Chapter 26

3317 Words
+++++++++++ Nicole's POV Tapos na ung turn namin ng Team Intro. Kaya eto ako at nagpeprepare naman para sa Special Number ni Ms. Sofia. Isusuot ko na lang naman tong white dress. Di na ko magpapalit ng shoes kasi wala akong shoes atska nakita ko ung binili nila Danica, bagay naman sya sa sapatos ko kaya palag palag na! Hahahahhaa Pumunta lang ako ng comfort room at nagpalit pagbalik ko, nahiya naman ako kasi naka all eyes on me na! Hahahaha. Ay! First time makakita ng nakawhite dress? So ang style ng dress kasi is Casual Dress, hindi gaano kalalim ung sa may dibdib pero kita ung collar bone ko, short sleeves, di sya gaano hapit sa katawan ko pero kita ung curve pati na din ung pinagmamalaki ko. Ahhahahaha. Paballon sya sa ilalim na hanggang taas ng tuhod. Si Danica ang pumili nito kaya ganto ang style lagi kasi nyang gusto ung kita daw ung collar bone ko kasi isa daw sa asset ko un. Ewan ko. Hahahaha "Nyay! Baka magalit si Ms. Sofia nyan ah!" Parinig na sabi ni Kuya Lou Bakit naman sya magagalit? Nagdress naman na ko. "Ou nga! Si Raf kasi.. dapat iba na lang ung pinili na kasama ni Ms. Sofia. Hahahaha. Mas maganda tuloy sa kanya." Natatawang sabi naman ni Alas Napatingin naman ako sa kanila at siningkitan un... "Mga loko kayo! Baka may makarinig sa inyo!" Saway ko sa kanila At di nga kalayuan nakikita ko na si Ms. Sofia na naglalakad kasama nung grupo ni Sir Henry. "Tumahimik kayo! Mapapahamak pa ko nyan!" Ulit ko sa kanila Natatawa lang sila pero dahil may mga ginagawa silang task, di na ulit nila ko pinansin, naggood luck lang sila at syempre nang asar! Pumunta na lang ako sa Piano at naupo dun habang itinatali ang buhok ko. Ibebraid ko na lang to para tugma sa ayos ko. "I think it's better kung nakalugay lang buhok mo." Sabi ng kung sino kaya napalingon ako Si Sir Henry lang pala. May kasama sya pero no pakels! Hahahahaha "Ih.. parang hindi naman tugma Sir." Sagot ko sa kanya at itinuloy ang pagbebraid ko. "Sige nga. Ituloy mo yan tas tignan natin." Sabi nya at lumapit.. Ginawa ko naman ung sinabi nya. Brinaid ko un ng buo pero medyo maluwag. Tapos nag iwan ako ng ilang hibla ng buhok ko sa gilid. "Ayan! Tapos na!" Sabi ko kay Sir sabay harap. Bigla naman nagsalita ung mga kasama nya tapos sya umiling ng nakangiti. Hala! Hindi ba bagay? "Pangit sir? Hindi nga? Aalisin ko na lang." Sabi ko at akmang aalisin ng magsalita ung isa sa kaibigan nya ata "Uy! Wag bata. Bagay sayo." Sabi nun at kumindat pa. Yuck! Hahahaha. Jk lang! Okay lang naman di naman ako ganun kasensitive sa kindat or something.. Nginitian ko lang naman sya kaya ngumiti din sya sakin. Kaso pagtingin ko kay Sir Henry, para syang naghahamon ng away! "Theodore! Sinasabi ko sayo! Umayos ka!" Banta ni Sir pero tinawanan lang sya nung lalaki. "Bagay sayo. Mas maganda ka pa nga dun sa main eh. Pero mas okay sana kung nakalugay para matakpan ung batok mo." Sabi nya Naconsious naman ako. Maitim na ba batok ko? Hala! Di ba ko nakapaghilod. Wait lang... Natigil ako sa pag iisip nung may pumitik ng noo ko! Aray ang putek! "Di ko sinabi na maitim ung batok mo! Wag kang OA Nicole!" Sabi ni Sir Ang sakit nung pitik! Mamumula to! "Mind reader ka po Sir? Paano mo nalaman na un ung nasaisip ko atska bato ba yang daliri mo po? Ang sakit ih!" Sabi ko sa kanya nahinihimas himas pa ung noo ko. "Hindi. Nababasa ko lang sa itsura mo.." Sabi nya at guguluhin sana ung buhok ko buti nakaiwas ako. "Sige na! Magexercise ka na dyan. Aalis na kami! Baka di makapagpigil tong mga kasama ko at sunggaban ka!" Sabi nya at hinila na ung mga kasama nya Sira ulo! Alam ko un ah! Di naman ganun karevealing ung damit ko ah! "G*gu!" Sigaw pa nung isa "Ow... Before i forgot! Ang galing mo kanina... Dahil dun hindi na kita ibabagsak! Astig mo eh! Goodluck!" Sabi nya at nagthumps up pa! Napangiti naman ako.. "Salamat Sir!" Sabi ko sa kanya at magwave na. Sila naman umalis na. Prinaktis ko na lang ung Thousand Years kahit walang tunog pero may napapansin ako... Parang may nakatitig sakin somewhere over the rainbow! Pero di ko na lang pinansin baka production at tinitignan ung ginagawa ko. Bigla naman dumating naman si Marky at tinabihan ako. Kung titignan kami mukha syang may gusto sakin pero sa totoo... Wala yang gusto sakin! Hahahaha Si Celine talaga type nyan... Payummy lang ska nung nakaraan na nagkwentuhan kami sabi nya kaya di nya pinapansin si Celine kahit crush nya. Ayaw nya daw kasi na ung babae ung naghahabol. Mas gusto nya na sya ung naghahabol... Medyo true naman un. "Alam mo... Mas maganda ka pa kay Ms. Sofia! Nahuli ko ung Boyfriend nya kanina titig na titig sayo. Di mo nakita?" Tanong nya Umiling naman ako kasi di ko talaga nakita atska diba friend un ni Sir, panigurado naman akong kasama syang umalis kanina. "Hindi. Kung nakatitig man sya baka naweweirduhan lang sakin kasi nagtitipa ako dito kahit walang tunog. Hahahahaha" sabi ko sa kanya "Hm. Baka nga... Weird naman kasi talaga kaibigan!" Sabi nya at tinawanan lang din ako Nagkwentuhan lang kami dahil wala pa namang ung performance na inaantay namin pareho. Nagkatinginan kami pareho ng iaannounce na sasalang na ang TLC Band. Start na pala ng BOTB... "Kinabahan ako bigla! P*ta!" Sabi nya at mapahawak pa sa dibdib nya Ganun din naman ung nararamdaman ko. Hahahahaha Nakikinig lang kami ng biglang sumulpot si Francine. "Nics! After ng TLC kayo na ni Ms. Sofia ah... Stand by ka na dun, sila na bahala dyan magdala ng piano. Sasabihan ko lang din si Ms. Sofia. Goodluck!" Sabi nya at pumunta na sa waiting area Tumayo naman ako at pumunta na sa Gilid ng stage para magready, inayos ko na ung in ear ko para mas marinig ko sya.. Naggogoodluck lang ung iba na mapapadaan sa gilid ko. Di naman nagtagal, dumating na dun si Ms. Sofia. She just said goodluck, kaya sinabihan ko din sya. Namatay na ang ilaw at nakita ko na nilagay na nila ung Piano kaya umakyat na din ako para pumesto, sumunod naman si Ms. Sofia. Huminga muna ko ng malalim bago tumugtog. Pagtipa ko ng first note, saka bumukas ung spot light na nakatapat syempre kay Ms. Sofia, follow light lang ang akin. Nakatingin lang ako sa piano habang tinitipa ung intro, nung malapit na ung unang stanza lumapit na ko sa mic ko at ska kumanta, sumunod naman din agad sya. Patapos na ang kanta at nakakainis kasi patapos na ih... Okay na sana ung performance nya kaso ginulo nya. Nwala na kasi s'ya sa counting ng kanta at hinabol ko, sabi n'ya special pero di naman nya inayos... Natapos ang kanta at namatay na ang ilaw.. ska kami bumaba at inaabangan naman ako nila Marky at Andrew... "Halatang halata na ikaw lang ung kumanta ija..." Bulong ni Marky, hinampas ko lang sya kasi nasa likod lang namin ung jowa at kaibigan ni Ms. Sofia "Tumahimik ka nga... Marinig ka, magkagulo pa dito!" Saway ko sa kanya Sasagot pa sana sya ng magsalita ung nasa likod namin. "Nice voice Nicole. Magaling ka pala talaga. Walang kompanyang masasayang." Sabi ni Hannah ata un. Gustong tumaas ng kilay ko kaso bad un... Masisira ang mood ko. Hahahaha "Magaling talaga.. sya na nga halos kumanta." Bulong ni Andrew pero sinamaan ko lang sya ng tingin. "Salamat po." Sagot ko at yumuko Ngumiti lang sya pero alam kong plastic un. Kainis talaga tong babae na to! Di ako makapaniwalang pinatulan to si Sir Henry. Maglalakad na sana kami dahil medyo nakaharang kami sa daan pero biglang nagsalita si Ms. Sofia. "Good job for the both of us Nicole! Thanks." Sabi nya at nanuna pa silang maglakad sakin. Nakakawit lang ung kamay nya dun sa jowa nya na nakatingin naman samin. Naglakad na din kami at ung dalawa kong kasama nakakaalalay sakin.. "Hoy! Hindi ako sya. Okay lang ako. Wag nyo na ko alalayan. Hahahahaha" sabi ko sa kanila at tinggal ung kamay nila sa braso at likod ko. Natawa naman si Andrew, si marky naman inakbayan ako tapos bumulong.. "Sya ung nakatitig sayo kanina." Bulong nya Napa'ahh' na lang ako at hinayaan na. Sinamahan nila ko kunin ung pamalit ko para sa BOTB Song namin. Nagpaprint pa kami ng polo shirt para may uniform kami. Bahala na kami kung anong style ang gagawin namin. So since nakahigh waist pants ako, itinuck in ko na lang and this time hinayaan ko ng nakalugay ing buhok ko tapos nag ipit na lang ako sa gilid. After kong magbihis, pumunta na kami sa backstage, dito na kami mag aantay dahil after ng Revel, may isa Intermission tapos kami na. Kabadong kabado kami habang na aabang... "Goodluck satin! Basta kahit anong mangyari! Enjoy lang at magpasalamat na nakarating tayo dito. Okay?" Sabi ni Kuya Myk. Tumango naman kami at tumawa kasi biniro pa sya ni Andrew. "Goodluck Adhika! Kaya nyo yan!" Sabi nila Ate Aira Nagpasalamat lang kami tapos lumapit samin sila KC at SC to say their Goodluck. "Ilampaso mo sila Nicole!" Sabi ni Alas na mukhang tanga dahil naka'aja' form sya. Tinawanan lang nila si Alas tapos ako naman binatukan sya. "Mukha kang tanga Alas!" Sabi ko na lang. "Salamat po sa inyo" pasasalamat ko dun sa KC at SC Nag usap lang kami ng unti tapos umalis na sila may mga gagawin pa daw kasi sila. Natapos ang Revel kaya pumasok ung mag intermission bago kami. "Congrats po!" Bati ko sa kanila ng bumaba sila sa stage. "Thank you Nicole. Goodluck sa inyo ah." Balik nila samin tapos nilapagsan na kami ng tuluyan. After ng intermission, may video na ipapakita, ung mga clip namin nung 1st and 2nd round. Habang nakaplay un, umakyat na kami at isinaksak na ung mga instrument namin. "In ear! Jacob." Paalala samin ni Kuya myk pero ngumiti sya. "Enjoy guys!" Sabi nya pa. Kaya napangiti din kami. "Good luck Nics!" Sabi ni Marky. Katabi ko lang sya kaya nagkakarinigan kami. Nung malapit na magstart lahat kami abang na. Last frame na at nandun kami para magpakilala.. "Hi! I'm Marky, keyboardist/vocal." Marky "Andrew, drummer." Andrew "Jacob, bassist." Jacob "I'm Nicole, rhythm guitarist/vocal" Me "And I'm Mykel, Leader of the Band and Lead guitarist/vocal. We are the Adhika! Hopefully you'll enjoy the song we made for the all of you." Kuya Myk "This is 'Time of Our Life' by Adhika. Enjoy!" Me Ako ung last na nagsalita kaya naman pagkatapos nun nagcount si Andrew ng drumsticks nya... Tumugtog naman na si Marky at Andrew.. ska bukas ung ilaw at nagsisigawan na ung mga tao.. Krystal's POV Habang pinapanuod sila Nicole. Di namin mapigilan na hindi mapasabay sa kanta! Lahat pati ung ibang students.. napaka daling tantadan... Ung kahit ngayon mo lang narinig, mapapasabay ka! Ay! Da'best talaga tong banda na to! Tapos makikita ko pa ung kaibigan kong masaya habang tumutugtog! This will be the best page of our life... Sabi nga ng kanta nila This is our page! Let's Go! Kim's POV Whaaaa! Best friend ko gumawa ng kanta na yan!!! Anime lover ang putek! Tunog anime! Ang ganda! Isa na naman pong mahalagang memory sa buhay namin at nang aking matalik na kaibigan... Kanya kanya ng talon ung mga estudyante! Hahahaha. Mas lalo tuloy ginanahan ung Adhika na kumanta! Nung narinig ng mga tao ung bridge ng kanta! Hala! Nagsigawan! The High Notes! Tumpak na tumpak! Alam kong dahil maganda at maganda ung boses ng kumanta pero kasi ung message! Have fun, gusto ng lahat ng tao na andito un... Kaya nga may Festival eh... Para magsaya! At syempre magkaroon ng oras para sa sarili nila! Saktong sakto! Clap clap para kay best friend ko! Hahahahahaha Danica's POV "You heard it? I hope you can see her how Nicole's smile while singing! And oh?! Big Bro... Sya lang naman ang sumulat ng kanta na yan!" Sabi ko kay kuya na tinawagan ko para marinig nya ung song nila Nicole. [Yeah! I heard it! They good! They really are! So proud of Nicole na nakaalis na sya sa comfort zone nya being shy and silent.] Sabi ni kuya na sa boses ay sobrang proud na proud... Yiee! Inlab na naman kay Nicola! Hahahaha. "Inlove ka na naman! Hahaha. Kelan ba uwi mo?" Tanong ko sa kanya. [Matatagalan pa ko dito baby sis... And yes! Im so inlove with that girl but hindi na pwede ih...] Sabi nya na may halong lungkot Umalis muna ko sa crowd atska kinausap si Kuya... "Ow... Why? Don't tell me tinuloy mo ung offer ni Dad sayo na ikaw na ang magmanage ng company dyan sa Canada?" Tanong ko sa kanya, narinig ko kasi ung usapan nila na un. [Yeap! Kaya dito na ako and Dad wants me to marry the daughter of his friend... Maganda daw ang business kaya paniguradong maganda pag pinagcollab ang business natin sa kanila.] Sabi nya and that words mas nalungkot ako for kuya Ayoko ng ganyan! I want to marry the guy, i love than to marry a stranger. "So tinggap mo? Meaning magpapakasal ka dun sa babae?" Tanong ko sa kanya. Sumagot naman sya at sobrang nalungkot na ko... I really don't want to do that. Pero dahil sa sagot nya napatingin ako agad kay Nicole! I know nicole love my brother too pero pinipigilan nya dahil may gusto syang patunayan sa buhay.. at gusto nya matapos muna ang pag aaral nya bago sya pumasok sa relasyon... How will i say this to her, if she happy writing some good memories in this Time of her life? Will i choose to break her heart and let her write good memories with bad or should i keep this in myself... She's so happy singing and enjoying creating her own page... Henry's POV The crowd gone wild while singing Adhika's song! Grabe! Mga wild naman talaga lahat to pero ung ngayon iba! Hahahaha. Saya pala ng ganto! Boring kasi si Harold maging Student Council President eh! Hahaha "Tol! Sana pala ginawa mo to nuon para hindi ka boring na president! Hahahahaha." Sabi ni Theo. See... Boring nga talaga sya... Pero astig naman na president yan kaso boring lang talaga. Hahahaha Sinamaan nya lang ng tingin si Theo tapos ito namang isa tawa pang ng tawa... Natawa na din kami kasi kahit kami naman nag eenjoy sa tugtog. This will be one of my memories na ikekeep ko hanggang pagtanda. Na minsan akong umattend at naging masaya sa AHC. Theo's POV Buti na lang sumama ko dito nung niyaya ako ni Papi Hens, naexprience kong maging masaya sa AHC. Hahahaha Boring kasi nung si Harold, puro academics events! Hindi naman sa sinasabi kong bobo ako pero hindi ko hilig ang mag aral... When it comes it goes! Ganun... But this time! Masaya... Ang sarap palang magliwaliw at makinig sa music o sa mga kanta ng mga college bands! Lalo na tong gawa ng Student ni papi hens! So natural and tagos sa bones ung pinaparating. Yeah! Minsan masarap mag enjoy at magkaroon ng time para sa sarili natin tas pag nakapag relax ka na ska ka bumalik sa stressful work mo... Come on! Harold's POV I didn't know concert will be this happy... Akala ko kasi puro sakitan lang ang mangyayari.. mali pala! Sana ginawa ko to nung ako pa ung president pero hindi ko na mababago un.. and atleast may isang president na gumawa at nag alis ng tradition ng AHC na puro aral ang alam. May bumali ng sumpa at nagsulat sa memorya ng bawat estudyante na minsan ang AHC ay naging masaya! Hahahahaha I look at my friends and they also happy and having fun to the music! Sana manalo tong bandang to kasi maganda ung meaning ng song! Kalen's POV "Hulog na ko." Yan lang ung lumabas sa labi ko habang nakatingin sa nag iisamg babae sa stage. She's beautiful. Ayun lang ung masasabi ko sa babaeng nakanta at mukhang enjoy na enjoy ung pagtugtog nya. F*ck! Bakit parang mas gumanda sya kesa nung una naming kita sa bar. Luckily, Theo and Harold didn't recognize her paano nga kasi she's beautiful than before... Lalo na nung sinabayan nya si Sofia. I know na sya lang mostly ang kumanta nun.. I know Sofia's voice, maganda pero hindi kasing ganda ng boses ng babaeng to. Damn! What's her name again? Nicole? I guess... Un ung tawag sa kanya kanina eh. I will never forget that name and this moment that i saw her Singing, Playing two of my favorites instrument, and of course her face that every man dream of. I look at my friends... And they having fun, i look at henry and that asshole! His looking to girl! I think that's the student he likes. Oww... Buti hindi nya to nakitang nakipagsayaw kay Theo.. Hahahahaha Si Theo naman, mukhang may sinisipat sipat na babae dun sa kabila. Pakindat kindat pa.. Si Harold, oh! The old man harold! Hahahaha. Observing lang yan sa mga bagay bagay lagi. After looking at my friends, i back my gaze to the only girl on the stage.. Damn! Hindi ko talaga maiwasang hindi alalahanin ung suot nya kaninang performance nila ni Sofia! She's so damn f*cking beautiful than Sofia. She even let people see one of her assets.. the neck and her collar bone! Ang sexy nya talagang tignan dun. Tinitigan ko lang sya kanina habang nagpapractice, kasi talagang naakit ako sa leeg nya. Hindi mahaba, hindi rin maikli, sakto lang para sa kanya tapos ang puti pa. Alam mong maalaga na sya at inaalagaan pa. I'm looking at her so much na nakalimutan ko ng kasama ko pala ang So-Called-Girlfriend ko. Damn! Sana lang wag nyang mahalata. Mag kakaroon pa ng gulo dito. "Hey babe! Are you okay? Hindi ka ba nag eenjoy sa music?" Sabi ni Sofia sakin. "No. I actually enjoying the song and the band." I said. Really Miggy? The band or the girl in the band? Hahahahaha But honestly speaking i'm enjoying this concert not just because of that girl but i'm also into music, hindi nga lang lahat alam un. Like, sofia. She doesn't know that i can play instruments kasi kung alam nya, sakin yan mag iinarte na iaccompany ko sya sa performance nya kanina. Sila Henry lang ang nakakaalam nun... She just smile at me and go with her friends, flirting Theo and Henry pero ung dalawa walang pakialam. Tinignan ko lang si Sofia. Tas ngumiti, b***h! I didn't love her anymore, i'm just using her for my own good. Simula nung nahuli ko syang may kasamang iba sa condo nya. Nawala lahat ng paki ko sa kanya. Dati halos pagalitan na ko ni Dad dahil puro ako sofia at halos hindi na ko umuuwi sa bahay. He even threatening me na tatanggalan nya ko ng mana dahil wala naman daw akong ibang inatupag kundi si Sofia. But now?! Who cares?! Kahit makipag landiaan sya dyan sa kahit na sinong lalaki. Wala na kong paki.. Kaya hindi ko din sya nagawang ipakilala sa parents ko dahil nga ayaw sa kanya ni mommy dahil parang bad influence daw... Medyo tama naman dun si Mommy. Hahahahaha But now! May kapalit ka na b***h! Hahahaha. Tinignan ko ulit ung babae and s**t! She's smiling at the camera like she's smiling at me! "You didn't know, what have you done to me. Baby." Bulong ko sa sarili ko ska ngumiti. Di ko kakalimutan tong araw na to... I will keep this memory to my heart. Sana magkita pa tayo Baby ska ngumiti sa monitor kung saan andun sya at nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD