid ako at walang karapatang maging Top Team Leader ng Department natin." Buong tapang kong sabi habang prente ding naupo. Gayahin natin si Sir. Hahahahaha "Resorts&Hotels, ang work namin ay mag gawa ng mga proposals and Marketing Strategies for Resorts with Hotels. Strategy kung paano makakakuha mg customer na mga mahilig magstaycation sa hotel with the view of sea, pool or sunsets. Ngayon ba gets mo na? Kung anong pinagkaiba natin? O hindi pa din?" Tanong ko sa kanya Nakatingin lang sakin ung mga tao sa paligid namin at sinusukat ung pagtitinginan namin ni Sanya. Kasi naman nakatitig sya sakin ng sobrang sama. "You want me to explain what the Hotels Department should do? Taga dun ka dapat alam mo na un. Pero sige! Ieexplain pa din. Nakakahiya sayo, Hotels Department sila ang nag aayos at gumagawa ng mga strategy para naman sa mga customers na bumibisita lang dito para hindi magvacation, minsan para sa business purposes, sometimes they just want to visit some of their family ma medyo maliit ang bahay kaya mag hohotel na lang. Minsan para dun sa mga gustong magpakasal at hotel hall ang gistong gamitin kaya dun nalang sila magsstay. Ayun amg ginagawa ng nasa Hotel's Department, Sanya! Ayun ung dapat na ginagawa nyo at ayun din ung pilit mong pinapagawa samin. Sa kanila!" Paliwanag ko ulit sa kanya. Nakita ko na parang naiiyak na sya. Pero alam kong nagpapaawa lang sya. "Oh! Don't cry. Wag kang umiiyak na akala mo kawawa ka... 20% pa lang ang nakikita mong inis ko, wag mong antayin na mag100% to o umabot ng kalahati. Don't worry hindi kita ipapahiya dahil ayoko din ng namamahiya. Pwede kitang daanin sa talino at pagiging may delekadesang babae. At isa pa hindi na kita kailangan ipahiya sa mga tao dito sa opisina dahil sayo palang pahiyang pahiya na ang sarili mo. Sinabi ko na sayo na wag mo kong susubukan, last time i talk to you privately para hindi ka mahiya gaano at walang sabihin ung ibang mga staff." Mahabang litanya ko. "Hindi mo ko ipapahiya pero pinapahiya mo na ko sa harap ng Team Members mo at ng mga Boss." Iyak nyang sabi. Sininghalan ko sya ng tawa! Loko sisihin daw ako! "Wow! Now tell me?! Sinong nagdala satin sa sitwasyon na to? Sinong nagbida bida na bantayan sila Nico? Sinong nagpagawa ng gawing hindi dapat samin?! Sinong nanakit ng co-workers nya?! At sinong nagsisisigaw dyan at nang insulto ng kapwa nya Team Leader?! Ako ba? Diba ikaw?!" Kalmado pero madiin kong sabi. "Sila blesy na nga lang ang nahihiya para sayo kasi sinaktan mo sila! My ghad! Kung pwede lang kayang kaya kong maging Lovely Kimberly ang ugali kung gugustuhin ko. Sasabihin ko sayo, mas masahol pa ko kay Kim, mamahiya! Kung gugustuhin ko." Sabi ko at tumingala habang pabagsak na isinandal ung likod ko sa swivel chair. Si Sanya, umiiyak lang na akala mo kawawa. Di kasi nadala! Masyadong mayabang! "Nothing to explain Ms. Sanya?" Sabi ni Sir. "Wala po Mr. Monticlaro." Sabi nya na umiiling. "Bakit wala kang sasabihin? Ang haba ng lines ko.." napanguso akong parang bata. Wala na tapos na ung inis ko kasi naman... Wala daw sasabihin.. para tuloy ako ung may mali. "Okay. Kung wala na. Ms. Sanya, do your job as a Team Leader in Hotels Department. I don't like bullies at ayoko ng nageeskandalo sa company ko. Naiintidihan mo ba? Ms. Divine will talk to you about the slapping incident.. ayoko na din mauulit to! Be thankful na hindi gaano nagrereklamo ang Team ni Ms. Ferrer. Kasi kung hindi, tatanggalin kita ngayon din." Madiing sabi nya. Agad naman akong napatingin sa kanya na nakatingin din sakin. Sabi nya walang tanggalan... Di ko naman gusto na umabot sa ganun... Para din namang natakot si Sanya kaya napaayos sya lalo ng upo. "Yes Mr. Monticlaro.. hindi na po mauulit. Sorry." Sabi nya at yumuko. "Okay. Sumama ka na kay Ms. Divine. I talk to this Team." Sabi ni Sir kaya lumabas na nga sila Ms. Divine at Sanya tapos bumaling kay Keith. "Ikaw. Ibalik mo na ung upuan. Tutal yan naman talaga ang gusto mong utos ko." Sabi nito na parang walang ibang tao. Ako naman nagpigil ng tawa kasi parang uuod na inasinan kung kumilos si Keith. Hahahahaha "Yes Boss!" Sabi nya at nagpigil din ng ngiti. Saka ako tinignan. "Wag kang tumawa kanina ka pa." Sabi nya at sininghalan ako ng tingin pero nagpipigil din ng ngiti. Hayop! "At kanina pa din ako naiirita dyan sa titigan nyo! Tutusukin ko mata mo Keith!" Biglang sabi ni Sir Miggy kaya napaiwas ako ng tingin sakto at dun ako sa Team ko napatingin. Nagulat naman ako kasi nakatingin din pala sila samin. Hahahaha. Sorry. Andito pala sila! Eto kasing dalawa na to! Kung kausapin ako parang wala ung Team ko dito! Kakainis! Nginitian ko lang sila at ganun din naman sila sakin. "Bakit ako lang ang tutusukin ang mata! Eto si Ni- wala sabi ko nga di na sasagot! Eto kasi ih!" Biglang bawi nya. Natawa naman sila Vash ng mahina dahil sa sinabi ni Keith. "Bakit ako? Ih ikaw tong nagsasalita dyan?!" Sabi ko at tinuro pa sya. "Sasagot pa talaga. Ayaw patalo kahit isa lang! Magpapaparty talaga ko pag natalo ka ng isa dyan!" Sabi nya at umalis na Natawa lang ako pero agad din nahinto ng magsalita si Sir Miggy. "Happy Zie?" Sabi nya at napaupo ako ng maayos. Eh? Bakit ung tawag nya sakin ung itatawag nya, andito kaya sila Vash. "May ibang tao. Ano ba?" Bulong ko sa kanya. "Oh? Ano naman? Teka. Upuan mo to?" Tanong nya sakin. "Opo." Takang sagot ko sa kanya. Ano na naman problema sa upuan ko. "Bakit matigas?" Sabi nya at ilang beses na binagsak ung pang upo nya sa upuan ko. Ayt! Napatingin tuloy ako kila Vash na nagtataka. "Tuloy nyo na ginagawa nyo. I want to see all your works na pinagawa ni Ms. Sanya." Biglang sabi ni Sir Miggy. Tapos tumingin sakin "Asan flashdrive mo?" Tanong nya sakin Tatayo naman sana ako para kunin un. Pero pinigilan ako. "I'm asking where? Hindi ko sinabing kunin mo." Sarcastic na sabi nya Ah! Bahala sya! "Dyan sa drawer, 2nd to the last, pinakadulo." Sabi ko at tinuro sa kanya ung drawer. Tumayo naman sya tapos naglakad papunta dun. Pagtayo nya dun naman lumapit si Anne sakin para magtanong. "Mam, close kayo ni Mr. Monticlaro?" Tanong nya sakin Sabi na ih! Mapapansin nila yan ih! Mukha kasing ewan to si Sir! "Medyo. Hayaan nyo na lang. Gawin nyo na lang ung utos nya. Titignan nya yan." Sabi ko kaya sumunod naman sya "Found it! Eto ba?" Napabaling ko kay Sir Miggy nag bigla syang sumigaw. Paano nya nahanap un? Eh pahapyaw lang ung instructions ko sa kanya. Iba talaga paggwapo! Ay este matalino! Matalino kasi un! "Paano mo nahanap?" Tanong ko sa kanya ng makabalik na sya. "Drawer, 2nd to the last, pinakadulo." Sabi nya at ngumiti sakin. "Ayos ba? Bilib ka na naman?! Ganun talaga pag gwapo!" Dagdag nya pa. "Kapal." Bulong ko. Pero ewan ko kung bakit narinig nya. "Kung ang pagiging definition mo ng gwapo ay pagiging makapal. Edi gwapo nga talaga ako." Sabi nya. Ang kapal talaga ng mukha nito! Pasalamat sya, Boss ko sya kundi! Argh! "Papaparty na ba ko?" Singit ni Keith Ayt! Isa pa to! Bat andito na to?! "Sige. Paparty ka na. Natalo ko na sya.." sabi naman nung isa at ngumiti na naman sakin. "By the way! Sino si Vashy ba un?" Tanong nya kila Blesy "Vash lang kasi un!" Inis na sabi ko. "Eh bakit Vashy ang tawag mo Vash lang pala." Tanong nya sakin "Para cute! Atska bakit ba? Palayaw nya sakin un ih!" Inis pa din na sabi ko. "Wow! Buti pa ung Teammate mo may palataw sayo, akong ung as-" di na nya natuloy kasi nagsalita na ko. "Kaleeen! Okay na? Wala naman natawag sayo ng Kalen diba? Unique na yun... Wala na ko ibang maisip..." Parang nagmamakaawa na ung tono ko. Pag tingin ko naman nakangiti lang sya na parang gustong gusto ung tinawag ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD