Chapter 27

2084 Words
++++++++++ Nicole's POV ~Congratulations to All the Winners!~ Out-Festival Events > Dance Troupe Competion Champion: - Black Syndora > Arts and Poster Making Champions: - Valery Grace Santillian(Art: Painting) - Bryan Valencia (Poster Making) > Battle of The Band - Adhika Band Nakatingin ako ngayon dito sa poster na nasa grounds. Nakakatuwa lang na andun ung pangalan ng Banda namin sa mga nanalo! Hihihi Yes. Kami ung nanalo sa Festival. Actually ngayon lang namin binati kasi after ng Events, Sembreak na the other week so, napag usapan na babatiin na lang namin after ng sembreak. 2 weeks ng nakalipas ung Festival at sobrang saya talaga! May mga bumabati pa din sakin at minsan nagpapapicture. Hahahahaha. Sabi nga nila Kim... Sikat daw ako, sabi ko hindi naman magtatagal un. Hahahaha "Whoa! Grabe! Sobrang nakakabaliw ung exam ngayon... Buti na lang at ung kay Sir Henry, wala na. Hahaha" sabi ni Kim Yes! Finals na namin.. kumakain lang kami ng lunch dito dahil masarap ung preskong hangin. "Hoy Danica! Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong sa kanya ni Kim. Napatingin naman kami ni Tal kay Danica at ou nga parang ang lalim ng iniisip nito... Alam ko galing syang Canada nung sembreak ih. Nagbigay pa nga ng pasalubong ang gaga. "Nothing much.. hirap lang nung exam namin. Sakit sa ulo... Tapos mahirap na bumagsak.." sabi nya at pinagpatuloy lang ang pagkain Agree naman ako dun.. mahirap talaga bumagsak kasi pag may failed ka kailangan mong isummer para makahabol ka at hindi mag irreg. Nag usap lang kami habang kumakain ng biglang may sumingit na mga lalaki. "Hi girls! Pwede ba kaming sumama dito? Just want to be your friends too." Sabi nung isa sabay kindat pa. "Sorry. We're not interested. Sa iba na lang." Sabi ni Tal at inuumpisahan ng iligpit ung gamit nya Ganun din ung ginawa namin. Argh! Kainis! Ang sarap ng upo namin dito ih... "Sorry. We're also not interested in you, we're just here to be friends with this beautiful lady here." Sabi naman nung isa sabay tinignan ako. Ano daw?! Aba! Loko to ah! Bastosin ba naman si Tally. "Oh?! Really. So ako pala ang sadya nyo. Sige. Uulitin ko na lang ung sinabi ng kaibigan ko. Sorry. I'm not interested. Sa iba na lang." Sabi ko at aalis na sana pero bigla nya kong pinigilan at hinawakan sa braso Aray ah! Masakit un. Panigurado mamumula to. Pero bago pa ko makaalma. May biglang magsalita. "Bibitawan mo sya or maeexpel ka sa Campus." Pagtingin ko si Sir Henry na masama ang tingin sa mga lalaki. "Kuya Henry naman... Magkikipagkilala lang ako eh.." sabi nung lalaking may hawak sa braso ko. Kuya?! Kapatid nya tong bastos na toh!! "Don't call me kuya, wala tayo sa labas ng school and also gusto mong magpakilala but look like you're harassing them or her rather." Sabi ni Sir tapos tumingin sa braso ko. "Aalis kasi sila eh. Pinipigilan ko lang." Sabi nya tas nagsmirk pa. Argh! Ang yabang na ang bastos pa. Manyak! "Sige! Ipagpatuloy mo yan. I'll call Miggy to call Tito Miguel and tell your dad that your harassing one of the students here. That's sounds good, right Kio?" Sabi ni Sir Henry at nagsmirk din tapos kinuha ung phone nya at may dial. Ilang ring lang tapos sinagot na nung tinawagan nya. Nakaloudspeak kaya rinig naming lahat lalo na lumapit pa si Sir. [Hens. Bakit?] Bungad nung nasa kabilang linya "Miggy. Your cousin Kio and his friends. Harassing a girl. You know the girl from the band Adhika? She's the girl tha-" hindi pa natatapos ung sasabihin ni Sir biglang sumagot na ung kausap nya. [Tang*na! Kio! Tigilan mo! Ako mismo magpapadala sayo sa Canada kasama yang mga kaibigan mo! Sinasabi ko sayo! I'm warning you!] Galit na sabi nung miggy ata. Ewan Ko. Di na nagawang imute ni Sir, kaya nagulat naman kami sa pgamumura nung lalaki. Dahil din dun binitawan na ko nung Kio ba un. "But kuya migs, i just want to be friends with her and of course her friends also..." Parang maamong tupa na sabi nung Kio "Akala ko ba you and your friends are not interested to be friends with my friends, just me?" Sabi ko dahil na bubwisit na ko. Mag tatime na oh! "s**t! Can you shut up!" Sigaw naman nung Kio "Why would i? Mabuti nga un at malaman ng guardian mo na may ginagawa kang kalokohan dito!" Sigaw ko pabalik sa kanya At akmang sasampalin nya ko kaya naman nagulat ako... Seryoso?! Sasampalin nya ko?! Babae ako ah! "Kio!" Sabi ni Sir Henry "Sige! Sasampalin mo ko?! Ang kapal naman ng mukha mo! Porket pamangkin ka ng May ari ng School?!" Sigaw ko sa kanya [Put*ng*na Kio! Subukan mong saktan yan. May kalalagyan ka talaga sakin! Don't attend your class and wait me there Asshole!] Sabi nung lalaki na kausap nya kanina sa phone. Andun pa pala sya... Tinignan naman ako ng masama nung lalaki. Tapos tumalikod. [Teka! Nakaloudspeak ka ba Hens?] Tanong nung lalaki. "Ou dude! Hahaha! Easy sa mura tol! May mga bata eh!" Sabi ni Sir. [Hay! That guy! Argh! May tinatapos ako dito eh! Deadline nito bukas! Kakalbuhin ko talaga yang batang yan! G*go!] Inis pa din na sabi nung lalaki. Natatawa lang naman si Sir tas tumingin samin. "Sorry about that Nicole. Siraulo lang talaga un. Ikaw naman kasi ginalingan at ginandahan mo nung Festival! Hahahahahaha" natatawang sabi ni Sir. "Nicole didn't do anything naman sir! Sadyang may mga siraulo lang talaga na mapang harass..." Sabi ni Kim. "Okay. Okay. Sorry sa inyo.. hayaan nyo... Kami na bahala nitong kausap ko ang dumisiplina sa kanya. Punta na kayo sa class nyo. Malapit ng magtime." Sabi ni Sir Kaya naman maglalakad na sana kami kaso biglang pinigilan kami ni Sir. "Teka! Nicole! Eto ung hinawakan ni Kio?" Tanong nya dun sa namumula kong braso.. takte bumakat nga! Ay! Nakakinis! Tumango naman ako, nagulat ako sa reaction nya. Tapos biglang kinausap ung tao sa phone nya. "G*go Miggy! Pumunta ka na dito ako sasapak sa pinsan mo... Namumula ung hawak nya sa braso ng estudyante ko!" Galit na sabi ni Sir tapos tumingin sya kay Kim "ikaw? May pasa ka?" Sabi nya tas lumapit kay Kim tapos sinipat sipat to. [No! Papunta na ko!! Paki tali yang pinsan ko at ako ang papatay!] Sabi nung lalaki sabay baba ng tawag. Hala! Okay lang naman ako though masakit sya... Yari ako kay mama! "Wala sir! Okay lang naman po kami pero pwede pong pasapak isa dun sa lalaking un?! Gusto ko lang gumanti!" Sabi ni Kim "Wag na! kami na bahala." Sabi nya kay Kim ska ngumiti. "Sir. Una na kami baka malate pa kami sa class namin. Exam pa man din." Sabi ko at lalakad na ulit. "Sige. I'll excuse you if needed. Sorry ulit. Ingat kayo. Tawagan mo ko pagmay nangulit ulit sa inyo." Sabi nya at tumango na lang ako. Bumalik na lang kami sa room. Ganun din si Danica na medyo tuliro ata kasi sumama pa sya sa room namin. Hahahahaha Di naman na ko pinatawag ni Sir Henry. Siguro na ayos naman na nila nung pinsan nung lalaki. Hay naku! Isa sa ayoko kaya hindi ako masyadong nagsasali sa mga ganto ay ung atensyon... Okay na kong sila lang ang kaibigan at kausap ko... Syempre ayoko din ng kaaway.. Habang naglalakad kami palabas ng Campus biglang tumili si Kim. "Aaaaaaahhhhh! Takte!!! Ngayon ko lang narealize ung ginawa ni Bebe ko Henry!!! Waaaaaaaah!!!" Sabi nya kaya nagulat kami ni Tal. Maaga ang uwi namin dahil hindi naman na magpapaexam si Sir Henry. "Alam mo Kimmy! Kanina pa un. May tatlong exam na mga nadumaan. Ngayon mo lang narealize?" Sabi ni Tal na umirap pa. May point pero buti na lang din at ngayon nya lang naralize kundi naout of focus sya sa exam. Hahahaha "Ih... Kasi naman... Nabubwisit ako dun sa lalaki, akala mo naman gwapo! Tapos nilagyan pa ng pasa si Nicole!" Sabi nya "Hayaan nyo na un. Baka nabigyan na din ng leksyon ung lalaking un. Hindi naman na ko pinatawag ni Sir." Sabi ko naman sa kanila Sakto naman may humintong sasakyan sa gilid namin. Di namin kilala kaya tumabi kami... Nung binaba ung bintana sa passenger seat, dun naman biglang bumalik ung galit ni Kim kaya huli na nung napigilan ko sya. "Ang kapal ng mukha mong magpakita ulit! Pagkatapos mong pasaan ung kaibigan ko! Bumaba ka dyan! Lalagyan kita ng black eye! Hmp!" Mahabang sabi ni Kim pero natakpan ko naman ung bibig nya huli na nga lang. Napansin ko kasi na may kasama sya kaya nasa passenger seat sya... Baka mamaya matanggalan to ng scholarship ih! "Tigilan mo nga! May kasama oh! Baka mamaya mawalan tayo pare pareho ng scholarship!" Gigil na bulong ko sa kanya tas tumingin dun sa lalaki na kasama nung Kio. "Pasensya na po kayo ah. Pasmado po bibig nito ih." Hingi ko ng pasensya at yumuko pa. "It's okay. Dapat naman talagang bigyan ng black eye tong siraulong to." Sabi nya. Tas bumaling dun sa Kio "Sabihin mo na! Oh? Kailangan pa ko pang sirain ulit ung isa mo pang kotse?" Sabi nito na nagpatulala samin. Hayop! Totoo ba? Grabe naman tong lalaking to! "Eto na!" Sabi naman nung Kio "Aba! Are you mad? She got hurt because of you?! Tas ngayon ikaw pa ang malakas ang loob na magalit?! Anong mura ang gusto mong matanggap sakin Kio?!" Galit na sigaw nung lalaki Ahm! Alis na lang kaya kami. "Okay! Eto na mag sosorry na nga sa kanya. Galit agad!" Sabi nung Kio tas bumaba sa kotse tapos humarap sakin "I'm sorry if i hurt you. I really didn't mean it. I just want to know your name and be friends with you. I'm sorry ulit." Sabi nya with humble voice and i think his sincere. Sino naman ba ko para hindi magpatawad. Mukha naman sincere sya... "Ahm... Okay na un. Nagkapasa nga lang ung braso ko pero okay na un. Mukha din namang nasapak ka ih... But please next time ask others name properly especially to a woman kasi kung itatanong mo katulad ng pagtatanong na ginawa mo samin lalabas na naman na harassment un." Sabi ko sa kanya at tinapik pa ung balikat nya. "By the way I'm Nicole, tapos sila naman si Kim at Krystal, ung isa ko pang kasama kanina her name is Danica. I know you don't want to know their names but i want you to know them. Hehehe. Desisyones ako ih. Hahahaha. It's nice to meet you Kio, right?" Habol ko pa sa kanya Natawa naman ung lalaki sa loob ng kotse pero hindi ko na lang pinansin. Si Kio naman tumango lang at parang matulala. "Sige ah. Una na kami. Malayo pa bahay namin ih. Bye. Nice to meet you again." Sabi ko sa kanya kasi parang matatagalan pa bago sya makabawi. Tumingin naman ako dun sa lalaki sa loob ng kotse. Na nakatingin din sakin at nakangiti. Pamilyar sya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita! Saan nga ba? Bahala na nga! "Salamat po ulit. Pasensya na din po sa abala. Una na po kami." Sabi ko at hinatak na ung dalawa. Habang naglalakad kami biglang sumigaw si Kio. "Sh*t! Thank you Nicole! Hindi ka lang maganda, mabait ka pa! Bye! See you when i see you!" Sigaw nya, ngumiti lang ako tapos ng wave na. "Akala ko uupakan mo pa ih! Hahaha." Sabi ni Kim "Hindi nuh?! Hindi naman ako ganun.. atska mukha namang mabait at sincere ung sorry nya. Kaya yaan muna tapos parang putok pa ung labi." Sabi ko kasi napansin ko talaga na parang may putok ung labi nya. "Ay! Napansin mo din?! Baka ung kuya nya ung may gawa nun o si Sir Henry." Sabi ni Tal Baka nga. Kasi kanina si Sir, galit na galit ih... "Pero wag ka! Ang gwapo nung lalaking kasama nya kahit nakashades un. Halatang gwapo." Sabi ni Kim.. Eto puro gwapo! Akala ko kay Sir Henry lang sya kakalampag? Di na lang kami nagsalita ni Tal. Bahala na sya. Pag uwi kadating ko ng bahay.. andun na si Mama. Maaga na naman sya... Napapansin ko nitong mga nakaraan lagi syang maaga mauwi.. Di ko tinatanung kasi baka makahalata sya na nag aalala ako. As lalo lang syang magtatago pag nagtanong ako. Aalamin ko na lang ng sarili ko... ---------- (A/N: Fast Forward na natin ng isang taon halos. Hahahaha)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD