Chapter 14

2244 Words
++++++++++ Nicole's POV Saturday ngayon, walang pasok at dapat ay pahinga ng isang estudyante pero ito ako ngayon at nabyahe papuntang school tumawag kasi si Kuya Louie at pinapasama ako dun sa pag eestimate nila ng Trophy, Medal at Plaque. wala naman akong lakad today so pumayag ako, mamayang hapon pa naman ang Jamming namin kila kuya myk. buong araw na naman ata ako wala sa bahay.. pero sabagay, wala naman din si mama sa bahay, wala din akong kasama. Pagkarating ko ng Campus, andun na din sila kaya naman umalis na din kami.. may kotse naman kasi sila Bobby kaya madali lang. Nang matapos kaming mag tingin dumaan na lang kami ng mall at kumain ng tanghalian. though late na ung lunch namin dahil mag aalas dos na, di kasi namin na pansin ung oras kaya nakalimutan namin. kung di pa ata nagreklamo si Denise, baka di na kami kumain. "May lakad pa kayo ngayon? tara gala muna tayo. magrelax.." yaya samin ni Bobby nagtanguan naman ung iba naming kasama tas napatingin sakin sila kuya louie at ate jhazrine. "Ahm. kayo na lang. hehehe. may jamming ako ng 3pm, sa band." sabi ko sa kanila dahil halatang inaantay nila kuya ung sagot ko. "Aww.. ou nga pala... you're part of the band. Buti na kakaya mo? madami kang ginagawa tas you need to maintain your grades for your scholarship." medyo maarteng sabi ni Denise. "Hm.. kaya naman. ska masaya naman ako sa ginagawa ko. hehehehe. nakakapagod nga lang pero laban lang." sagot ko naman sa kanya "Okay! we will cheer you na lang, pag tutugtog ka na." sabi nya ng nakangiti sakin. ngumiti na lang din ako sa kanila at nagpatuloy ang kwentuhan namin. kesyo dati daw hindi naman ganto kabongga ung mga activities, sadyang nagbabago lang daw talaga pag iba na ang nasa pwesto.. pero atleast daw ngayon nagiging alive ang campus at hindi puro aral. Hahahaha Sa bahay na nila ako hinatid, kasi susunduin naman ako ni Jacob, and ung gitara ko kukunin ko, nagpalit na din ako ng damit kasi galing akong initan.. Di din naman naging matagal ung pag aantay ko. Dumating din agad sya at sumakay naman na ko sa motor nya. Alam ko nga magkalapit lang ang bahay nila ni Kuya Myk, tas sya pa nagsundo sakin. galing! "Hi Nics!" bati nila sakin pagkadating namin kila kuya myk. "Hello." bati ko naman sa kanila at may wave pang kasama. Inaayos na nila ung mga gamit, kaya naki ayos na din ako. Luma lang ung gitara ko pero magagamit pa at meron din namang PL kaya kering keri to! Nang matapos kami mag'ayos. nagmeeting muna kami at inaalala kung ano ung napag usapan namin nung kagabi at nagstart na din kaming magjam. Gabi na din ng nakauwi ako galing kila kuya myk. hinatid na lang ako ulit ni jacob. Pag uwi ko kumain, nakipagkwentuhan tapos ay natulog, mabilis lang akong nakahanap ng antok ko dahil sobrang pagod ko. ------------ Kinabukasan, nagsimba lang kami ni mama at namasyal, kumain sa labas dahil sahod naman daw nya at napapagod na din ata syang magluto, at syempre di mawawala ang grocery.. pag uwi naman, nag ayos lang kami ng mga pinamili namin at nagpahinga na din si mama agad. mukhang napagod sya ih . napapansin ko nga din ung palagian nya paghahapo tapos hahawak sa dibdib nya. pagtinanung ko naman sya sasabihin nya lang na pagod lang sya. pumasok na lang din ako sa kwarto ko at naligo lang ulit, pagkatapos ay nagbukas ng laptop at binuksan ung f******k ko. Madaming message, andun ang gc namin nila Bryan, Ung sa KC at Musikalista pero mas napukaw ng atensyon ko ung sa Adhika at kay Alas. Dahil naman sa message ni alas sakin, tinignan ko ung phone ko, di ko kasi nagalaw to kanina simula ng umalis kami ni mama hanggang umuwi. Nakita ko dun ung text ni alas at di nga ako nagkakamali ng basa. Pero baka pinagtitripan lang ako nito, alam kasi nito na kinakabahan ako ng todo sa BOTB ih.. Sinasabi kasi sa message nya na babaguhin ang rules ng BTOB. at magkakaroon na ng elimination sa 1st at 2nd round at tatlong banda na lang mag lalaban laban sa Finals. Mas lalo akong kinakabahan, syempre kahit sabihin nila kuya myk na okay lang kahit hindi kami maging Official Band ng school, alam ko na gusto din namin atahalaga din un sa kanila/samin. napabalikwas naman ako sa pag iisip ng biglang tumunog ung gc namin ng Adhika. "Hi po." sabi ko ng sinagot ko ung VC invitation. "Hi Guys!" Kuya Myk said when the moment he saw us. "Yow Myk! nabago talaga ung rules?" tanong agad ni Drew "Actually nagulat din ako pero ou, binago nila. Magkakaroon na ng Elimination sa 1st and 2nd round." sagot naman ni Kuya Myk "Bakit daw binago?" jacob asked "Nung pinacheck kasi nila sa Prof Adviser ung BOTB nung una. Umokay naman sa plano pero nung pinacheck nila ulit with schedule para mafinalize na. Sabi ni Mr. Mendoza na masyado daw palang madami kung walang elimination na magaganap kaya.. ayun, sinabi nya na need magkaroon ng elimination para sa Final Battle mas malalaman kung sino sa tatlo ang mas aangat." mahabang paliwanag ko. Un kasi ung sinabi ni Alas sa messages nya. Nakakainis nga daw kasi akala nila okay na at ipopost na lang ung Date un pala may ipapaiba pa. "Hay.. basta bahala na kung anong mangyari.. Kung makaabot man tayo sa Final Battle or kahit 2nd round lang, Achievement na un kasi hindi tayo ung unang natanggal." natatawang sabi ni Marky "Tama! pero ngayon na natin pagdesisyonan ko kung anong icocover natin. Ano sa mga kanta ng Paramore?" Andrew said nagtaka naman ako kasi akala ko The scripts ang Band na icocover namin "Akala ko Mayday Parade?" nagtatakang sabi ni Jacob "Sabi nyo The Scripts" sagot ko na nakaturo pa. "Sinong nagsabi ng mga yan? diba sabi ni Myk, ung mga kanta ni Bamboo?" naiiritang sabi ni Marky Moody lang yarn? kanina natatawa pa tas ngayon niirita na. "Hoy Marky! wala ajong sinabing Bamboo!akala ko nga Parokya ni Edgar!" sagot naman ni Kuya Myk "Teka nga! ung totoo? magkakasama naman tayo nung napag usapan to kahapon diba? Anyare ngayon? Hahahahaha" sabi ko sa kanila dahil tawang tawa na ko sa itsura nila.. mukha silang natatae! i mean di kasi maipinta ung mukha nila.. naiirita na magtataka. "Decide na! Paramore, Bamboo, Parokya, The Scripts, Mayday Parade?" habol ko sa sinabi ko sandali kaming tumahimik at makikiramdam sa isat isa. Masyadong matagal na ung katahimikan kaya di na ko nakatiis.. "Bunutan na lang kaya kuya." suggest ko sa kanila "tas kung ano ung mabubunot na banda, dun tayo pipili ng kanta. Okay ba un?" "Ayun! pwede pwede! at dahil ikaw ang nakaisip. gawin mo na bebe!" sabi ni kuya myk na nakaturo pa sakin nagtawanan pa tong mga to. sabi ko sa isip ko. "May magagawa ba ko? di naman ako pwedeng tumanggi.. Hahahaha" sagot ko sinulat ko na ung mga banda tas binilog yun. naghanap ako ng pwedeng pag lagyan tas inalog alog ko pa sa harap ng screen ng laptop ko. nag aasaran pa kami na pag may bumingo na, ay sabihin agad! Hahahahaha "Game!" masiglang sabi ko sa kanila tas shinake ulit at kumuha na. nakakuha na ko at itinapat sa camera ng laptop habang binubuksan. "kanina bingo, ngayon naman para tayong nasa bunutan ng panalo sa online." matatawang sabi ni Andrew napailing na lang kami nila kuya kasi si andrew talaga ang happy pill namin minsan. Hahahahahaha "eto na! bubuksan ko na ulit! andrew kasi daming alam ih!" sabi ko sa kanya at itinapat ko na nga ulit sa camera tapos binuklat na. "Whoa! kaya na ni Nicole kumanta nyan!" sabi ni andrew "okay! si nicole lang ang kakanta" sabi naman ni marky agad kong tinignan ung nabunot ko, tapos tumingin sa kanila ng masama. "mga loko! pwede namang lahat tayo kumanta.." sabi ko na may pag aalala pa. "No! Paramore ang nabunot mo kaya ikaw lang ang kakanta nun.. Babae ang kumanta dun nuh?!" pag angal naman na sagot ni andrew "Ou nga naman Nics. dahil ikaw ang kakanta.. ikaw na mamili tas sabihin mo samin kung ano para masipra natin pero pipili din kami incase. okay ba un?" sabi ni kuya myk mukhang wala na kong magagawa, ako naman kasi ang magsuggest kaya nabunot namin ung paramore ih! pero kasi.. nahihiya ako. Pero wala ih, si kuya myk na amg magsabi kaya susunod na lang ako. "Ahm. sige po kuya myk." sagot ko na lang "try mo, brick by boring brick or ignorance nics. Bagay sa boses mo un." suggest ni marky na may kasama pang ngiti. "sige. i'll listen to it." nakangiti ko din sagot sa kanya. "so all set na ah! sa tuesday na tayo mag meeting ulit kasi 7pm ang end ng class ko bukas." kamot ulong sabi ni kuya myk "Tama. kami kasi Jacob 6pm ang end ng class" sabi ni Andrew "sige kuya. may meeting din kami bukas ng KC at SC para sa mga out festival event." sagot ko naman. "so tuesday na tayo ah. 3pm ang end ng class ko. san tayo? sa bahay o sa music room?" tanong nya samin "Sa inyo na lang Myk! baka may gumamit din ng music room." sabi ni Marky "Okay. sige sa bahay na lang. Anong oras tapos ng class nyo sa tuesday?" tanong ulit nya. "2pm ang amin ni Drew." si jacob na sumagot kasi wala si andrew. "3:30 ako. ikaw nics?" tanong ni marky sakin "4pm. hehehe" sabi ko habang kinakamot amg kilay "aww! ayun lang.. Sige ganto! Marky, diba 3:30 ka naman, wait mo na lang si Nics tas sabay na kayo punta ng bahay. okay lang ba?" Nagpaalam na kami sa isa't isa at ako naman naghanap na ng kantang pwede icover namin for 1st round. Whoo! ano kayang pwedeng kantahin.. Scroll... Scroll... Scroll.. Ano ung suggestion ulit ni Marky? Brick by boring brick at ignorance. pakikinggan ko nga para mas makapili... sabi ko sa isip ko at makasalanan ata ung mata ko kasi habang pinapakinggan ko ung kanta.. nakatulog naman ako. nagising na lang ako sa tawag ni mama na kakain na daw. nakakaloko! Sobrang pagod ko ata dahil sa kanina.. Kumain, Naghugas at umakyat na ko para nakinig na lang ulit ng kanta. nakapili na ko kaya naman sinend ko na sa gc namin. Umokay naman sila, kaya sisiprahin na namin lahat. Nang mapagod na ko maggitara nag pahinga naman na ko at agad naman akong hinatak ng antok. Kinabukasan, nagising ako na may pagkain ng nakahanda at may lunch na din ako. si mama naman nahanda para sa pagpasok nya. ang aga talaga nya magising.. saludo! "Good Morning Ma!!" masiglang bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya "Good morning din. Kumain ka na.. may baon ka na din dyan." balik na bati nya sakin "Nakita ko nga po ih, kayo po kumain na? maaga po ulit kayo ngayon?" sunod sunod na tanong ko sa kanya "Hindi naman. pupuntahan ko kasi ang tita jazz mo, may problema na naman ata.. tumawag kasi ng maaga." sabi ni mama ah.. kaya pala maaga sya. ano kayamg problema ni tita, kahit naman hindi kami magkasundo nun, nag aalala pa din ako kasi kamag anak pa din sya ni mama. "ay sya! mauna na ako anak! eto na naman ang tita mo natawag... kumain ka na lang ha.. oh? hello. ou eto na at papunta na..." paalam nya sakin sabay sagot ng tawag. "bye ma. ingat ka po." paalam ko naman sa kanya kumain at nag ayos na lang din ako para sa pagpasok. habang pababa ako ng hagdan, kumatok naman si Kim at sabay na kami pumasok. Pagdating sa school, pumunta kami agad sa room at makita namin ung mga kaBlockmate namin na nagtitipon sa kanya kanya nilang group. First Subject namin si Sir Henry kaya ganyan na ang ayos nila, pumunta na din kami ni Kim sa group namin at nakipag usap. Nagtime na kaya naman, inantay na lang namin si Sir. Pagpasok ni Sir. nagulat pa sya kasi gamun ung ayos namin pero itinawa na lang nya un. at mag umpisa na nga kaming mag aral ulit. Nagdiscuss lang sya tapos hinayaan na nya kaming mag usap usap about sa magiging Finals namin. Natapos ang klase namin kay sir ng puro usap lang at pagpaplano kung kelan namin uumpisahan ung pagpafile o pag gagather ng mga info about sa Shan-Si Group. natapos na lang ung morning class namin at naglunch kami.. nasa cafeteria kami, ako nakaheadset at pinapakinggan ung brick by boring brick. Eto ung napili ko, di ko din alam. meron lang akong nagustuhan sa kanta kaya napili ko sya. hehehe "Mapapansin pa kaya kami ng kaibigan naming sobrang busy?" parinig ni Danica sakin "Naku! duda ako! sa daming activity na ginagawa nyan di ko nga alam kung kilala pa ko nyan ih?!" sabi naman ni Kim Nagtatampo na tong dalawa kaya naman binaba ko na ung headset ko at tiningala sila. "Dami nyong alam." sagot ko sa kanila at inirapan pa sila "Sa wakas! tinanggal mo din yan sa tenga mo!" inis na sabi ni Kim Umiling na lang ako at nakipagkwentuhan, mamaya ko na lang siguro itutuloy tong pakikinig ko pag uwi ng bahay. natapos ang lunch namin at may dalawa pang subject tas puro major pa tapos after meeting naman ng Festival.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD