Chapter 28

4450 Words
+++++++++ Hay! 3rd year, 2nd Sem! Isa sa mga critical na year. Hahahaha. Sabi nila kasi puro major na daw to. Pagbumagsak ka, lagot! Hello, summer class ka, kung wala kang pera! Hello irreg ka. Katulad ko ngayon na Nag aaral, Student Assistant tapos nagpapart time sa Vil Corp. Pag free ako sa school ko dun ako napasok, pagmay pasok naman nasa admin ako and assisting the administration staff. Ganyang ung naging buhay ko simula nung nalaman kong may sakit si mama sa puso. Wala pang nakakaalam ng sitwasyon ni mama kundi si mama at ako lang. Paano ko nalaman? I research the so called vitamins na sinabi nya sakin... Kasi napapansin ko na parang tuwing sumisikip ang dibdib nya iniinum nya un. I'm not stupid para hindi malaman na pag vitamins, isang beses lang iniinum un... So while she's sleeping i took one of her meds and pati na din ung mismong pinaglalagyan pinicturan ko para mapakita sa hospital. Pagkagaling ko sa school dun ako dumeretso and i found out na ung gamot na iniinum nya ay pang may sakit sa puso. Para ako nung pinagsakluban ng langit at lupa dahil ung natitirang magulang na meron ako, posibleng mawala pa sakin. Pag uwi ko nun, hindi ko agad sinabi kay mama na alam ko na. I'm just observng her. Nakikita ko sya parang nahihirapan na kaya naman tinulungan ko syang inumin ung gamot nya at ako na rin ung kumilos sa bahay nun.. Kinagabihan sya na din mismo ang nagkusang magtanong kung anong problema ko dahil para daw akong problemado.. Then that night, i told her that i knew about her condition... Ipinaliwanag nya din na matagal na pala ung sakit nya, alam un ni papa mondy pero sila Tita jazz hindi dahil late na nila nalaman un, nung nagpacheck sila sa Doctor dahil hindi sila magkaanak.. I was crying so hard that time and i asking her.. bakit? Bakit hindi nya sinabi... Tapos ang sagot nya lang sakin... Flash Back "Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sakin ma..." Iyak kong sabi sa kanya Umiiyak lang si mama habang nakatinhin sakin.. "Kasi alam kong malulungkot ka tapos baka ihinto mo ung pag aaral mo dahil panigurado pahihintuin mo na ko sa pagtatrabaho... Ayokong pati ikaw anak magsakripisyo... Okay na akong, ako na lang.." sabi nya at lumapit sakin "Ma... Hayaan mo kong tulungan ka... Madami ka ng sakrispisyo sakin... Ako ng bahala... Hindi ako hihinto sa pag aaral. Mag aapply na lang ako as student assistant sa school para may dagdag income tayo... Wag ka na umiiyak at masama sayo yan..." Sabi ko at niyakap sya. "Baka naman mapabayaan mo ang pag aaral mo. Sayang isang taon na lang at gagraduate ka na..." Sabi nya at hinihimas pa ang likod ko dahil ako naman ang iyak ng iyak. "Hindi po. Kaya ko. Kakayanin ko, kayo nga na may sakit kinakaya, ako pa kaya na malakas at masigla. Kakayanin ko mama... Sige po.. kung ayaw nyong tumigil sa pagtatrabaho, okay lang basta po please... Wag kayo masyadong magpapagod... iinumin nyo ung gamot nyo... Okay?" Sabi ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Opo mama.." birong sabi nya at natatawa tawa pa. "Ma! Wag mong biruin... Ayokong pati ikaw mawala sakin... Mahal na mahal po kita!" Sabi ko sa kanya na nagpapadyak padyak pa.. "Okay na.. wag ka na umiyak... Papanget ka nyan... Ganda ganda ng anak ko oh..." Sabi nya at hinimas pa ang pisngi ko. "Wala ka pa bang boyfriend? Pwede naman na..." Sabi nya sakin "Hay naku ma! Ska ko na iisipin un pagnakaipon na ko ng pang paopera mo." Sabi ko sa kanya at yumakap ulit. End of Flashback Tinawanan nya lang ako nyan.. ngumiti na lang din ako nun pero after namin magusap sobrang tuliro ako. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pampaopera ni mama para tumagal pa syang kasama ko. Hindi nya alam na nagpapart time pa ko sa Vil Corp. ang alam nya pag sabado may meeting kami... Alam nya din pag napasok ako pag free day ko ay sa school ang punta ko pero sa work... Di alam nila Kim, Danica at Tal na may gantong sitwasyon sakin... Ayoko ng ipaalam pa sa kanila at guluhin pati sila... Nakakahiya.. andami na nilang naitulong sakin nuon pa.. tama na un. Hindir rin alam ni Danica na nagpapart time ako sa company nila... Pag gabi naman nag apply akong acoustic singer sa isang bar... Ung matino syempre.. Madami akong sinakripisyo para lang magawa ko lahat ng to. Minsan, wala na rin akong tulog o kain pagpapasok dahil imbis na ibili ko ng kung ano ano.. itatabi ko na lang. Minsan magtatanong na sila Danica bakit pa ko nag apply as student assistant, ih... Scholar ako with allowance sa school. Pero di nila alam... Isa to sa sinakripisyo ko... Scholar na lang ako.. pero wala ng allowance dahil nalalag ako sa qualification... Nagkaroon kasi ako ng 1.67 na grade. Eh dapat hindi bababa sa 1.45 ang grade... So laglag si tanga! Hahaha I even quit to KC, pati tulog ko sinasakropisyo ko. Lagi ko kasi syang chinicheck kung okay ba sya or kasama ko pa ba sya. Minsan na kong nahuli ni Sir Henry na nakatulog sa class nya. "Nics! Alam kong maganda ka at sexy... Pero bakit parang magpapayat ka ata? Kumakain ka pa ba? Ang payat mo na... Pero maganda ka pa din naman. Swear!" Sabi ni Krystal Eto na naman sila... "Okay ka lang ba nics? May problema ba?" Tanong ni Kim "Ha? Wala naman.. okay lang naman ako atska ganto lang talaga ung katawan ko." Pagsisinungaling ko sa kanila Di naman sila umimik at nagtinginan na lang. "Basta if you need help, don't hesitate to ask.. okay? I willing to help Nicole... Alam mo yan!" Sabi nya Tumango lang ako bilang tugon kasi ayoko ng magsalita pa. Habang kumakain naman kami biglang tinawag ako ni Sir Henry. "Nicole! Can i talk to you? Kahit saglit lang. Sa office ko please." Utos nya at nauna ng maglakad Kinabahan naman ako kasi bakit ako ipapatawag?! May bagsak ba ko? No! Hindi pwede! "Baka kakausapin ka lang dahil dun sa pagtulog mo. Sige na punta ka na dun." Sabi ni Kim "Sige. Maya na lang to." Sabi ko at niligpit ung pagkain ko. Nakasunod naman ako agad kay Sir. Nasa likod nya lang ako kaya naman nung pumasok sya sa Office nya, sumunod na din ako. "Sir... Bakit po?" Tanong ko sa kanya ng maupo sya sa swivel chair nya. "Anong nangyayari sayo? Bakit may nakita akong grades mo na 1.67? May minamaintain kang grades diba? And i heard you also quit in KC? Tapos ngayon nalaman ko na nasa Student Assistant ka na pala. Why? Anong problema?" Sunod sunod na tanong ni Sir Anong sasabihin ko? Aahm... Isip Nicole! "Nahirapan po kasi ako dun sa subj na un sir... Tapos nag quit po ako kasi personal matters po.. sorry." Sabi ko at yumuko "Kumakain ka pa ba? You look so thin than before... Payat ka naman talaga pero mas payat ka pa ngayon, though unfair kasi maganda ka pa din pero nakakabother yang pagpayat mo... May problema ba? I can help... Kahit dun sa mga hirap na subjects ka kahit hindi din ako naniniwala na nahihirapan ka.. i can also help." Sabi nya at sincere un. Umiling lang ako at ngumiti. "Okay lang po ako sir. Sige po pagnahihirapan po ako. Papaturo po ako sa inyo." Sabi ko sa kanya "Okay. And please submit your works to Mr Gonzales, his asking that to me... Within this week Nics. Kaya ba?" Sahi nya at tinaasan pa ko ng kilay. Shit! Ou nga pala ung paper works ko dun.. may notes naman ako kaya kaya yan mamaya. Gawin ko na lang after ng Gig. "Opo sir! Kayang kaya. Wala na po ba?" Tanong ko sa kanya, bumuntong hinga lang sya tapos tinanguan ako. "Call me if you need help. Okay?" Sabi nya at tumango naman ako ska lumabas ng office nya. Nakita ko naman na papunta dito ung tatlo. "Oh anong sabi ni papi henry ko?" Sabi ni Kim "Wala naman... May pinapagawa lang sya pero okay na naman." Sagot ko sa kanya at kinuha na ung gamit ko sa kanila. "May dalawang oras pa na vaccant diba? Admin muna ko. Bye!" Paalam ko sa kanila. Tapos tumakbo, mag tatanong na naman kasi yan sila ih... Hahahaha ---------- Lumipas ang ilang buwan at malapit ng matapos ung 2nd sem ng 3rd year tas OJT na. Napagpasyahan namin na sa Vil Corp na lang kami apat mag oOJT... Pero ganun pa din ako... Papunta ako ngayon dun sa kainan namin ng makita ko silang tatlo na parang seryosong seryoso. Bakit? "Oh? Anyari sa inyo? May umaway ba sa inyo? Asan? Reresbak na ba tayo?" Tanong ko sa kanila Pero di naman lang nila ko tinignan at parang sobrang sama ng mukha nila. Ano bang meron? Napaiktad ako ng hampasin ni Kim ung lamesa, tapos tinignan ako ng pailalim. Problema nito? "Kelan pa? Kelan ka pa natutong hindi mag sabi samin ng totoo?" Tanong nya Nagulat naman ako sa tanong nya? Anong? Wait! Don't tell me alam na nila ung kay mama? "Anong sinasabi mo?" Balik na tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Marahas syang suminghal na parang napufrustrate sya sa ginagawa ko... "Sige! Kelan ka pa natanggalan ng Student Allowance? Kelan ka pa nalate magpasa ng paper works sa mga major subjects natin? Kelan ka pa nagpabaya sa pag aaral Nicole?! Kelan ka pa nagkaroon ng 1.67 na grade? Kelan mo pa balak itago samin lahat?!" Sigaw ni Kim na hindi napigilang umiyak. Napatanga na lang ako tapos tinignan ko si Danica at Tal na umiiyak din.. Di ako umiimik, yumuko lang ako tapos pinaglaruan ung daliri ko... Kim's POV Naiinis ako! Pero naawa din ako... Kasi! Alam kong ayaw nya lang kaming pag alalahanin dahil may tinatago sya pero nung kinausap ako ni Sir Henry about sa grades ni Nicole, di ko na mapigilan... Flashback Naglalakad kami ni Tal papuntang grounds dahil dun kami kakain, pansin ko na kanina pa to tahimik.. bakit kaya? "Hi. Ahm.. Kim, can i talk to you. Saglit lang talaga. Dun sa office. Thanks." Sabi ni Sir Henry ng makasalubong namin sya. Nagtinginan muna kami ni Tal tapos tumango sya sakin, sinabi ko na antayin na lang nya ko sa ground. Tapos sumunod na lang ako kay Sir. Gusto kong kiligin pero bakit parang ayaw ng sistema ko. Kinakabahan ako! Pagkapasok namin sa office nya, dumeretso sya sa swivel chair nya at inilagay ung kamay nya sa baba nya. "Upo ka." Utos nya sakin. Sinunod ko naman at naupo. May kinukuha syang mga paper sa ilalim ng table nya tapos may tinatype sya sa laptop nya. Ano un? Bagsak ba ko? "Ahm.. sir? Bakit po? Kinakabahan ako ih.." sabi ko sa kanya sabay kamot ng batok ko. Mahina syang tumawa tapos ngumiti ng unti. "Don't be. Wala naman akong gagawin sayo. I just really want to talk to you about Nicole sana." Sabi nya Oww... What about Nicole? Hindi naman babagsak un.. "Ano pong meron kay Nicole?" Tanong ko sa kanya Inilabas naman nya ung papel na kinuha nya kanina pa sa ilalim ng lamesa nya. Paper works ni Nicole na hindi ko maintindihan. Bakit ganto? Kelan ba gumawa ng ganto si Nicole na hindi maintindihan. Parang inilagay lang tas hindi na inayos. Taka akong tumingin kay Sir at nakatingin din pala sakin.. "Ganyan din ang reaksyon ko ng makita ko yan. I thought hindi si Nicole ang gumawa pero may pangalan nya... Mr. Gonzales gave that to me, and his a bit worried about Nicole dahil hindi naman sya ganyan... And here take a look at this." Sabi nya at iniharap sakin un laptop nya. Mas dun ako nagulat... Lahat ng grades ni Nicole, mababa... Matataas pa ung akin... Wala syang flat uno?! Hindi pwede?! Ih... Isa sa sya laging nakakaUno sa klase... Anong nangyayari? May muntikan pa syang magDos. Ung kay Mr. Gonzales na subject! Takte hindi pwede... Mawawalan sya ng scholarship. "Kay Nicole po talaga yan Sir? Parang hindi naman po ata ganyang ang mga grades nya." Sabi ko na indenial pa din. "Sana nga Kim. Pero sya talaga yan. All her paper works parang hindi sya ang may gawa. But when i ask her, if she's the one who do that. She said yes." Sabi nya at parang ayaw paniwalan ung sinabi ni Nicole kahit naman ako. "And to inform you, wala na sya sa KC, she even pulled out from scholars with allowance. Kaya kita kinausap, gusto ko din sana itanong kung anong nangyayari sa kanya? May problema ba sa kanila o sya mismo?" Tanong ni Sir sakin Anong alam ko... Ih, hindi naman magsasabi o nagsasabi si Nicole ng problema nya unless she really need our help... Pero ngayon hindi na pwede.. "Wala po sir.. kakausapin na lang po namin sya, about dito. Salamat po sa concern..." Sabi ko at yumuko "Wala un. Nag aalala lang talaga ako, she's running for magna cumlaude pero kung magpapatuloy to... Baka bumaba sya dun. Sayang lahat ng sacrifices nya and matagal ko na din kayong kasama at para ko na kayong mga kapatid kaya nag aalala talaga ako." Sabi nya. "But please... Don't get me wrong, i'm concern to Nicole pero wala akong gusto sa kanya ah!" Sabi nya kaya natawa ako "Hala sir! Wala naman akong sinabi. Salamat po ulit sa concern. Kausapin ko na lang po sya." Sabi ko at tumayo na. Ganun din naman so Sir tapos nag lakad na sya papuntang pinto kaya sinundan ko lang sya. Iniisip ko pa din si Nicole, ano kayang problema ng babae na un? At naging ganun ung mga grades nya... Anong tinatago nun.. "Aray ko po!" Nawala ung pag iisip ko ng umupog ako sa pader.. Pagtingin ko... Ay si Sir pala! "Hey! Okay ka lang? Talk to her na lang para wag mo ng masyadong isipin un. Baka naman ikaw din bumagsak nyan." Sabi ni Sir na hinihimas ung noo ko. Kung hindi ko lang iniisip si Nicole! Todo kilig na ko dito. Baka nahimatay na ko. Hahahahaha "Opo sir! Ih... Okay na po ako." Sabi ko dahil ayaw nya pa din tanggalin ung kamay nya sa noo ko. "Sige na! Kumain ka na dun ng lunch mo." Sabi nya at ginulo pa ang buhok ko. Hay! Humanda ka talaga sakin Nicole! Kinikilig dapat ako ngayon ih... Kasi si Sir Henry to oh!!!! Pinagbuksan lang nya ko ng pinto at lumabas na ko. End of Flashback Tapos malalaman ko pa na Nagtatrabaho din pala sya sa Vil Corp habang nasa Student Assistant sya.. at hindi lang un... MaggiGig din sya sa isang bar.... See! Kaya naman pala, halos hindi na nya magawang gumawa ng mga paper works and projects sa school kasi puro sya trabaho... Eto ako ngayon at nakatingin sa kanya habang nilalaro ang kanyang daliri. Ganyan sya pag guilty at may tinatago. "Ano? Wala kang sasabihing iba? Gaganyan ka lang? Bakit hindi mo sinabi samin?!" Tanong ko sa kanya Tumingin sya sakin pero this time umiiyak na sya. Takte! Hindi ko naman sinabing umiyak sya pero kung umiiyak sya ngayon mukhang may mas malala pa na nangyayari ngayon. Pero kailangan mapa'amin namin sya ngayon... Kaya sorry Nics... Hahayaan ko muna umiyak sya kahit naawa na ko. Tinignan ko muna ung dalawa tapos umiiyak din... Hinayaan ko muna sila tapos tumingin sakin si Danica. Tinanguan ko lang sya para magsalita na din sya. "Nalaman ko din kay Daddy na nagpapart time ka sa Company... Bakit? Anong nangyayari sayo? Diba we always tell you that if you need help, don't hesitate to ask! But why you keep it in yourself at parang wala kang balak sabihin samin?" Tanong nya kay Kim habang umiiyak Di sumasagot ni Nicole kaya naman napatayo na din si Krystal... "I even saw you! Sa isang bar... Natugtog... Lalapitan sana kita kaso nung nakita kong paakyat ka ng stage tinigil ko na kasi panigurado ayaw mong malaman namin... Ano bang problema mo?" Tanong ni Krystal Huminga naman sya ng malalim tapos umiling na tumingi sa amin... "Hay... Wala talaga akong maitatago sa inyo... Ou, wala na ko sa student with allowance, bumababa din ung grades ko, muntikan akong bumagsak kay Mr. Gonzales, kasi late ko na pasa ung paper works ko sa kanya... Late na nga parang binaboy pa..." Natatawang sabi nya pero naiyak sya. "Ou, nagpapart time ako sa Vil Corp, i talked to Tito Danny and he agree about it. Sabi ko wag sasabihin sa inyong dalawa ni Kuya Daniel. Ung sa gig sa bar, nagtry din ako kasi i really need to... Kasi-" putol nya at biglang humagulgol... Dun na ko lumapit at niyakap sya... Naiiyak na din ako... Hindi to ganto kahina... Malakas tong babaeng to.. kahit na may pinagdadaanan, laging nakangiti.. gagawin nya lahat para lang makagawa ng paraan ng hindi mo namamalayan... Pero ngayon... Ung iyak nya iba?! Hindi tama.. Lumapit din ung dalawa at yumakap... "Sabihin mo... Anong problema? Andito kami oh... Ano pa't bff tayo kung hindi mo sasabihin samin... May nangyari ba?" Sabi ko habang hinihimas pa ung likod nya kasi sobra ung hagulgol nya... "S-Si Mama, may s-sakit sa p-puso..." Sabi nya at umiyak na naman... No... Kaya naman pala ganto sya... I know Tita ja is the only parent she has kaya gagawin nya lahat para gumaling to. I feel sorry for Nicole, she doesn't deserve this... kaya pala ganun na lang sya magsumikap... "Nag gagamot sya ngayon pero minsan nahihirapan na syang huminga... Wala akong tulog kasi binabantayan ko sya minsan. Tangin opera ng puso ang makakapagpagaling sa kanya pero san ako hahanap ng ganun kalaking halaga? Halos isang milyon? Anong kailangan kong ibenta para mapaopera sya? Nahihiya na kong lumapit sa inyo... Simpleng pag kain ko nga kayo na sumasagot dahil sinasabi kong wala akong pera..." Paliwanag nya Humigpit lang ung yakap namin sa kanya... "Pero sana sinabi mo samin... Hindi mo kaya ng mag isa to, Nicole? Kailangan mo ng tulong... Tutulong kami hanggang kaya namin.. pero hindi mo kailangang sarilinin to.." sabi ni Tal na umiiyak "Nahihiya na ko... Pero sorry..." Ayun lang ung sinabi ni Nicole tapos umiyak ulit. Matagal kaming mag iyakan at nagyakapan. Sobrang sakit ng mararamdaman ni Nicole dahil sa nangyayari sa kanya. Pero alam namin na kaya nya to. Andito lang kami para umalalay kung dadating sa puntong hindi na nya kaya, ganun ang pagkakaibigan. Nicole's POV "Magquit ka na sa SA ah... Sa Vil Corp ka na lang pumasok tapos please! Wag ka ng mag gig! Sayang naman ung sacrifices mo kung mawawala ka sa Magna girl!" Sabi ni Danica sakin Kanina pa nila ko pinipilit na mag quit na sa SA. Sya na daw sasagot sa gamot ni mama para less na daw ang pasanin ko. Kahit ayoko, malaking tulong un kaya naman tinanggap ko at pumayag na din na magquit sa SA. Nalaman ko na kinausap pala ni Sir Henry si Kim dahil sa mga grades ko at nabobother na daw sya dahil parang nawawala na ko sa sarili ko. "Ay naku Nicole! Kung hindi lang talaga kita iniisip kanina baka kamo sinunggaban ko na agad si bebe ko. He even tousled my hair, like he always did to you! Tapos nginitian at sobrang lapit nya sakin kanina... Ay putek talaga! Pasalamat ka at mahal kita kaya inuna kita kesa sa landi ko. Hahahahhaahha" sabi ni kim nung nagkwento sya. Nagpapasalamat din talaga ako sa kanya kasi, kahit alam kong pagkakataon na nya un na lumandi. Hahahaha. Inuna pa din nya ko! Kaya mahal na mahal ko tong tatlong to ih! Never nang iwan sa ere! "Kami na bahala sa foods and meds ah! Sasabihin mo din kay Tita ja na nagpapart time ka sa Company! Okay? Kung kailangan mo ng kasama para masabi un. Willing kami. Okay? Wag ka na magsesekreto, kikitilin ko buhay mo!" Pagbabanta ni Danica "Opo.. salamat sa inyo ah... And I'm really really sorry..." Sabi ko at yumuko ulit "Okay na un. Nga pala! Sabi ni Bebe Henry ko, kaya mo pa naman daw habulin ung GPA mo kasi may finals pa. Kaya habulin natin ah!" Sabi ni kim Tumango lang ako at nakipagtawanan na sa kanila. Kinahapunan sabay sabay kaming umuwi sa bahay. Dahil nagpasama na ko sa kanila para sabihin kay mama ung nangyayari sakin. Pag uwi ko. Andun na si Mama, nakaupo at medyo hinihingal pa. Pinaupo ko muna sila, kasama si mama. "Hi Tita. Kumusta po? Ahm.. if you don't mind po... Nasabi na po samin ni Nics ung kalagayan nyo." Sabi ni Danica Hindi naman na nagulat si mama dahil alam nyang lalabas at lalabas ang totoo. "Hm... Okay lang Danica. Eto at medyo hirap pero nadadaan pa naman sa gamot kaya kinakaya..." Sabi ni mama at ngumiti Umakyat na ko sa taas at nagpalit ng damit. Siguro nasasabi na nila ngayon ung nangyari... Sana lang walang maging epekto kay mama.. Pag baba ko, nakita kong umiiyak si Mama na yakap yakap ni Kim. "Okay na un Tita! Si Nicole pa ba?! Mahahabol nya un. Kayang kaya!" Sabi nya na pinipigilan ding umiyak. "Sana kasi malakas na lang ako para hindi na nya kailangan gawin un... Nasasakripisyo pati ung pagkain at pag aaral nya.." sabi ni mama na umiiyak pa din. Lumapit naman na ko at niyakap sya nung binitawan na sya ni Kim. "Ma... Okay lang po. Hayaan na ntin un tapos na po ih... Magiging maayos din ang lahat... Okay? Hahabulin ko ung GPA ko. Baka sakaling sa 4th year makuha ulit ako sa Student with Allowance... Kaya natin to... Ska nag offer si Tito Danny ng part time sakin sa Vil Corp. Tinanggap ko na tutal dun din naman kami mag oOJT ih... Tahan na po at makakasama sa inyo yan..." Sabi ko sa kanya at hinihimas himas pa ang likod. "Anak! Kaya mo ba? Kaya ko pa naman magtrabaho... Ako na lang muna.." sabi ni mama sakin at bumitaw sa yakap "Ma. Kaya ko po. Kakayanin. Magkasama tayo dito diba?" Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay Tumango naman sya at nagpasalamat sa mga kaibigan ko. Umuwi naman kaagad sila Danica at Tal, si Kim nagpaiwan at gusto akong tulungan at makipagkwentuhan na din kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos naming maghapunan, nagpahinga na si Mama tapos si Kim nagpatunaw lang saglit tas umuwi na. Ako naman eto at nag aadvamce reading para sa mga susunod na lesson namin. Isang buwan na lang tapos na ang 3rd year. OJT na sunod tapos Thesis after nun graduation na! And real life begins! Habang nagbabasa ako biglang tumunog ung phone ko. Pagtingin ko kung sinong tumatawag... Si Sir Henry? Bakit kaya? "Hello Sir?" Bungad ko pag kasagot ko ng tawag. [Hey! Bakit gising ka pa? Maaga ang klase mo bukas ah!] Sabi nya Hala? Sya kaya prof ko bukas.. maaga din sya ih! "Nag aadvance reading po ako, atska maaga pa naman po ah. 11pm. Kayo po kaya prof ko bukas." Sagot ko naman. Huminga naman sya ng malalim bago magsalita. [Go to sleep Nicole, you need that at baka matulog ka na naman sa klase ko. Kaya mo naman halos lahat ng ituturo ko. Kaya wag ka ng mag advance reading. Matulog kang bata ka!] Sabi nya pa. "Opo. Matutulog na. Kayo din po. Ahm.. sir! Nga po pala. Salamat po sa concern. Appreciate ko po. Good night Sir!" Sabi ko sa kanya Tumawa naman sya, feeling ko lasing si Sir. Hahahaha [Don't mention it Nics. Nag aalala lang talaga ako sayo kaya kinausap ko na si Baby Kimmy ko para sya na lang ang kumausap sayo. Nasabi ko na ung problema mo, nakausap ko pa sya. Hahahaha] sabi nya at ako makatakip ng bibig What?! Baby Kimmy? Don't tell me?! May gusto din sya kay Kim? Omo! Hahahahahaha "Sir! Lasing po ba kayo? Naku! Di matutuwa nyan si Baby Kimmy mo, pag nalaman nyang naglalasing pa kayo. Hahahaha. Good night sir! Wag po kayo mag alala, hindi ko sasabihin kay Kim na kinikilig kayo sa kanya.. Hahahahahahaha" Natatawang sabi ko sa kanya. Bago mo ibaba narinig ko pa ung mura nya. Hahahahahaha. Huli ka ngayon Sir Henry! Hahahahaha. Paniguradong kikiligin si Kim pag malaman nya to! Hahahahahaha Nagpasya na kong matulog dahil na din medyo inaantok na ko. Nakangiti akong nahiga at inaalala ung sinabi ni Sir na Baby Kimmy... Hahahahaha. Ewan ko na lang talaga... Kim! Patay na patay ata sayo si Sir! Hahahahaha Henry's POV F*cking Sh*t! Ano ba ung sinabi ko kay Nicole! Lasing na nga ata ako, kailangan ko ng matulog. "Sinong kausap mo? At napapamura ka?" Tanong ni Harold "Ung estudyante kong may problema at bumaba ung grades." Sabi ko at hinilot ung sintido ko. Tang*na! Baka sabihin ni Nicole kay Kim, yari talaga ang pagtuturo ko! Ano ba naman kasi un?! "Who?" Tanong naman ni Miggy. Interesado masyado ang hayop na to! Nung nakaraan pa sya ganyan tuwing magkukwento ako ng about sa school masyadong attentive. "I don't know if you still rember her pero sya ung babae dun sa Adhika. Tol! Bumababa ung grades nya, tapos ng quit sya sa KC, nalaman ko nagSA sya para matapalan ung pagkawala ng allowance nya. Isa kasi sya sa mga scholars na may allowance na natatanggap sa school. Pero ung grades naman nya hindi naging dos.. pero kasi matatanggal sayo un once na ung grade mo bumama sa 1.45.. nagkaroon sya ng 1.67. so ayun natanggal." Paliwanang ko. Ewan ko ba kung bakit nagkukwento ako. Lasing na nga ata ako. Hahahaha "G*go! Lasing na yan. Magkukwento na ih! Hahahaha." Sabi ni Theo "That's her problem? I can talk to dad about her. I mean para maiba ung sistema.." sabi ni Miggy pero nakatingin kami sa kanya ng nakangisi Ang g*go! Type talaga nito si Nicole... Napapansin ko na to! "G*go tol! Bata pa un. Atska bago ka pumorma ayusin mo muna yung sa inyo ni Sofia!" Sabi ni Theo Tumingin lang ng masama si Miggy sa kanya tapos sya naman tumawa lang. Hahahaha "No. I think may iba pa syang problema. Di nya lang masabi pero siguro sa mga kaibigan nya nasabi na nya. Pero ikaw! Kung gusto mong kausapin si Tito Miguel about sa ganung sistema, Go!" Sabi ko sa kanya at nag umat. Tumayo na ko at magpunta sa kwarto ko. Matutulog na ko at maaga ko pakakastiguhin si Nicole sa nasabi ko. Yari sakin un pag sinabi nya kay Kim ung narinig nya. Hay Baby Kimmy! Ang ganda mo talaga! I really don't know why and when i fall inlove with you! Hahahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD