Chapter 36

4638 Words
+++++++++ Nicole's POV Di naman na ko nagulat na alam na ni Danica. Pero talaga? Pupunta sya dito? Now na? Wala syang meetinngs. Huminga muna ko ng malalim at tumango, sabay tingin kay Sir Miggy na nakatingin din pala sakin. "You want some privacy? Pwede dun sa kwarto." Mahinahon na tanong nya sakin. "Hindi na siguro. Dito na po lang. Okay lang naman na marinig nila." Sabi ko at tumingin pa kila Sir Henry. "You sure? Baka maiyak ka. Napangit ka pa naman pag naiyak." Seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya ng mabilis Pagtingin ko naman syang pagtusok ng hintuturo nya sa pisngi ko, naikinangiti nya. "Got you!" Nakangiti pa ding sabi nya. "You know that i'm just kidding. I already told you that you're beautiful even though you're crying. Ayoko lang makitang umiiyak ka." Sincere nyang sabi sabay pisil na naman sa pisngi ko Argh! Trip nya ung pisngi ko... Hindi naman masakit ung pagpisil nya. Ngitian ko lang sya, ganun din ung ginawa nya. "Respeto naman sa mga walang jowa dito oh!" Parinig na sabi ni Theo Tinawanan at inilingan lang sya nitong katabi ko. "Thank you." Sincere din na sabi ko sa kanya. "But i'm good. Andyan ka naman ih. Asarin mo na lang po ako pag nahahalata mo nang iiyak ako para umurong. Hehehe" biro ko sa kanya "Uy! My pleasure Baby." Nakangiting sabi nya. Di ko din alam pero hindi ako naasar sa pagkakasabi nya ng 'baby' sakin this time. Nasanay na lang ata ung teka ko. Ewan. Ngumiti na lang din ako. Nag usap lang kami at pilit nyang pinapaiba ung tawag ko sa kanya... Ih, wala pa nga akong maisip.. sabi ko miggy na lang din, ayaw nya, kasi daw un na ung tawag ng mga kaibigan at pamilya nya. Ilang minuto pa kami nagtalo dahil dun ng tumunog ung Telephone. Dahil malapit dun si Keith, sya na ung sumagot. "Yes. Hello, This the office of Mr. Monticlaro. How may I help you?" Bungad nya. "Oh? Paakyatin mo na dito Silvs. Thank you." Paalam nya dun sa tumawag. "Ahm. Andyan na si Ms. Danica. Ready ka na?" Sabi nya sakin pero parang nang aasar! Sininghalan ko lang sya mg tawa tapos sumagot. "Ikaw?! Ready ka na? Ikaw kaya nag offer sakin!" Balik ko sa kanya. "Wala ata talagang mananalo sayo?! I'm looking forward kung paano ka matatalo ni Miggy sa mga desiskusyon! Magpapaparty talaga ko!" Parang iritable nyang sabi. "Nakarecord! Sabi mo yan ah! Magpapaparty ka!" Sigaw naman ni Theo. "Ou ba! Teka nga! Salubungin ko lang si Ms. Danica." Sabi ni Keith at tumayo. Bumuntong hininga lang ako at pinaglaruan ung daliri ko. Ilang sandali pa, pumasok na si Keith at Danica. Nakatingin lang kami sa kanila hanggang sa huminto si Danica sa may pinto. "Sorry to disturb you gentlemen.. pero! Hoy! Denzie Nicole?! Lalapit ka o lalapit ka?" Sigaw nya sakin Ngumiti naman ako ska tumayo. "Pwede bang 'o' na lang piliin ko? Sabi ko ng hindi ih. Nagtanong pa kasi ako." Nalangiting sabi ko sa kanya pero sinamaan lang nya ko ng tingin "Wag mo kong mabiro biro. You keep a secret again! You promise!" Magmamaktol na sabi "Eh! Wag ka ngang magmaktol dyan?! Para kang sira!" Saway ko sa kanya at lumapit na. "Sino? Sino ung lalaki? Kilala mo na? Eto kasi si Kimberly! Magsasabi kulang ung info! Nakakagigil!" Inis pa din na sabi nya Naramdam ko naman na tumayo din si Kim, at papalapit samin. "Aba! Teka! Bakit ako na ngayon ang may kasalanan dito? Diba ito?" Iritable din na sabi ni Kim sabay turo sakin. "Ay ou nga pala! Sorry na buntis! Galit agad!" Sabi nya at nagpeace sign. Hahahaha. Hindi talaga to galit! Naarte lang pero nagtatampo yan. "So?! Sino nga?! Gwapo ba o matanda na? Teka! Baka naman manyak yan tapos isasama ka sa bahay nya tapos aanakan ka lang tapos itataboy ka na at hihingi ng annulment tapos pagkapanganak mo, kukunin ung bata sayo tapos hindi mo na makikita, lilipas ung tao tapo-" hindi ko na sya tinapos kasi naririnig ko ng magtatawanan at nagmumura ung mga nakaupo. "Sabi ko sayo tigilan mo kakabasa mo ng mga nobles ih. Tignan mo tumatakbo sa isip mo puro walang patutunguan." Sabi ko sa kanya Ngumuso naman sya sabay sinabunutan kami ni kKim. Damay si Kim, kasi tinawanan nya si Danica. "Nakakainis to! Baka lang naman pero seriously! Sino? At bakit ka kinasal ng hindi namin alam?" Tanong nya sakin this time alam kong seryoso. Bumuga lang ako ng hangin... "Tara maupo. Nakakangalay tumayo. By the way, namiss kita!" Sabi ko sa kanya Pero nakakapagtaka! Hindi ba nya napapansin at nandito kami sa Office ni Sir Miggy? So dapat may unting idea na sya. Minsan slow talaga tong babaeng to. "Yeah, right! Etong buntis baka mapaanak bigla. Yes! Namiss ko din kayo! Pati si Tally at Cams! Asan pala un? Wag nyong sabihin inaaway na naman un ng Espasol na Team Leader nila? Ibebenta ko na un." Pahesterical na sabi nya. NapakaOA talaga ng babaeng to! Ayan nabatukan tuloy ni Kim. "Gaga! Yan ngang pagkaOA mo iwan mo muna sa labas ng makapag usap tayo ng maayos! Ayun lang ung dalawa oh?!" Sabi ni Kim at turo naman dun sa dalawa na kumakaway. Nagpeace sign naman tong isa at naglakad na rin.. ganun pa din ung pwesto namin. Katabi ko si Sir Miggy tas si Danica na ngayon ung katabi ko at Hindi na si Tally. Dahil din apat na kami. Magkalapit na kami ni Sir. Nabother tuloy ako. Sa kanyang office to baka nasisikipan sya sa upuan nya. Kaya naman umabante ako ng unti para hindi sya masikipian pero nagulat ako ng hatakin nya ung balakang ko pasandal tas bumulong. "You seems bother? Why?" Bulong nya buti nasa iba ung atensyon ni Danica kaya di nya pansin. "Ih kasi... It's your office, baka nasisikipan ka sa upuan mo. Nakakahiya." Bulong ko din sa kanya "Sabi ko na ih. I'll stand up and get my chair at my table. Usap lang kayo, makikinig ako. Hm?" Sabi nya at nginitian ako. "Sure ka? Ayaw mong tumabi dito?" Tanong ko sa kanya "As much as i want to, dahil ikaw naman ang katabi ko pero ayoko naman makitang nababother ka dahil sa posisyon ko kaya okay lang." Paliwanag nya at tumayo. Dun lang pumunta ung atensyon nila kay Sir Miggy dahil nga tumayo sya. Para namang nagtatanong syang tinignan nung mga kaibigan nya. "What?! I'll just get my chair. Di ako aalis! Mga G*go!" Sigaw nya sa mga to at naglakad na para makuha ung upuan nya. Hindi na lang pinansin ni Danica pero ako nakatingin pa din kay Sir Miggy. Kinuha na nya ung swivel chair nga at tumabi pa din sa sandalan ng upuan ko. Bali katabi ko pa din sya. "So ano na? Kwento! Kailan ka kinasal na at sino ung lalaki?" Atat na tanong ni Danica Si kim kasi hindi pa sinabi ih! "Okay! Makinig maigi ah! Wag sasabat! Sinasabi kk sayo Kimberly pagsumabat ka. Ikaw magkukwentuhin ko!" Babala ko kay Kim kasi baka sumabat na naman. Natawa naman sila sa sinabi ko. "Ou na! Hindi na! Promise! Game!" Sabi ni Kim at magtaas pa ng kamay. "Sige." Huminga muna ko ng malalim. May naramdaman naman akong kamay sa braso at pinisil un... Parang pinapagaan unb loob ko kaya ganun naman ung nangyari... Gumaan ung pakiramdam ko at nagsimula ng magkwento. "Di naman lingid sa kaalaman nyo na naoperahan si Mama diba? So nangyari un nung araw na un. Ay hindi kinabukasan ako kinasal, tama ba? Ou. Pero ung offer na un inoffer sakin nung araw na dinala si mama sa ospital." Paumpisa ko. "Nung dinala sya doon, na sa tour ako. Andito actually sa ME, tapos ung text ni Tita sakin nasa ospital daw si mama. Pagpunta ko dun, may mga tubo ng nakakabit sa kanya tapos parang lantang gulay na sya. Syempre... Kilala nyp si Tita lahat ng pwedeng isisi sakin isisisi.. so ayun nagskandalo dun, maga din ung mukha ko dahil sa pananakit nya tapos sakto namang dumating ung doctor na sinabing kailangang maoperahan si Mama as soon as possible kasi kung sa loob ng 12hrs at 3 ata syang hintuan ulit ng pintig ng puso, ayun.. Goodbye Mama ako." Sabi ko na pilit pinapasigla ung boses "Naghanap naman ako kasi basta si Tita. Alam nyo naman un... Tinignan ko ung ipon ko pero nganga! Magkano lang ung ipon ko? Walang wala sa kakailanganing pera sa operation ni Mama, sa sobramg frustrated ko, dahil hindi ako pwedemg bumalik sa loob ng ER ng walang dala, naupo ako sa parking.. ewan ko din bakit duon? Ah kasi rinig ung signal pag may emergency na nangyayari.. nabalitaan ko din kasi kay Tito Ben, huminto na naman ung pintig ng puso ni mama. Tapos dun lang ako nagrarant at kinakausap ung sarili ko. Hehehe. Nabaliw na!" Kwento ko. Tinignan ko sila pero seryoso silang nakatingin. Si Kim at Danica ang nakikitaan ko ng pagluha. Hahaha. Talaga tong dalawang to. Nung tinignan ko si Sir Miggy, ung ulo nya nakapatong na dun sa arm rest ng couch. Ang cute! Hahaha "Tapos dun na dumating ung lalaking nag offer sakin ng Kasal. Wait! Hindi sya ung pinakasalan ko. Boss nya. Rereact agad kayo ih! Hahahahaha. Actually napagkamalan ko pa syang Kidnapper nun! Hahahahahahaha. Sabi ko pa 'wala po kayong mapapala sakin, mahirap lang po ang magulang ko.'" Natawa ko kasi biglang napatingin sila kay Keith na tumatawa! Maliban kay Danica kasi wala naman syang alam kung sino. "Anong offer nya sayo?" Tanong ni Sir Miggy Mas natawa ko kasi? Seryoso? Hahahahahaha "Seryoso po kayo sa tanong nyo? Hahahahaha. Sige wait! Anong bigkas mo nun?" Tanong ko kay Keith na hindi pa din nahuhupa ung tawa. "Wait! Hihinga lang ako. Di ako makarecover na pinagkamalan akong kidnapper. Hahahahaha. Be my boss wife ata... Hahahaha" sabi nya na tumawa na naman. Ang baduy pala ng pagkakasabi nya! Hahahahaha. Kaya natawa na din ako. "G*gu! Ang baduy ng pagkakasabi mo!" Sabi Theo "Tang*na! Tinanggap mo ung ganung offer?" Sabi ni Sir Henry "Anong klaseng pag alok un Keith! Buti tinanggap ni Nicole!" Sabi ni Atty. Harold "I'm Thankful that this lady here, accept your offer Keith. Kahit ang baduy, ang p*ta!" Sabi ni Sir Miggy na naiiling pa. "Mga g*gu! Magpasalamat talaga kayo kasi inaccept nya!" Sabi ni Keith. "Sssh! Wag kayo maingay! Tuloy ang kwento.. gusto ko malaman kung sino ung asawa mo." Desididong sabi ni Danica Napalingon naman ako sa kanya. Slow din minsan to... Alam naman nya na si Sir Miggy ang boss ni Keith ah! "Okay sige. Tuloy ko na. Wag kayo maingay!" Saway ko dun sa magkakaibigan. "Keith offer me to marry his Boss.. ung syempre takot ako, sino ba ung boss nya?! Baka mamaya kunin lang ung gustong kunin tapos magpaannul, tapos mabuntis ako, edi walang tatay ung an-Aray!" Ang sakit ang putik! Kinurot ako sa braso! Nilingon ko ung kumurot sakit! Si Sir Miggy na nakakunoot ang noo! Bakla! Nangungurot! "Anong pinagsasabi mo?!" Singhal na tanong nya sakin "Nagkukwento ako!" Inis na sabi ko sa kanya tapos tinignan ung kinurot nya. "Pag eto nagkapasa! Ang sakit kaya!" Sabi ko sa kanya "Patingin?!" Inis na kinuha nya ung braso ko at tinignan un. Nung tignan namin pareho. Namumula! Namumula!!!! "Sh*t! Sorry! Kung ano ano kasing sinasabi ih!" Sabi nya at sinisi pa ko. "Nagkukwento kasi ako ng point of view ko. Nangungurot agad ih! Guilty ka?" Inis na sabi ko sa kanya. Naririnig ko lang ung tawanan nila, abang etong isa busy na tinitignan ung kurot nya sakin. "Ginawa ko ba?" Pataray na sabi nya sakin. "Gagawin?" Balik na tanong ko. "Gusto mo ba?!" Inis na tanong nya "So gagawin mo nga?!" Inis na tanong ko rin sa kanya "So lalabas na ba kami kasi gagawin nyo na?" Sabay kaming napatingin sa kanila at sabay din sumagot. "HINDI!!" nagtinginan din kami tapos sya na ung nagsabing ituloy ko ung kwento. "Tuloy mo na. Dun na sa inaaccept mo ung offer at nagpirmahan na o kaya dun sa inoperahan na si Mama." Sabi nya Ang kapal nitong makamama sa mama ko! "MakaMama ka dyan?! So ayun na nga may epal kasing nangungurot na guilty! So habang nag uusap kami ni Keith, nagkaroon ulit si mama ng atake, syempre tumakbo ako sa ER, iniwan ko si Keith dun, tapos nung pumasok ako, si mama nga ung inisolate kasi sobrang lala na at sabi nung doctor sa susunod na atake daw baka hindi na marecover. Nung sinaBi un ng doctor, walang atubiling tumakbo ako papunta kay Keith tapos s-" pinutol ni Keith ung sasabihin ko "Tapos niyakap nya ko! Hahahahahaha. G*gu! Joke lang! Di ako lalaban Migs!" Bawi nya sa sinabi kasi tinignan sya ng masama ni Sir Miggy. "Epal din! Akala ko pa naman si Kim lang ang epal! Tuloy ko na! Tapos ayun, I accepted the offer inoperahan si mama.. eto na nga... To make the long story shart kasi andaming epal! Para mapaopera si Mama, i accepted the offer na pakasalan ko o bilihin nila ung pangalan ko. Sa totoo lang di ko naman alam na makikita ko ung lalaking pinakasalan ko. No idea! Pero inalam ko talaga kasi gusto kong magpasalamat kasi kahit papaano nakasama ko si mama for 8 months.." ngiti kong pilit Nagulat ako ng yakapin ako ni Danica. "You really strong and brave woman Nicole! Hindi lahat gagawin un sa foster mother nila. You really one of a kind! Pwedeng pabayaan mo na si Tita kasi wala naman kasiguraduhan kung magiging successful ung operation pero kahit alam mo un, pinili mo pa din ibenta ung freedom ko para lamg magtake ng risk... Masaya akong kaibigan kita!" Naluluhamg sabi nya. " Alam kong pilit mong pinapagaan ung kwento kasi ayaw mong umiyak o mag alala kami pero kilala kita! Kilala ka namin..." Dagdag nya pa. What do i expect! Kilala talaga nila ko. Nagulat ako ng pati si Kim, yumakap na at paano napunta to dito? Bawal umiyak ang buntis!!! "Ginawa mo un?! Tapos ung walangyang Tita mo, pinaalis ka nung burol ni Tita ja! Hindi nila alam! Kung hindi mo, ginawa yun, wala na agad sa kanila si Tita ja! Mga walang utang na loob! Di nila alam maswerte sila na ikaw ung inampon ni Tita Janice at hindi ibang bata! Buti na lang din at wala ka na sa puder nila. Baka mapatay ka panung mga un!" Sabi nya na umiiyak din. "Sorry. Kung wala kaming matulong... Nikausap ata di namin nagawa dahil naging busy kami sa sarili naming buhay nun.. di ka naman namin sinisisi na nagawa mo un... Gusto lang talaga namin malaman.." sabi naman ni Tala na nakayakap sa leeg ko. Di ko din alam kung paano nangyari un.. "Alam nyo?! Pilit kong pinagaan ung kwento kasi ayokong umiyak tayo tas kayo itong nagpadrama! Nakakainis!" Sabi ko sa kanila na lumuluha na din "I love you! Kami na muna magsasabi nyan sayo habang wala pa ung true love mo! Na magsasabi sayo nyan! Di ko naman sure kung okay ba ung napakasalan mo! Kikilatisin ko muna." Sabi ni Danica na humigpit ang yakap. "Okay lang sakin. Pero ung napakasalan ko... Nangungurot! Ang sakit ng kurot ng bwisit!" Sabi ko na ikinatawa nung mga lalaki, maliban kay Sir Miggy. "Ay wait! Sali ako sa group hug nyo!" Patakbong lapit ni Cams at nakiyakap at ang loko. Umupo sa lap ko. Medyo maliit lang kasi sya samin kaya naman nakakaganyan sakin So mukha kaming tanga na magkakayakap dito. Biglang bumitaw si Danica. "Wait! Bakit pala alam ni Keith ung kwento mo dun sa nagoffer sayo?" Takang tanong nya "Seryoso ka sa tanong mo girl?" Bitaw din ni Tal. "Yep! Bakit alam nya? Don't tell me si keith ung napakasalan mo?! A BIG NO!! Kasi may Cams na yan, alam kong ayaw mong makasira ng relasyon! Makikipag annul ka! Sagot ko na! Wag ka lang makasira ng realsyon! Kung si Harold or si Miggy pa, okay lang kasi hindi lang gwapo yang mga yan single pa pero si Keith?! Wag na please! Mahal ka namin pero wag please!!! Virgin ka pa naman diba? Hindi naman kinuha ni Keith yun vir-" naputol ang pagsasalita nya ng sumigaw si Keith. "HINDI! HINDI KO KINUHA! WALA AKONG KINUHA! Please lang Ms. Danica! Mahal ko pa ang buhay ko papakasalan ko pa si Camille kaya please... Tama na po! Buhay ko ang kapalit ng susunod mong sasabihin kaya putulin na natin agad... Tang*na! Gusto ko pang magkaanak! Hindi ako ung pinakasalan nya ung boss ko!" Hesterical na sabi ni Keith Kahit naman ako gaganyan kung ung nakatingin sakin, eh kulang na lang barilin o sakalin sya.. kawawa naman to si Keithy! "Hindi kasi sya. Ung boss nya nga!" Inis na sabi ko. Nagsialisan na ung mga tao sa paligid ko kaya si Sir Miggy na ulit ung katabi ko pero this time nasa couch na sya, katabi ko talaga. "Wait! Naguguluhan ako. Hindi sya pero alam nya ung kwento. So sino?" Litong tanong ni Danica. "Ung boss nya nga! Sino bang boss nya? Na boss din namin nila Kim?!" Frustrated na tanong ko "Si Miggy." Sagot nya "Edi sya!" Naiinis na sabi ko. "Ay weh?!" Parang di makapaniwalang sabi nya "Ay weh din?! Yan din ung reaction ko kahapon ng makita ko uny cenomar ko! Wag ako. Nakakapagod ka kamo Danica!" Inis na sabi ko sa kanya "Totoo ba? Wait! Di pa nagreregister sa utak ko!" Sabi nya pa na parang problemado. "Wala ka nun gaga!" Inis din na sabi ni Kim "Mas wala ka nun! Sating tatlo ikaw ang pangatlo! Sama ko pa ba si Tal at Cams? O kaya less ko na si Nicole para naman pang apat ka!" Sabi nya na asar kay Kim "Sorry! c*m laude to!" Sabi ni Kim na parang proud na proud "Bakit? c*m laude din naman ako ah!" Yabang naman ni Danica. "Nag away pa kayo parepareho naman tayong c*m laude! Si Nicole lang naman ang nalaglag!" Sabi ni Tal na parang proud na proud din. "Sorry! Di ko kayo level ih. Sorry ah! Magna c*m laude lang!" Sabi ko sa kanila tapos si Cams tawa lang ng tawa ung iba nanunuod lang sa pag babardugalan namin. "Ou na Nicole! Ikaw na ang hindi namin kale-" naputol ng biglang nagsalita si Theo, nawala bigla ung pag aasaran namin. "T*ng*na! Magna c*m laude ka, Nicole? Anong GPA mo?" Gulat nyang tanong. "Oum. Ahm... GPA ko? 1.35 ata. Tama ba ko Sir?" Tanong ko kay Sir Henry na nag iisip bigla. "Hindi! 1.18 ka. Tas si Sands ang sumunod sayo na nasa 1.54 ata ung sa kanya. Pangalawa lang sya sa c*m laude ih. Hirap nyang habulin ung GPA mo nun. Kahit nagloko ka ng 3rd year." Parang wala lang masabi ni Sir Henry "Hirap talaga syang habulin un kasi ung isa dyan. Nagloko ng first sem ng 3rd year tas pinerfect ung finals ng 2nd sem. Wala pa daw syang review nun kasi galing syang part time! Sana all! Pina exempted nya pa nyan si Kim sa finals dahil sa graded recit!" Komento ni Tal "Pre! Akin na lang muna to! Peram! Papaturo lang ako sa Marketing!" Sabi ni Theo kay Sir Miggy "Di sya bagay na pwedeng hiramin. At alam kong hindi lang hiram ang gagawin mo dyan kaya manahimik ka!" Iritableng sabi ng katabi ko. "Hihiramin lang ih! Pakadamot. Paannul ka na lang tas ako na lang papa- Joke lang! Masyadong galit!" Bawing sabi ni Theo Nagtawanan lang kami saglit tapos nagkaroon lang ng sariling mundo ung iba at kami ni Danica. "So totoo nga talagang asawa mo sya." Sabi ni Danica at tumingin sa lalaking nilalaro ung buhok ko kahit na nakikipag usap kila Theo Tumango naman ako. Para sabihin totoo nga. "Nagulat din ako kahapon. Kung hindi pa ko kumuha ng cenomar hindi ko pa makikita at malalaman." Sabi ko at nagkibitbalikat na lang. "Akala ko talaga si Keith un! Hay naku! Nga pala! Si kuya uuwi na 2 month from now." Sabi nya at bigla naman natigil ung pag uusap nila Kim sabay tingin sakin. Bakit ganto mga tingin nila. Nakamove on na ko promise! "Oww... Talaga? Edi maganda." Sabi ko na lang. Tatlong taon na din un. Kaya wala na un sakin. Hay! Ung akala kong mag iintay sakin, wala at nagpakasal sa iba. Kahit pala pinagpatuloy ko ung relasyon namin, magkakasakitan at magkakasakitan din pala kami. Buti na lang at nangyari agad ung kay Tita. Unang pangkakataon na pinatikim lang sakin ung saya tas binawi din ng mabilis at masakit. Pangalawa ung kay mama... Ano ba? Ganto na ba talaga ang buhay sakin? Hahahaha "Wait! Tinggap mo ba ung kay Alas?" Biglang tanong ni Danica kaya napatingin ako ulit sa kanya. "Hm... Ou. Kawawa naman ung isang yun baka tumalon sa building. Konsensya ko pa. Hahahaha" natatawang sabi ko. "Naku! Wag lang talagang may mang away na naman sayo! Kakalbuhin ko talaga." Sabi nya na nanggigigil. "At wag mong itago na naman samin Nicole! Ikaw ang kakalbuhin ko!" Sabi ni Kim. "Pati yang si Alas! Ako pa magtutulak sa kanya sa building nila!" Sabat naman ni Tala "Ou na! Daming hanash!" Sabi ko at tumawa "Don't laught! That's a serious case Zie. Kakampihan ko pa yang mga kaibigan mo pag nangyari un." Biglang sabat nitong katabi ko na hindi nagsasawang paglaruan ang buhok ko. "Ou na nga po. Bitawan mo na po kaya ung buhok ko. Buntis ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya kasi ih... Hindi binibitawan. "Ako ang nambubuntis, hindi ako ang nabubuntis." Bulgar na sabi nya. "Apaka ng bibig Sir Miggy!" Inis na sabi ko. "Bakit? Totoo naman ah! Did Kim impregnate herself? Hindi naman diba?" Parang walang ibang tao nyang sabi "Hoy! Miggy! Ung bibig mo! Walang muwang yan! Hahahaha." Natatawang saway ni Harold Biglang nabaling ung tingin nya sakin kanina kasi, nasa buhok ko ung tingin nya, ngayon sakin na mismo na matalim ang tingin sa kanya. Kala mo matagal na kaming nag uusap kung makahawak at makapag usap kami sobrang close na namin agad... Sya nauna ih! Payakap yakap. Tapos yang mga bulgar nyang salita! Hindi itikom ng unti ang bibig! Sobrang yuck ng lumalabas! Tapos kung pagsalitaan ako kanina, tapos kung magbiro at humawak sa pisngi ko akala mo... Kinurot pa ko kanina, hindi ko malilimutan un. Tapo- "A penny for you thoughts again Zie!" Inis na sabi nya tas naglagay ng piso sa kamay ko. Tignan mo! Tignan mo! Sya pa tong nang aasar! Akala mo! Tinignan ko naman sya at ung pisong inilagay nya. "Pabiling kausap ung matino, please!" Sabi ko at ibinigay sa kanya ung piso "Magtino ka munang kausap bago kita bigyan ng matinong kausap. Piso mo!" Balik nya sakin "Ah! Tama! Akin na tong piso, hahanap ako ng matinong kausap, hindi ka kasi matinong kausap." Sabi ko at tinalikuran sya "Wala kang mahahanap na kausap kasi hindi ka naman matino." Sabi nya at binitawan ung buhok ko. "Anong gagawin mo pag may nahanap ako matinong kausap?" Tanong ko sa kanya sabay balik ng tingin. "Magpafile ka ng Annulment. Ano deal?" Sabi ko sa kanya Di ko naman intensyon pero biglang kumunut ung noo nya. "Sino bang nagsabi na wala kang mahahanap na kausap? Akin na piso mo. Kakausapin kita ng matino. Anong annulment?!" Iritable nyang saad at kinuha mismo ung piso sa kamay ko. "Usap na tayo ng matino! Ano bang pag uusapan natin? T*ng*nang Annulment yan?! Bat kasi nauso!" Bulong na sabi nya kaya natawa ako.. "Takot ka pala sa Annulment ih.." bulong ko din. "Kung hindi ikaw ung napakasalan ko baka hindi umabot ng taon, nakipag annul na ko." Bulong ulit nya sabay hawak na naman sa buhok ko. Kanina pisngi ko, ngayon naman buhok ko. Naglilihi ba to? Ewan ko kung naririnig kami ng iba basta kami nagkakarinigan na dalawa. Sasagot pa sana ko kaya lang tumunog ung phone ko. Pagtingin ko si Vash. Bakit na naman kaya? "Ganyan ka ba lagi pag masa trabaho? Mas busy ka pa sakin." Malumanay na tanong nya at binitawan ung buhok ko. "Hindi. Wala kasi ako sa baba kaya tinatawagan nila ko. Ngayon lang naman ako umalis ng buong araw sa office namin." Malumanay ko ding sabi. Mukha kaming tanga! Pagkatapos ng medyo away, malumanay na kaming mag'usap! Galing! "Hmm. Go. Answer it. Maybe it's important." Sabi nya at hinimas naman ngayon ung braso ko na kinurot nya. "Nagpasa Zie. Sorry." Malungkot nyang sabi. "Sabi sayo magpapasa yan ih... Hehehe. Yaan mo na gagaling din yan." Sabi ko at sinagot na ung tawag. Pero hindi ko pa nababati si Vash, may narinig na kong hikbi. Anong meron? Si Vashy, iiyak? "Anong nangyari?" Yun na ung sagot agad at hindi na ko bumati. Seryoso ung paglakabanggit ko. Dun ko naman naagaw ung atensyon nila. Na kahit si Sir Miggy na nasakin ang atensyon, mas sinilip pa ko ngayon. "Why?" Tanong nya sakin, tinignan ko lang sya tapos nagkibitbalikat ako. [Mam... Si Ms. Sanya po.. nag-sisisigaw po dito sa... Labas ng offi-ce..] sabi ni Blesy na humihikbi. Mam? Mam na ang tawag ni Blesy sakin pag may problema ih. At ano? Nagsisisigaw? "Bababa na ko! Wag nyo sabihin sa kanya na bababa ako." Sabi ko at pinatay na ung tawag at mabilis na tumayo. Pero pinigilan ako ni Sir Miggy.. "Anong nangyayari?" Tanong nya sa seryosong paraan. Dapat naman siguro nyang malaman na may espasol na nagwawala sa kompanya nya. "Si Sanya po. Inaaway po sila Vash." Seryosong sabi ko din. Binitawan naman nya ko. "Go to your Team, kayo din Camille and Krystal." Sabi nya at bumaling kay Keith na parang nakahanda na din. "Keith, bababa tayo 5 minutes after nilang bumaba. Ayoko sa lahat namamahiya at nag eeskandalo sa kompanya ko." Sabi nya at parang naiinis. "Yes Mr. Monticlaro." Sabi naman ni Keith Ako naman inaayos na ung gamit ko, dun na ko magtatrabaho para walang nang aapi kila Blesy. Okay lang ako. Wag lang ung team ko! Makakatikim talaga sila sakin. "I think we also should go." Sabi ni Harold "Yeah. I think. Saka na ulit tayo magkwentuhan." Sabi ni Sir Miggy Nauna ng umalis sila Sir Henry, Theo, Kim, Danica at Harold. Nung naayos na ung gamit ko. Sinukbit ko na ung bag ko at binuhat ung folder ko. Tumingin muna ko kay Sir Miggy tapos nagpaalam. "Baba na po kami. Sigurado po kayong bababa kayo?" Tanong ko sa kanya Lumapit naman sya sakin at hinawakan ung pisngi ko. "Don't worry. Hindi ko sya ipapahiya. Ayoko ng ganun at ayoko ng ginagawa nya. Di kita idadamay." Nakangiti nyang sabi at hinimas ung pisngi ng hinlalaki nya. Nakakagaan sa pakiramdam. Hay! Kailangan ko atang masanay sa ginagawa nitong lalaking to. Kung tatanggapin ko ung offer nya. "Wag ka na mag isip... Go. Kailangan ka nung mga Team Members mo. Hindi pa tayo tapos mag usap. Okay?" Dagdag nya pa. Tumango na lang ako at nginitian sya. Ngumiti din naman sya sabay halik sa noo ko. Di ko napaghandaan un kaya nagulat ako at napatulala... Nanghahalik kasi! "Tara na Nics!" Dun lang bumalik sa reyalidad ang wisyo ko ng tawagin ako ni Tala.. Nakangiti naman si Sir Miggy sakin. Nakabitaw na pala sya... At ako nakatayo pa din sa harap nya. "Sige na. Susunod kami. Bye Baby." Sabi nya at sya namismo ang tumulak sakin para maka alis. Naglakad naman na ko papunta kila Tala at Cams pero nilingon ko sya. Natawa sya sa ginawa ko pero ako, nag aalala... Nag aalala ako para kay Sanya, baka mawalan sya ng trabaho kaya bumalik ako kay Sir Miggy. "Wag nyo po syang tatanggalan ng trabaho ah.. please..." Sabi ko. Mukha namang nagulat sya pero ngumiti. "You really kind as ever. Sige na. Baba na." Un lang ung sinabi nya, walang kasiguraduhan sa mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD