Chapter 35

4648 Words
+++++++++++ Keith's POV Nakakatuwa lang na nagkasundo silang dalawa agad. Akala ko talaga may madadatnan akong away kanina nung kinuha ko ung gamit ni Ms. Nicole. Good thing wala. Kanina nung pag alis namin sa office ni Miggy, parang ayaw pang umalis ih... Gustong ipacancel ung meeting nya. First time ba naman makausap ung babaeng pinagpapantasyahan nya ng ilang taon ih.. Pero hindi ko alam na si Ms. Nicole un lalo na nung sinabi ko ung offer ko sa kanya. Alam ko lang may babae syang gusto at matagal ng kursunada kaso pinipigilan sya ni Henry kasi estudyante ni Henry. Nalaman ko na lang na si Ms. Nicole un tapos na ung offer ko. Nakapirma na sya at kasal na sila. Paano ko nalaman. Nung isang beses na lumabas kami kasama sila Ms. Kim. Narinig ko si Miggy na nagmura at may binubulong... "Sh*t! Ang lapit mo lang pero di kita makausap! F*ck!" Yan ung exact word na sinabi nya. Nung tinignan ko kung kanino sya nakatingin, nakatingin sya kay Nicole na nakayuko at nilalaro ung juice na order nya.. hindi sya nag iinum kasi sya ang driver ng mga kaibigan nya pag nalalasing. Nung napagkabit kabit... Dun ko narealize na kaya sya walang reklamo o hindi nagtanong kung sino ung babaeng inilagay ko sa Marriage certificate nila, kilala naman pala nya si Nicole at un ung babaeng gumugulo sa kanya. Hahahaha Andito kami sa conference room pero ung isip nitong kasama ko, andun sa office nya. Hahaha Inlove na inlove! Hahahaha. Ganyan din naman kami nila Hens.. kaya naiintindihan ko sya pero ibang iba sya noon kay Sofia kesa dito kay Nicole. Naalala ko pa nung naging sila ni Sofia, hindi sya ganyan makangiti, i mean nakangiti sya pero nawawala din un. Hindi katulad ngayon kay Nicole na halos hindi na mawala ung ngiti nya. Hirap na hirap syang pigilin ung ngiti na meron sya. Hindi pa sya mahal ni Ms. Nicole nyan... Paano na lang kung sabihin din nung isa mahal na sya. Baka mamatay na to sa kilig. "Keith!" Sigaw ng kung sino. Paglingon ko dun sa tumawag sakin. Si Miggy. Nakatingin sakin tapos salubong ang kilay "Ha?" Tanong ko sa kanya. Ako na ang lumilipad ang utak? "I said let's go! The meeting is already done." Sabi nya sakin at nauna pang maglakad. Excited masyado? Hahaha. Mukhang tinamaan talaga sya kay Nicole ah. I hope Nicole can reciprocate the feeling he has. Tumatanda na kami. Magkakaroon na nga ng anak si Henry. Ako sooner or later lalagay na din sa tahimik, sana pati sila ganun din. "Just order us food. Hindi na kami bababa, baka mailang pa si Zie pag bumaba kami. Mag order ka na lang din kung gusto mo." Sabi nya sakin habang naglalakad papuntang office nya Aba! Ano daw? Zie? Aba naman! Sobrang close na ba nila at may pa sariling tawag pa sya.. "Sige. Pero sino si Zie?" Nakataas na kilay ko kahit alam ko naman kung sino talaga. Hahahaha "Edi si Nicole. I wanna call her different from the others. Kaya Zie ang naisip ko. Maganda naman ah! Parang sya." Nakangiting sabi nya. Nailing na lang ako at kinuha ang phone ko. Mag oorder na nga lang ako ng pagkain. Si Babe kaya san kakain? "Sasabayan mo ba si Camille?" Tanong nya sakin. "Hm. Di ko pa alam kung saan sya kakain ih. Babalik ba sila Papi Hens dito?" Tanong ko sa kanya "Ou daw. Papacheck up lang si Kim then babalik sila dito. I think Zie and her friends need to talk. Since hindi pa naman nila naririnig ung side ni Zie." Sabi nya I just nod and continue what i'm doing. Hanggang sa nakarating kami sa pinto ng office nya. "May iba pa ba kong meeting after lunch?" Tanong nya bago buksan ung pinto. "Wait. Let me check." Sabi ko at tinignan ung ipad kung saan andun ung mga schedules nya. Nung nakita kong wala. Tinignan ko sya. " Wala na. Ayun lang ung meeting mo. Bakit? Aalis ka?" Tanong ko din sa kanya. Kailangan un kasi pag may pumunta dito and ask me kung asan sya dapat alam ko. "No. I just staying here. Makikipagkwentuhan lang ako kay Zie. Hehehe" natatawang sabi nya "Getting to know each others ah. Hahaha. Tatanggap ba ko ng bisita if ever?" Tanong ko ulit baka kasi ayaw nyang mainterrupt. "Hm.. depende. Just inform me before mo sila papasukin." Sabi nya at tinulak na ang pinto nya Sabay kaming napahinto ng makarinig kami ng magandang tunog at boses... Agad syang napatingin kung saan nang galing ung boses. Nung nakita nya kung sino... Ang tropa ko! Tinamaan talaga! Hahahhahaa Nakangiti ang Hayop! Hahahaha. Tang*na! Napakatorpe naman nito at hindi sabihin na mahal na nya si Nicole nuon pa. Hindi to ganto sa chicks! Matinik to! Gwapo kasi kaya kahit sinong babae na lapitan... Hahalikan agad sya! Ang g*go! Tiklop sa babaeng may pangalan na Denzie Nicole Ferrer Monticlaro. Hahahaha Tinignan lang namin si Nicole ng matagal hanggang sa may nagsalita sa likod namin. "Apaka unfair ng buhay! Maganda na tong babaeng to, maganda pa boses! Talented pa. Sana lahat!" Napalingon kami pareho ng marinig namin ung boses ni Theo Hindi lang sya ung andun pati sila Hens, Kim, Harold. Tapos nakita ko din sila Krystal at Cams na papalapit sa pwesto namin. "Sabay sabay na tayo kumain. Minsan lang to!" Sabi ni Henry at itinaas ung dala nilang mga pagkain.. "Okay. Kanina pa kayo dyan?" Tanong ni Miggy "Hm.. hindi naman siguro pagdating nyo ilang minuto lang din lumapit na kami dito." Sagot ni Theo. Lumapit lang ako kay Camille and i just kiss her cheeks. "Respeto sa mga walang jowa!" Sabi ni Theo pero di ko sya pinansin. "Galing ni Nicole. Ayaw pa kasi tanggapin ung inaalok ni Alas... Miss na din naman nyang kumanta. Hahaha" sabi ni Henry na nakatingin pala kay Nicole "You also know that Alas?" Kunoot noong tanong ni Miggy. "Dude! Wag kang magselos. Kasama nya sa KC dati un. Their just friends even that Marky. Kabanda nya un dati." Sagot naman nito kay Miggy "Hindi na nya talaga tatanggapin un nuh? After what happen? Kasalanan nya bang maganda sya kaya tinitignan sya nung jowa nung babaeng palaka na yun dun. Kung ako un sinapak ko talaga ung lalaki. But well! She's Nicole. Masyadong mabait at hindi na nananakit. Bagong buhay na." Sabi ni Kim "What the?! Sinong lalaki un? How dare him!" Biglang sabi ni Miggy. Tinawanan lang naman namin sya pero ung girls nagulat. "Naku! Sir Miggy. Hindi din namin kilala ni Nicole. Pero hayaan nyo na po. Matagal na po un. Kaya hinayaan na lang ni Nics." Natatarantang sabi ni Kim "It's okay Sweetie. Hayaan mo yang si Miggy. Ganyan talaga yan. Hahaha." Pang aalo naman ni Henry sa asawa. "Oh? Tapos na ata sya. Wow! Sobrang passionate naman nya. Asan ba pamunas nyang keyboard mo at panyo ni Nicole ung pinamumunas nya?" Tanong ni Theo. Tinignan namin ung gimagawa nya at ou nga.. panyo nya nga ung ginagamit nya. "Ah... Pasensya na po kayo dyan. Ganyan talaga yan. Buti nga hindi ung damit nya ung pinamunas nya. Joke! Pero ganyan po talaga yan. Pagwala syang makitang pamunas, pagtinanung nyo sya bakit nya ginamit ung panyo nya. Ngingitian lang nya kayo tas sasabihin 'okay lang. Ako naman gumamit. Di ko na gagamitin sa mukha ko! Promise!' hahahhahaha. Gusto nyo po itry?" Natatawang sabi ni Tal Tinignan lang namin sya habang pinupunasan ung keyboard pero akmang papatayin na nya.. biglang nagsalita si Theo at inunahan pang pumasok si Miggy. G*go talaga! Nicole's POV "I give you my destiny I'm giving you all of me I want your symphony Singing in all that I am At the top of my lungs I'm giving it back So I lay my head back down And I lift my hands and pray To be only yours I pray To be only yours I pray To be only yours I know now you're my only hope Mm, mm-mm-mm-mm, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh" Tinipa ko lang ung huling chords tapos huminto na. Yiieee! Kanina pa ko kanta ng kamta dito... Baka mahuli ako. Hahaha Oras na para magtrabaho. Narefresh na ang utak ko! Let's go na ulit. Naghanap ako ng pamunas kasi lilinisan ko ung keyboard... Pero wala akong makita kaya naman nakita ko ung panyo ko na nasa taas ng keyboard at un ung pinunas ko. Hehehe Okay lang yan. Keyboard naman to! Hehehe. Ako naman ang gumamit. Hehehe "Isa pa! Late na kami dumating oh?! Hindi namin narinig ng buo." Sigaw ni Sir Theo Sa sobrang gulat ko muntik pa kong matumba. Sira ulo! "F*ck you Theo! You startled her." Sigaw naman ni Sir Miggy. Shocks! Lahat sila andun kanina pa? Bakit hindi ko narinig... Ay! Kasi naman makaharap na naman ako sa Instrument kaya wala akong paki sa paligid ko. Ba yan Nicole! Hahahhaha "Sorry na. Gusto ko lang namam marinig ng buo ung kanta nya. Hehehe. Peace tayo Nicole." Sabi nya at nag peace sign pa. "Okay lang po. Kanina pa po kayo dyan?" Tanong ko sa kanila. Inounti unti ko na din ligpitin ung Keyboard. Pinatay ko muna ung maliit na amplifier bago ko inoff. Tapos ska ko nilagyan ng takip. Di ko na binalik ung mga nakapatong kasi masisira ung Keyboard. Sasabihin ko nga din kay Sir Miggy un. Medyo mabigat din ung nakapatong. Kawawa naman ung baby keys... Hehehehe "Ou teng! Hindi mo kami na pansin kasi nakaharap ka na naman sa isa sa mga jowa mo." Derederetsong sabi ni Kim Talaga naman! Ang bunganga na yan! Hindi matigil!!! Ang sarap tapalan ng duct tape! "Ung bibig mo nuh? Pasmado? Sarap lagyan ng asin! O kaya ipakulo kasama ng tubig! Kainis!" Sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako sa iba at... Kumpleto kami? Akala ko pa naman kami lang ni Sir Miggy ang kakain dito. Disappointed? Hahahahahahaha "Told you! Mas magaling ka kesa sakin." Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako kasi nasa tapat ko na sya. "Bakit andyan ka na? Andun ka lang kanina ah!" Gulat na tanong ko sa kanya. Natawa naman sya at umiling... "Sa lalim ng iniisip mo, hindi mo na pansin na nakalapit na ko sayo. Iba ka talaga!" Sagot nya sakin "Ewan sayo. Ay sorry pala ah! Pinakialaman, wala na kong magawa ih... Di ako makapagfocus dun sa binabasa ko. Gitara sana hihiramin ko kaso wala naman dito sa labas kaya eto na lang." Sabi ko at hawak dun sa Keyboard. Parang nagulat naman sya nang marinig ung salitang gitara. "Ah! Paano ko na laman na may gitara? Ayun oh.. ung stand ng gitara. Tas may capo pa dito. So ibig sabihin, marunong ka din mag gitara. Tama ba?" Paninigurado kong tanong "Ang observant mo naman masyado Zie. Kung iba yan hindi nila malalaman na may gitara dito. Pero ikaw sa simpleng stand at capo, nalaman mo na." Sabi nya at umiiling na naman. Nginitian ko lang sya kaya nginitian nya lang din ako... "Ay nga pala! Wag mong patungan tong keyboard mo. Ganda pa naman. Masisira lang kasi may mga nakapatong. Ay wait! Sorry. Pakialamera na! Hahahaha" natawa ko bigla kasi para kong ewan na pinapagalitan ung boss ko dahil sa keyboard... "Okay lang. Tama ka naman ih. Puputulin ko kamay ng naglagay nyan dyan. Pinagalitan tuloy ako ng asawa ko. Hahahahaha. Aray! Hahahaha" natatawang sabi nya. Ay putik! Nakakarami na ko ng hampas sa kanya! Kasi naman ih! Sabing wag na muna ibring up ung asawa asawa na yan ih!!! "Kasi naman! Sabing... Bahala ka nga dyan!" Sabi ko sa kanya at tinalikuran sya pero tawa lang sya ng tawa. Pagharap ko naman, nakita kong nakatingin samin ung mga kaibigan namin at nakangiti ng nakakaloko. Ayt! Bahala kayo dyan... Wag na sana bumalik sa dati ung mukha nyo.. kainis! Naglakad na ko papuntang upuan at iniligpit ung mga gamit ko. "Okay na kayo?" Sabi sakin ni Harold ng umupo sya sa tabi ko. "Hm.. siguro po... Nagkausap na po tas alam ko na din kung bakit..." Sagot ko tas ngumiti. Tumabi naman sa kabila ko si Sir Miggy. Ih? Bakit andyan sya nakaupo. Tatayo sana ko para lumipat pero nahawakan agad ni Sir Miggy ung kamay ko. "Stay here." Un lang yung sabi nya pero sumunod ako. Lumipat naman si Sir Harold at naging katabi ko si Tal.. Bali ang posisyon namin. Nasa mahabang couch kami ni Sir Miggy, ako at si Tal. Nasa isahan naman si Sir Theo at Sir Harold. Sa kabilang mahabang upuan... Ung dalawang legit na couple... May binili pala silang pagkain kaya naman hindi na kailangan pang bumaba para kumain. Di rin naman ako pabor kung bababa kami.. nakakailang kaya! "Kakain ka ba o mag iisip lang?" Biglang tanong sakin ni Sir Miggy Narinig ko naman ung tawa ni Cams, Tal at Kim.. pati na rin nung iba. "Epal mo. Kakain po." Sabi ko at kumuha ng isang take out food. "Edi kakain." Ganun din ginawa nya. Kumakain kami ng tumunog na naman ung phone ko. Ayoko ng istorbo sa pagkain kaya hinayaan ko lang. Alam un nung tatlo lalo na ni Kim at Tal... Isang beses ko lang atang ginawa un nung tumawag si.... Okay! Move on! "Di mo sasagutin Zie?" Tanong nung katabi ko kaya tumingin ako sa kanya. Napangiti pa sya nung nakitang nakatingin ako sa kanya tapos biglang gumalaw ung kamay nya papunta sa gilid ng labi ko. Nagulat naman ako dun at hindi nakareact agad. Nakarinig naman ako ng tawa at pag ubo. Mabilaugan sana kayo ng totoo , mga talipandas! "Maya na harot! Kain muna!" Rinig kong sabi ni Sir Theo. Pero hindi pinansin un ng kaharap ko at patuloy lang sa ginagawang pagpunas ng tissue sa gilid ng labi ko.. "Okay na. May dumi eh. Sagutin mo na ung phone mo. Baka importante yan." Sabi nya at tinuro pa ung phone ko. Kaya kahit labag sa loob ko, kinuha ko un at tinignan kung sinong pashnea ang tumatawag. Nabwisit ako, nung nakita ko si Alas ung natawag. Desidido talaga tong isang to! Argh! Sabing ayoko ih. "Si Ace pa din yan?" Rinig kong tanong ni Sir Henry. "Opo... Kanina pa yan! Naiinis na ko!" Sabi ko at sumubo ng pagkain ko. "Sya din dahilan kaya kita hinahanap kanina.. nagtext sakin na kumbinsihin daw kitang tanggapin ung iaalok nya... Kasi need nya daw talaga makahanap ng singer..." Paliwanag nya sakin Ah! So kaya pala napasugod dito to si Sir. Akala ko alam na nya agad! "Ah! Kaya pala! Medyo nakakadala kasi ung nangyari sa wedding... Baka may manakit na naman... Akala naman nila aagawin ko ung mga pangit nilang jowa, hindi nila alam.. wala akong paki sa kanila. Hahaha" natatawang sabi ko. "Akin na. Let me talk to him." Sabi nitong katabi "Ayt! Wag na. Ano naman pong sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya Nagpunas lang sya ng bibig bago magsalita. "Sasabihin ko ngang ayaw ng asawa ko." Sabi nya at tumaas baba pa ang kilay Nakarinig naman ako ng tawanan. Mga baliw! "Ay hindi! Kain ka na lang po dyan." Sabi ko at hinayaan pa din ung phone ko. Tumigil naman ung pagtunog nun at puro text na lang ang narereceive ko. Kaya hinayaan ko na lang. Natapos ako sa pagkain ng tumunog ulit ung phone ko. Nakita ko ung pangalan ni Vash kaya sinagot ko na. "Vashy? Bakit?" Bungad ko sa kanya Eto naman katabi ko magrereact na naman sana kaya pinigilan ko. [Ms. Nicole, may sinend po akong file sa inyo for Hotel's proposal po. Pinagawa po ni Ms. Sanya samin.] Sabi nya. Kumunoot naman ang noo ko? Anong pinagawa? Hotel's proposal? Bakit sila ang gagawa nun? E Resort & Hotel kami. "Wait Vash. Tignan ko lang ah. Wag mong ibababa. Hindi pa tayo tapos mag usap ah." Sabi ko sa kanya Inoon ko ung mute tapos kinuha ung laptop ko. Pwede naman na kasi nagpapahinga na lang kami at tapos ng kumain. Binuksan ko na un tapos etong katabi ko... Lumapit na ng sobra sakin. "What happen? Parang nagmamadali ka?" Tanong nya sakin Tinignan ko naman sya tapos dun sa phone ko buti naka mute. "Ahm.. may espasol po atang nagpagawa ng gawain nila sa team ko." Sabi ko sa kanya Bigla naman napapalakpak si Cams na parang may naalala. "Ah! Sabi na eh. Sa kanila pinagawa ung isang Hotel Project ih... Binabalik balikan kasi sila ni Sanya kanina nung nalaman na wala ka dun." Sabi nya kaya nabaling ung tingin namin sa kanya. "Is she bullying you?" Tanong ni Sir Miggy Yare! Kaya ayokong magkwento dito about sa company ih.. baka biglang mapatalsik un.. pero sa pagkakaalam ko hindi sya ganun ih.. Sasagot na sana ako kaso biglang sumingit si Tal. "Hindi po sya binubully nun. Di sila kaya nun ih." Sabi nya "Sinong sila?" Tanong pa nya kay Tal. "Si Kim po atska sya. Kasi si Nicole, dinadaan sya sa talino. Eto namang si Kim, dinadaan sya sa bunganga. Kaya hindi nya kaya ung dalawa. Ung mga subordinates nila ang pinag iinitan nun lalo na pag wala sila." Paliwanag ni Tal kay Sir Miggy. Tumango lang ung isa tapos ako naman kunut noong pumunta sa email ko at chineck ung sinasabi ni Vash. Nung nakita ko. Lalong kumunoot yung noo ko! What the?! Bakit kami ang gagawa nito? Kinuha ko ung phone ko at pinatay ung mute. "Vash? Anong sabi nya dito?" Tanong ko kay Vash Kukunin naman sana ni Sir Miggy ung laptop pero pinigilan ko ulit.. "Wag..." Bulong ko pero parang wala syang narinig at kinuha pa din. [Sabi po nya gawin daw namin tapos dahil daw po nasa Office kayo ni Mr. Monticlaro sya daw po muna ang tatayong Team Leader namin.] Sabi nya Gusto kong kastiguhin tong si Sanyang Espasol ih... Ramdam ko naman ung tingin sakin ng mga kasama ko. Lalo na nung katabi ko na may hawak ng laptop at nakakunoot din ang noo.. Huminga muna ko ng sobrang lalim ska nagsalita. "Okay. Loudspeak mo vashy." Utos ko sa kanya. Ramdam ko naman na may pinindot sya.. "Okay na? So hayaan nyo lang muna si Ms. Sanya. Lock nyo ung pinto ng office para hindi basta basta makapasok. Blesy or Nico, tell her na nasabi nyo na sakin ung pinapagawa nya, para naman tamaan ng hiya. Hehehe." Natatawang sabi ko. Nakarinig ako ng tawanan sa kabila kaya alam kong nakikinig sila. [Si Anne na lang daw po para mas tamaan ng hiya.] Sabi ni Blesy. Kahit hindi nila kita, umiling naman ako na nakangiti. Mga loko loko din ih! "Hey! With respect pa din. Team Leader pa din un. Kukutusan ko kayo isa isa! Anyway! Vashy! Dating gawi. Gawan mo ng proposal, tapos pag okay na send mo sa email ko tas lagyan mo ng tig iisang copy lahat ng Flashdrive natin. Pati ung andun sa drawer. 2nd to the last vashy..." Bilin ko kay Vash, nangyari na kasi to. Pangalawa na. Okay lang naman kasi pare pareho naman kaming makikinabang pag nagkataon. "Yung iba ano bang ginagawa nyo? Hahahaha. Petiks lang ata kayo ih?! Kaya kayo pinuntahan nuh?!" Natatawang tanong ko sa kanila [Si Nico kasi Ate Nicole! Pakanta kanta pa habang nageencode! Akala nya kasing ganda ng boses mo ung boses nya. Nainisi tuloy si Ms. Sanya kaya pinuntahan kami tas ayun... Nung nalaman na wala ka, biglang nagsabi na sya daw muna Team Leader namin. Real Quick eh!] Rant naman ni Anne "Nico! Ung boses ng katulad sayo, itinatago ah! Ayan napag initan tuloy kayo. May tatapusin lang ako dito tas bababa na ko. Para hindi naman kayo kawawa dyan. Hahahaha. Sige na! Trabaho well! Vash! Ung bilin ko ah!" Sabi ko sa kanila [Opo. Lagyan ko ba lahat un? O isa lang dun? Tapusin mo na agad Ate Nicole... Miss ka na namin dito! Wala na kaming singer!] Sabi ni Vash at parang nakanguso pa. Ngayon lang naman kasi ako umalis ng ganto katagal, kadalasan ang alis ko lang pupunta lang kila Kim tas babalik na agad. "Ou vashy... Salamat. Sige. Bibilisan ko para sa inyo. Hiya naman ako sa inyo. Hahahaha" sabi ko na lang at nagpaalam na. Hay... Saka ko na babalikan si Sanya pagtapos nitong usapan namin ni Sir Miggy. Yare sakin un! Pagbaba ko ng tawag ni Vash, saktong dating naman ng message ni Alas. Kanina pa to text ng text. "Why so busy?" Sabi ni Sir Miggy at inilapag na ung laptop ko. "So ipinagawa mo sa team mo kahit hindi sa inyo un?" Tanong nya na naman "Opo. Nangyari na to..." Sabi ko at nag kibit balikat na lang. Baka magalit sya... Mahirap na baka matanggal sa trabaho si Sanya. Ayoko naman na maging dahilan ako. Di naman sya umiik at tinitignan lang ako sa gianagawang patingin sa message ni Alas. From: Alas Nicooooleeee! Please.. accept mo na ung offer ko... Mawawalan ako ng trabaho, pag wala akong nakuhang singer... I give everything you've ask... Promise!!! Di ako pwedeng mawalan ng tabaho. Pagmamakaawang text ni Alas. Isa pa to. Kawawa naman. Hm... Sige na nga! "I Think you should accept his offer. Kawawa naman. I should go with you, para naman hindi ka tinignan o saktan ng mga babae dun." Sabi ng katabi kong makikibasa ng text At bakit sya sasama? Para sya naman ang tignan at ako naman ang makipag away? In your face Sir Miggy! Hahahahaha "Eh? Hindi nga ako ang aawayin, baka ako naman ang mang away.." sabi ko sa kanya sabay tingin. Natawa naman sya sa naging itsura ko. Tapos kinurot ung pisngi ko. "Ang cute mo. Don't worry. Hindi ko hahayaang mang away ka dun." Sabi nya pero nakahawak pa din sa pisngi mo. Saglit pa lang naman kaming nagkakausap pero palagay na ko sa hawak nya sakin. Kahit ramdam ko ung tingin samin ng iba. Nagkibitbalikat na lang ako. "Bahala ka nga dyan..." Sabi ko sa kanya at kahit nakahawak pa sya sa pisngi ko hinayaan ko na lang. Tatawagan ko si Alas. Kawawa naman un. Hahahahaha. Saglit lang nagring tapos sinagot na nya agad. [Nicooooleee!!!] Bungad na sigaw ni Alas. See! Inaantay nya ung tawag ko.. hahahhahaa "Wag kang sumigaw Alas. Masakit sa tenga. Aba!" Saway ko sa kanya. Masakit naman kasi talaga sa tenga ih.. Nagulat naman ako nung biglang may umagaw ng phone ko at inoon ung loudspeaker. Ay! Talaga tong lalaking to! Feeling close! Close na ba tayo? Kala ko... Hahahaha. Choss lang! [Sorry na. Kasi kanina pa ko text ng text at tawag ng tawag... Anyway! Ano? Accept mo na! Minsan lang ih! Please!!!] Nagmamakaawang sabi nya. "Ang kapal nito ni Alas! Sinasabi ko sayo pag talaga yang kaibigan ko may uwing pasa o namumula na naman ang mukha! Yayariin ka sakin! Kikitiliin ko buhay mo!" Sabi ni Kim Ayan! Dahil nga naka loudspeaker ako. Narinig nila ung sinasabi ni Alas. Ito kasing Sir Miggy ih! Tinignan ko naman si Sir at nakakunoot ang noo. "Problema mo?" Bulong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako at umiling... Okay. [Oy Kim! Hahahaha. Ou. Hindi ko hahayaan yan this time atska Debut naman un kaya wala masyadong magjowa. Marami mga lalaki kaso nga lang, bata pero okay na din kay Nicole un... Para naman magkajowa! Hahahahahaha] natatawang sabi ni Alas Pero sya lang ung natawa.. ay pati pala ung iba pero hindi dahil sa joke nya kundi dahil sa reaction nitong katabi ko. "Tang*na!" Galit na bulong nya at tumingin pa sa taas. Sinaway ko naman sya na wag maingay... "Hey Ace! Kung ako sayo, hindi ko irereto si Nicole kung kanikanino. Kung mahal mo pa buhay mo. Hahahahaha" comment naman ni Sir Henry "Sir! Sssshhh!!" Saway ko paano ba naman dinadagdagan pa ung init ng ulo nung katabi ko. [Kasama mo si Sir Henry? Ah! Bobo lang Alas! Malamang kasama si Kim ih! Anyway. Send ko na sayo ung details ah...] Pag iiba nya ng usapan Bumuntong hininga na kang ako kasi wala na kong magagawa. Tanggapin na! "Ou na. Sige. Pakitanong din kung anong mas prefer nya na instrument. Kung gusto nya ng Acoustic lang or keyboard... Oara manghihiram na lang ako kay Marky ng keys." Sabi ko [Bakit ka pa kay Marky manghihiram ng kiss, ako pwede kitang bigyan ng kiss... Madami pa! Muah muah! Hahahaha] natatawa na naman nyang sabi Bago pa ko makapagsalita... May isang kamay na kumukha ng phone ko at biglang sinigawan si Alas.. "It's Keyboard not kiss Asshole! Kayang kaya kong ibigay ung sinasabi mong kiss sa Asa-" pinutol ko na sya at tinakpan ang bibig. "Send mo na lang sakin Alas! Bye!" Paalam ko at ibinaba ang tawag. Napaka nitong boss ko na to! FC masyado! Ay asawa ko nga pala sya! Pero hindi pa naman ako pumapayag sa offer nya kaya indi pa dapat kinacareer un... Tsk! Inilapag ko ung phone ko kahit hawak ko pa ung bibig ni Sir Miggy. Tinignan ko naman sila kasi nawala ung tawanan nila at nakatingin lang pala samin ay hawak ko pa pala ung bibig nya.. "Ay sorry." Biglang tanggal ko. Pero ung akala kong nakabusangit dahil tinakpan ko ung bibig, ayun at nakangiti! "Hindi. Okay lang. Isa pa. Ang bango ng kamay mo." Nakangiti nyang sabi. Ano daw? Mabango kamay ko? Maamoy nga. Inamoy ko naman ung kamay ko, ung pagkakaamoy ko pa parang kung paano ko itinakip sa bibig nya bigla naman tumawa sya... "Oh diba? Sabi sayo kaya kong ibugay ung kiss na sinasabi nya ih... Sa pag amoy mo ng kamay mo parang nag kiss na din tayo." Natatawang sabi nya sabay kindat. Narinig ko naman ung tawanan nilang lahat at ako nakabusangot na nakatingin sa lalaking nagngangalang Miguel Kalen Monticlaro! Argh! Kainis to! "Saya ka na nyan Sir Miggy?" Sabi ko at nginitian sya Lalong nagtawanan ang mga kasama namin pero ung isa naman naman nakasmirk. Nginitian ko naman sya pagkatamis tamis. Hahahahaha Di pa talaga ko nakakaisip ng itatawag sa kanya kaya yan muna. Hehehe "Of course Baby." Sabi nya at tumaas taas pa ung kilay. Ahitin ko yang kilay na yan ih! Parang sobrang saya naman ng paligid dahil lahat sila nagtatawanan. Naasar na ko! Pero di ako papatalo! "Buti naman po kung ganun Mr. Monticlaro." Sabi ko sa kanya pero parang mali yata un kasi nakaisip sya ng bagong panabla sakin. "Thank you then Mrs. Monticlaro." Sabi nya at ngumiti na sobrang lapad! Argh! Talo ako! Wala na kong pambalik! Kailangan may panabla! Hindi pwedeng wala.. hahaha "My pleasure Kuya Miggy." Walang pag aalinglangan kong sabi. At boom! Ako ang nagwagi! Bukod sa nakarinig na ko ng sobrang lakas na tawa... Nakabusangot na ngayon si Sir Miggy.. napamura pa! "F*ck! Anong tinawag mo sakin?!" Pasigaw na sabi nya. "Kuya." Sabi ko at ngumiti ng matamis. Mas lalo naman nalukot ang mukha nya at sinamaan ako ng tingin. Ay ou nga pala! Boss ko to! Bakit ko tinawag na kuya... Yare! "Tawagin mo pa ko ulit na Kuya, yang ngiti mong matamis mapapalitan ng hindi mo gustong marinig." Banta nya sakin.. Pero ano ung tunog na ayaw kong marinig? "At kung iniisip mo kung ano un?" Lumapit sya sakin tas bumulong. "Un ung narinig mo kay Henry nung 2nd year college ka." Bulong nya ay lumayo na. Inisip ko naman un pero sana pala hindi na kasi.... Yuck! "Yuck! Manyak!" Sabi ko at hampas sa braso nya. Pero sya natawa lang at hindi ininda ang hampas ko. "Sige na. Tawagin mo na kong Kuya. Okay lang sakin. Hahahahaha" sabi nya at parang gustong gusto ko syang tawagin kuya... "Ayoko nga. Manyak nito!" Sabi ko at inirapan sya. Naguguluhan naman silang nakatingin samin pero nakangiti pa din. Nag asaran lang kaming dalawa pero natapos din un nang magsalita si Kim. "Gusto ko pa kayong panoorin magharutan pero gusto ko din sabihin sayo na in any minute, Danica will be here. And we need your valid and reasonable explanation Denzie Nicole." Seryosong sabi ni Kim
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD