chapter 15

3306 Words
+++++++++ Nicole's POV Naglalakad na ko ngayon papunta ng HQ ng SC dun kasi gaganapin ung pinakameeting. madaming ididiscuss ngayon lalo na dun sa mga rules na nabago. nagtampo na naman nga ang mga bruha dahil hindi na naman daw nila ako kasabay pag uwi. babawi na lang ako sa kanila sa susunod pag di na ako busy. "Nicole!" naputol ang pag iisip ko at pagmuni muni ng narinig ko ung pangalan ko. nung nilingon ko na, nakita ko si Sir Henry na kumakaway. Ayokong maging feeling close pero si Sir talaga minsan ung feeling close ih.. Choss lang syempre! ayoko pang bumagsak! Hahahaha "Sir? bakit po?" tanong ko sa kanya ng makalapit na sya sakin. syempre inantay ko sya, mahirap na baka mapagalitan pa ko. "Sabay na tayo papuntang HQ ng SC. if it's okay with you?" sabi nya at ngumiti "ah pupunta din po kayong meeting? sige po." sagot ko sa kanya "Yep. di na ko nakarating nung last meet kaya need ko pumunta para naman may mareport ako pag oras na ng bigayan ng report. Hahahahaha" natatawang sabi nya natawa na din ako kasi naman, parang hindi sya Prof mag isip pero bata pa kasi talaga si Sir Henry kaya may mga kalokohan pa.. para syang Si Kuya Niel. "Ah.. pero if ever po pwede po kayong manghingi ng notes sakin." alok ko sa kanya "Sige next time, baka din kasi magalit sakin si Cy pag di ako umaattend." tukoy nya dun sa Adviser ng SC Tumango na lang ako at sabay na nga kaming pumunta sa HQ. Habang naglalakad, tinatanong lang ako ni Sir anong ung mga napag usapan namin nung nakaraan, Good thing hawak ko ung notes ko. kaya naman nasagot ko din mga tanong nya. nang makarating kami ng Quarters, nabaling atensyon samin pero si Sir biglang magbago ang Aura. kung kaninang kausap nya ko ih, medyo nagloloko loko pa, ngayon aurang Prof sya ngayon. nakakatakot ng unti. "Tara? dun na tayo sa KC." yaya nya sakin nagpunta na nga kami sa side nila Ate Jasmine, dun tabi si Sir kay ate jas at ako naman kay Alas. Nagstart na din agad ung meeting pagkadating ng dalawang kasama ng SC. Nagdiscuss lang nang napag usapan nung nakaraang meeting tapos inayos ung mga dapat ayusin, finalize ung date ng Festival at ung mga outfestival event tapos ipinaliwanag lang ung mga nabaging rules pati na din ung Mini Concert at preparations. Nang matapos ang meeting namin, nag rupo grupo na din kami for out festival events. ipinakita lang namin ung lay out na ginawa namin for announcement, nung nakapili na. iprint na namin at ipopost na namin mamaya sa Bulletin board sa Harap ng Main Building tapos magpost na din sa Social Media Pages to inform others. After meeting nagmeryenda kami at sakto namang tumatawag si Kuya Niel. Niel Calling..... lumayo muna ko bago sagutin ung tawag. "Hm? bakit?" bungad ko. di talaga ako nagkukuya sa kanya minsan.. sanay naman na sya dun. [pauwi ka na? sunduin ulit kita, okay lang?] sunod sunod na tanong nya "Ahm.. nagmemeryenda na lang.. okay lang naman, pero wala ka bang gagawin?" tanong ko sa kanya minsan kasi kahit marami syang gagawin o may pupuntahan sya sinusundo nya pa din kami o ako. [wala na naman na. so okay lang?] paninigurado nyang tanong "sige na. wala naman akong magagawa ih." suko kong sabi sa kanya, natawa naman sya sa kabilang linya. [ayun! nasa parking lot na ko. Hahaha. i'll just wait you here. like i always do.] sagot nya na ikinabigla ko "Teka! andyan ka na? paano kung di ako pumayag? sira talaga to!" panenermon ko sa kanya paano kasi kung biglang magtawag sila kuya myk na ngayon na lang ung praktis edi mag aantay sya ng sobrang tagal? loko! [edi uuwi na lang ako pero alam ko naman na hindi un mangyayari kasi papayag ka din. unless may gagawin ka pa. so sige na, antayin kita dito. bye. i love you!] paalam nya at ibinaba na nga ang tawag ayan na naman yang 'i love you' nya. di nya alam tinatablan na ko! nakakainis! bumalik na ko sa loob at inayos na ung mga gamit ko. nag unting paalala na lang si Sir Cyrus at Sir Henry tapos naglakad na kami papuntang Bulletin board para magpost. Pagkatapos, nagsabay sabay na kaming pumunta ng parking kasi isasabay na lang daw ung iba ng mayga kotse, rush hour na din kasi. "ikaw? san ka sasabay?" tanong sakin ni Alas "ahm.. may sundo ako. hehehe" nahihiya kong sabi with matching kamot kilay "taray! may sundo. boyfriend mo? akala ko ayaw mong magboyfriend?" sunond sunod na tanong nya boyfriend? hindi naman nanliligaw. hindi nga ba? ewan.. pero wala talaga sa priority ko un.. madami akong ginagawa at kailangan walang distraction dahil ang goal ko ay makatapos at makatulong kay mama. "Hindi sira. kuya ng best friend ko... malapit lang din kasi ung office nya dito so makikisabay ako." kontra ko sa sinabi nya nag okay na lang sya at tumawa pa. Nang makarating kami ng parking nagkanya kanya na sila ng sakay, ako naman abala sa pag hahanap ng sasakyan ni Kuya niel. "Looking for someone?" bulong ng nasa kaliwa ko nagulat naman ako at muntikan masapak ung nagsalita "ay anak ka ng tokwa!" paglingon ko nakita ko si Kuya niel na tumatawa pa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA" dahil din sa tawa nya ayun! naagaw ng tawa nya ung atensyon ng mga kasama ko kanina. ngayon nakatingin na sila samin kasi hinahampas ko na si Kuya niel. "Argh! bwisit to! alam ng magugulatin ako ih! argh! nakakainis ka talaga!!!" sermon ko habang hinahampas sya sa braso "Aray! sorry na. HAHAHAHAHA! aray.. sorry nga.. masakit D.. HAHAHAHAHA" sya yan habang natawa pa din "Sige! tumawa ka pang bwisit ka! bahala ka dyan. uuwi na ko!" sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran sya pero nahawakan nya ung braso ko at hinarap sa kanya "Hey. joke lang.. okay. stop na. Sorry na ulit. ang cute mo." sabi nya at hinila na ko papuntang kotse nya. di ko na napansin ung mga kasama ko at paglingon ko sa kanila mga nakangisi ang mga ate at kuya ko. argh! kasi to si Niel! Kumaway na lang ako sa kanila at ganun din sila sakin. "di ka talaga nakakatawa. alam mo un? bwisit talaga ko!" sabi ko sa kanya ng pagbuksan nya ko ng pinto ng kotse "oww... sorry na ulit.. di ko naman sinasadya ih. ang cute mo kasi habang hinahanap ako. kaya na isip kong tabihan ka at magtanong. sorry na ulit D" pacute nya pang sabi sakin "ou na. please naman! wag mo na ulitin.. nakakahiya kaya dun sa mga kasama ko." i said while pouting and get in the car "yep. promise! it won't happen again D." sagot nya sakin with matching pacross with heart pa. sinara na nya ung pinto at umikot na papunta driver seat. "Drive thru? para naman makabawi ako sayo." sabi nya habang kinakabit ang seatbelt nya, sabay sulyap sa sealtbelt ko. "D. seatbelt.." "okay na nakakabit.." sabi ko at chineck din ung akin "wag na tayo magdrive thru.. busog pa ko ih. uwi na lang tayo..." "okay. your wish is my command." sabi nya at pinaandar na ang kotse nya. Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nasa byahe paramg magkaedad lang. Well! minsan naman talaga ginagawa namin dalawa to na hindi kasama ung dalawang bruha.. basta pag nagyaya sya ng drive thru, papaalam nya ko kay mama tapos ayun na. kakain lang sa may malawak na tanawin tas uuwi.. Alam ko naman din na kaya ako ang sinasama nya at hindi si Kim dahil nga may gusto sya sakin. Katulad nga ng sabi ko, hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto sya sakin, hindi ako manhid, at bukod dun very vocal din naman sya... sadyang ayoko lang talaga ng distraction Ayoko nga ba o natatakot lang akong masaktan? Great! kinokontra ko na ung sarili ko?! "Hey.. are you okay?" tanong ni niel at hinawakan ang kamay ko "ha? ah! ou. okay lang ako. ano nga sabi mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya he just chuckled "i said we're here. ano ba inisip mo? may problema ba?" tanong nya ng may pag alala sa boses "ah! andito na pala. wala naman, okay lang ako." sagot ko naman pero nakikita ko sa mata nyang hindi sya kumbinsido sa sagot ko. "ung totoo. may problema ba?" ulit nyang tanong at hinawakan ulit ung kamay ko. Ngayon alam kong mas nag aalala sya. paano ba naman nagkukwentuhan lang kami kanina tas ngayon di ko na alam kung anong sinasabi nya. Galing! "wala nga. may iniisip lang ako.. hehehe" sagot ko sa kanya pero sadyang hindi ata talaga maganda ang itsura ko kaya ayaw nyang maniwala "Pwede ka magsabi sakin. kilala ko pag ganyan ang itsura mo Denzie Nicole. 10yrs old ka pa lang kilala na kita at alam ko pag magsasabi ka ng totoo sa hindi." sabi nya na nangingiti ngiti pa. natawa naman ako sa sinabi nya. totoo un 10 yrs old pa lang ako kilala ko na sya kasi nung araw na nakilala namin si Danica, kasama sya sa nagsundo tapos pinakilala kami agad ni Kim sa kanya, simula nun lagi na syang kasama sa pagsundo o kaya naman pagpupunta kami sa kanila nakikipagbiruan sya samin. Nung nagcollege sya kahit busy sya nakikita pa rin namin sya. Minsan pa nga nagyayaya sya ng Rides katulad ng sinabi ko noon. Di ko din itatanggi na crush ko to ih! kaso nga nung mag highschool ata sya nagkaroon sya ng girlfriend. Di ko din lubos maisip na iniyakan ko un kasi nagkagirlfriend sya. pero walang nakakaalam nun kundi ako lang. kaya din ata takot akong sumubok ulit kasi crush ko pa nga lang sya, umiyak na ko, maging kami pa kaya.. "Tignan mo, malalim na naman ang iniisip mo. di mo na naman ako pinapansin.." parang nagtatampong sabi nya pinisil pa ung kamay ko. naputol na naman ang pag iisip ko dahil sa pagsasalita nya. Hay! ano ba yan?! bakit kasi binabalikan ko un tapos na un ih.. sabi ko di ko na uulitin pero ito na naman.. hay.. "Wala nga.. sige na papasok na ko ng bahay, baka hinahanap na ko ni mama. salamat ulit sa pagsundo." paalam ko sa kanya at bubuksan na sana ung pinto pero nahatak ako ng seatbelt. Letche! di pa pala nakatanggal. Argh! pahamak.. Natawa naman ung katabi ko habang nakatingin lang sakin. sa sobrang taranta ko hindi ko matanggal ung seatbelt ko, kaya sya na ung lumapit at tinanggal un. Tinignan nya muna ko bago tanggalin pero nagsalita sya "Hay naku Denzie Nicole! kung assuming lang ako, iisipin kong iniisip mo ko o kaya naman ay naapektuhan ka na sakin. Sobrang saya ko panigurado pag nalaman kong gusto mo na din ako." sabi nya at tinignan pa ko at ngumiti. Waaaah! gwapo talaga nito! Hindi char lang pala! wala akong iniisip na gwapo sya.. Cute lang. choss! "kapal mo kamo Caleb Daniel!" sabi ko sa kanya sabay tulak natawa naman sa bahagya Kasi naman nakadikit sya sakin tas ang bango nya tapos ang gwapo tapos crush ko pa din--- ay hindi! joke lang pala ulit! walang crush crush nuh?! "sige na. kunwari di ko na hahalata. pasok na sa bahay at baka di ako makatiis iuwi kita dyan sa condo ko at hindi na pauwiin. HAHAHAHAHAHA" natatawang sabi nya ayan! napagtripan na naman ako! argh! "Daniel nga! kanina pa to." iritableng sabi ko sa kanya Natawa pa sya lalo kasi naasar na ko. "Ayan! Tignan mo! Daniel na lang tawag mo sakin.. sa susunod babe na! Hahahaha. Aray! joke lang naman babe! Hahahaha. Aray! D, masakit." natatwa pero nasasaktan na sabi nya paano hinahampas ko sya dahil dun sa sinabi nya. Babe ka dyan?! pero parang ang ganda nun! ay! hindi choss lang ulit! "Nakakainis to! sige na. bababa na ko. salamat ulit sa paghatid. ingat ka sa pag uwi.. san ka pala uuwi?" tanong ko sa kanya malayo kasi condo nya dito ih. kung sa kanila naman malapit lang un. "sa condo ako uuwi kaya nga isasama na kita pag di ako nakatiis ih. Hahahaha. aray D! masakit kaya.." natatawang sabi nya sabay himas sa braso nya na kinurot ko. "Ang layo talaga nun Daniel! para kang sira." sermon ko sa kanya. "It's okay. worth it naman kasi ikaw naman ung hinatid ko tapos makikita kong nagbablush ka. Cute!" he said while chuckled napahawak naman ako sa pisngi mo at umiwas tingin. Ay! bwisit! sige pati sarili ko kinokontra na ko. "ewan ko sayo. sige na! last na babye na." paalam ko tas lumabas na ng kotse, narinig ko naman ung tawa nya binaba naman nya ung bintana ng kotse tapos sumilip, then i saw his handsome smile. patay! wala na.. bumabalik na.. sabing bawal ang distraction at focus sa goal ih! pero naman kasi kung aaraw arawin ni Daniel ng ganto baka di na ko makasunod sa goal ko.. "Bye babe. Hahaha. sunduin ulit kita bukas?" tanong nya pa. wag na utang na loob Caleb Daniel Villanueva!! "Wag na.. may praktis kami kila kuya myk ih. papahatid na lang ako kay marky o kay jacob." sagot ko sa kanya nawala naman ung ngiti nya at napalitan ng seryosong mukha. "Sino si marky at jacob?" he asked in his baritone voice "Jusko Daniel! they're my bandmates." sabi ko at napairap pa "diba nakwento ko na un sayo na nag iisa akong babae sa banda namin.." "okay. i just can't help it. nakakaselos kaya. ako lang naman ang lalaki sa buhay mo noon, tapos ngayon may iba ng mag hahatid sayo. kanina din ung kasama mo sa parking." nakangusong sabi nya. "bakit ka magseselos.. ih ikaw pa din naman hanggang nga-" putol ko sa sinasabi ko "i mean, wala namang kaming relasyon nung mga yun. ayun! ayun ung sabi ko. sige na bye!" habol ko pa at nagmadaling pumasok sa gate ng apartment. nagmadali na ko habang nakikita ko pa syang nakatulala at hindi pa nakakabawi sa sinabi ko. Ang Bobo mo naman kasi Nicole ih! asan na ung goal mo na tutulong ka kay mama?! ayaw ng distraction? ano pa?! paano pa ih! umaamin ka na! "Hoy! Denzie Nicole!" rinig king tawag nya sakin pero nagmadali na kong pumasok ng bahay para wala ng confrontation na maganap.. ramdam ko na din kasi ung pisngi ko na namumula sa sobrang hiya! Argh!! "oh? okay ka lang ba anak? bakit nagmamadali ka? may humahabol ba sayo?" sunod sunod na tanong ni mama nang makapasok ako. "wala po. ahm! akyat na ko ma. busog pa po ako di na po ako kakain. hehehe. bye, good night! i love you po." sabi ko at halik sa pisngi nya dali dali naman akong umakyat sa kwarto kasi naman baka biglang kumatok si Daniel dito! lah! yari talaga! pagpasok ko ng kwarto dumeretso ako sa bintana. tinignan ko kung umalis na si Daniel, pero isa pa iyong pagkakamali! kasi nakatingin din sya dito sa kwarto ko! ewan ko kung nakita nya ko basta pagsilip ko nakangiti sya.. Sumilip na lang ako ulit at hindi nga ako nagkakamali! nakangiti sya.. pero hindi nya ko kita.. Tinitigan ko lang sya at hinayaang magstay sa labas. "Tama nicole! walang masama na nadulas ka o naamin mo na sya lang naman noon pa. Basta focus tayo sa goal natin. Tama! Kaya natin to.." sabi ko sa sarili mo na may patapik tapik pa sa dibdib sumilip ako ulit at andun pa din sya tapos kinakalikot ung phone nya.. 'Gwapo talaga nito kahit sa malayo' sabi ko sa isip ko.. ayan! dahil dyan kaya tayo napapahamak ih.. naputol ang pag iisip ko dahil sa tumunog ung phone ko. May nagtext.. Pagtingin ko, napatingin agad ako sa bintana.. nagtext ang loko! From: Niel Unfair! After the confession you made, you left me here confuse.. But i need an answer, do i heard it right? ako lang noon pa? D... answer me please... di ako aalis dito.. Ako pala ung tinitext nya.. teka! narinig naman pala nya ih.. bakit nagtatanong pa sya atska edi wag syang umalis... hahahaha. jk! di ko kaya na andyan lang yan. To: Niel Hoy! umuwi ka na.. Ou na. tama na ung narinig mo. kaya wag ka na magselos sa mga un.. Kabanda at kasama ko lang un sa Org.. uwi na. Ingat ka! ?? ilang beses kong binasa to bago ko isend sa kanya.. tas tumingin ulit ako sa bintana.. para naman nanalo sa lotto ung lalaking to sa laki ng ngiti nya habang siguro binabasa ung message ko.. after nya basahin tumingin ulit sya sa bintana at alam kong nakita na nya ko kasi kumaway sya, kumaway na din ako pabalik. 'uwi na! ingat!' i mouthed to him and he just nod but before he gets in to his car, he look at me again and mouthed 'i love you' with smile. i just smile back and bid my goodbyes.. then he gets in and drive away.. maybe it's not really bad to confess my feelings to that guy but i really need to focus in my goals than to have a relationship with Daniel.. Naglinis na lang ako ng katawan, pagkatapos nagsuot ng headset to sipra the song i choose. Unti unti na kong dinadalaw ng antok pero nagising ung diwa ko kasi nagmessage na naman si Daniel From: Niel Goodnight my dear nicole.. i love you! hindi ko talaga alam kung paano matutulog ngayon dahil sa confession mo.. sobrang saya ko! di nya alam kung paano matutulog? madali lang naman. humiga tas pumikit! hahaha To: Niel Sira! madali lang matulog, humiga ka tas pumikit.. Hehehe. Goodnight din. pagkasend ko, isang minuto lang tumunog ung phone ko, tumatawag si Niel Niel Calling..... [Hey! still awake? may ginagawa ka pa?] bungad nya pag sagot ko sa tawag "hm. nakikinig lang ng kanta para sa praktis bukas.." nahihiyang sabi ko ano ba yan.. naiilang ako. Umamin lang naman ako ah.. [what song? kakanta ka?] tanong nya sakin "Brick by Boring Brick by Paramore. Yep! kakanta ako. Hehehe" sagot ko sa kanya [maganda un panigurado! maganda ka ih..] sabi nya sa kabilang linya nakaramdam naman ako ng pagiinit sa pisngi ko at ung puso ko parang kasali sa racing! ang bilis bilis.. "Tigilan mo nga.. parang sira to!" saway ko sa kanya Tinawanan naman nya ko at ang sarap nun sa pandinig.. lagi naman.. siguro dinedeny ko lang talaga.. [i bet you're blushing! Hahahaha. s**t! ang ganda mo panigurado! dapat pala di ko na inimagine.. i miss you already!] sabi nya at naririnig ko pa syang gugulong sa kama nya. "Ay! sinabi nang tigilan ih.. bababaan kita!" pananakot ko sa kanya [Hey! that's a joke! wag naman babe..] sagot nya at ako naman ang natawa Kasi naman pakiramdam mo na pout sya tapos naiimagine ko. Ang cute nya!! sarap pisilin ng pisngi! Teka! kelan ka pa natutong lumandi Nicole? sinasabihan mo sila kim tas ikaw din naman pala.. Minsan lang ih.. "Babe ka dyan! Hindi ako baboy nuh?! sexy ko kaya." sagot ko with matching irap pa kahit hindi naman nya makikita. [Yep! i know that.. ewan ko nga ba? andami mo kumain minsan pero ang ganda ng katawan mo. Saktong sakto lang sayo! I wish i can hug you D..] bigla namang lumungkot ang boses nya Di pa ko nakakasagot nagsalita ulit sya, na nagpatigil sa pag iisip ko... [D.. can i court you.. please say yes.. i dying to hear your yes and you to be my girl] parang nagmamakaawa nyang sabi ewan ko pero... dapat ba? okay lang ba? hindi ba makakasagabal? paano ung goal ko? paano pagnaging distraction ung relasyon namin? kakayanin ko ba? pero imbis na pagbawalan ko sya o kung ano pa.. anim na salita ang nasagot ko sa kanya.. "bakit? hindi ka pa ba nanliligaw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD